Chapter 6
TASY's POV
Nasa harap ko ang lalaking matagal ko nang inaasam na makita.
"Anastasia" He said while smiling, I felt my body shiver! His voice got more matured, his body too.
"Theron" I replied.
Tulala pa rin ako sa kaniya habang siya ay nakangiti sa akin! Gosh!
Nangunot ng dahan dahan ang aking noo at nag salubong ang aking kilay nang mag sink in sa akin kung sino ang nasa harapan ko!
My face turned cold and serious, i calmed my self before asking him "Why are you here?" I said seriously.
Nawala ang kaniyang ngiti, nag iwas naman ito ng tingin sa akin. Kitang kita ko ang paglikot ng kaniyang mata sa kung ano-anong bagay, tila nag hahanap ng sagot sa aking tanong.
"I.... i miss you" I felt my heart ache for a bit.
"Should i care?"
"Tasy" Naglalambing ang kaniyang tono, sinubukan pa nitong hawakan ang aking pulupulsuhan.
Pero nilayo ko ito sa kaniya.
Ngunit bago ko ito malayo ng tuluyan ay naramdaman ko ang mainit ng palad sa aking siko, nawala ang aking pagtitinong isip ng maamoy ko ang pamilyar na pabango.
Nilingon ko ang aking siko, kung nasaan ang kamay. Unti unti kong inangat ang aking paningin,
Macsimo.
"Macsimo" i said softly.
Hindi ito lumingon sa akin, nanatili ang tingin nito kay theron, "Macsimo" nilakasan ko ng ka-onti ang aking boses.
Nagsisimula na akong mainis! Ano ba ang problema niya?!
"Bitawan mo ako, mac" nagpupumiglas ako sa hawak niya ngunit lalo niya itong hinihigpitan, ngunit sa hindi ako nasasaktan na paraan.
"Who are you?" Natigilan ako sa pagmumupiglas ng nagsalita si Macsimo.
"Theron Jace Lim"
Sinulyapan ko si Macsimo ng naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw niya sa aking siko.
"Who are you?" Tanong ni Theron pabalik kay Macsimo
Sinulyapan ako ni Mac sandali bago ibalik kay Theron ang kaniyang paningin, dinilaan nito ang kaniyang ibabang labi bago magsalita.
Fuck, that's hot!
"Macsimo James Santos" pormal na tonong sagot ni Mac
"Can you excuse us? We have classes to attend" ramdam ko ang lamig sa boses ni Macsimo, problema neto?
"Ahh! Ok" tumango si Theron kay Macsimo, bumaling ito sa akin
"Let's talk later, baby" He smirked and gave me soft kiss, Sa lips ko!
OMG! This! Argh!
"What the—" bago ba ako makapag reklamo ay tinalikuran na kami nito!
"Sweet, huh?" Nabalik ako sa aking katinuan ng nagsalita si Macsimo!
Don't tell me! Nakita niya yon?! Ano ang iisipin niya?!
"Hinde.. ano... " sinubukan kong magpaliwanag sa nakita niya ngunit tinalukuran lang ako nito!
"Hoy! Hintayin mo ako!" Sigaw ko, tumakbo na rin ako at sinundan si Macsimo. tumigil ako ng bigla itong tumigil
"b-bakit ka tumigil?" sinulyapan ko ang kaniyang mukha. ng magsalubong ang aming mata ay matalim niya kong tinitigan!
hala?!katakot ka ha! bat ganyan tingin neto?! tsh!
"bakit ka ganyan tumingin s-sakin?"
lumunok ako ng marahan ng bumaba ang paningin neto sa aking ilong papunta sa aking labi, naramdaman ko ang pabilis na t***k ng aking puso!
the hell Tasy?! ikalma mo sarili mo!
nagsalubong muli ang paningin namin ngunit nag iwas agad ako ng tingin dahil naiilang na ako! sino ang di maiilang sa tingin niya?!
putcha! bahala na si Batman!
mabilis akong tumalikod sa kaniya at pumikit ng mariin ng maalala ang titig niya sa labi ko!
