Chapter 9

3191 Words
TASY's POV "Mianhe Mianhe! Hajima!!" kanta pa ni Mikayla at Kim. Sabay silang kumakanta ng eyes, nose, lips ni taeyang. Ang lakas pa ng boses nila. Rinig ata sa buong gymnasium eh! "Ang ingay niyo!" Sigaw sa kanila ni Janica at binato sila ng papel na hindi ko alam saan niya napulot. Nagpapahinga na kami nila Janica ngayon dito sa pwesto namin. Hindi ko pa rin pinapansin si Macsimo dahil sa hindi niya pagsulpot kanina. Eh kasi naman! Nagsorry nga siya tapos bigla ulit nag sungit. Bipolar! Ang sarap kaltukan. "Tasy, After the practice sama ka sakin ah?" Excited na sabi ni Alexia sa akin, malaki pa ang ngiti niya. Anong na naman ang meron? Tsh! Tumango naman ako sa kaniya at nagsimula na niyang ibahin ang topic. Tapos na ang practice namin at pagod ako. Gusto ko na umuwi agad kaso ay bigla akong hinila ni Alexia. Pagkatapos ko pa lang mag ayos ng buhok ay bigla niya na akong hinila patungo sa campus. Tss, saan na naman ako dadalhin nito? "Easy naman Alexia!" Awat ko sa kaniya. Nasa Elementary hallway kami. Wala nang tao dito. Medyo madilim na kasi at kami nalang mga nagprapractice ang natitira talaga minsan dito bukod sa guard. "Saan ba tayo pupunta? May naiwan ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Katabi ko siya ngayon at ang laki ng ngiti. Para siyang baliw. Tsk "Hmm! Nothing. You know what?! I envy you! Sana gawin niya rin sa akin yan. Ugh! Gosh" Nagpapadyak pa siya. Medyo naguguluhan ako sa sinasabi niya. Pero natutuwa naman ako sa kaniya dahil mukha siyang bata na nakuhaan ng Candy. "Ano ba kasi yon?! Sabihin mo na!" Pangungilit ko sa kaniya dahil ang gulo niya! Hindi ko talaga maintindihan mga sinasabi niyang sana gawin rin sa kaniya yon. Ano ba kasi? Ang maging maganda? Ang hangin ko don! Umakyat kami sa fourth floor at madilim na ang mga hallways. Ang EXIT sign lang na nagsisilbing liwanag. May mga bintana naman sa gilid ng hallways kaya medyo hindi nakakatakot mag lakad. "Alexia. May naiwan ka ba? Dalian mo na natatakot na ako" Lumingon siya sa akin at nagtaas baba ang kilay niya. "Hala! May balak ka ba sakin?! Wag alexia! Bata pa ako!" Sumimangot naman siya. "O my Gosh Tasy! You're so OA!" Bulyaw niya sa akin at nagpaunang naglakad. Tumigil siya sa isang bakanteng Room. Isinenyas niya sa akin pumasok ako sa kaniya. Tinignan ko naman siya nang mag pagtataka. "Just go!" Hinila niya ako at sapilitang pinasok sa loob ng Room. Ang dilim! Waah! Bwiset! Hinawakan ko ang doorknob kaso ay hindi ko na mapihit yon at naka-lock na ata! s**t! ~hi! Girl you just caught my eye~ Biglang nakita ko ang liwanag na nagrereflect sa mga pader sa room. Ang ganda! Kilala ko ang boses na yan. Shems kilala ko nga! S-si Macsimo?! ~thought i should give it a try, get your name and your number. Go grab some lunch and eat some cucumber~ kanta niya. Dahan-dahan akong lumingon at nasa gitna siya nang napaka rami gold and pink na mga balloons. May mga designs pa sa mga pader. Hindi ko nakita yon kanina sa sobrang dilim. Nakita ko na ngayon ang mga designs dahil sa maraming fairy lights sa buong room. Ano ito?! ~why? Did i say that i don't know why. But you're smilin and it's something that i like on your face, yeah it suits you. Girl we connect like we have a Bluetooth~ Walang ibang instrumento na tumutugtog, tanginang boses niya lang ang naririnig ko. Ang gwapo niya tignan! Naka titig lang ako sa kaniya habang siya rin naman ay ganon rin. Nakatingin siya sa mga mata ko. ~I don't know why I'm drawn to you. Could you be the other half so we'd equal two? And this is all based on a lucky chance, that you would rather add then subtract~ Nagsimula na siyang lumapit sa akin. Palakas ng palakas ang t***k ng puso ko. Tila bumagal ata ang ikot ng