Chapter VII

2640 Words
Chapter VII Ashton Clarence Point of View "Tara na Ashton! Kanina pa ako nagugutom eh" yakag ni Tin saken. Wala nga pala ang Shooting Star Band ngayon, nasa ibang lugar sila. Nalaman kong 2 weeks silang hindi makakapasok. Isang linggo na rin ang nakakaraan matapos ang Birthday ni Buloy. Wala na nga akong masyadong matandaan kasi sobrang lasing ako nung gabing iyon. "Kumusta naman kayo ni Ace Ashton?" Tanong ni Tin habang nasa cafeteria kami. Flashback "Can we talk?" Biglang sabi saken ni Ace. Tumingin ako sa taong katabi ko. Nakatitig lang siya saken. Hindi naman siguro masama kung mag-usap kaming dalawa ni Ace. Para na rin magkaroon kami ng closure. May asawa nanaman siya at matagal na kaming wala. Nandito kami ngayon sa park. Nakaupo kami at kapwa walang naimik saming dalawa. "Kumusta ka na?" Tanong niya saken. "Pagkatapos ng ilang buwan na lumipas tatanungin mo ako kung kumusta na ako? Ano sa tingin mo?" Malakas na loob kong tanong sa kanya. "Sorry..." Sinserong sabi niya saken. "Sorry? Ace sorry? Pagkatapos ng lahat ng sakit na ginawa mo sakin! Pagkatapos ng mga salitang sinabi mo sakin at pinangako mo sakin! Sorry?" Diretsong sabi ko sa kanya. Wala akong naririnig na kahit na anong reaksyon sa kanya. "s**t naman Ace! Sa tingin mo yang salitang sorry matatanggal itong lintek na paghihirap na nararamdaman ko!!" Sabay turo ko sa dibdib ko. Dumaloy na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ace pinaasa mo ako! Sinabi mo dati na hindi mo ako sasaktan! Na hindi mo ako iiwanan! Pero ano!? Anong ginawa mo!? Sinaktan mo ako Ace! Pinagmukha ko akong tanga!" Dire-diretso kong pagsigaw sa kanya. Hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko. Kinimkim ko ito sa mahabang panahon at ngayon pagkakataon ko na para ilabas ito. "Kung hindi ko pa nalaman sa kapatid mo na ikinasal ka na - patuloy parin pala akong magpapakatanga at aasa sa lintek na pangako mo saken!" "Aasa pala ako sa sinabi mong babalikan mo ako at magsasama na tayong dalawa! Aasa pala ako sa sinabi mong kaya ka pala pupunta sa ibang bansa para sa gusto mong maibigay ang lahat ng gusto ko!" "Ace Ikaw ang kailangan ko... Hindi yung mga bagay na sinasabi mo!" Nagtuloy tuloy na ang luhang galing sa mga mata ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa paghikbi ko. Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Ace. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. "I'm sorry. Nandito na ako..." Hindi na ako makapagsalita dahil sa patuloy na pagdaloy ng mga luha ko. "Nandito na ako... Hindi na kita iiwan.." End of flashback Uminom muna ako sa inorder kong Iced tea bago ko sinagot ang tanong ni Tin. "Sinusundo niya ako at hinahatid papunta dito sa school. Naipaliwanag na niya sakin ang lahat, kung bakit siya umalis at kung bakit hindi niya magawang magparamdam saken dati" "Kaya pala mukhang blooming na blooming ka na ulit" pang-aasar sakin ni Tin. Sinabi saken ni Ace na tinanggihan niya ang kagustuhan ng papa niya na ikasal sa tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Nalulugi na daw kasi ang kumpayang pinamamahalaan ng papa ni Ace at ang tanging makakapagsalba raw ay ang pagpapakasal niya para daw mahila muli pataan ang kumpanya nila. Bago daw sila ikasal ay kinausap niya ang papa niya at sinabi niya lahat. Lahat lahat. Naintindihan naman daw ng papa niya ang sitwasyon kaya hinayaan na daw siyang bumalik dito sa pilipinas. Wala na daw dapat ipagalala pa dahil pumayag naman daw yung kumpanya nung babae na dalahin ang kumpanya nila kahit hindi natuloy ang kanilang kasal. Acceptable reason naman diba? Grabe namiss ko talaga ng sobra si Ace. Sa kanila ako natulog matapos namin mag-usap nung gabing nandon kami kina Buloy. Ang dami namin napagkwentuhan. -- Habang