"Pag-iisipan ko muna," tanging wika niya gawa ng magulong utak. Kinakailangan talaga niya itong pag-isipang mabuti dahil hindi biro ang huling nais nito. Pinangangambahan niyang baka sa huli ay pagsisisi ang kanyang matamo dahil hinayaan niya itong makapasok sa bihay niya at ipagkaloob ang sarili kay Jeffry. "Alright. I'll give you time to think. I guess one week is good enough, right?" Unti-unti nang nagbago ang tono ni Jeffry. Hindi na iyon kasing tigas at lamig kanina. Ngayon ay tila may kahalo na iyong lambing. "Maybe." Gaya nga ng isinaad ni Jeffry ay binigyan siya nito ng isang linggo upang pag-isipan ang kanilang napag-usapan. Ang magandang bagay rito ay hindi siya nito ginugulo sa buong panahon ng kanyang pag-iisip na siyang nakakapanibago sa kan'ya. Minsan ay napapagawi ang isi

