"Anong salamat? Hoy, wala nang libre ngayon! Maniningil ako ng refund baka akala mo!" Pinandilatan niya ito ng mata. "Grabe naman 'to! Sige na nga babayaran ko na lang. Sama-sama talaga ng ugali mo. Magkano ba iyon?!" may kasabay na singhal niyang tanong. "One thousand five hundred," pasimple nitong tugon sabay halukipkip ng mga braso nito. "One thousand five hundred?!" gulat niyang sambit. Pagkaraan ay tumawa siya nang may panunuya. "Ako'y huwag mong pinagloloko, Jeffry. Ilang beses na akong nagpupunta rito kaya kabisado ko na ang pamasahe papunta rito. Aba'y balak mo pa talaga akong kutungang kulugo ka." "Alam mo na pala, eh, bakit mo pa tinatanong sa akin?" Tila balewala lamang dito ang kanyang reaksyon. "Ang sa akin lang naman ay baka may dagdag iyon dahil sa dami ng aking dala

