Chapter 3

3078 Words
Chapter 3 JANICA's POV "Kami kaya" ian hissed Napatingin kaming tatlo sakaniya dahil gulat na gulat kami sa sinabi niya "Luh? Obib toh?" Pang-aasar naman ni kim kay ian Tinarayan lang siya ni ian at nag pa una ng umakyat sa building namen "Problema non ni fishball?" Tanong sa akin ni kim ng tatawa tawa pa Yan ang totoong kim! Kala mo mabait pero napaka mapang asar! "Ininis mo! Lagot!" Itinaas ko naman ang kamay ko at pinalo siya sa noo Bwahaha! "Luh! Kupal toh!" Gaganti na sana siya sa akin ngunit lumapit sa kaniya si france at tinignan yung noo niya na hinampas ko "Ok ka lang love?" What the hell! "Lalandi niyo! Letse!" Nag walk out naman ako at pumunta na lang ng room kesa makita yung dalawa na yun na mag landian sa harap ko! Narinig ko naman ang tawa nila kaya lalong sumama ang mukha ko! Porket wala akong lovelife eh Napanguso na lang ako sa na isip ko TASY's POV SHIT talaga! Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni mac kanina! Ano ba! Dire-diretso naman ako sa lakad dahil wala naman akong paki kung ma late ako sa klase Pumunta ako sa locker ko at kumuha ng libro sa morning class ko Morning class lang dahil may practice na kami mamaya Isinara ko ang locker at nilock yon at tumayo na habang hawak ang libro sa isang kamay ko Medyo madilim sa parte ng building na ito dahil tapat ito ng Computer Room and Science Lab Bigla naman akong kinabahan ng may marinig akong sumisipol Umagang umaga minumulto ako! Dumikit ako ng bahagya sa pader at naglakad takbo Onting lakad na lang ay malapit ng ako sa Classroom pero may biglang humawak sa balikat ko "LAAAAH!!" Sumigaw ako ng nakapikit pa ang mata Sumigaw lang ako ng malakas at hinawakan yung kamay at pinaikot ito! Shit! s**t! Multo! "A-aray! S-s**t! Sakit!" Nagulat ako at napabitaw sa kamay na yun ng marinig ang pamilyar na boses "Vince!" Sabay yakap kay vincent! "Bakit mo naman inikot kamay ko?! Sakit nun ah!" Sigaw niya sa akin at nagpumiglas sa yakap ko Arte! HA HA HA! "Kala ko kung sino eh! Madilim kaya dito! Malay mo may multo dito!" Natatawa ko pang sabi at yumakap ulit kay Vince "Nasa school ka oy! Andaming Naglalakad at pumupunta dito noh! Locker area kaya ito! Tanga nito!" Humiwalay ako sa yakap at pinalo siya sa dibdib "Eh malay ko ba?! Ako kaya mag-isa dito! Pati malay ko ba!" "Ano ba kasi nasa isip mo at lutang ka sa umaga? Iniisip mo ako noh?! Yie!" Sabat naman niya at dinuro pa ako Tinignan niya ako ng may nanunuksong tingin Tinignan ko naman siya ng may nandidiring mukha kaya bigla siyang tumigil sa pang-aasar at sumimangot Tumawa naman ako ng malakas "joke!" "Tara na nga!" Hinila niya ako sa pulsuhan habang ako ay tumatawa tawa parin sa naging reaksyon ng mukha niya Nasan na kaya sila Alexia? Baka nauna na siguro kumuha ng gamit o kaya hindi pa kumukuha? Pumasok ako sa loob classroom at nakita ko naman si kim at jan na nagaasaran "Oh bat nauna kayo sa akin?" Ibinaba ko ang bag ko at inalagay ang libro ko sa book tray sa ilalim ng upuan Pumunta ako sa gilid ng room kung nasaan si kim at jan na anlakas ng tawanan "Locker lang ako hihi" tumayo naman sa kim ng umupo ako sa tabi niya "Kuha mo na rin ako!" Binato naman ni janica yung susi niya kay kim at sinalo naman ni kim yung susi at kumaripas ng takbo palabas ng room "San ka nang galing?" Baling ni janica sa akin "Sa Gym ako dumaan! Para kunwari long walk at makapag isip isip ako sa buhay" "Ano naman pinagiisipan mo?" Nilapit niya ang mukha sa akin "Wala!" Lumayo ako sa kaniya ng bahagya at tumawa Ayokong ipahalata sa kaniya na binabagabag ako sa nangyari kanina Dahil kung mahalata niya yon! Sure ako na mag papakwento