JANICA's POV
Pabalik na kami sa room pagkatapos naming ihatid ni Tasy ang mga libro sa classroom nila Macsimo, Mukhang malalim ang iniisip nitong kasama ko. Nararamdaman ko talagang may something sa kanila ni Macsimo, hindi ko lang matukoy kung ano yon. Ang gulo rin kasi nila minsan.
"hoy. lalim ng iniisip mo buddy" tawag ko rito, tulala parin ampotsa? ano kayang iniisip nito? ang alam ko ay andito na ulit si Theron, ang ex ni Tasy na... hay nako wag na nga.
"Si Theron ba iniisip mo?" tumingin ito sa akin at saka umiling, edi sino? bala na siya diyan mag isip nang sobra.
Pumasok na kami sa classroom at nadatnan na medyo tahimik ang mga kaklase ko, wow? first time. Tahimik rin akong pumunta sa upuan ko. Katabi ko si Tasy kaya sabay na kaming naupo.
"anong meron?" tanong ko sa isa namin kaklase, nagkibit balikat lang ito, tinignan ko si Tasy dahil nakatitig ito sa akin? crush siguro ako nito. biro lang
"Paano mo nalalaman na may gusto ka na sa isang tao?" biglang tanong nito sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin sa harapan.
"Malalaman mong may gusto ko na sa taong yun kung hindi siya mawala sa isip mo, kung kinakabahan ka tuwing malapit siya sayo. Basta! malalaman mo nalang yun. bakit mo na tanong hah?"
"Wala lang" sagot nito sa akin.
TASY's POV
Naramdaman ko na lahat kay Macsimo ang mga sinabi ni Janica, pero napaka imposible naman non! naramdaman ko rin iyon kay Theron, pero iba ang kay Macsimo.
Gusto ko na nga ba siya? paano kung hindi niya ako gusto? pero paano kung gusto niya rin ako?
pero baka iwan at lokohin niya lang din ako, umiling na lang ako dahil masyadong maraming bad thoughts ang aking utak. hindi pa naman ako sigurado kung gusto ko na nga ba si Macsimo. naguguluhan lang din siguro ako sa nararamdaman ko.
Kanina lang ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko nang biglang pag lapit niya, akala ko ay mahihimatay pa ako. Buti na lang ay kinuha niya agad ang mga libro ay umalis agad sa harapan ko.
Alam kong at sigurado akong iba talaga itong nararamdaman ko kay Macsimo, hindi lang pag kakaibigan ang turig ko sa kaniya. may iba eh.
"Okay class, malapit na ang intrams so pipili o kaya ay magvolunteer na ang mga sasali sa sports" ani ni Ms. Lorian.
narinig ko naman na nagpipilitan si Kim at Janica na maunang tumayo at ilista ang pangalan nila sa harapan. Pgkatapos nang ilang pilitan, naunana nang tumayo si Janica at sumunod naman sa kaniya si Kim. nakita ko rin na tumayo si Mikayla. sasali rin siguro.
Natapos na ang klase namin ay biglang pinatawag kaming mga members ng DnL. May meeting daw bago mag intrams dahil wala kaming practice ng apat na araw. Sa last day pa ng Intrams dahil wala nang masyadong ginagawa tuwing last day.
Pumunta na kami Sa Auditorium ng English department at doon nag meeting.
"Okay! So may intram kayo kaya wala tayong practice for four days.. Last day na lang ng intrams since wala naman kayong masyado nang gagawin. Okay na ba yon?" Explain ng Instructor namin. Tumango naman ang iba kong kasama.
Hinanap ng aking mata si Macsimo ngunit wala siya doon, asan kaya yon? Wala rin si William at Ian. Saan nanaman nag punta ang tatlong yon? Nangchics nanaman siguro.
Natigil ang aking paghahanap nang biglang bumukas ang pinto at tumambad doon si Macsimo. Nasa likod niya si Ian at Will. Pumasok silang tatlo at nag sorry dahil late daw silang dumatin, may ginawa lang daw silang importante. Ano naman kaya yon? Wala ka nang paki don!
