"Kumusta ang trabaho?" panimula niyang bukas ng mapag-uusapan kahit nasa kalagitnaan siya ng pag-aalburuto ng kanyang dibdib. Bago sumagot ang kanyang katabi ay pansin niyang bahagya nitong niluwagan ang suot nitong necktie saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Lately, it's been tough and nerve-wracking," tipid nitong sagot. Hinintay niyang dugtungan pa nito ang sasabihin sa pamamagitan ng pagkwento nito tungkol doon ngunit nanatili na itong tahimik. He's not talkative this time and his impassive face is palpably shown. Sa kanyang nasaksihan ngayon ay tila umurong ang dila niya na muli pang usisihin ito lalo pa't halatang hindi naman ito ganadong makipag-usap sa kan'ya habang lulan sila ng sasakyan nito. Subalit sa kalagitnaan ng kanyang pananahimik ay biglang dumagundo

