Chapter 4

3910 Words
Chapter 4 TASY's POV "Sarap mo kasi titigan" "H-hah?" Naguluhan ako sa sinabi niya "Wala" inalis niya ang tingin sa akin habang tumatawa at umiiling Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko kaya tumingin na lang ako sa aking dinadaanan at tumahimik na lang Tuwing magsasalita si mac, tila ba isa iyong kuryente na dumadaloy sa aking katawan At tila ang sarap nito pakinggan, tumitibok ang puso ko ng napaka bilis kung siya ay malapit sa akin Kung magtatama naman ang mga mata namin ay tila tumigil ang mundo Siguro nga ay hibang lang ako sa mga iniisip ko, at baliw nga ako dahil tila sumasang-ayon ang puso ko Ayoko na ito maramdaman, tila kinikilabutan ako nung maisip ang aking nararamdaman Ayoko itong sabihin dahil ayoko naman mag bigay ng malisya sa sinasabi niya Si issa ang gusto niya at hinding-hindi niya ako magugustuhan Pumasok na kami sa isang fastfood restaurant malapit lang rin ito sa school namin kaya hindi ganon kalayo ang nilakad namin Ngunit tila napaka layo nito dahil sa pag iimahinasyon ko "Hanap na kayo upuan, kami na o-order" pumila naman si kim at jan Ibinagay namin ang pera namin at sinabi ang mga order "Ikaw mac? Ano sayo?" Tanong ni kim kay mac habang inaayos ang perang ibinigay namin sa kaniya "Kung ano yung kay tasy" sinulyapan ako ni mac at sumama na kay ian at will para maghanap ng upuan sa taas "Naknang!" Pang-aasar sa akin ni Mikayla Sinundot sundot niya pa ang dagiliran ko kaya tila akong bulate habang umiiwas sa kaniya "Tara na nga!" Pigil ko sa kaniya at nag pa-una nang maglakad Narinig ko naman na tinawag niya ako at tumawa pa kaya lalo kong binilisan ang lakad ko Umakyat kami sa taas at hinanap ang mga lalake Nakita ko naman sila sa bandang dulo kaya pumunta ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan "Wag ka diyan! Dun ka sa tabi ni mac!" Sigaw naman sa akin ni ian at tinulak pa ko paalis sa upuan "Bakit naman?! Sayo?! May pangalan?! Binayaran mo? Yaman mo naman!" Hindi ako tumayo kaya lalong lumakas ang pwersa ni ian sa pagtulak sa akin "Eh kasi! Tabi kami ni janica" bulong sa akin ni ian at tila nahiya dahil na pumula naman ang buong mukha nito "Naks! Edi ok!" Tumatawa akong tumayo at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni mac Tahimik akong umupo dahil ramdam ko ang titig sa akin ni mac Tila ba pinapanood niya ang bawat kilos ko Medyo na ilang ako sa paraan ng pagkatitig niya sa akin Ayoko kasi ng tinitigan ako, nakakailang! Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka magtaka ang mga ito sa pamumula ko "Bakit ka nakatingin? Nanaman?" Nilingon ko siya at tinitigan ng mabuti Shit! Di ko kaya! Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tumingin na lang sa lamesang nasa harapan ko Ipinatong ko ang siko ko, hindi naman ako makali dahil hindi pa rin sumasagot si mac ngunit tumitingin siya sa akin Narinig ko naman ang boses ni kim at janica kaya tinulungan ko ito sa pagbubuhat ng in-order nila "Oh, ayan na mga boss!" Inilapag ni kim ang pagkain sa harap namin at binigyan rin kami ng utensils "Kain ka na" Hindi ko inaasahan na kakausapin ako ni mac habang tulala pa rin ako sa pagkain ko! Baliw ba ako? Lagi na lang akong natulala ng walang dahilan Siniko ako ni mac sa gilid ko At nang maglapat ang balat namin Tila ba may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko Lumakas ang