Anastasia ano ka ba?! wala lang yun! si Issa ang gusto niya!
wag kang hibang, baka masaktan ka nanaman.
umiling na lang ako sa aking naisip at hinarap muli sa Macsimo para magpaalam, "uhh, una na ako. dala ko kotse ko" tumingin ako sa gilid at tinuro ang kotse kong nakaparada, ngunit nagulat ako ng makita ang kotse sa likod.
kay Macsimo iyon ah! yung BMW na dala niya nung nagkasabay kami sa parking lot at nag usap sila ni issa!
kanina pa ba siya andito? narinig niya kaya ang usapin namin ni Theron?
eh ano naman kung narinig niya diba?! wala na siya don!
"sige" nabaling ang atensyon ko ng magsalita si Macsimo, dahan dahan akong tumango at tumalikod.
naglakad ako papunta sa aking kotse, kinuha ko ang aking car key sa bulsa at pinindot iyon.
nang tumunog ito ay binuksan ko ang pinto sa driver's seat. bago ako pumasok sa kotse ay sinulyapan ko ang kotse ni Macsimo ng marinig bumukas ang pinto nito.
nagtama ang paningin namin at nagsimula nanaman bumilis ang t***k ng puso ko! ako ang unang nag iwas ng tingin at pumasok na sasakyan.
binuksan ko na ang makina at nagsimula ng magmaneho papunta sa school.
habang papunta ay nakikita ko sa rear mirror ang kotse ni Macsimo na nakasunod sa likod.
Nang marating namin ang school ay nagdalawang isip pa ako kung baba ako ka agad at mauuna ng pumasok! s**t!s**t!
nag park si Macsimo katabi ng aking kotse, napalunok ako ng marahan ng bumaba ito at pumunta sa tabi ng window.
i sighed. inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa kotse at harapin si Macsimo.
magkasalubong ang kilay niya at nakakunot ang noo ng harapin ko ito, mukhang problemado?
"mukha kang p-problemado" tumawa ako ng mautal ako sa huli sinabi, whew! bakit ba ako nauutal?
umiling siya at ngumiti sa akin "tara na"
tumango at sabay kaming naglakad papasok sa school.
"HOY! MAC!TASY! HINTAYIN NIYO KO!" lumingon ako sa likod ng marinig ang boses ni Janica, kasama nito si Ian na ang laki ng ngiti sa labi.
nakita ko naman sa likod ng dalawa si Kim na magkasalubong ang kilay at mukhang may malubhang dinadanas, bakit yan ganyan? siguro walang nasagap na balita kaya problemado!
Nang makalapit ang tatlo sa amin ay nag tanguan si Macsimo at Ian, may pinagusapan sila at nauna ng maglakad sa amin.
sinabayan ko ng maglakad si Janica habang si Kim ay tulala pa rin, "problema non" hindi ko na kailangan pang ituro si kim ng sulyapan siya ni Janica
"Di ko rin alam eh" nagkibit balikat si Janica at tinuon sa daan ang paningin
"kausapin ko" tumango si Janica at nag pauna ng maglakad sa akin
"hoy? problema mo?" tanong ko kay Kim ay hinawakan ito sa siko, lumingon siya sa akin at ngumiti, umiling ito.
"wala ah!" pilit niyang ngumiti kaso nahalata ko ang pagkabahala sa mukha niya.
"ano nga? mukha kang nababahala eh" nawala ang ngiti sa labi niya at yumuko, "kwento ko nalang sainyo mamaya, ha?" ngumiti siya at hindi na yon pilit kaya tumango na lang ako at hindi na siya pinilit.
"may practice ba?" tanong ni Ian habang nagta-tap kami ng ID "Wala"
isinukbit ko sa aking leeg ang ID ko bago sagutin si Ian "malapit na intrams eh, pati may mga sasali sa atin sa mga laro baka matalo tayo"
"k fine" sagot nito sa akin at tumabi na kay Janica
habang naglalakad kami ay tumabi sa akin si Macsimo, tinignan niya ang wrist watch niya at sumulyap sa akin, nagtama ang paningin namin.
"Let's talk, later."
Tasy's POV
"Lets's talk, later" mabilis akong tumango at ngumiti sa kaniya, he smiled back.
nagpatuloy kami sa paglalakad, pumunta kam sa locker area at kumuha ng gamit para sa buong araw. nagulat ako ng pagsara ko ng aking locker ay nasa tabi ko na si Vincant at nakahilig sa mga katabing locker.