Umupo sila sa likod namin, Nakaramdam naman akong nang titig kaya unti kong nilingon ang tatlo at nakitang naka tingin ito sa akin. Si Ian at Will ay naka ngisi habang si Macsimo ay mukhang seryoso.
Sinaway ni Macsimo ang dalawa kaya humagikgik ito at tumingin na lang sa harapan. Tinignan ko naman si Macsimo, ngumiti ito sa akin at iniwas agad ang tingin. Anong meron dito? Tss...
Nang matapos ang meeting ay agad kaming lumabas at pumunta na sa locker area para ibalik ang mga gamit doon. Nasa likod pa rin namin ang tatlo pero si Ian at Will ay nakikipag asaran kay Mikayla at Alexia.
Nakatingin pa rin sa akin si Macsimo kaya nang makarating ako sa aking locker ay mabilis ko agad nilagay ang mga gamit ko roon. Hindi ko na masyadong inayos at bukas na lang! Nakaka awkward ang mga titig ni Macsimo. Ayoko nga nang tinititigan eh!
Nagulat na lang ako nang bigla itong tumabi sa akin at sumandal sa katabing mga locker, sinulyapan ko ito at nakangisi naman ang loko! Nakakailang na siya, kanina pa siya!
"B-bakit ka ba ganyan tumitig sakin?" Tanong ko rito at pinag patuloy na lang ang pag lagay ng gamit. Medyo kalmado ang galaw ko pero ang looban ko ay gusto nang magwala! Lalo na ang puso ko dahil napaka lapit niya!
"Hmm..wala lang" patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin. Nagkibit balikat na lang ako sa kaniya bago isara ang locker ko. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at naglalagay pa sila nang gamit dahil nakikipag kwentuhan pa sila sa isat-isa. Gusto ko nang makawala sa tingin ni Macsimo!
"Tasy! Gagawa ka ba ng Activities ngayong week? Wag na!" Pang dedemunyu naman ni Mikayla sa akin habang pinapakita ang kaniyang notebook na walang laman kundi puro kalokohan nila ni Kim. Mga crush kasi nila ang nakasulat doon imbis na lessons. Tsk tsk!
"Alam mo ikaw! Napaka tamad mo! Gumawa ka nga!" Sermon ni Janica sa kaniya habang fliniflip pa ang hair niya at pinapakita ang Notebook niyang may mga laman.
"Oo nga! Right! Exactly! True!" Tumango pa sa Kim habang nakatingin sa notebook niya.
"Puro ka lang kopya Kim wag kang masyado! Sa akin ka pa kumokopya! Kung makaoo ka naman akala mo" ani ni Janica
Tumawa naman ako sa kaniyang sinabi dahil agad na napatingin sa kaniya si Kim habang si Mikayla ay inaasar na siya.
"E X C U S E M E?! Minsan lang ako kumopya sayo! Imbyernang toh" umirap si Kim sa dalawa habang nag mamakeface pa. Parang mga bata.
"Oooyyy! Macsimo baka matunawa yan! Grabe! Your stare is super heart melting eh!" Ani ni Alexia habang naka turo kay Macsimong nakangiti at nakatingin sa akin. Kumindat naman siya at pumunta kay Ian at Will.
"Hay! Grabe! Hope all!" Humarap sa amin ang iba at nagsimula na nila akong tuksohin kay Macsimo. Hindi ko alam dahil nag iinit ang pisnge ko sa mga tukso nila at nahihiya ako. Tss!
"Alam mo Tasy, May napapansin ako sayo" Ani ni Janica habang naglalakad na kami sa Hallways palabas ng School.
"Aminin mo nga! May gusto ka kay Macsimo noh?!" Tanong niya sa akin habang naniningkit pa ang mata.
"H-huh?! Saan mo naman nakuha yan!" Ngiting aso na siya ngayon.
"Ikaw ah! Aminin mo na kasi! Malakas ang t***k ng iyong puso pag malapit siya, para kang nae-estatwa tuwing susulpot siya bigla parang kabute, at higit sa lahat ay lagi mo siyang hinahanap hanap at hindi siya mawala sa utak mo!" Nakahawak pa ito sa dibdib niya at tila namamatasya.