t***k ng puso ko at nataratanta ako "U-uh s-sige"utal kong sagot at nagsimulang kumain Sumubo ako ng ka unti at sinulyapan ang aking katabi, tahimik lang na kumakain si mac Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kong maalis ang tingin ko sa kaniya Kahit kumakain lang naman ito, pero ang gwapo pa din niya! Tila ba nagslow-mo ang lahat ng lingunin niya ako at nginitian Luh? Anong nangyare?! "What?" Tinaas niya ang kilay ngunit may ngiti ito sa mga labi "Wala hehe" inalis ko ang paningin ko sa kaniya at ibinaling na lang ang atensyon sa pagkain "May sasabihin ako!" Bigla naman nagsalita si kim sa kalagitnaan ng kainan namin "Ano?" Tumingin naman kaming lahat sa kaniya dahil sumeryoso ang mukha nito "Cute ko" "Parang bobo?" "Ew" "Wtf." "Nanaginip ka ba?" Sunod-sunod naman ang reklamo namin dahil sa sinabi ni kim Nalukot ang mukha nito at sumimangot kaya lalo kaming natawa dahil mukha siyang tanga "Cute niyo!" Sigaw ni mikayla na nasa harapan ko habang nakatingin sa amin ni mac Nagpabalik balik ang tingin niya sa amin ng katabi ko habang may pang-asar na ngiti "Oo nga! Aw! Sweet!" Sali rin naman ni alexia na nasa gitna ni kim at mikayla "H-hah?" "Haduken" parang bobong sagot naman sa akin ni kim "Cute niyo ni mac! Duh! Tasy? Omg? Are you dumb? Nakatingin nga kami sa inyo eh!" Reklamo naman ni alexia at tila ba naiinis siya sa akin "Ginawa ko sayo?!" Tinarayan ko siya at inasar na lang "Si alexia kanina may kasamang lalaki" sabat naman ni mikayla habang tinuturo pa si alexia gamit ang kutsarang hawak niya Sumubo ako ng kanin at ulam "wEh?!" Nabulunan ata ako ng magsalita ako ng may laman ang bibig ko "Don't talk when your mouth is full" saway naman sa akin ni mac at binigyan ako ng tubig Uminom ako doon at umubo pa ng unti dahil tila may nakabara parin sa aking lalamunan "Uhm! Salamat!" Hindi ko na ata kayang tignan man lang si mac Ang hirap niya nang tignan, iba na ang nararamdaman ko At hindi ito tama! Tumingin ako sa kaniya at ngumiti MAC's POV Napaka ganda ni tasy tuwing ngingiti ito Tila ba lumalakas ang tagundong ng puso ko at gusto ko na lang titigan ang nakangiting tasy Tama ba ang nararamdaman ko? Hindi ba ito padalos-dalos Sigurado na ba ako rito? Kung sigurado na ako rito Hinding hindi ako magsasayang ng oras para mapa-saakin ang tila anghel na nasa harap ko TASY's POV Lumbas na kami sa fastfood restaurant kung saan kami kumain at pumunta sa plaza para maglakad ng ka-unti Kasabay ko naman maglakad si lexia at mikayla Nasa gitna si mikayla at nasa kaliwa naman ako ni mikayla at nasa kanan si lexia Naguusap lang sila tungkol sa kung ano ano at kung minsan ay sasabat ako "Tapos kanina alam mo ba" rinig kong sabi naman ni kim, kausap naman nito si janica sa likod namin Nasa harapan namin ang tatlong lalaki at may sarili rin silang usapan "Uwi na ko!" Humarap sa amin si william at nagpaalam Kumaway siya sa amin papalayo pa punta sa kaniyang sundo Sumunod naman nagpaalam si kim,janica,mikayla Sabay silang tatlo dahil iisa lang naman ang daanan nila pa-uwi Si lexia naman ay umuwi na rin at si ian naman ay may pupuntahan daw kaya kami na lang ni mac ang natira sa amin "San ka? Uwi ka na ba?" Pang-babasag ng katahimikan sa amin ni mac "Uh? Ikaw?" Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad habang ako ay nakatingin lang sa dinaraanan ko Nakita ko naman sa gilid ng aking mata si mac na sumulyap sa akin Tumingin rin ako sa kaniya ng may pagtataka sa mukha "Bakit? May dumi sa mukha ko?" Pinunasan ko ang aking labi baka may roon don na kanin o kaya sauce dahil sa kinain ko kanina "Wala, uuwi ka na ba?" Tanong muli niya sa akin at tinitigan ako "Alam mo kanina ka pa titig ng titig! N-nakakailang! T-tumingin ka nga sa iba!" Hinawakan ko ang pisnge niya Medyo nahirapan pa ako dahil matangkad itong lalaking asa harapan ko kaya nagtiptoe pa ako para tuluyan ma-abot ang kaniyang mukha At nang dumapo ang kamay ko sa kaniya ay tila may bulate sa aking tiyan May ibang pakiramdam tuwing mahahawakan ko siya at ang sarap nito sa pakiramdam Tinanggal ko ang aking kamay sa kaniyang mukha ng maramdaman ang titig nanaman niya sa akin Sinalubong ko ang kaniyang mga mata at tila tumigil ang takbo ng oras Tumigil ang mga taong naglalakad sa paligid, nae-statwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa magagandang mata ni mac Gusto ko itong putilin, gusto ko itong alisin, ngunit tila ayaw ng katawan kong gumalaw Tila si macsimo lang ang nakikita ko, wala nang iba kundi siya Nabalik lang ang huwisyo ko nang si mac mismo ang unang pumutol ng aming titigan Umiwas na rin ako ng titig dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi "U-uuwi na ako" i look at him and gave him a small smile Tumalikod ako sa kaniya at pinundot ang car key ko Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng magsalita si mac "I hope you feel the same way too." Tumalikod siya sa akin at pumunta sa gilid ng kotse niya Mabilis siyang sumakay doon at humarurot pa alis Habang ako ay tulala pa rin, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya? Ano ba ang pinaparating niya? Sinulyapan ko kung saan nakapark ang kotse niya kanina at tumitig doon Ibig mo bang sabihin ay... Pinutol ko ang pagiisip ko at pumasok na sa kotse at umuwi I parked my car inside the garage then went inside the house "I'm Home!" Sigaw ko nang mapansin nakasarado pa rin ang ilaw kahit gabi na Wala pa ba si kuya? Hindi naman ako nagtaka ng wala pa rin si mommy sa bahay dahil minsan ay late itong umuwi "Kuya?" Inilapag ko ang aking gamit sa sofa at binuksan ang ilaw sa buong sala "Wala pa siguro" sinabi ko ito sa sarili ko at umakyat sa kwarto ko at naligo Nagbihis ako ng white t-shirt and some black silk nightgown shorts Bumaba ako at uminom ng tubig bago matulog Narinig ko naman ang makina ng kotse kaya siguro si kuya iyon o kaya si mommy na kakauwi lang Hindi ko na ito sinalubong at dumiretso paakyat sa aking kwarto Nagmuni-muni muna ako bago tuluyan na katulog Nagising ako dahil sa may kumakatok sa aking pinto Tinignan ko ang oras at sakto naman ang oras ng gising ko kaya bumangon ako sa aking kama Kinusot kusot ko pa ang aking mata bago ko buksan ang pinto "Goodmorning" nagising ang buong diwa ko ng marinig ko ang boses na ito "M-mac?!" Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko naman inaasahan na pupunta siya rito sa aking bahay ng gantong oras Tinignan ko ang buong katawan niya at naka uniporme na siya "B-bakit ka n-nandito?" Itunuro ko siya sa mukha Nahiya naman ako bigla nang maalala ko na hindi pa pala ako naghihilamos or kaya sipilyo man lang! "Sinusundo ka" nakangiting saad naman niya na ipinagtaka ko "Huh?" "Hatdog" tumawa siya ng kaunti kaya naman ikinasama iyon ng mukha ko "Mag handa ka na, hihintayin kita sa baba" nginitian naman niya ako bago tuluyan tumalikod sa akin Tulala pa rin ako habang nagbibihis ng aking uniporme Naisip ko si macsimo na naghihintay sa baba Napangiti na lang ako nang maisip kong andito siya sa bahay ko at kausap niya si mommy Tila ba sumigla ang sistema ko Inalis ko ang ngiti sa aking labi dahil tila mali ito! Binaliwala ko na lang ito at inayos ang gamit ko Bumaba ako sa sala para tignan kung andon si mac at sabihin na pwede na kaming umalis Ayokong maabutan kami ni kuya dito at ayokong makita niya si mac nakita ko naman si mac sa single sofa at nakatingin sa sapatos niya at tulala Natigilan ako sandali at tinitigan siya ng mabuti Nawala ang ngiti sa labi ko nang bumalik ang kirot sa puso ko Nawala ang saya ko nang ganoon kadali ng maalala siya Kala ko ay nakabitaw na ako, akala ko ay okay na ako, hindi pa pala Gusto ko man itong baliwalain ngunit trinaydor ata ako ng aking luha dahil kusa itong bumagsak Pinunasan ko ito pero walang tigil ang pag bagsak nito sa aking mata At sa walang tigil na pagluha ko Sumabay ang napakalakas na ulan na lalong nagpaa-alala sa akin ng lahat Tama nga ba ito? Tama pa ba ito? TASY's POV "Ayos ka lang ba, tasy?" Nasa kotse na kami ni macsimo patungon iskwelahan "Ayos lang" tumingin ako sa kaniya at binigyan siya ng tipid na ngiti Nandito pa rin ang lungkot sa puso ko kahit isang taon na ang nakalipas Akala ko ay ma-ayos na ako dahil nagagawa ko nang tumawa at hindi na ulit siya naiisip Hindi ko namalayan ang luha ko na tumutulo na pala, balisa ko itong pinahid gamit ang likod ng kamay ko at tumingin na lang sa daan Ano ba ito? Bakit ang sakit pa rin? Gusto ko na itong kalimutan, Nagsasawa na akong lumuha nang lumuha dahil sa kaniya Napagod na ako! Ngunit tila bumabalik nanaman ito Bumabalik nanaman ang sakit na nararamdaman ko Sumisikip ang dibdib ko, nanlalabo ang mata ko Tangina! Ansakit sakit pa rin pala "T-tasy? Ok ka lang ba talaga? I-uuwi na kita hah?" Naramdaman ko ang kamay nito sa aking balikat Itinigil niya ang sasakyan sa isang magandang tanawin Medyo mahamog pa dahil maaga pa lang At kakatapos lang ng ulan kanina Kita mo ang buong city rito, napaka ganda Humarap ako kay macsimo at binigyan siya nang tipid na ngiti muli "P-pwede ba na dito muna tayo?" Tinanaw ko muli ang tanawin sa labas ng kotse "O-okay" tumigil ang makina ng sasakyan Bumaba si macsimo sa driver seat at umikot sa passenger seat Binagbuksan niya ako ng pinto Lumabas naman ako sa kotse at tumayo sa harap ni macsimo Nakikita ko ang pag-aalala niya kaya ngumiti ako sa kaniya ng kay laki laki at tumango Ipanaparating na ayos lang ako, kahit hindi naman talaga Napalunok ito nang marahan at dahan dahan tumango Gumanti ito nang ngiti sa akin Inalis ko ang paningin sa kaniya Tinanaw ko ang maganda tanawin sa aking harapan Nagpapagaan talaga ng aking loob ang ganitong mga tanawin Lalo gumagaan ang aking loob dahil sa malamig na hangin Niyakap ko ang aking sarili at ipinikit ang mga mata Naalala ko ang mga memorya namin, masasaya ito ngunit lungkot ang nararamdaman ko Ganito nga ba talaga? Akala mo ay nakalimutan mo na, ngunit nang sumagi lang ito sa iyong isip ay sobrang bigat ng iyong damdamin Tila ba may tumutusok sa aking dibdib Naramdaman ko ang mga luha sa aking pisngi Pinabayaan ko lang itong tumulo dahil kahit anong pilit ko naman ay