Ka-video call ko ngayon si Mama. Maaga talaga akong gumising para maabutan ko pa siyang gising. Sabi niya madalas siyang busy sa pag-aalaga sa anak ng amo niya kaya last month pa ang huli naming pag-uusap. Matagal na rin yun kaya sabik na sabik akong makausap siya. Kahit may tampo ako sa kanya, iba pa rin yung pakiramdam kapag kaharap ko na siya. "Ano nga ulit yung sinasabi mo, Nak?" "Sabi ko po, payagan niyo na 'ko pumunta dyan sa Italy. Mas malaki sweldo ng mga nurse dyan kaysa rito sa Pilipinas. Kapag pinayagan niyo 'kong pumunta dyan, hindi na tayo mamomroblema sa tuition fee ni Cy at Bea. At saka, malapit na po gumraduate si Bea, Ma. Mahal ang mga gastusin sa college, lalo na't gusto rin daw maging nurse ni Bea. Payagan mo na 'kong pumunta dyan, Ma, please?" Matagal na namin iton