"goodmorning! sunshine!" magiliw nitong sabi at tumawa, hinampas ko ang braso nito dahil sa pangugulat niya sa akin "kingina ka! nagulat ako sayo!" pinalo ko pa ng isang beses ang braso niya bago makitawa, tsh! aga aga lakas ng tama nitong si Vincent.
habang nagtatawanan kami ni vincent ay dumaan si issa at tumigil sa harapan namin dalawa, nakangiting aso ito at tila tanga! "bagay kayo! you know what Tasy? kayong dalawa nalng ni kuya! tutal lonely siya at may gusto--" natigil sa pagsasalita si issa ng biglang dumating si kuya at tumabi sa kaniya, kaharap namin.
"bawal yan mag-jowa." seryoso ang tono nito, sumulyap ito sa gilid, sinulyapan ko naman kung san ito at nakita kong nagkakatitigan sila ni Kim, naputol lang iyon ng biglang humarang si france at kinuha ang libro ni Kim, tinutulangan ata.
"Guys una na kami ni f-france" paalam nito sa amin, may problema talaga toh eh. eto naman si Janica nakikipag harutan kay Ian, malalandi tong mga toh! ako nalangwalang lovelife, wala nga ba? hehe joke.
"sabay na ako sainyo ng LOVE mo, Kim" pang-aasar ni Janica kay kim, inirapan lang siya nito at tumingin, she mouthed 'mamaya' nagets ko naman iyon at tumango sa kaniya. sumulyap ito kay kuya bago tumalikod
"una na rin kami, kuya" tumango ito sa akin, umalis na ako doon at nagpatuloy sa paglalakad
ramdam ko ang pag sunod sa akin ni Macsimo kaya binagalan ko ang aking lakad para masabayan ito, whew!
"A-ano nga pala pag uusapan natin m-mamaya?" tanong ko, tumungin ito sa akin.
nagsalubong ang aming mata at sabay kaming nag iwas ng tingin! m-medyo awkward! medyo lang!
"ehem" nagkunwari akong umubo at pa-simpleng tumingin sa kaniya ngunit nakatingin pala ito sa akin! hala!
agad akong nag iwas ng tingin, huminga ako ng malalim at pumikit.
hay nako Anastasia! nakakahiya ka talaga! umiling ako habang nakapikit, pero...
napadilat ako ng bigla akong natalisod! susko po! O M G!
"WAAAH" sigaw ko pa pero bago ako tuluyan madapa ay naramdam ko ang pagsalo sa akin ni Macsimo, lumunok at umayos ng tayo.
BAKIT BA AKO LAGING NADADAPA PAG KASAMA SI MAC?!! NAKAKAHIYA!
Nang tuluyan akong maka-ayos ng tayo, hindi ko maharap si Macsimo sa kahihiyan! hays..
"tsk, tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. kung sino-sino kasi iniisip mo" inirapan muna niya ako bago ako iwan at umuna ng lumakad.
"HUY! teka!" humabol ako sa kaniya, binagalan niya naman ng onti ang lakad niya, narealize ko rin na nasa tapat na pala ako ng classroom ko.
"sungit" bulong ko sa sarili ko at tuluyan ng pumasok sa classroom, pag ka bukas ko ng pinto ay ang ingay!
"nyenyenye"
"corny mo"
asaran ng iba kong classmate, ang kukulit tsk!
naglakad ako patungo sa upuan ako at nadatnan ko si Janice na katabi si Kim, may ginagawa ata.
inilapag ko ang aking bag at nilagay ang gamit sa book shelf. "Kumokopya si Kim ng assignment! di niya daw nagawa kagabi kasi daw 'busy' siya!" reklamo ni Janica
"mama mo busy! sabi ko nakalimutan hindi busy! puro ka kasi Ian! pati pandinig mo ata si Ian ang laman." pang-aasar ni Kim habang nagsusulat pa.
iingay neto, tsk
"WOW! ikaw puro ka France! patapon kaya kita sa FRANCE?!" tumawa si Janica sa sariling biro
"patapon mo sarili mo, ikaw nakaisip eh!" kinuha naman ni Janica ang libro nito kay Kim.
nagpatuloy sa pag aasaran ang dalawa, habang ako ay nakikitawa lang at minsan nakikisabat rin.