"Oo na! Oo na!" Sigaw ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin nang may malaki ang mata. What?!
"Anong 'oo na'?!" Ani ni Janica
"May gusto na ko sa kaniya! Tsk!" Inis na sigaw ko at umirap sa kaniya. Eh kasi naman! Yung mga sinabi niya ay nararamdaman ko tuwing andiyan si Macsimo!
"Talaga? Totoo ba, Tasy?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko!
M-macsimo?!
TASY's POV
"I heard it" Ngising sabi ni Macsimo, Grabe! Bakit hindi ko naman naramdaman na may tao sa likod ko? Stupid Anastasia! Wala na akong kawala dahil narinig naman niya.
"Yeah" Nagwawala na ang buong sistema ko. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko nang mag salubong ang tingin namin ni Macsimo. Sana kainin ako ng lupa!
"Let's talk, later" Ngumiti ito sa akin habang naka-pamulsa ang dalawang kamay sa slacks niya.
"H-huh? Saan?" Tanong ko rito, nautal pa ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang inamin ko iyon! Bakit ba kasi tinanong pa ni Janica yon! Tsk!
"Sa overlooking.. malapit sa coffee shop." Malalagutan na ata ako ng hininga. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya at tipid na ngumiti, hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko dahil sa mga narinig niya.
Hindi naman niya ko gusto, diba? Kasi ang narinig ko ay kaibigan ang turing niya sa akin.. wala lang yun siguro. Pero bakit kami mag-uusap?!
"T-tara na!" Hinila ko kay Janica. Lumingon pa ito kay Macsimo at sumigaw.
"Hoy! Sabihin mo! Salamat master Janica!" Tumatawang sigaw ni Janica habang hinihila ko siya. Master Janica? Tsk! Kalokohan nanaman nitong si Janica. Pati tuloy ako ay napa-amin bigla at kauusapin pa.
"Let's talk daw sis! Chika mo bukas ang sasabihin ni Macsimo ah!" May binulong pa ito kaya hindi ko na narinig. Umiling naman ako sa kaniya at binitawan siya sa pagkakahila ko. Hinampas ko siya sa braso kaya naman umaray siya pero tumawa pa din. Baliw!
"Yiee! Makaka-move on na siya kay Theron!" Pang-aasar niya pa sa akin habang sinusundot ang tagiliran ko.
"Naka move one na ako matagal na! Kaya tigilan mo na ako! Mag-uusap lang naman kami, usap lang." Nanguna na akong maglakad sa kaniya habang siya naman ay panay pa rin ang asar sa akin.
Kasalukuyan na akong nasa sasakyan ko, nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako sa Overlooking o huwag na. Siguro ay papatigilin ako ni Macsimo sa pagkakagusto sa kaniya! O baka naman ay ihagis niya ako sa bangin dahil baka mag-selos sa akin si Issa!
Bahala na! Pupunta na lang ako.
Nagdrive ako patungong Overlooking or View. Pinark ko ang kotse ko sa gilid at naglakad na patungong Overlooking. Naramdaman ko ang kabog ng puso ko sa sasabihin ni Macsimo. Baka nga ay papatigilin niya na ako magka-gusto sa kaniya.
Nakaramdam ako ng lungkot. Umiling ako at inalis ang mga masasamang iniisip ko. Baka naman ay kakausapin niya lang talaga ako.
Nang makarating na ako, nakita ko si Macsimo na nakatalikod sa akin. Naka-pamulsa ang dalawang kamay niya sa slacks habang naka tingin sa View. Whew!
"M-macsimo" Tawag ko sa kaniya. Humarap naman ito sa akin at ngumiti. Ginantihan ko ito ng ngiti tsaka tumabi sa kaniya.
Katahimikan...
"Ano pag-uusapan natin?" Tanong ko rito at hinarap ito. Medyo madilim na, pero kito ko pa rin ang kagwapuhan ni Macsimo. Hay nako! Erase Tasy! Ayan ka nanaman.