mundo. Nakatingin lang siya sa akin habang papalapit. Nakatitig rin lang ako sa mga mata niya. Tila may kumakaliti sa tyan ko. Tuluyan na siyang lumapit sa akin at hinila ang pulupulsuhan ko. Dinala niya ako sa gitna ng mga balloons. Ngayon ko lang napansin na may mga nakakalat pa lang rose petals doon. Red yon. ~you and i could be like sonny & cher, honey & bears. Ooh. You and i could be like aladdin & jasmine. Let's make it happen~ Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang sinasabi ang lirikong iyon. Ang lapit ng mukha niya sa akin. "I'm sorry. Will you forgive me?" Tanong niya sa akin. Hindi pa rin ako makapagisip ng tama. Sa sobrang gulat at kilig! s**t! "H-hah? Galit ba ako sayo? H-hindi ah!" Tanggi ko sa kaniya habang winawasiwas pa sa ere ang dalawa kong kamay. He chuckled. That's hot! "Galit ka ata sa akin. Dahil hindi kita sinipot nung mga nakaraang araw at kaninang umaga. Wag ka na magalit." May lambing ang tono niya. Dahan-dahang sumilay ang ngiti ko. Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Namumula na siguro ako. Hindi ko naman alam na ganto pala ang gagawin ni Macsimo! Gusto kong magwala sa kilig kaso ay nakakahiya naman yon. "Hindi nga ako g-galit. Promise" "Bat nauutal?" Tumawa naman siya kaya hinampas ko ang balikat niya. "Bakit ka kumakanta? Diba drummer ka? Hindi ka magdrums" biro ko sa kaniya. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko. Lumapit siya sa akin at bumulong. "Baka agad kang main-love sa akin kung magdrums ako sa harap mo. Gusto pa kitang ligawan" Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Nararamdaman ko kasi ang hininga niya sa leeg ko. Pero hindi ko inaasahan ay biglan niya akong hilahin at yakapin. Matagal kaming magkayakap. Gusto ko rin naman iyon. Gusto kong ganto lang kami. Humiwalay siya sa yakap sa akin at hinarap ako. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. Teka lang naman! Kinikilig ako eh! "I'm going to ask you again" Saad niya. "W-what?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Nagulat ako ng lumuhod siya gamit ang isang tuhod. May kinuha siya sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang maliit na kahita. Teka? Magpropropse na agad siya?! Ligaw pa lang ah! "Anastasia Tasy Mendoza. Can i court you?" Binuksan niya ang kahita at meron sing sing doon na simple lang. gold siya at may maliit na diamond. "I promise that once I received your 'yes' I'll take care of you and remember how much i like you and love you" Dahan dahan akong tumango sa kaniya. Sinuot niya sa akin ang singsing at yumakap sa akin. "I'll wait for your 'yes'" MACSIMO's POV Putangina, kinikilig ako. Tumayo ako sa pagkakaluhod at tumingin sa mga mata niya. Her brown eyes makes my heart flutters every time. And she herself makes my heart go wild every time. s**t, Being in-love feels good. Lalo na dahil mahal ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Mabilis man sa paningin ng iba pero para sa akin ay tama lang ang takbo. Gusto kong ligawan muna ang pamilya niya at ligawan siya, dahil alam ko naman sa huli worth it lahat ito. "Bakit mo ginawa to?" Nilibot niya ang mata sa buong kwarto. Tinitigan ko lang siya habang nililibot niya ang paningin niya. Ang Ganda. "Why...a-are you staring" utal niyang tanong sa akin. Kinagat ko naman ang labi ko dahil nagbabadya na naman ang mga ngiti. Tangina! Ganito ang pakiramdam talaga! Ligaw pa lang ito pero grabe na ang ginagawa niya sa akin. "Nothing. You're just beautiful so i can't help but to stare at you." Tumalikod siya sa akin. Natawa naman ako sa naging reaction niya kaya niyakap ko siya sa likod. I placed my chin on her shoulder. "Let's go na. It's getting late" Tumango lang siya sa akin. Tinignan ko ang mga gamit dito sa Room. Bukas ko nalang ito liligpitan. Papaligpit ko kay Ian at Will. Kinuha ni Tasy ang gamit niya at umalis na kami. Lumabas kami sa School at pumuntang parking lot. "Dala mo Kotse mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumango siya sa akin. Gusto ko pa man din siyang ihatid. "I- i.. won't bring my car tomorrow.." Yumuko siya pagkatapos niyang mag salita. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit. I placed my hand on her chin forcing her to look at me. When she finally looked at me. I gave her my sweetest smile which made her cheeks blush. "Okay. Susunduin kita bukas" Tumango siya sa akin at pumunta na sa kotse niya. Sumakay na siya at binuksan ang makina. Bumukas ang window kaya sumilip ako doon. "Thanks for the surprise. I appreciate it" Ngumiti siya sa akin. Tumango ako sa kaniya at umalis na siya. Naka ngiti akong sumakay sa kotse ko at umalis na. Pagkarating ko sa bahay. Walang tao at tahimik. As always. Naalala ko naman ang mukha ni Tasy, nakangiti ako habang pa-akyat sa aking kwarto. Hinubad ko ang pang itaas kong damit at nagbihis ng bago. Ganoon rin sa pang ibaba. Pupunta sana ako sa CR ko nang marinig ko tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Mabilis ako lumapit doon at inaasahan sana si Tasy ng makita kong si Issa ang caller. Buntong hininga ko iyon sinagot. "James!" Malakas na sigaw niya sa kabilang linya, inilayo ko ang aking cellphone sa tenga ko sandali. Binalik ko rin iyon at sinagot siya. "Issa. Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kaniya. Alam na ni Issa ang panliligaw ko kay Tasy. Nagalit siya sa akin at umiyak sa harap ko. Huwag ko raw siyang ipagpalit sa iba. Nainis ako at sinabi sa kaniyang siya rin naman ang may kasalanan kung bakit hindi ko na siya nagustuhan. "I just.. miss you" She said. Bumuntong hininga ako. "Alright." And I ended the call. Nainis ako dahil si Tasy ang ine-expect kong tumatawag. Siya lang naman pala. Tapos wala naman pala siyang sasabihin na importante? What the f*****g ever. Kinakabahan pa ako kung tatawagan ko ba si Tasy, ano ang sasabihin ko? Bakit ko siya tinawagan? Bahala na ang drumstick. Ringing pa rin siya hanggang ngayon. Palakad lakad ako sa kwarto ko habang ringing pa rin siya. Bakit ang tagal niyang sagutin? Ayaw niya bang sagutin? Narealize niya bang dapat hindi siya pumayag sa panliligaw? Tangina! Puro ako ganyan baka naman may ginagawa siya. Ibaba ko na sana ang tawag pero bigla niya itong sinagot "h-hello?" Kabang tanong ko. "Uhm.. Macsimo, hi" Sagot niya. Natawa ako dahil ang cute ng boses niya. Parang may mga bulate na naman sa tiyan ko. Boses pa lang niya yan. Tangina naman! "Bakit ka napatawag?" Tanong niya sa akin. Umupo ako sa aking kama at pinatong ang isang braso sa hita. "Eh.. Sinigurado ko lang na naka-uwi ka" "Ahh" Nagisip naman agad ako ng pwedeng i-sagot sa 'ahh' niya. Medyo nakakahiya kung tumawag ako tapos wala rin naman pala akong sasabihin. "I miss you already" ISSA's POV Shit! s**t! s**t! Sinasabi ko na nga ba! Why did i let him fall for that girl?! I hate her and her friends! Bakit ba kasi nahulog pa doon si James? Akala ko ako lang ang mahal niya.. childish man pero I don't want to see him happy with another girl. I only want him for me! Why am i so stupid?! Kaya siya nahulog sa babaeng yun dahil sa akin. If that jerk Ysham didn't seduced me. Akin pa rin sana si James. Maraming nagsasabing bagay kami. Kaso nang kumalat ang balitang i cheated on James. f**k it! Dineny ko naman sa iba kasi ayaw kong magmukhang masama. Well, it's Ysham's fault! I really love James.. i really do. But what can i do? Ayoko naman maging isang b***h. Unlike Mikayla who's born to be a b***h. I hate that girl. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hate. Well... I don't know. "Hey sis" Binuksan ko ang pinto ng marinig ang boses ni Vincent. Nang buksan ko ang pinto ko. Ang panget pa rin niya. "What?" "Wala." Umalis na siya sa harap ng kwarto ko at pumasok sa kwarto niya. What the? Parang tanga. Ugh really.. binabaan pa rin ako ni James. Hindi naman siya ganyan dati.. well before i 'cheated' on him. Ang tanga ko man tignan nang umiyak ako sa harap niya kanina para lang hindi niya ituloy ang panliligaw kay Tasy. Nakasalubong ko siya kanina papunta siya sa bakanteng room. He told me he's gonna surprise Tasy. I just miss him. Well it's my fault.. oh wait! Actually, nalaman kong andito ang EX ni Tasy. I think it's Theron? Yeah. It's theron. Siguro naman kilala iyon ni Vincent. Friends naman sila ni Tasy. Pumunta ako sa kwarto niya at kumatok. "Open, Vincent!" Binuksan niya ang pinto at tinaas ang kilay sa akin. "You know Theron Right? Ex ni Tasy" Tumango naman siya sa akin ng may pag aalinlangan. "Issa, if you're planing to ruin-" "Shush! I won't" i smirked. I definitely won't. TASY's POV It's been 2 months, I guess? Dalawang buwan na rin akong nililigawan ni Macsimo. He's sweet, gentleman pero minsan ay ina-asar niya ako. Balak ko ngayon sagutin si Macsimo, I think he really deserve my 'yes' and pinakita naman niya iyon at pinatunayan niya. Niligawan niya pa si Kuya at Mama. Natawa na lang ako sa nai-isip ko nang ma-alala ko ang ginawa niyang panliligawa. Flashback "Tasy! Wake up! Andito yung Macsimo!" Nagising ako dahil sa sunod-sunod na malalakas na katok ni Kuya Tyren. Tsk! Ang aga pa ah! Ginigising na agad ako! Eh? Macsimo?! "What?! Oo teka!" Sigaw ko at dali-daling bumangon sa kama. Tumingin ako sa salamin sa banyo at nagsimula nang mag toothbrush. Naghilamos rin ako. Nagdadalawang isip pa ako kung maliligo ako! Maligo na nga ako! Bahala na. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table ko at tinignan ang oras. 9:39. Okay, not bad. "Tasy!" Rinig ko sigaw ni Kuya. Sa sobrang lakas ba naman ng bunganga. "Oo na! I'm coming! Chill!" Sigaw ko. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba patungong sala. Naka-upo si Macsimo sa sofa. Si kuya naman ay nasa kabilang side niya at naka-tingin sa kaniyang taas kilay pa. "Macsimo" Tawag ko rito. Lumingon si Kuya at Macsimo sa akin. Inirapan ko muna si kuya at ngumiti nang magtama ang paningin namin ni Macsimo. "Tasy. Asan si Tita? G-gusto ko sana silang maka-usap. Hehe" Kumamot pa siya sa batok niya. "Ay! Flowers! For you" Inabot niya sa akin ang bouquet ng sunflower. Favorite ko ang sunflower kaya malaki ang ngiti kong kunin sa kaniya ang flowers "Thank you! Favorite ko ang sunflowers, actually. Paano mo nalaman?" Tinignan ko siya habang nakangiti. Ngumiti naman siya pabalik sa akin. Ang gwapo! "Ah. Tinanong ko si Alexia" Tumango naman ako sa kaniya. "Kuya.. asan si Mama?" Tanong ko rito. Tinignan naman niya ako hanggang ulo at paa. Parang gago. "Pababa na yun" Pagkasabi ni kuya Tyren ay bigla namin narinig ang hakbang patungo sa pwesto namin. Lumingon ako at nakita kong si Mama iyon. "Mama! Goodmorning" bumweso ako sa kaniya. "T-tita, Goodmorning po." Ngumiti si Mama kay Macsimo at agad naman ginantihan ni Macsimo. Tsk "Macsimo James Santos po." Naglahad ng kamay si Macsimo kay Mama. Matagal munang tinitigan ni Mama si Macsimo bago tanggapin ang kamay nito. Nakita ko pang kinakabahan ang mukha ni Macsimo. Narinig ko naman ang impit na tawa ni kuya Tyren kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'm Lucy Tasha. Mother of Tasy" "Nice to meet you po" Magalang na ani ni Macsimo. Umupo si mama sa tabi ni kuya. Kaharap namin sila. Ako naman ay sa tabi ni Macsimo. "Mrs. Mendoza. I'm courting your daughter. And i would like to get your permission first. Before i start the ligaw" Straight to the point na ani ni Macsimo. "Okay. As long naman na you don't hurt my daughter" Seryosong sabi ni Mama. Ngumiti si Macsimo ngunit nawala iyon ng magsalita ang kuya kong paepal. "Hindi. Ayoko" Taas kilay ko siyang tinignan. "Kuya. Masyado kang epal" Tumawa naman si Mama sa sinabi ko. Ngayon na lang ulit siya tumawa. Good mood! "Bago ka manligaw sa panget kong kapatid. Talunin mo muna ako." "E-eh? Saan naman" tanong ni Macsimo. Mukha pa siyang nagtataka sa sinasabi ni kuya. Halata naman nangtritrip lang. "Sa Call of Duty" "Kuya. Manahimik ka na lang at mangbabae o mag-aral." Masungit kong sabi. "Seryoso nga!" Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Sige!" Masigla pang sabi ni Macsimo. "Kumain muna tayong agahan." Tumatawang tumayo si Mama. Hinila ko naman si Macsimo. Binato ko muna ng unan si Kuya bago tumuloy sa hapag. Pagkatapos namin kumain. Naglaro na sila ni kuya ng Call of duty. 1v1 pa sila. Talo si kuya kay Macsimo. Pinagtawanan ko naman si kuya hanggang mapikon siya. Hamon pa more! End of flashback Tumuloy ako sa paglalakad patungo sa View. Naghihintay na rin doon si Macsimo. Niyaya niya kasi akong rito sa overlooking ngayon. Ewan ko rito! "Pst!" Lumingon siya sa akin. Ang gwapo! Pinark niya ang kotse niya sa view. May space kasi sa likod ng kotse niya. Naglatag siya doon ng comforter at mga unan. May mga fairy lights pa. Sus! Sweet naman nitong soon-to-be boyfriend ko! "Wow!" I said with amusement in my voice. Ang ganda kasi nung car niya! Parang mga naki-kita ko sa pinterest! Kinikilig ako! "Pasok ka na hehe" Ani ni Macsimo. Pumasok naman ako dun at umupo. Tinignan ko ang view sa harap ko. Gabi na ngayon. Mag midnight na nga ata eh! Sumunod naman na pumasok si Macsimo at tumabi sa akin. "Higa" Utos niya. Hindi naman ako tuluyang humiga. Naka-sandal ang likod ko sa front seat. Ganon rin si Macsimo. "Ah hehehe" medyo awkward kong tawa. Ang tahimik masyado. Nakatingin lang si Macsimo sa View. Nanahimik na lang din ako. Nagulat ako ng maramdaman ko sa balikat ko ang kamay ni Macsimo. Inakbayan niya ako! Paano kumalma?! Turuan niyo ako! Tumingin naman ako sa kaniya pero nasa harapan pa rin ang tingin niya. Chansing! Parang may mga bulate sa tiyan ko. Akbay pa lang yan. "Tasy" pang babasag ni Macsimo sa katahimikan. "Hmm?" Sagot ko sa kaniya. Naramdaman kong gumalaw ang ulo niya kaya lumingon ako sa kaniya. "I have a question" Binalik ko ang paningin ko sa harapan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Macsimo. Pinaglaruan niya naman ang kaliwang kamay ko. Kinikilig ako! "Ano yun?" Tumatawa ako ng mahina ng kalitiin ni Macsimo ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko ng... Halikan niya ang likod ng kamay ko. "What will you do if i stop courting you?" Macsimo asked. "Nothing.." Sagot ko. "What?! Why?" Nag tatampo naman ang tono niya. Napaka tampurorot. "Of course you'll stop courting me. Because I'm your girlfriend from now on" Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin yun. Tinignan ko naman siya at nakatingin siya sa akin. Gulat na gulat! "Oh? Anong mukha yan?" "What did you say?" Lutang pa niya ata tanong. "Anong mukha yan?" Nalilito kong sabi sa kaniya. Eh? Nagulat ako ng bigla siyang bumaba sa kotse. Taka ko siyang sinundan. Problema nito? "Yes! Yes! Yes! Damn, yes!" Sigaw niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ngumiti ako sa kaniya at yumakap pa balik. "I love you" He whispered into my ear. "I love you too" He cupped my face and kiss my forehead, down to my nose. And lastly to my lips. Someone's POV She looks happy... More happier when she was with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD