TASY's POV
"Tasy!" Tumatakbo na tawag sa akin ni Vincent inaayos pa nito ang bag niya dahil nalalag ito sa kaniyang balikat
Ngumiti ako sa kaniya at sinalubong siya "bakit?" Tumigil naman kami sa paglalakad ni macsimo nang nasa harapan na namin si Vincent
Ngumiti ito sa akin at lumipat ang tingin sa aking katabi
Sinulyapan ko din si Macsimo na nakataas na ang kilay at nakipag titigan naman kay vincent
"Vincent! Bakit" hinawakan ko ito sa siko
Nabaling naman sa akin ang atensyon nito, hinawakan niya ang kamay ko na nasa braso niya
Nailang ako sa kaniyang ginawa "l-luh?" Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit hinigpitan niya ito
"Vincent baka malate kami sa practice"
"Usap lang tayo saglit" ngiting tipid sambit niya
Lumingon ako kay Macsimo na nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Vincent
Siguro ay naramdaman niya ang titig ko sa kaniya kaya ipinilig nito ang ulo sa akin at tumungo
"Macsi-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay umalis na ito at dumiretso pababa sa building
Umiling ako at tumingin na kay Vincent, Kunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay
"Ano ba ang pag-uusapan natin Vincent?" Malapit kami ni Vincent
Ngunit ang kapatid naman nito na Issa ay tila mainit ang dugo sa akin
"A-ano" utal niyang sagot habang tumitingin pa ito sa paligid
"Ano?" Tila ako nagmamadali dahil sumusulyap pa ako sa dinaan ni Macsimo kanina
Tila umaasa ako na hinihintay niya ako, Tahimik si Vincent kaya tinignan ko ito
Nakatitig naman ito sa akin at may pagtataka ang expression nito
"Ano? Kala ko ay may sasabihin ka sa akin" ngumiti ako sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya daw
Umiling ito at tumingin sa likod, Ngumiti ito ng pilit at tumabi sa daan
Nagtaka naman ako sa kaniyang ginawa kaya nangunot ang noo ko at nagsalubong ang aking kilay
"Sige na, wala yun sa susunod na lang nagmamadali ka eh" tumango pa siya sa akin at nilagpasan ako
Umakyat ito sa floor namin habang umiiling pa
Nang nawala na ito sa paningin ko ay pinagkibit balikat ko nalang ito at nagtuloy tuloy sa paglalakad
Ngiti akong bumaba sa Quadrangle at inilipag ang gamit ko sa isang gilid
May mga sariling mundo ang iba at may sariling mundo nanaman ang mga chimosa kong kaibigan
Nasa harapan ito nang salamin habang inaayos ang kanilang mga damit at buhok
Tumatango pa ang ibang kasama nila doon siguro ay may bagong chismis nanaman ang nalaganap sa school
Wala naman akong masyadong alam na chismis
Sila Janica lang ang May resources kaya alam nito ang mga chismis, pffft
Kinuha ko ang ponytail ko at pumunta sa pwesto nila Janica
"San kayo nag punta?" Salubong ko kay Mikayla at Kim, nagkatinginan naman ang dalawa tsaka ito tumawa
"Saya sila" sambit naman ni Janica habang nakatingin sa dalawa inaayos pa nito ang tali niya sa buhok at umiling
Inayos ko na lang ang aking buhok, Nag bun ako at may mga nalaglag pa na onting buhok sa aking harapan
Tila ito messy bun, Naghugas ako ng aking kamay at umalis
Dumating na ang iba at kinukuha na nila ang mga gamit na instrumento
Nakita ko si Macsimo, buhat niya ang quad na gamit niya
Sumunod rito si Will habang hawak rin ang isang quad
Inilapag nila ito at inayos, Tumayo si Will at pumunta sa kaniyang gamit at may kinuha ata roon
Ibinalik ko ulit ang aking paningin kay Macsimo na kunot ang noo at magkasalubong ang kilay
Seryoso ito sa ginagawa niya
Lumalapit pa ako sa kanila
"Ayos na yan pre" niligpit ni Will ang ginamit nilang tools
"Di pa, Sikipan ko pa"
"Perfectionist ka talaga eh noh?" Tumawa si Will at umiling
"Pwede den"
Tumayo si Macsimo at pinagpag ang kaniyang tuhod, iniabot nito ang tool na hawak niya kay Will
"Try mo nga"
Ikinabit nito ang harnes at ibinuhat, nag drums pa ito saglit bago ibaba
"Ayos na yan" tumango si Will Habang nakatitig sa Drums nila
"Tsk, parang may mali eh" reklamo naman ni Macsimo habang sinusuri ang Drums nila
"Wala na yan! Tara na" Umalis na si Will sa tabi ni Macsimo
Inalis ko sa kaniya ang tingin ko at tumingin sa dinaraanan ko
Nasalubong ko si Issa na nakataas pa ang kilay
"Aray! Ano ka ba!" Itinulak ako ni issa kaya naman napa upo ako sa sahig
"Aray!" Unang tumama ang pwet ko! Ang sakit! Mammeh!!