"eto si Tasy puro tawa! gawin kitang tinapay eh" sabat ni Janica
"corny mo, tanga" sabat ni Kim
"ingay niyo po!" reklamo ko at inirapan sila
dumating naman si alexia at nakipag biruan na rin sa dalawa.
dumating na rin si Milka at halatang problemado, bakit ba lahat ng tao ngayon eh tila problemado? tsk.
nilapitan ko ito "what happened?" ngumiti ako sa kaniya, ngumiti naman ito pabalik bago umiling.
"tsk! nakakainis kasi eh!" bigla nitong sigaw at padabog na nilagay ang gamit sa kaniyang upuan.
narinig namin ang second bell kaya unti-unti na rin nagsibalikan ang mga classmate ko sa kanilang upuan. nang mag bell muli ay hudyat na ng FLAGCEM.
ginawa namin ang morning routine at nagdiscuss ang mga prof.
"So, before we end our class, ipapaalala ko lang sa inyo na malapit na ang intramurals."
"nice"
"woohooh"
"very good and very nice"
katnyaw ng mga classmate ko,
"Class! settle down!" humupa naman ang ingay sa room kaya nagpatuloy si Mrs. Garcia.
"make sure na may sasali sa inyo sa sports!" sigaw nito at nagligpit na ng gamit.
"class dismissed" tumayo ang mga classmate ko at ang iba naman ay lumabas.
Lunch namin ngayon at dahil wala naman practice ay baba kami sa Cafeteria, hinintay ko sa tapat ng pinto ang mga kaibigan ko at ng mainip ay lumabas na.
Nang buksan ko ang pinto at lalabas na sana ay bigla kong nabunggo ang isang papasok! tsk! sino ba ito?!
a-ang bango! pero parang na-amoy ko na ang pabango na ito!
hala! "macsimo!" sa gulat ko ay napaatras ako pero meron pa lang isang maliit na step kaya muntik na akong napa-upo!
pero... sinalo ulit ako ni Macsimo, tsk! hawak nito ang siko ko, dahan dahan akong napatingin sa kaniya at nagsalubong naman ang aming mata.
ano ba yan Anastasia! pangalawang beses na! HAY NAKO! nakakainis naman eh!
umayos ako ng tayo at humarap sa kaniya, binasa ko ang aking pang ibabang labi at tinignan si macsimo.
nang tignan ko ito ay nakatingin ito sa labi ko, nanlaki ang mata ko roon kaya pinagsiklop ko ang labi ko! awkward!
nang tignan ko ulit siya ay tila gusto nitong ngumiti at nagpipigil lang ito, anong nakakatawa don?! tsh!
"pfft" muntik na itong tumawa ngunit pinandilatan ko itong ng mata! tsh! wag siyang tatawa! susungaban ko siya!
tinignan ko ito ng masama kaya naman unti-unting sumeryoso ang mukha nito, tsh!
"wag mo nga akong pagtawanan! di naman kasi yon nakakatawa eh! bakit ba kasi nandiyan ka sa harap ng pinto?! sino ba kailangan mo?! harang ka diyan eh"
"ikaw lang naman kailangan ko" sagot niya!
hindi ko agad nakuha ang sinabi niya! ano daw?! bakit ako?!
"a-a-ano?!" sigaw ko habang nauutal pa!
yumuko ito habang may ngiti sa labi, ang gwapo.
nang tumingin ito sa akin ay sumeryoso ang mukha nito
"sasaluhin kita pag nahulog ka"
"hah? saan?" takang tanong ko
"mahulog sa akin"
Macsimo's POV
"MAHULOG SA AKIN" s**t Macsimo! that's cheesy! Umiling ako at pinigilan ang ngiti, kahit ako ay nakokornihan sa sarili kong banat.
"Luh? Baliw ba toh?" Bulong ni Tasy sa sarili niyo ngunit ay rinig ko pa rin, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kaniyang mga labi kanina.
Kaya ko siya nakita kanina sa tanawin ay nasa likod niya lang ang aking kotse, sinundan ko siya pero hindi ko naman inaakala na makitang may kausap itong lalaki.
Nakaramdam ako ng inis sa lalaki o Theron daw, hindi ko rin maintindihan ang aking sarili sa mga nagdaang linggo.