"Yung kanina, totoo?" Tanong niya sa akin. Kinagat ko naman ang labi ko at dahan-dahang tumango sa kaniya. Yumuko ako sandali at nang nag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nagpipigil na ito ng ngiti.
"B-bakit?" Kabang tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya habang nag-pipigil pa rin ng ngiti. Ano ba ang nangyayari sa kaniya?
Tumingin ito muli sa view. Tahimik ulit habang pinagmamasdan namin ang View sa harapan. Ang ganda ng Buwan.
"Ang ganda ng Buwan" Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang Crescent moon.
"Oo, sobrang ganda"
Naramdaman ko ang titig niya sa akin kaya dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Naka-titig nga siya sa akin habang seryoso ang mukha. Nagtama ang paningin namin.
Nag-iwas agad ako ng tingin sa kaniya. Omg! Ano yon?! Pumikit ako at tinagilid ang ulo. Bumulong pa ako ng ilang mura bago humarap ulit sa view.
Onti lang ang dumadaan na sasakyan rito tuwing gabi. Kaya tahimik ang lugar na ito. Ang ibang tao naman ay nasa coffee shop o kaya nasa ibang restaurant na malayo sa amin.
Gusto ko man lingunan siya ay naalala ko ang titigan namin kanina kaya pinilit ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ang awkward naman. Kung pwede lang siya takasan ngayon ay ginawa ko na kaso baka madapa ako at isang kahihiyan nanaman iyon.
"Tasy" Nilingon ko siya nang marinig ang pag tawag niya sa akin. Naka-tingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. Nilibot ko ang aking paningin sa mukha niya. Ang ganda ng kaniyang mga mata. Matangos ang ilong, mahabang pilik mata. Makapal na kilay. Makinis ang balat. Maganda ang labi at mamula-mula pa. Nag tagal ang paningin ko sa kaniyang labi.
"H-hmm?" Dahan-dahan kong ini-angat ang paningin ko sa mga mata niya. Nagtama ang paningin namin at naramdaman ko ang biglang t***k ng puso ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko!
"Paano kung..." pang-bibitin niya. Paano kung? Anong bang sasabihin niya? Nang-bibitin pa eh!
"K-kung?" Tanong ko sa kaniya. Medyo naiinip na ako. Kinakabahan na rin ako sa susunod na sasabihin niya.
"Paano kung sabihin ko sayong.. gusto rin kita?" Tumigil ang paghinga ko at tumigil rin ata ang mundo. Unti-unting nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
"G-gusto mo ako?" Tanong ko pa habang nanlalaki ang mata sa kaniya. Lalong lumalakas ang t***k ng puso ko tuwing nagrereply sa utak ko ang 'gusto rin kita'
"Oo" Tumigil ulit ata ang paghinga ko at t***k ng puso ko. Pati siguro ang buong sistema ko! Gusto kong mag-pakain sa lupa kaso gusto ko rin kumpirmahin kung totoo nga bang sinasabi ni Macsimo.
"T-totoo?" Nag-aanlinlangan kong tanong sa kaniya. Tumingin muli ako sa mata niya at kita ko ang sinsero roon. Sa utak ko naman ay may nagsasabing niloloko niya lang ako at inaalala ang sinabi niya kay Issa. Naglalaban ang puso at isipan ko. s**t! s**t!
"Oo, Tasy. Gusto kita" Totoo nga ang sinasabi niya. Gusto niya ako! Dahil wala akong feeling na nagsisingaling siya! Malakas na ako makakilatis ng mga sinungaling.
"May tatanong ako sayo" Bumalik ang wisyo ko.
"Hm. Ano y-yon?" Hindi ko pa rin maiwasan ang utal lalo na ang pag-amin niya kanina. Parang nagrereply sa utak ko ang sinabi niya. Waah!
"Pwede bang.. m-manligaw?" Kinagat ko ang labi ko para mapigil ang nagbabadyang ngiti sa mga labi ko. Nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi niya ako tinapon sa bangin.
"A-ahh. Ehh... ligawan mo muna sila mama bago ako" Ang loob naman ang pisngi ko ang kinagat ko. Ngumiti siya sa akin.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko. Ang noo naman niya ay nakapatong sa balikat ko. Mas matangkad siya sa akin nang ka-unti kaya nakayuko siya.