Tumingin sa akin si issa, galit ata ito dahil namumula ang buong mukha nito
"Ano ba?! Bulag ka ba?! Kita mo nang dumadaan ako humarang ka pa! Are you f*****g blind?!" Sigaw nito sa akin
Tumayo ako at nagsalubong ang kilay ko dahil sa pag sigaw nito sa akin
Kumulo ang dugo ko sa kaniya! Nakakairita naman ito!
"What?" Irita kong sagot sa kaniya at pinagkrus ang aking mga kamay
"What the f**k did you say?" Mahinahon kong sambit habang nilalapitan ito
Mas matangkad ako sa kaniya kaya naman medyo naka yuko ang aking ulo
"I said you're f*****g blind!" Sigaw nito sa akin at lalong lumapit
Pinagkrus rin naman nito ang kaniyag kamay at tinaas pa lalo ang kaniyang kilay
"Edi sana hindi kita nakikita ngayon"
Humamba ang kamay nito na sasampalin ako ngunit nasanggi ko ito
"Oops! I told you hindi ako bulag" isinaggi ko ng malakas ang kaniyang kamay kaya naman medyo napaatras ito
Hinawakan nito ang kamay at tumingin sa akin
"How dare you!" Sigaw muli nito sa akin
"How dare me" inirapan ko ito at nagpatuloy sa paglalakad
That girl! Napaka init ng dugo sa akin! Sinadya niya ata na maapakan ko siya eh!
What a f*****g drama queen!
"Ano meron don kanina?" Tumabi sa akin si Alexia
"Ewan ko doon! Nagkasalubong kasi kami tapos bigla ko na lang siya naapakan! Ano yon magic?! Eh tumabi ako eh!" Irita kong sabi rito
"Chill! Para kang papatay eh! Yaan mo siya kala niya naman napaka ganda niya!"
"Bakit anong sabi ba sayo?" Tanong nito
"I'm f*****g blind daw! Sasampalin sana ako kaso nasanggi ko! Tas sinanggi ko ng medyo malakas kaya lalong nagalit! Ayon how dare me daw!" Kwento ko rito ng may aksyon pa
"Anong sabi mo?" Tanong muli nito, tila naaliw na muntik na akong mapaaway
"How dare me! HAHHAHA!" Tawa kong malakas kaya naman natawa ito
"Corny mo! HAHAH" humawak pa ito sa kaniyang tyan habang tumatawa
Narinig namin ang palakpak at nakita namin ang mga mentor na papalapit na
Nag stretching muna kami at nag practice na
Tapos na ang practice namin at sobrang sakit nanaman ng aking katawan!