Simula ng sinabi ko kay Tasy ang nararamdaman ko, minsan na lang kami magusap, naiilang na rin ako sa presensya niya!
"Excuse me?! Nakaharang kayo" Nabalik lang aking wisyo ng marinig si Alexia na nasa likod ni Tasy, nakataas ang kaniyang kilay.
Nagpabalik-balik ang tingin nito sa akin at kay Tasy, dahang dahan sumilay ang ngiti nito, anong nasa isip nito?
"Kayo ah! yieeeee!" Pang-aasar nito sa amin, nanlaki ang mata ko at pinigilan ang aking ngiti, nagugustuhan ko ang pang-aasar ni Alexia.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Tasy at nakita na namumula na ang mga pisngi nito! Bakit ang cute niya?
"Ano ka ba Alexia! P-parang kang ewan!" Utal na sagot ni Tasy sabay sulyap nito sa akin, nagtama ang aming paningin kaya naman namula lalo ang pisngi nito.
"Hahaha" mahina kong tawa kaya naman sinamaan ako ng tingin ni Tasy kaya tumigil ako sa pagtawa at pumalit at seryoso kong mukha.
"Wag kang tumawa" banta nito sa akin at nilagpasan ako, sumilay ang ngiti ko. Hindi ko napansin na nasa harapan ko pa rin si Alexia at nakangiting aso ito.
"Don't hurt Tasy, okay" Sumeryoso ang mga mukha nito, nagtaka ako sa sinabi niya kaya tumango na lang ako,
Hindi ko kayang saktan si Tasy.
Tumango ito at nilagpasan na rin ako. Nagkibit balikat ako at huminga ng malalim, I'm sure I won't hurt her.
Siya lang ang nakapaghilom ng sugat ko sa puso, siya lang.
"Uy! Macsimo James Santos!" Binanggit ang buong pangalan ko kaya lumingon ako kung saan nangaling ito, Issabella.
"Why are you here?" Tuluyan na itong nakalapit sa amin, nagsimula akong maglakad papunta sa Cafeteria, andoon sila Tasy.
"Ha? Wala" sagot ko sa kaniya.
"Nasa baba ang classroom ko, eh" tumingin ako rito at nakanguso ito, hinanap ko ang nararamdaman ko sa kaniya dati pero wala.
Walang saya sa puso ko, walang uod sa tiyan ko, wala lahat.
Ang pinagtataka ko ay tuwing kasama ko si Tasy ay higit pa sa nararamdaman ko kay Issa.
"Anong gagawin ko?" Sagot ko rito kaya napatingin ito sa akin at napilitang tumawa, para siyang natatae.
"Ikaw talaga!" Tumawa ito ng pilit pero nang umalis ang tingin niya sa akin ay nakita ko ang iritasyon sa mukha niya, anong problema nito?
"Sinundo mo si Tasy?" Nagulat ako sa tanong nito, malapit na kami sa cafeteria, isang hagdanan na lang ay nandoon na kami.
Napatigil ako sa aking paglalakad at lumingon sa kaniya, naghihintay ito ng sagot sa akin.
"Oo" simple kong sagot, hindi ko naman maitatanging sinundo ko si Tasy sa Room nila dahil obvious na yon. Hindi naman sila Ian ang susunduin ko dahil nasa iisang klase lang kami.
Pero hindi ko alam bakit bigla akong dinala ng mga paa ko sa Room nila.
Nang tignan ko ulit ito ay malungkot at mukha niya at nakanguso ito. Dati ay hilig ko siyang halikan tuwing ngunguso siya ngayon ay wala na. Siguro nga ay nakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko sa kaniya. At hindi ko alam kung handa pa ulit akong pumasok sa isang relasyon, alam kong pagkakaibigan lang ang turing ko kay Tasy at wala nang iba kaya hindi ko na papansinin ang kakaibang nararamdaman ko sa kaniya, malinaw sa akin na kaibigan lang ang turing ko rito.
"Gusto mo ba siya?" Hindi na ako nagulat sa itinanong ni Issa, Tumatanggi ang isip ko ngunit parang may iba akong nararamdaman sa puso, kaibigan lang ang turing ko kay Tasy.