ito! At ayoko ng alalahanin yun ulit! Huhu! "Weh? Ulol!" Tinignan niya ako ng may pag aalinlangan sa mukha I faked smile and laughed "Wala nga." "Psh! Ganyan tayo eh!" She laughed "Anong chika?" Nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si kim "Bwisit ka! Nagulat ako!" Sigaw ko sa kaniya at pinalo siya sa braso "Luh? Sorry na Mayor!" Lumuhod pa ang gaga sa harap ko at tila sumasamba sa akin Baliw ampota. "Ang arte naman nun! Nakaka-sira ng araw mga epal!" Narinig ko naman ang boses ni mikayla Tumayo ako at pumunta sa kaniya Nilapag niya ang bag niya at nilagay ang libro sa book tray "Sino boi?!" Lumapit siya sa akin at bumulong "Si issa" lumayo naman siya at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit niya "Bakit?" Bigla naman akong naging interesado kay issa Hindi pa rin mawala sa isip ko yung tingin niya sa akin nung nakita niya kaming mag kasama ni mac nung practice! Ang sama kasi ng titig niya sa akin eh bumili lang naman kami ni mac ng pagkain! Anong problema sa sabay maglakad? Ma-issue! "Kasi nga! Nakita ko kanina sinisigawan niya si kim at france doon sa baba" tinignan naman niya si kim na nakikipag usap pa rin kay janica "Tapos barado naman siya kay france kaya nagalit tuloy lalo! Pero nung nadaanan ko siya pinapagpag niya yung balikat niya siguro nabangga ni kim! Ang arte non! Nabangga lang!" Kwento ni mikayla "Teka nga! Bakit ba galit na galit kayo kay issa? Anong issue non sa buhay?" Umupo naman siya kaya tumabi ako sakaniya habang nakaharap parin ang mukha ko "Corny mo naman! Di mo alam?!" Hinampas niya pa ang desk niya "Hindi? Malamang! Bobo ka?" "Kasi nga! Diba naging sila ni mac, tapos kaya daw sila nag break eh nag cheat siya! Worse sa College student pa!" Sagot naman niya ng pumapalpak pa! Baliw "Ulol! Hindi nga?!" Hindi naman ako agad maniniwala sa ganyan! Malay ko ba na hindi totoo yan! "Sis! Nachika lang rin sa akin yan! Malay ko kung totoo!" Tumayo naman siya at pumunta sa classmate namin at nakipagusap don "Psh!" Singhal ko bago tumayo at pumunta sa upuan Mabilis naman ang Morning class ko kaya naglunch na ako ng mabilisan at nagbihis ng leggings and Brown T-shirt para sa practice Habang kumukuha naman kami ng flag ni kim Nagulat ako ng biglang pumasok si mac sa stock room kung saan kami kumukuha ng flag Nandito naman kami ni kim sa dulo kaya medyo malayo kami sa kaniya "Tasy! Tara na!" Sigaw ni kim sa akin at nag pa una ng maglakad Bakit ba ako kinakabahan?! s**t naman! s**t talaga! s**t ulit! Binaliwala ko nalang yung kaba ko at nag lakad Medyo madami ang flag ng bitbit ko dahil onti lang ang kinuha ni kim Napaka galing talaga ni bruha! Hindi ko naman napansin si mac dahil inaayos ko yung flag dahil mukha itong malalaglag at matutumba "Tulungan na kita, tasy" I was shock! MAC's POV Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan ng matanaw ko si tasy sa stock room Ano bang meron?! Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman ako natatae Dumiretso na lang ako sa loob at hindi na lang pinansin si tasy Dumaan naman si kim ng nay dala ng flag Maya maya pa ay dumaan na si tasy at kitang kita ko kung paano siya nahihirapan sa dala niyang flag Medyo madami yung dala niya ""Tulungan na kita, tasy" Gulat siyang napalingon sa akin Nanlaki ang mata niya na parang may sinabi akong masama "Uh.. tulungan na kita" kinuha ko yung kalahati ng flag na hawak niya at nilagpasan siya doon Iniwan ko siya doon ng tulala Hindi ko alam bakit tulala yun! May sinabi ba akong masama? Masama ba ang tulungan siya? Tsh. Nilapag ko ang dala kong flag kasama ng ibang kauri niyang flag hehe Pinagpag ko ang kamay ko at dumiretso