"Bihis na tayo" yaya sa amin ni Kim at nagpauna na itong maglakad
Tumango na lang ako at sumunod sa kanila
Nagbihis lang ako ng maong shorts at Vans white t-shirt
Nag tuck-in ako at isinuot ang H&M belt ko
Hindi na ako nagdala ng sapatos dahil diretso uwi na rin naman ako
Except nalang kung magyaya sila na mag gala dahil wala naman pasok bukas
White rubber shoes ang aking suot kaya naman medyo bumabagay ito sa aking suot
Nag messy bun na lang ulit ako at nagpulbos ng onti
Mag shoshower rin naman ako sa bahay
"Oks na kayo?" Lumapit sa aking tabi si Kim
Nakasuot ito ng Vintage high waist pants at crop top sweater na kulay blue
White adidas shoes rin ang kaniyang sapatos
"San lakad mo?"
"Uuwi malamang" nagkibit balikat ito habang inaayos ang kaniyang gamit
"Wow? Naka porma ka pa" tumingin ito sa kaniyang suot at tumingin naman sa akin
"Hindi kaya" tumawa ito na tila baliw
Naka jumpsuit shorts and white t-shirt naman si Janica habang naka Messy bun rin
Naka denim skirt and grey shirt naman si Alexia
Habang si Mikayla ay naka Floral dress and Crop top denim jacket si Mikayla habang naka braid ang buhok nito
"Wow?! Saan kayo pupunta?!" Tanong ko sa mga ito
"Uuwi" Nagtataka naman na sagot sa akin ni Mikayla
"Ikaw san ka pupunta? May date kayo ni Macsimo?" Pang-aasar naman nito sa akin
"Tapos na kayo? Gala daw tayo then dinner bago umuwi" tila nanlamig ang buong sistema ko nang marinig ang boses ni Macsimo sa aking likuran
Narinig niya siguro ang sinabi ni Mikayla! Aish!
Ngiting aso sa akin si Mikayla at Nakisali naman sa kaniya si Janica
Pinanlakihan ko ito ng mata kaya naman natawa ito sa akin
"Tutal naka porma na kayo eh! Hehe" tawa naman ni Macsimo
"Tasy?" Tawag nito sa akin
Tumaas ang balikat ko dahil sa gulat
Bumilis ang t***k ng puso ko! Bakit! Dahan dahan akong lumingon kay Macsimo
Ang gwapo niya! Naka White t-shirt and Black shorts lamang ito!
Pero napaka gwapo!
"H-huh? H-hah?" Utal kong sagot rito
"Sama ka ah" ngumiti ito tsaka ako tinalikuran
Pati ang likod niya ay ang gwapo rin! Ano ba yan! Ano ang nangyayari sa akin! Tila ako baliw sa naiisip ko!
Nabalik lang ang matino kong sistema nang magyaya na sila alexia
"Tara na! Gusto ko din umalis eh! Hinihintay ko lang kayo magyaya psh" singhal nito at lumakad na
"Hoy! Ano kinilig ka na ba diyan Anastasia?!" Tinulak ako ni Kim kaya naman muntik na akong matalisod
"Tasy dito ka na sa akin sumakay" Nasa parking lot kaming magkakaibigan
Hindi na ako maka-angal dahil hindi na ako makikisiksik kayla Ian At Will
"Sabay ba rin natin sila Mikayla, baka hindi sila kumasya sa kotse ni Will eh" tumingin ako kay Mikayla at pinanlakihan ito ng mata
Dahil ka pag kaming dalawa nanaman ni Macsimo sa isang lugar ay bumibilis ang t***k ng puso ko!
Dumili si Mikayla at pumasok sa kotse ni Will
Wala naman na si Kim at Alexia dahil nauna na sila nila Ian sa Mall
Bumusina si Will at nauna nang umalis sa parking Lot
"Tara na" Wala akong choice na pumasok sa kotse ni Macsimo
hinintay niya pa akong tuluyan makapasok sa kotse at isinara ang pinto
Sinundan ko siya ng tingin habang umikot siya sa Driver Seat
Nang makapasok ito ay bumilis ang t***k ng puso ko, naamoy ko ang kaniyang pabango at tila tumambay ito sa ilong ko
"Gusto mong magpatugtog?" Tanong nito at habang buksan ang Bluetooth
"Sige" Nagsimula na akong magpatugtog kesa naman tahimik ang buong byahe namin!
