Hindi pa rin makapaniwala si Miles kinabukasan sa naging usapan nilang dalawa ni Jeffry kagabi. Lutang ang kanyang pakiramdam nang pumasok sa trabaho. Datapwat nahilo na gawa ng kalasingan ay malinaw pa rin sa kan’ya ang lahat ng pangyayari kagabi. Parang nais tuloy niyang magsisi sa kahangalang pasya na kanyang binitawan. Gayun pa man ay nagtataka siya sa kanyang sarili dahil kahit pa sa kalagitnaan ng kanyang pagdadalawang-isip ay may kaunting saya at pananabik siyang naramdaman sa kanyang puso. Si Jeffry kaya ang rason nito o dahil nasolusyonan na rin sa wakas ang kanyang suliranin? Kaharap ang kanyang computer ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Para siyang timang na nakatutok ang mga mata sa monitor pero wala naman doon ang kanyang isipan kun’di lumipad na sa ibang dimensi