sa pwesto ng mga drums Inayos ko ang drums ko at inabala ang sarili dun Maya-maya pa ay nakita ko si tasy na dumating at nilapag ang mga flag Umupo siya gilid ng stage kaya magkaharap kami ngayon ngunit ilang dipa ang layo namin sa isa't isa Tinitigan ko siya at kinabisado ang bawat parte ng mukha niya Mapupungay ang kaniyang mata, manipis at maputlang labi, pahaba ngunit maliit ang kaniyang mukha, magagandang kilay, mahaba na pilik mata, mala-anghel ang kaniyang mga mata kung dumapo ito sayo at ika'y mabibighani sa simpleng ganda ni Anastasia Tasy Mendoza Nagtama ang paningin namin, rumehistro ang gulat sa kaniyang mga mata at siya ang unang nag iwas ng tingin I smirked when i saw her reaction, she's cute. Tinapos ko ang pagkakalikot sa aking drums at nakipagusap sa kaibigan ko "Mac! Boi!" Tawag sa akin ni Will ng nakita niya akong papalapit sa kanila "Bro! Kamusta na kayo ni Issa?" Ngumiti naman siya at nagsimulang mag dribble ng bola Nasa gilid kami ng gym malapit sa clinic Kung saan ko unang nakilala si tasy She's really familiar to me Alam kong pamilyar siya sa akin dahil tuwing nakikita ko ang kaniyang mga mata ay tila ba nakita ko na ang mala anghel niyang mga mata "Hoy?" Naagaw ng atensyon ko dahil sa pag tawag ulit sa akin ni Will "Huh?" Inagaw ko sakaniya ang bola at nag dribble dribble lang "Sabi ko, kamusta na kayo ni issa" pumunta naman siya sa harap ko at tila binabantayan ako "Hm, ayos" maikling sagot ko at nagcross over at shoot! "Tss, sasali ka ba sa intersection?" Nasa kaniya naman ang bola at ako naman ang nagbabantay sa kaniya Nag dribble dribble lang siya at gumilid at SHOOT! "Siguro" tumango na lang siya at binigay sa akin ang bola "Bakit mo tinitigan pala si tasy kanina?" napatigil ako sa paglalaro ng bola at napatingin sa kaniya "Wala lang" "Wushu! Wag ako boi!" Kinuha niya ang bola at nag dribble na lang Nakatingin naman ako sa bola at hindi ko alam bakit nga ba ako nakatingin sa kaniya at pinagaralan ang mukha niya "Edi wag" tumawa na lang ako at iniwan si Will don "IYON!" Sigaw niya at humalakhak pa siya Naglakad ako papunta sa gilid ng stage kung saan ko nilapag ang gamit ko Kinuha ko ang binili kong water bottle sa canteen at ininom yon Habang isinasara ko ang zipper ng bag ko May kumalabit sa akin kaya nilingon ko ito pagkatapos kong isara ang bag ko "Hi" bati sa akin ni issa ng nakangiti pa Pinagkatitigan ko ang kaniyang mukha Isinamantala ko na itong pag kakataon na ito para titigan ng malapitan si issa Hindi ko malaman kung bakit hindi na ganon kabilis ang t***k ng puso ko? Dati naman ay tuwing malapit ako sa kaniya at tuwing matitigan ko siya ay tila ba nag kakarerahan ang t***k ng puso ko Ngunit ngayon ay parang iba, may kakaiba sa nararamdaman ko Mahal ko si issa at sigurado ako don! Iyon na lang iniisip ko dahil mukhang hindi sumasang ayon ang puso ko "Hi?" Napunta kay issa ang atensyon ko "Uhm..hi issa" ngumiti ako sa kaniya Lumiit naman ang kaniyang mga mata at tila nag tataka sa ina-asal ko ngayon "Are you okay? You look confused." Pinagkrus naman niya ang kaniyang kamay at tinitigan ako ng mabuti Tinaas niya ang kilay niya at tila ba nag hihintay ng sagot ko Nakita ko naman sa likod ni issa si tasy na naglalaro ng basketball kasama si vincent Kapatid ni issa si vincent, iisang taon lang ang tanda niya sa amin Kilala ko siya pero hindi naman kami masyadong close at minsan lang kami mag-usap Ngunit kay tasy talaga ang atensyon ko, tuwing tumatawa siya tila ba nagbibigay ito ng lakas sa akin at tila ba nagpapasaya ito sa akin Nakita ko naman na tumingin si issa kay tasy at tinarayan ito She rolled her eyes then mouthed