Ang awkward ng ganoon sitwasyon
Sandali wag kang mapupuno sa paghihirap
Darating din ang pag-asa mong pinapangarap
Natigilan ako ng marinig ang mga liriko sa kanta
Tila bumalik sa akin ang mga ala-ala, masasaya, malungkot.
Pumikit ako nagbabakasakaling mapigil nito ang pagpatak ng luha sa aking mga mata
Di ba sapat na ika'y mayroong pag-ibig
Nasa puso mong hindi maipapalit
Ka'y ngumiti, ihip ng hangin sa kamay mong malamig, daing na tinig na sa akin pandinig
Liliparin ang isipan mo't damdamin
Totoo nga ito, tila lumilipad siya sa isipan ko
Nag mistulan itong ibon na napaka ganda, malaya, ngunit may sakit rin naman pala itong idudulot ng malayo ito sa iyong damdamin
Napakahirap isipin na hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong nasa tabi ko siya, lagi kong nililinlang ang puso't isipan ko, napagod ako noon dahil nasaktan ako, tinanggap ko na hindi siya para sa akin
"Theron" Sambit ko sa pangalan nito
"Tasy? Ayos ka lang ba? Sino si theron?" Imunalat ko ang aking mata at pinatay ang Bluetooth ko
Mas ayos na palang tahimik na lang, tanga ko!
"Wala" ngumiti ako sa kaniya ng peke, tila nahalata nito na peke ang aking ngiti kaya tumango lang ito at tinuon sa daanan ang atensyon
"Alam ko ang nararamdaman mo tasy, because i feel it too" ngumiti ito sa kawalan
Nakita ko kumislap ang gilid ng mata nito, siguro ay naluluha na ito
May naramdaman akong tumutusok sa aking puso nang makita kong tumulo ang isang luha ni Macsimo
"She was my source of happiness back then, pinaramdam niya sa akin na ako ang pinaka swerte lalaki, tinuring ko siyang reyna ko" tumawa ito ng mapait
"Pero mali pala ang lahat, She cheated"
His last words struck me, i felt my body shiver in pain
'Cheated' those words, it's my weakness
"W-why are you telling me this, Macsimo?" Nagugulahan kong tanong rito
Ngayon ay sumeryoso ang kaniyang mukha, tumigil ang kaniyang pagluha
Hinintay ko ang kaniyang sagot sa aking tanong ngunit naging tahimik lang kami buong byahe hanggang marating namin ang Mall
Mabilis itong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto
Hindi ko masalubong kaniyang mga titig dahil naiilang pa rin ako sa usapan namin kanina
He freaking told me about his personal things!
"Mauna ka na" tumango na lang ako at nagpaunang naglakad
Hindi ko naman mahanap ang mga kaibigan namin kaya nilabas ko ang aking cellphone at dinial ang number ni Janica
Nakailang ring pa ito bago sinagot
"Hello?"
"Asan kayo? Andito na kami ni Macsimo"
"Andito kami sa Arcade" may narinig na akong mga ingay ng machines sa arcade kaya pinatay ko na ang tawag
Lumapit sa akin si Macsimo "arcade daw sila" tumango ito at sumenyas na mauna ako ritong maglakad
Nauna na nga akong maglakad at siya naman ay nasa likod
Pumasok kami sa Mall at pumunta sa isang arcade at hinanap sila
Nakita ko naman si Janica At Kim na naglalaro kaya pinuntahan ko ito
"Asan yung iba?" Tanong ko rito nang makalapit ako sa kanila, nawala sa likod ko sa Macsimo
"Ayon oh! Kasama ng Jowa mo" tinuro ni Kim ang isa pang laro sa arcade at andoon ang Dalawang lalaki kasama si Macsimo
"Maduga ito ah! Ikaw nga Macsimo" Ibinigay ni Will ang token at pinalaro kay Macsimo
Claw machine ang nilalaro nila, nakakuha si Macsimo ng dalawa
"Waoh!" Namangha naman ang dalawang tanga
"Ganyan talaga pre pag perfectionist! Hahaha!" Inasar pa nila si Macsimo saglit at pinigyan ulit ng token
Nakakuha naman ito ng dalawa ulit kaya lalong naigno ang dalawa
Tumawa akong umiiling "asan si Mikayla at Alexia?" Tanong ko sa dalawa dahil napansin ko wala ito sa arcade
"Titingin daw silang mga make-up or damit diyan sa tabi tabi" sagot ni Janica at umalis
"Ah" Ganoon naman talaga ang dalawang iyon, doon sila nagkakasundo sa Make-up and Clothes
Nakisali na rin ako kayla Janica na maglaro
"Andito pa pala kayo eh" Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Alexia, asan nanaman kaya si Mikayla?
"Asan si mikayla?" Tanong ni Kim
"Andon pa sa isang store iniwan ko muna don, babalik ako doon tinignan ko lang kayo dito baka kasi iniwan niyo na kami eh" mahabang sagot nito at walang paalam na umalis
"Alexia humanap na rin kayo ng kainan!" Sigaw ni Janica rito
Nag ok sign naman si Alexia at umalis na
Nag arcade pa kami saglit at isa lang nakuha namin! Amg mga lalaki naman ay halos anim ata!
"Dami niyo nakuha! Penge ako!" Humablot naman si Kim kay Will ng isang Stuff toy na Bear
"Tss epal" kukunin sana ni Will ang Stuff toy ngunit niyakap ito ng Kim tila nagaagawan ang dalawa
"Tasy" Bulong sa akin ni Ian sa gilid ko
"Bigay ko kay Janica kaso nahihiya ako eh" pag iinarte nito kaya kinurot ko ito sa tagiliran
"Ibigay mo na!" Tinulak ko ito kay Janica na pinagtatawanan si Will at Kim na nagaaway
Ibinigay nga ni Ian ang stuff toy kay janica! Ang cute!
"Tasy, Para sayo" nasa harapan ko si Macsimo, nakalahad sa akin ang isang malaking We bare bears na stuff toy!
"Hala! Thank you" kinuha ko ito at niyakap agad, ang cute kasi!
"Kaya brown kasi brown yung kulay ng mata mo hehe" kinamot ni Macsimo ang kaniyang ulo tila nahihiya ito sa sinabi
"Tss! HAHA cute nga eh"
Nag ring ang cellphone ni Kim kaya napatingin kami sa kaniya
"Hello? Oo tapos na, sige punta na kami dyan" pinatay nito ang tawag
"Nasa SnR daw sila" tumango kami at lumakad na
Nasa labas ng mall ang SnR kaya lumabas kami at nakita namin si Mikayla At Alexia na nakaup sa medyo mahabang table
"Guys!" Kumaway si Mikayla sa amin
"Nag order na ako ng isang box ng pizza and Chicken" salubong sa amin ni Alexia nang makaupo kami
"Naks! Nanlibre!" Asar ni Will rito
"Well" nag flip naman ng buhok si Alexia kaya natawa kami sa kaniya
Mabait si Alexia ngunit tuwing may umaaway sa kaniya ay lumalabas ang Bichy attitude nito
Mayaman ito at may kababata itong kapatid na lalaki
Alexander naman ang pangala non
Englishero nga lang! Tss parehas sila ng ate niya
"Ok guys, So saan tayo Next before umuwu? Let's go shopping na lang and let's ride viking etc" tumango na lang kami
Nawala na rin ang pagod ng katawan ko
"Let's eat!" Sigaw ni Alexia ng mag Serve ang Food namin
Kumain lang ako ng Isang pizza at Dalawang chicken
Ayoko naman masyadong mabusog dahil baka masuka ako mamaya habang nag rides kami!