"Liligawan ko ang pamilya mo.. at ikaw" Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Bihira na lang sa mga lalaki ngayon ang manligaw muna sa pamilya bago sa babae.
"At sa oras na sagutin mo ako.. hinding hindi na kita papakawalan pa"
Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Hindi na rin kita papakawalan pa sa oras na sagutin kita, Macsimo.
TASY's POV
lunes na ngayon at papasok ako sa school. dalawang araw na rin ang nakalipas simula nang sabihin ni Macsimo na liligawan niya ako. aaminin ko nang sobrang saya ko, nung una ay puro ako tanggi sa sarili ko tungkol sa nararamdaman ko sa kaniya pero eto ako ngayon, kinikilig habang inaalala ang mga nangyari.
ngunit hindi ko maiwasan na isipin ang sinabi niya kay Issa. bakit kaya niya sinabi yun kay Issa? Umiling na lang ako at inalis sa isip ko ang mga iyon. Masamang kwestyunin ang nararamdaman ng isang tao. Ika-nga.
"Tasy!" Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Alexia. Naka-ngiti ito habang kumakaway sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway pa balik. Nang magkaharap na kami ay nagsimula na ulit kaming mag-lakad. Kasalukuyan kaming papasok ng School.
Practice lang ang gagawin namin buong araw, kung aabutin man ng gabi. Edi aabutin! Haha! Joke! Pero hindi ko pa rin nakikita si Macsimo. Asan na kaya yun? Akala ko pa naman ay susunduin niya ako katulad nung dati. Hindi ko pa rin alam bat niya ako sinundo dati? Tss!
"Malapit na pala competition noh? Pero buti may intrams pa! Medyo nakakapagod pala tong practice." Ani ni Alexia. Wow? Straight tagalog? Si Alexia ba toh?!
"Woah! Straight tagalog ah! Sino ang nagtuturo sayo?!" Pabiro kong sabi sa kaniya. Tumawa naman siya nang mahina at medyo namula pa. Eh? Ano nangyayari dito? "Oh! Bat ka namumula?" Tanong ko pa sa kaniya nang may nang-aasar na ngiti.
"Someone is 'talking' to me in tagalog eh" inipit niya pa tainga niya ang ilang hibla ng buhok niya. Hmm! Something's fishy!
"Aba! Kwento ka naman. Puro ka pabebe diyan eh." Tumawa naman siya sa sinabi ko. Umiling siya at nagsimula nang maglakad takbo. Hinabol ko naman siya habang tumatawa pa. Eto talagang si Alexia oh!
"Okay! Lunch break. Kain na kayo" anunsyo ng instructor namin. Tumango naman kami sa kaniya at binaba ang mga flag namin. Pumunta kami sa pwesto ng mga gamit namin. Sa dati paring pwesto.
Uminom ako ng tubig at umupo saglit.
"Tasy! Huy!" Tawag ni Vincent sa akin. Tumingin ako sa gilid ng Gymnasium at nakita siyang kumakaway sa akin. Ngumiti rin ako sa kaniya at tumakbo patungo doon.
MIKAYLA's POV
"Tsk. Nako, Mac! Sabi na nga ba't nahulog ka na kay Tasy eh! Alam mo kayong dalawa halata kayo. Puro kayo deny sa isa't-isa sa ligawan rin naman pala ang bagsak ninyo!" Pang-aasar ko kay Macsimo! Ang cute niya oh! Namumula habang nagiiwas ng tingin sa amin. Ganito pala kiligin ang mga lalaki? Ngek.
"Mikayla wag mong asarin!" Nang-aasar ang tono ni Kim habang nakatingin kay Macsimo. Andito kami sa isang bakanteng Room sa School. Pwede namang dito dahil nagpaalam kami sa isang Teacher.
Bigla na lang kasi kaming hinila ni Macsimo dito ni Kim at William. Nung una nagiinarte pa Si Kim dahil tinatamad daw siya pero nang sabihin ni Macsimo ang gustong mangyari ay biglang kumilos ang bruha.