"Hindi, kaibigan lang ang turing ko sa kaniya, huwag kang mag-alala" Umaliwalas ang mukha niya at nagulat ako nang bigla itong yumakap sa akin,
"Alam kong ako pa rin ang gusto mo, sorry sa mga nagawa ko sayo. Balik ka na sa akin, please?" Sabi nito habang nakayakap pa rin sa akin.
Hinintay kong may kumirot sa aking puso pero wala, wala na talaga. Wala na akonng nararamdaman sa kaniya.
Hindi ako sumagot kaya humiwalay ito ng yakap sa akin, ngumiti ako sa kaniya at ganoon rin siya sa akin, i sighed.
Nang makarating kami sa Cafeteria ay nahagip ko si Ian at Will sa isang table, mahaba ang table na nakuha nila. Marami na rin kasi ang tao sa Cafeteria.
Lumapit ako sa kanila at umupo, wala na si Issa kanina dahil nakita niya ang kaniyang mga kaibigan kaya nag paalam ito sa akin at pumunta sa kaniyang mga kaibigan.
"Nakita ko kayo ni Issa magkasama! Nako!" Pangatyaw ni Will sabay tapik sa balikat ko at hinampas pa nito ang lamesa, umiling ako sa kaniya at nginitian pa.
Nang una ko silang makasabay kumain ay nakita ko si Tasy habang pabalik kami, hindi ko alam pero bigla na lang siya umalis sa table nila, yun rin ang araw kung saan binigyan ko ng mga bulaklak si Issa at akala ko ay babalikan niya na ko sa kabila ng ginawa nito sa akin pero hindi, simula noon ay nagbago na rin ang tingin ko sa kaniya.
"Wag kayong epal diyan, wala lang yon. Usapang kaibigan lang" Tinignan ako ng dalawang kupal na parang hindi sila naniniwala sa akin, tignan mo itong dalawa ito! Tsk.
"Para kayong mga tanga pre. Etong si ian ang asarin mo dahil hindi na torpe kay Janica" pagkasabi ko ng pangalan ni Janica ay bubuka na sana ang bibig ni Ian pero bigla itong napatigil ng marinig ang boses ni Janica.
"Hoy! Pinaguusapan niyo ba ko? Crush niyo ko noh?" Umupo ito sa kabilang side kaharap nito si Ian na ngayon at tila tangang namumula ng bahagya, ganito pala mahiya itong si Ian?
"Torpe ka! Pre!" Tumawa si Will habang nakahawak pa ito sa kaniyang tiyan, nakitawa ako dahil kita na nahihiya si Ian sa pang aasar namin sa kaniya kay Janica ng Harap-harapan.
"Manahimik ka Will, Busted ka lang kay Faye eh!" Si Will naman ang inaasar ni Ian ngayon, ginagantihan.
"Ang iingay niyo, rinig ko kayo kahit naka pila ako" Tila naestatwa ako ng marinig ang boses ni Tasy, ano ba ang nangyayari sa akin? Tsk.
Umiling ako at hindi na pinansin si Tasy na umuupo sa harapan ko, nakikipag usap ito kay Mikayla,
"Alam mo, marupok ka kasi kaya ka nasasaktan" rinig kong sabi nito habang nakatingin pa kay mikayla, nakikipag asaran pa rin ako kay Will at Ian pero rinig ko ang usapan ng dalawa.
"Harsh mo ah! Porket bumalik lang si Theron-" hindi na natuloy ni Mikayla ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Tasy ang bunganga nito, "ang ingay mo!" Mahina nitong sabi kay Mikayla, sumulyap ito sa akin at nanlaki pa ang mata niya habang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng dalawang kilay "ano?" Tanong ko rito, nakita kong gumalaw ang lalamunan nito, napapalunok pa nga.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa maganda nito mukha, napaka sarap titigan.
"uy! Si Mac nakatitig kay Tasy! Uy!" Nagulat ako ng bigla ang pang-aasar ni Mikayla, nakatingin kaming dalawa ni Tasy sa kaniya at pumula ang pisngi ni Tasy kaya lalo pa kaming inasar.
"Magkaibigan lang kami niyan" malamig nitong sabi at biglang umirap, problema nito?
Nakaramdam ako ng kirot ng banggitin niyang magkaibigan lang kami, magkaibigan rin ang tingin ko sa amin! Wala ng iba!
"Tsh baka kang" Sabi ko sabay ng