"Cr lang ako" paalam ni Mikayla at tumayo naman ito
"Ako din" Tumayo naman si Janica at sumunod kay Mikayla
"Tara na rin Tasy" yaya sa akin ni Alexia
Tumango at sa kaniya, nagpunas ako ng tissue sa bibig bago tumayo
"Ok tara" pumasok kami sa cr and nag hugas ng kamay and etc
"Tss wala naman ako mapili eh!" Reklamo ni Kim kay Janica dahil hindi naman daw nila trip ang shopping
Mas excited pa ang ito sa Rides mamaya
"Magbabayad na lang kami" Tumango sila
Ang mga lalaki naman ay may sariling mundo sa labas, ayaw daw nilang sumama sa amin dahil boring lang daw
Lumabas na kami sa store at pumunta sa park na pagmamay ari rin ng Mall
Bumili kami ng ticket
"Ok!" Mabilis na pumasok sila Janica at ang dalawang lalaki
Tinatakan pa kami sa likod ng kamay
Nasa bench kami ni Macsimo dahil ayaw ko pang sumakay dahil hindi pa ata natutunaw ang kinain ko
Ang iba naman ay nasa tubig na laro, hindi ko alam ang tawag doon
"Wala kang balak sumakay?" Pang babasag ko sa katahimikan
"Mamaya na din, wala kang kasama eh" pahina ng pahina ang sinasabi niya
"Hah" tumungin ako rito
"Wala" umiling ito at ngumiti, tumingin ito sa aming mga kaibigan
Pumasok naman sa isip ko ang sinabi niya sa akin kanina
"Macsimo? Yung kanina bakit mo sinasabi sa akin iyon? Eh personal things mo yon eh" nag smile ako sa kaniya dahil baka mawkwardan siya dahil sa tanong ko
"Dahil pinakawalan ko na sa wakas ang naramdaman kong sakit"
Napatitig ako sa kaniya
"At nahanap ko na ang babaeng nagpahilom sa sakit na nararamdaman ko"
I was speechless! Tumitig ito sa aking mga mata
"And that's you, Tasy"
Isang linggo na ang lumipas nang umamin sa akin si Macsimo, teka? Amin ba ang tawag doon? Hindi naman niya sinabi sa akin na gusto niya ako! Sinabi niya lang na medyo nawala ang sakit na nararamdam niya.
Napaka assumera ko talaga! Psh!
Umiling ako at pinasadahan ng tingin ang aking mukha, nandito ako sa harap ng salamin at naghahanda para sa paaralan
Nang nakitang ma-ayos na ang aking mukha ay inilipag ko ang aking suklay at kinuha ang bag na nasa kama,
Bumaba ako at pumunta sa hapag para kumain ng agahan. Wala si kuya sa kaniyang pwesto na ipinagtaka ko, nasaan nanaman kaya ang panget na yon? Baka mag absent?
"Manang asan po si kuya?" Tumingin sa akin si manang habang naglalapag ito ng mga itlog sa lamesa, nagkibit balikat muna ito bago sumagot
"Hindi ko alam, hija. Baka naman ay hindi umuwi" Abala ito sa kobyertos habang sumasagot, tumango na lang ako at nagsimula nang kumain.
Hindi na ako nagtaka kung wala si Mama, siguro ay pagod.
"Alis na po ako!" Paalam ko at lumabas na. Pinindot ko ang car key, tumunog naman ito kaya pumasok na ako sa loob,
Binuksan ko ang makina at nagtungo na sa eskwelahan.
Nang makapagpark ako ay mabilis akong lumabas na aking kotse.
Tinignan ko ang aking relos at hindi pa naman ganoon ka late at ka-aga, sakto lang ang aking dating.
Kumakaway si Janica sa akin habang hawak nito sa kaniyang kanan ang cellphone "Tasy!" Sigaw nito
Lumapit ako rito at nagsimula na kaming maglakad, "Asaan si Kim?" Luminga ako sa paligid dahil baka bumili lang ito ng candy.
"Wala pa nga eh, baka malalate nanaman yon"
"Ahh" tumango ako at tinuon sa daanan ang aking paningin
Asan kaya si Kim? Baka naman ay late nagising iyon, eh may practice kami mamaya eh?
Tsh, yaan ko na nga iyon! Baka naman absent ito sa ngayon.
Sa isang linggong nagdaan ay minsan lang kaming magusap na Macsimo, nahuhuli ko itong nakatingin sa akin ngunit magiiwas nang mahuhuli ko ito, anong meron?
Mag-uusap lang kami tuwing may tatanongin ako sa kaniya tungkol sa practice, We don't talk much in text or chat! Nahihiya rin ako! Hindi ko alam kung bakit...
Pumasok na kami sa school at kumuha ng onting gamit.
Mabilis ang morning class, practice na agad.
"Sorry! Late!" Lakad takbo si Kim habang papunta sa pwesto namin, binaba niya ang kaniyang gamit at kumuha ng pang tali sa kaniyang buhok.
"Bat di ka pumasok sa morning class?" Tanong ni Janica, magkakrus pa ang kaniyang braso.
"Late ako nagising!" Umirap si Kim sa harapin namin at pumunta sa cr para mag-ayos.
"Kamusta na kaya si Clara?" tumabi sa akin si Alexia.
Umalis si Clara sa bansa at sumama sa kaniyang mga magulang, hindi ko alam kung saan bansa siya dahil hindi ito na kapag paalam sa amin ng maayos,minsan lang kaming magkausap, minsan lang rin ito kung tumawag.
"I hope she's fine!" Nag-aalala ang tono ni Janica habang sapo ang kaniyang noo.
Mahiyain si Clara lalo na kung wala itong kakilala, nakilala lang rin namin siya nang nagkagrupo kami sa isang group project nang grade 10 pa kami.
"Ma-ayos naman siguro iyon! Mahiyain lang yon sa una pero madaldal rin kung nakilala! Sana naman ay bumisita siya dito kahit sandali lang" malungkot ang tono ni Alexia.
"Miss ko na yon eh!" Si Mikayla
"Ako rin" tumango si Janica kay Mikayla bago ito buksan ang bag niya at mag halungkat sa gamit niya.
Nakapag ayos na si Kim nang bumalik ito sa pwesto namin, Nandito ulit kami sa gilid ng stage, may mga hagdanan sa gilid nito kaya dito kami umuupo.
Nasa left side kami, puro flaggers ang nandito dahil ang ibang Sections ay sa right side o kaya sa stage mismo.
Narinig namin na pumalakpak si Macsimo at William, hudyat na magsimula na ang stretching.
"Umayos kayo!" Sigaw ni Issa sa ibang Majo, nang sumulyap ito sa akin ay tumaas ang isang kilay nito at pasiring inalis ang kaniyang paningin, nagpatuloy na ito sa kaniyang ginagawa.
Umiling ako at nagpatuloy sa stretching namin.
Natapos ito at sakto naman dumating na ang aming instructor, nagpahinga kami sandali at kinuha na ang aming mga gamit.
"OK! COLORGUARDS! MAGSABAY SABAY NAMAN KAYO!" Sigaw ng aming instructor habang pumapalakpak pa ito.
Pagod na ako at kanina pa kami hindi nagbrebreak! Tagaktak na ang pawis ko at tuyot na ata ang aking lalamunan!
Hinihingal ako habang nilulunok na lang ang aking laway, pinunasan ko ang aking pawis na tumutulo sa aking noo at nagpatuloy sa pagikot ng aking flag.
Pagkatapos nang ilang minuto ay pinagpahinga kami! Finally!
Huminga muna ako ng malalim para kumalma ang paghinga ko, nang medyo kumalma na ako ay pumunta na ako sa aking pwesto at uminom ng tubig.
Hindi pa rin ako umuupo dahil hindi agad mawawala ang pagod ko kung uupo agad ako, nang matapos kong uminom ay umupo na ako.
"Pagod na ko! Susko!" Reklamo ni Mikayla
"Ako rin pero di ako sumigaw" tumawa si Kim at dumila kay Mikayla
"Eh? Talaga?" Ngumiti si Mikayla ng tipid at nag thumbs up kay Kim
"Oo eh" umiiling na tumatawa si Kim dahil nanaman sa sariling kalokohan niya
"Funny non, slight" nakisali si Janica sa asaran ng Dalawa
"Kasali ka? Sumasapaw" nang-aasar ang mukha ni Kim nang tignan nito si Janica
"Cocorny ampochi" Nakisali na rin ako, hehe.
"Pano corny? tingen nga?" Pumunta naman sa harapan ko si Alexia at tinignan ang mukha ko, pinaninindigan ang kaniyang sinabi.
Mga kupal!
"Eto" sabay pa si Kim at Janica habang tinaas ang kanilang middle finger.
Napaka sama talaga nitong mga toh! Buti pa ako ay mabait! Haha!
Lumingon ako sa paligid at nakita ang cctv, ngising aso ako nang tumingin ako kay Kim at Janica
Buti na lang ay naka-off ang mga CCTV! Nako! nako! Violation nanaman itong mga ito!
Madadamay nanaman ako dahil sa mga kalokohan nang mga kaibigan ko! Isang taon na lang ay gragraduate na kami! Baka hindi pa kami makagraduate at magkanda buhol buhol pa!
"Buti na lang nakasarado CCTV, kung nakabukas yan ay baka nasa guidance nanaman tayo!" Tumawa kaming lahat dahil sa sinabi ko! Saya kami eh.
Nagpatuloy kami sa practice, nang uwian na ay onting meeting lang sa palapit na competition.
Wala naman nangyari nang umuwi kami dahil lahat kami ay pagod na, Umuwi na kami ng diretso.
Wala rin kaming practice kinabukasan, may gagawin ata ang aming mga instructors.
Nang makauwi ay nagbihis agad ako at kumain ng dinner,Pagtapos kong kumain ay nanood ako sandali ng TV at uminom nang gatas.
Nag toothbrush ako at mabilis na nakatulog dahil sa pagod.
Nagising ako dahil sa alarm ng aking cellphone at sumabay pa ang alarm clock ko, nasa side table ko ito katabi ng phone ko.
Bumangon ako at nagpunta sa banyo at naligo, Nag-ayos ako ng aking mukha at suot bago kinuha ang bag ko
Wala akong masyadong dala dahil wala naman kaming practice at puro klase lang ngayon.
"Good morning, anak" bati ni Mama, nasa hapag na ito at nagbabasa nang dyaryo, may kape sa harapan nito.
"Mmm, morning mama" bati ko pabalik at humalik sa pisnge, tumango ito.
"Asan nanaman ang kuya mo?" Umupo ako sa aking pwesto bago tumingin sa aking ina, nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin pa rin sa kaniyang dyaryo.
Maganda si Mama, sa kaniya ata ako nagmama dahil ang kaniyang buhok ay Brown rin katulad ng akin, maganda rin ang kutis nito, may wrinkles ito at eyebags kaya nagmumukha itong mas matanda kesa sa edad niya, pero nangingibabaw pa rin ang kaniyang kagandahan.
Si kuya naman, well.... He has my dad's features.
Naramdaman ko ang lungkot sa aking puso ngunit napilitan rin agad iyon ng pait at galit.
I gritted my teeth, ayoko nang isipin pa ang ama ko.
I smiled bitterly, nagsalin ako ng gatas sa baso, nagkibit balikat ako sa aking ina bilang sagot
"I don't know, ma." Mahinahon kong sagot.
My mom is very strict lalo na sa studies. Doctor si Mama at may sarili kaming Hospital, si kuya ay nagaaral ng Medtech, 2nd year college na ito sa school.
Ako naman ay ABM at magtatake ng business sa College.
Wala naman akong reklamo dahil gusto ko rin mamahala sa sariling kompanya at palaguin pa ito.
Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na ako na papasok na.
I glanced at my wrist watch, maaga pa lang.
I decided na pumunta na muna sa View at doon magpalipas ng Oras bago dumiretso sa eskwelahan.
Nang makarating ako roon, pinark ko ang aking kotse sa di kalayuan.
Kinuha ko ang aking phone at wallet, nagsuot ako ng ash brown sweater.
Pumunta ako sa railings at dinama ang malamig na hangin.
Naalala ko nang kasama ko si Macsimo rito, We had some conversation that's very personal for the both of us.
"I wish you were here" nakapikit kong bulong
"I'm here" a familiar voice replied, i was stunned!
"Th-theron?" I said, lost of words.