hindi titigil ito Idinilat ko ang aking mata at tumitig ulit sa tanawin "Kung minsan ay akala mong nakalimutan mo na, bigla bigla mo na lang itong maalala, at pag naalala mo ito ay masasaktan ka, ganoon naman talaga diba?" Dahan kong nilingon si macsimo na nasa gilid ko Nakatingin lang din siya sa tanawin habang nakangiti Ngunit at ngiti na iyon ay may kasamang pait "Ang pagmamahal hindi mo kailangan limutin, kailangan mong tanggapin" saad nito "Why are you saying this?" Takang tanong ko rito Alam ba nito ang pinagdaanan ko? "Nothing" tumingin ito sa lupa at umiling Tumingin muli ako sa tanawin at nagsalita "Kasi kung mahal mo, matatanggap mong masaya na ito sa iba, sumasaya ito sa iba, at sasaya ito sa iba" mapait akong ngumiti "Right" Tumingin ito sa akin at tumango Pinunasan ko ang luha ko at hinarap si macsimo "Tara na nga!" Hinawakan ko ito sa kamay at hinila Habang naglalakad kami papalapit sa sasakyan habang magkahawak ang kamay Ramdam ko ang kaliti sa aking tyan, ang kuryente sa aking katawan Ang kaninang malungkot kong sistema ay napalitan ng masigla Baliw ako? Sumakay kami sa kotse at pinaandar na Medyo malapit naman na kami sa school kaya maigsi lang din ang byahe namin I-pinark ni macsimo ang sasakyan at ipinatay ang makina Lumabas ito at pinagbuksan muli ako ng pinto, lumabas ako sa sasakyan at nginitian ito ng magsalubong ang aming paningin Gumanti naman ito ng ngiti at isinenyas na maglakad na ako Naglakad ako malayo sa sasakyan at hinintay siya sa isang gilid Ipinindot niya ang car key kaya tumunog na ang sasakyan Tumuloy kami lumakad papunta sa entrance ng HS at SENIORS "BOOOOIII! What's up?!" Malakas na bati sa amin ni janica at kim "Bat magkasama kayo?" Nang-aasar ang tonong tanong sa amin ni kim habang nakaturo pa ito sa aming dalawa ni mac "Pake mo ba daw ba!" Pang babara naman ni janica kay kim "Epal" nag make face naman ito at dumila pa Parang mga bata "Parang mga gago? Ano kayo bata?" Tumatawang sabi ko sa kanila at binatukan pa ang dalawa "Luh?!" Sabay naman nilang reklamo "Bahala nga kayo" Singit naman ni mac sa likod namin dahil mukhang nababagalan ito sa lakad namin "Wowwers" malapit na rin kami kay mac dahil araw araw na namin itong nakakasama "Bahala din kayo" nag pauna na rin akong maglakad at sumabay kay macsimo Hindi naman ganon kalayo ang agwat ng layo namin sa kanila kaya rinig namin ang usapan ng dalawa sa likod "Oo! Tas sabi rin daw ni angel" chismis nanaman ni kim kay janica Mga chismosa! Umagang-umaga chismis agad "Anastasia! Alam mo yun?" Tawag sa akin ni janica kaya hinarap ko ito Nasa loob na kami ng school at magtatap pa kami ng I.D bagi tuluyan makapasok "Alen?" Tanong ko rito habang hinahalungkat sa aking bag ang I.D ko Nakita ko naman ito at inilabas "Peram ako" bulong sa akin ni kim "Oo naman teka, ako muna" nagtap ako ng I.D at mabilis na ibinigay ito kay kim Nagtap naman ito at pumasok na kaya ibinigay na nito ang I.D sa akin Inilagay ko ulit ito sa aking bag dahil mamaya na ulit ako magsusuot pag malapit na ako sa room "Ikaw naman janica! Ako kahapon" ibinigay ni kim ang susi nito kay jhanica "Luh? Edi ok" Umakyat kami sa locker area at kumuha ng gamit Kasama pa rin namin si macsimo ngunit tahimik ito at nakangunot ang kilay at noo Kumuha lang ulit ako ng libro sa morning class at isinarado na ang locker Pumunta ako sa tabi ni macsimo Nakatayo na ito at isang libro lang ang kinuha Hindi kami magka-klase pero nasa kabilang room lang naman siya Classmate nito ang mga lalaki at kami naman mga babae ang mga magkaklase Si france naman ay sa pilot section kaya nasa ibaba ito "Ok ka lang?" Kinagat ko ang aking ibabang labi "Oo naman, bakit?" Takang tanong nito sa akin Umiling ako at ngumiti, tumingin na lang ako kay kim at janica na naguusap pa rin habang kumukuha ito ng gamit Tumayo ang dalawa habang may hawak na dalawang libro at sumenyas na maglakad na kami "Wag mo nang ipilit, lalong sasakit" TASY's POV "W-what?" Gulat kong nilingon si mac Ipinilig rin niya ang ulo sa akin at tumingin mismo sa mga mata ko Kunot noo kong nilabanan ang mga titig niya, ang mga mata niya ay nagpapakita ng sakit at awa "Wala" Lagi niyang sinasabing wala kahit naman rinig ko ang mga salitang binibitawan niya Naintindihan ko rin naman ngunit ang lumalabas sa aking bibig ay laging bakit at ano Naintindihan niya ba ang nararamdaman ko? Nababasa niya ba isip ko? "Tara na, nauna na yung mga dalawa baka mahuli tayo sa klase" iniwas niya ang tingin sa akin at naglakad takbo Sinundan ko ito ng tingin habang may luhang pumapatak sa aking mata Pinunasan ko ito gamit ang likod ng kamay ko at binaliwala na lang muli ang nangyari Naglakad na lang ako habang naka tingin sa librong hawak ko "San punta mo?" Gulat ako napa lingon sa aking likod Magkasalubong ang kilay ni alexia habang ang isang kamay nito ay may hawak na ballpen at nakatutok sa sintido niya "Sa room?" "Lagpas ka na, tanga" nalukot ang mukha niya at tumingin sa gilid niya Andon pala ang pinto nang room namin Tumingin ako sa gilid ko at onti na lang ay room na nila mac ang mapapasukan ko "Ay" kamot ulo akong pumasok sa room Dinaanan ko lang si alexia habang siya naman ay sinusundan ako ng tingin "Baliw" ramdam ko naman na sumunod ito sa akin Ibinaba ko ang mga gamit ko at inayos bago umupo Yumuko na lang ako habang nakapatong ang ulo ko sa magkakrus kong kamay Tila tulog ako dahil sa posisyon ko, hindi kita ang aking mukha Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, sinilip ko ito at si alexia naman lang pala Tumabi rin naman sa kaniya ang tatlo, si janica, kim , mikayla Naguusap ang tatlo habang si alexia ay nakatitig sa akin habang nakataas ang kilay Inalis ko ang paningin sa kaniya at umayos na upo Ipinilig ko ang ulo ko, "kailangan mo?" Tanong ko rito dahil kanina pa ito nakatitig habang kunot ang noo at magkasalubong naman ngayon ang kilay "Wala" pasiring nito inalis ang paningin sa akin at nakipag usap sa tatlo Binigyan ni kim ang tatlo ng bubble gum, "You want?" Ngumunguyang alok sa akin ni kim habang inaabot nito sa akin ang dalawang pirasong bubble gum Iniabot ko ito at binuksan ang isa, ibinulsa ko naman ang natira para mamaya ko ito kainin "President! Pila na daw" sigaw naman ng isa sa mga clasmate namin habang naka dungaw ito sa pintuan "Pila na guys! Dalian niyo!" Tumayo naman ako kaya sumunod ang iba at pumila By height ang pila namin kaya magkakasunod kami ng mga kaibigan ko Bumaba naman kami sa gym para mag flag cem, paiba-iba ang sched namin kaya minsan ay ayos lang na malate "Kukulet naman, parang mga tanga" pumwesto ako sa harapan dahil ang kulit ng boys namin Nawawala ito sa pila at ang iba ay nakikipag batian pa sa ibang section Ang mga kaibigan ko rin naman ay ganoon rin ang ginagawa "Hoy! Ano na?! Pila" Sumunod rin naman sila at pumila Maingay nga lang, pisti! "Hoy, dun ka sa harapan" kalabit sa akin ni Jane "Ay oo nga pala" tinignan ko ang ibang president ng ibang section at nakita ko naman sila nasa harapan Nasa pinaka dulo at gilid ang section namin at ang katabi naman na section ay section ni macsimo 'Wag mo nang ipilit, lalong sasakit' tila narinig ko muli ang boses ni macsimo habang sinasabi ang mga salitang iyon Umiling na lang ako at binaliwala muli Pumwesto ako sa harapan at tumayo sa gitna ng mga babae at lalaki "Seniors, silence please" sabi naman ito ng coordinator namin habang nasa gitna ng stage Humupa ng kaunti ang ingay kaya bumaba sa stage ang coordinator at nakipag usap sa ibang teacher Nagsimula ang flag cem at kaunting announcement ng mga activities "The intersection will begin next week, players be ready" 'Nice' 'I like it, huh' "Ano daw?" Pabalik na sana ako sa aking pwesto dahil babalik na kami sa room para sa klase ng magtanong sa akin si kim "Ano sabi?" Tanong muli nito sa akin at sunod rin naman nagtanong si mikayla "Mamaya na" "Galit ka ba, mayor?" Pang-aasar nanaman sa akin ni kim 'Mayor' ang tawag nila sa akin dahil napagtripan nila akong gawing presidente nang magsimula ang pasukan Mga baliw Papasok na sana ako sa room ng narinig kong may lumabas sa kabilang room Sandali ko itong sinulyapan at si issa naman itong niluwa ng pintuan Itinaas niya ang kilay ng makita niya nakatingin ako sa kaniya at inirapan muna ako bago ito nag lakad pa-layo at bumaba "Taray na siya non" Humalhak naman si mikayla na nasa gilid ko pala at siguro nakita nito ang pag tataray sa akin ni issa Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang taray nito sa akin, samantalang sa iba naman ay parang anghel ito at mabait ang trato niya sa kanila Sa iba nga lang, sa amin mag kakaibigan ay hindi Nagkibit balikat ako at pumasok na sa room Mabilis na lumipas muli ang morning class ko at lunch time na bago kami magpractice para sa drum and lyre Dala ko ang bag ko nang lumabas ako sa classroom Susunod na lang daw si janica at alexia dahil may gagawin pa raw ito Si kim at mikayla naman ay hindi ko alam san na ito napadpad "Dugdug tak tug dug" lumingon ako sa aking likod ng marinig ito Si Ian, William at macsimo, nag uusap sila habang dala nila ang mga gamit May hawak pang drumsticks si macsimo habang hinahampas ito sa ere at pinapaikot iyon "Ayos na ba yung drums mo? Gagi sa akin kasi natatanggal" reklamo naman ni bert sa dalawa habang may kinukuha ito sa kaniyang bag Naagaw ni macsimo ang paningin ko ng nakita ko itong nakatitig sa akin habang nakangiti Nginitian ko ito at binagalan ang lakad ko para makasabay ang mga ito pababa sa quadrangle "Lapit na competition" sabay naman kaming apat maglakad Medyo nasa harapan namin si macsimo habang kaming tatlo naman ay nasa likod "Teka lang, William samahan mo nga ako may naiwanan ako sa taas, kayong dalawa mauna na kayo" umalis na ang dalawa Sinundan ko muna sila ng tingin at nag patuloy sa paglalakad Nasa gilid ko sa macsimo at nakatingin lang ito sa dinadaanan "Uhm" umubo ako at sinulyapan siya Tumingin ito sa akin kaya naman dali-dali kong inalis ang paningin ko Ramdam ko ang init ng pisngi ko kaya naman siguro ay namumula na ako "You're cute" he chuckled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD