Halos hindi na siya magkandaugaga sa dami ng kanyang mga pinamili. Hirap na hirap man sa pagbitbit ay nagpatuloy pa rin siya sa pag-iikot upang kompletuhin sa pagbili ang mga nasa kanyang listahan. Hanggang sa nakahinga na rin siya nang maluwag dahil sa wakas ay natapos na rin siya. Iyon nga lang, madim na paligid ang sumundo sa kan'ya nang siya'y lumabas. Nasisiyahang inilagay niya sa loob ng traysikel ang lahat ng kanyang mga pinamili pagkatapos ay siya naman ang pumasok sa loob. Habang binabaybay nila ang daan patungo sa bahay nina Ate Dulce ay napag-isip-isip niyang iba't ibang karanasan ang naibibigay sa kan'ya ng kanyang trabaho dahil sa maya't mayang pagkadestino niya sa iba't ibang lugar. Samo't saring ala ala mula sa mga taong panandalian lamang niyang nakakasama, mga taong ang i

