"Miles, I want to get straight with the topic. Alam kong naging padalos-dalos ako sa naging pahayag ko noong gabing pinabatid mo sa aking nangangailangan ka ng taong makapagbibigay sa iyo ng anak," panimulang salaysay nito. Lihim siyang napapalatak. Ito na nga ba ang hula niya kanina pa. Hudyat na ba ito na sisinulan na nila ang pagbuo ng magiging anak niya? Nilang dalawa? Bagama't kinakabahan ay may kahalong pananabik siyang nakinig sa mga sumunod pang sinabi ni Jeffry. "We were both drunk that night kaya hindi ako sigurado kung naging malinaw ba sa iyo ang pagpresenta kong iyon o kung naalala mo pa ba ang iyong mga sinasabi noong sandali ring iyon. Let me tell you that everything was absolutely clear to me until now. Inspite of this, I still want to let you know that I am considerate