something "I'm talking to you, macsimo!" Natinag ako ng nagtaas ang boses niya sa akin Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yon pero wala akong pakialam Si tasy ang nasa isip ko Fuck! Nagpapaulit ulit sa isip ko ang magagandang ngiti ni tasy at napapangiti rin ako! Shit! Si issa ang nasa harap ko ngunit si tasy ang na isip ko TASY's POV Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko ng makita kong nakatitig sa akin si mac Andito ako kasama si Vincent naglalaro kami ng basketball kahit bonak naman ako doon Hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw kong alisin sa kaniya ang paningin ko at gusto ko lang itong titigan at hindi ako magsasawa titigan siya Kanina rin ng mahuli ko siyang naka-titig sa akin, naramdaman ko kasi ang init ng pisngi ko kaya nag-iwas ako ng magtama ang mga mata namin Tinitigan ko ulit si mac Bagsak ang kaniyang buhok na itim na itim, he has this brown eyes and long eyelashes, thick eyebrows and wonderful jawline, kissable lips and you can call his face perfect He has this kind attitude, matulungin siya ngunit bat parang binigyan ko ito ng malisya? Hindi ko masasabing gusto ko siya pero parang ganon naman ang sinasabi ng puso ko Ang utak at puso ko ay tila ba naglalaban kung ano ba dapat ang aking maramdaman TASY's POV Hindi ko parin maintindihan kung bakit litong lito ako sa nararamdaman ko "HOY! MENDOZA! ANONG GANAP YAN?!" Nagulat ako at nawala sa isip ko ang imahinasyon at kahibangan Sinagawan ako ng instructor namin at halatang galit ito, bakla kasi itong instructor namin at strikto! Psh! Takot nga akong magkamali dahil baka ipahiya ako nito sa co-members ko "Uh! Wala po! Sorry po.. sorry" iwinasiwas ko ang aking kamay at tumingin sa mga kasama ko "Puro ka imagine kasi!" Sermon ulit sa akin ng instructor Tinarayan niya naman ako at nagpatuloy sa pagbibilang na naudlot kanina dahil sa akin Binigay ko na lang ang atensyon ko sa practice at hindi na nagisip ng kung ano-ano, ayoko rin naman mapagalitan ulit dahil baka pauwiin na ako eh! "Isa pa! From the top! Ayos naman! 1-2-3-4-5-6-7-8!" Nag practice lang kami at tuwing may magkakamali naman ay pinapaulit-ulit kami nito at from the top pa Kung makikita naman niya kaming parang lalamya-lamya na ay sesermonan niya ulit kami at from the top ulit! "Sige! Water break, 5 minutes lang then practice ulit! Oh mendoza ikaw na muna ang bahala pagtapos ng break, wag kang lutang diyan dahil huli kang uuwi kung hindi niyo iyan maka-gets pagkabalik ko!" Umalis naman ito kaya nagsitakbuhan kami sa mga gamit namin at uminom Gagi! Uhaw na uhaw na ko! Uminom ako sa hydro flask ko at hindi muna umupo dahil hindi mawawala ang pagod ko kung u-upo agad ako "Tasy! Peram water bottle! Lalagay ako sa water fountain hehe" nakangiting sabi sa akin ni kim Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko at kinuha agad ang hydro flask ko Tumakbo siya sa water fountain at doon naglagay ng tubig Umiling na lang ako habang natatawa dahil mukhang tanga si kim Nawawala ang pagkamahiyain niya pag kaharap kaming mga tropa niya ngunit kung kaharap naman ang jowa niya eh tila ba anghel kung magsalita Natawa naman ako sa isip ko kaya mukha akong baliw na tumatawa habang nakatingin sa kawalan "May baliw" tumabi sa akin si kim pagtapos niyang ibalik ang hydro flask sa bag ko "Asan?" Tanong ko at tila ba naghahanap ako "Ayan" turo niya naman sa akin kaya kunwari ay natawa ako sakaniya habang siya naman ay parang tangang tawang tawa sa sarili niyang biro "Luh? Ang saya mo?" Sarkastikong tanong ko sakaniya at tinarayan siya Naagaw ng atensyon ko si issa Magaling siya mag baton at malambot