Nagmamadaling tumayo si Nanay Romana upang silipin kung si Jeffry nga ang dumating. Siya ay nanatili lamang sa kanyang kinauupuan ngunit nagsimula ng matuliro ang kanyang isipan kaya hindi na niya nagalaw pa ang kanyang pagkain. Habang nakikiramdam sa mga pangyayari sa labas ay sinimulan na niyang ihanda ang sarili sa magaganap mamaya. Sakali man na hindi nabasa ni Jeffry ang kanyang mensahe ay ngayon na lamang niya personal na ipabatid na kakausapin niya ito nang masinsinan. "Ate, hindi na po ninyo ginagalaw ang inyong pagkain. Kumain ka na po ulit. Huwag na ho ninyong pansinin sila dahil pupunta rin naman ang mga iyon dito ngayon," pukaw sa kan'ya ni Dong na kanina pa pala napansin ang hindi niya paggalaw sa mga pagkain sa kanyang plato. Agad siyang natauhan at nahihiyang ngumiti. Nah