Support talaga siya MacSy! Hahaha! Oo MacSy! Mac Plus Tasy! Witty diba? Hindi ako nag-isip niyan si Alexia haha!
Malapit na rin kaming matapos sana kung hindi lang bobo si William at sinira ang iba.
TASY's POV
"Bakit mo ko naisipan puntahan?" Nakangiti kong tanong kay Vincent. Naglalakad kami patungo sa isang restaurant para bumili ng pagkain. Marami kasi ang tao sa Canteen kaya ayaw na namin makisabay.
Nag-aya naman si Vincent na sa labas bumili ng pagkain kaya sumama na ako sa kaniya. Kaso asan si Mikayla at iba kong kaibigan? Nawawala na naman ang mga iyon. Kung saan-san nagsusuot. Nahahawa na ata si Alexia duon sa mga yon na parang kabute.
"Hmm, Wala lang. Hindi ko mahagilap ang mga kaibigan ko eh." Tumawa naman siya sa sinabi niya.
"Ako rin" tumawa kaming dalawa na parang baliw. Hindi ko rin alam kung anong nakakatawa pero natatawa ako sa mukha niya. Gwapo si Vincent. Basketball player at dati siyang Drummer. Hindi ko nga lang alam bakit siya umalis at nag basketball na lang.
"Vincent! Tasy! Nakita niyo ba si Kim? Kanina ko pa hinahanap at tinatawagan hindi man lang sumasagot. Sigurong nagtatampo na naman" Nakasalubong namin si France na hinahanap si Kim. Sinabi ko rin sa kaniyang hindi ko mahagilap ang mga iba kong kaibigan kaya umalis na siya at hinanap ulit si Kim.
Magkaaway kaya yung dalawa? Tss! Pagbabatiin ko yung dalawang yun. Bawal silang mag-away!
Pero si Macismo... Sabi niya liligawan niya ako pero wala pa rin siya at nianino wala akong nakita siya! Kaninang practice kasi ay hiwalay ang mga Drummers sa amin kaya hindi ko talaga sila makita. Eh kung sabihin ko kayang busted na agad siya! Tss! Nakakainis siya!
Napanguso ako sa inisip ko. Naputol lang iyon ng marating namin ang restaurant. Umorder lang ako ng onti at umalis na kami ni Vincent. Dinadaldal niya rin ako tungkol sa ibang bagay.
Nang nasa harap na kami ng gate ng School ay nakita ko si Kim at France na magkatapat at nag-uusap. Seryoso ang mukha ni Kim at si France naman ay Seryoso rin ang mukha. May tensyon sa pagitan nila. Ayoko na nga muna makisawsaw sa kanila! Baka masapak ako eh.
"Whew! Mukhang seryoso ang usapan nila France ah" Ani ni Vince at pabirong nagpunas ng pawis sa nuo. Natawa naman ako sa kaniya at tumango.
"Hayaan mo na. Pag sumali pa tayo eh baka masapak pa tayo. Away mag-asawa yan" pabiro kong sabi kaya natawa si Vince sa akin. Nagtungo naman kami sa Gymnasium at binalik ko muna ang pera at wallet ko sa bag habang si Vince naman ay umupo na sa mga table doon.
Nang makabalik ako sa Gymnasium. Nahagip ng mata ko si Macsimo na seryoso ang mukha at nakakunot ang noo. Mukha siyang galit pero kalmado pa rin ang postura niya. Bakit naman galit siya?
"San ka nang galing?" Tanong niya ka-agad sa akin habang nakacrossarms pa.
"Bakit mo tinanong?" Nag-taas ako ng kilay sa kaniya.
"Eh sa gusto kong malaman. Tapos kasama mo si Vincent?" Galit niyang sabi. Teka! Bakit siya ang galit! Dapat ako ah.
"Dapat ako nga ang magalit! Buong umaga kang wala pakita!" Sigaw ko sa kaniya at umirap. Nakakainis!
"Tsh" singhal niya. Sumisinghal ka pa! Epal ka! Ligaw ligaw! Di ka nga nagpapakita!
"Wag ka na magalit" Lumambing ang tono ni Macsimo.
L-luh?