ang katawan niya Mukha siyang anghel kung kumilos pero hindi ko rin alam kung anghel nga ba iyon ng ma-alala ko ang sinabi sa akin ni mikayla tungkol sa nangyari sa kanila ni mac "Crush mo ba si issa?" Humarang naman si janica sa harapan ko at magkakrus ang kamay nito "Hindi, ikaw crush ko" Hahawakan ko sana ang pisngi niya ngunit tila nandiri ito at tumabi kay kim "HAHAHAHA!" Tumawa kaming tatlo doon na tila ba ay baliw kami "Tara na nga! Practice na tayo!" Tumayo ako at kinuha ang flag kong nasa lapag "Lezgo!" Sigaw ni kim at pinulot naman ang flag niya Malapit na ang competition kaya naman magiging busy kami sa susunod pa na mga araw Natapos na ang practice namin at masakit nanaman ang balikat ko Ngunit hindi tulad ito ng nakaraan na sobrang sakit Ngayon naman ay kaya pang tiisin kaya binaliwala ko na lang ito at nag-ayos ng gamit Nagbihis na ako ng white t-shirt and our school P.E pants Nagsalamin ako at doon naghilamos ng mukha dahil haggard ang mukha ko ngayon Nag-ayos naman kami ng iba kong co-members sa harap ng salamin at doon nag ayos ng pagmumukha namin Uuwi na sana kami ngunit nag-aya naman si ian na mag dinner na muna kami Gutom na rin naman kami kaya pumayag kami sa gustong mangyari ni ian "Tara" Lumabas na ang boys galing sa loob ng school Hindi naman na ako nagulat ng kasama nila si mac dahil tropa na nila ito "Sama ako ah" bati ni mac sa amin ng masalubong namin sila Nginitian niya kami Nagtama ang ngiti namin, naramdaman ko naman ang init ng pisngi ko kaya nag iwas na lang ulit ako at sumabay kay alexia maglakad Magka-usap si alexia at jan, si kim naman ay nakikipag-asaran kay ian at will kaya kaming dalawa lang ni mac ang naiwan sa likod at tahimik Maingay ang mga kasama namin at kami naman ay tahimik habang sabay na kaming maglakad dahil nauuna nang maglakad ang iba Ang awkward ng sitwasyon namin ni mac, hindi naman niya ako kinakausap kaya ako na lang ang kakausap sa kaniya dahil nakakahiya at ang awkward "Kamusta? Pagod ka?" Tanong ko sa kaniya kaya naman nilingon niya ako at nakangiti naman siya kaya ipinagtaka ko iyon "B-bakit ka n-nakangiti?" Itinuro ko ang labi niyang nakangiti at narinig ko naman ang mahinang tawa niya kaya nangunot ang noo ko dahil wala naman nakakatawa sa tanong ko Baliw ata ito eh? KIM's POV Kanina ko pa napapansin si mac at tasy na tahimik sa likod Kahit nakikipag asaran naman ako sa dalawang unggoy na ito ay pansin ko parin sila sa likod "Weh weh! Iiwan ka din non" nawala naman ang paningin ko sa dalawa ng marinig kong asarin nanaman ako ni ian Tumawa si will at tila sumasang-ayon pa sa katarantaduhan ng tropa niya "Torpe ka lang!" Nakita ko naman sumeryoso ang mukha niya at sinulyapan si jan na kausap si alexia sa gilid namin "Panis ka don pre!" Tumawa naman si will ng malakas at hinila si ian sa balikat, hinampas niya ito kaya tila napipikon na ang isa Tumingin naman sa akin ulit si ian with his annoyed face "Ano? Ano? Papalag?" Tila naghahamon kong sambit sa kaniya kaya tinarayan niya nalang ulit ako May torpe oh! Ha ha ha! Nabalik ang atensyon ko kay tasy at mac ng mahagip sila ng peripheral vision ko Lumingon ako sa kanila ng ka unti Itnuro ni tasy ang mukha ni mac at tumawa naman si mac sa kaniya Nangunot ang noo ni tasy at tila nagtataka sa ina-asal ng binata sa harapan niya Sweet! Aw! Wala kasi si france dahil may gagawin daw siyang importante kaya hindi niya ako mahintay hanggang uwian kaya kasama ko tong mga asungots na ito Hindi ka naman marinig masyado ang usapan ni tasy at mac "Ang sarap mo kasing titigan" sambit ni mac kay tasy na ikanagulat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD