Lagpas alas diyes na ng gabi nang siya'y magpaalam sa mag-asawang Clark at Janine. Balak pa sana siyang ipahatid ng mga ito sa pag-aakalang nalasing siya ngunit sa dami ng kanyang nakain ay hindi siya masyadong natablan sa alak na kanyang nainom. Parang normal lang ang kanyang pakiramdam habang nagmamaneho kaya binilisan niya ang takbo ng sasakyan lalo't lumuwag-luwag na ang kalsada sa mga oras na iyon. Pagpasok pa lamang niya sa building ay agad siyang binati ng naka-duty roong guard. Ngunit ang kanyang ikinagitla ay ang karugtong ng sinabi nito. "Ma'am, nagpunta po pala dito iyong pogi na kaibigan ninyo. Itinanong niya kung nakauwi ka na raw po ba. Ang sagot ko naman po sa kan'ya ay hindi pa." Sa iminungkahe nito ay bahagya siyang natigilan ng ilang segundo. Napaisip siya sa taong