papalabas kami ng gate ng school ay may biglang pumasok na sasakyan. Napanganga pa nga ako sa ganda nito. Napunta lahat don ang atensyon ng mga estudyanteng nandoon. Kahit kami ni Tin. "Artista din siguro yan?" Sabi nung babaeng nasa tabi namin. Mga hitad! Porket maganda sasakyan artista na agad! Mga shunga shunga! Bumaba ang ang taong lulan ng sasakyan. Nakasuot itong itim na salamin, nakasandong hapit na puti dahilan para lumabas at makita ang malaking katawan. Hunks na hunks. Jusko! Pigilan nyo ako. Baka bigla nalang ako tumalbo palapit sa kanya. Nakapantalon na skinny at nakasuot ng havaianas na black. Wow! Nakatulala ang halos lahat sa kanya. Naglalakad na siya papalapit sa deans office. "Hi babe!" Ang gwapo niya! Ang puti! "Uy! Babe!" Bigla akong matauhan nung bigla akong kinurot ni Tin. "Yung laway mo!" Sabi sakin ni Tin. "Tapos na klase mo diba? Tara! Dinner tayo. Nagugutom na ako" sabi sakin ni Ace. Napatingin ako kay Tin. "Okay lang neng. May dadaanan din kasi ako" -Tin Inakbayan ako ni Ace papunta sa sasakyang dala niya. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakamasid sakin. Naririnig ko pa ngang nagbubulungan sila pero hindi ko naman iyon naiintindihan. "Mukhang maganda ang school na pinapasukan ng mahal ko ah!" Bigla yatang bumilis ang t***k ng puso ko.  "Ayos lang. Maganda. Dami ko na ngang bagong kakilala don eh" sagot ko sa kanya habang kumakain. Matapos namin kumain sa Pilitas ay niyakag niya akong magpunta sa mall. Lakad lakad lang. Sayang naman daw ang oras kung palilipasin namin ng ganun na lang. Kaya syempre pumayag ako. Ang tagal kong hindi nakasama tong mahal ko eh. Kaya dapat sulitin namin at kailangan bawiin namin yung mga araw na hindi kami nagkasama. "What do you think? Bagay ba sakin?" Tanong niya sakin habang suot-suot ang poloshirt na ni-fit niya. "Bagay. Maganda" matipid kong sabi. Lahat naman kasi bagay sa kanya eh. "Tara dun naman tayo" yakag niya sakin sabay akbay. Habang naglalakad kami ay mabilis nahagip ng mata ko ang taong halos isang linggo ko ng hindi nakikita. Mag-isa lang siya at may dala-dalang maliit ng paperbag na may nakalagay na jewelry shop. Akala ko na dalawang linggo silang busy at hindi makakapunta dito? Nasaan si Marcus at Vincent? Nilapitan ko siya habang abala si Ace sa pagpili ng boxer sa bench. "You're here. Nasaan sila Marcus?" "Hi cheekbone! Nauna na talaga ako dito. Excited na kasi akong makita ka" nakangiti niyang sabi sakin. "Ikaw talaga! Sinong kasama mo?" -ako "Bakit? May nakikita ka pa bang ibang kasama ko?" Pagbibiro niya sakin. Sabay kaming tumawa matapos niyang sabihin iyon. "Pwede ba kitang makausap? Ang tagal ko ng inantay ang pagkakataong ito eh" masayang sabi niya sakin. "Napakaswerte ko talaga at nagkataong nagki-" "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap" biglang singit ni Ace at akbay sakin. "Ace si Leo nga pala" pagpapakilala ko. "Nice meeting you" sabi nilang dalawa. "Una na ako Ashton. May pupuntahan pa kasi ako" "Teka, akala ko ba-" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil sa mabilis na pag-alis ni Leo. Mark Gonzales Point of View "Magkalaban pa rin pala tayo. Akala ko nagkalinawan na tayo" sabi ko kay Ace. Napag-usapan namin magkita ngayon para mag-usap. Gusto ko rin kasi linawin sa kanya ang napag-usapan namin dati. "Akala ko kaya ko Mark. Akala ko kaya kong tiisin si Ashton. Pero nagkamali ako. Sa bawat araw na lumilipas ay siya parin ang laman ng puso ko" diretsong sabi ni Ace habang hawak hawak ang can ng alak. "Bumalik ako dito Ace para itama ang pagkakamaling disisyon ko dati - para bawiin ang akin. Para bawiin si Ashton. Kaya hindi ako basta basta papayag na ikaw muli ang maging dahilan ng lahat" lakas loob kong sabi sa kanya. "Bumalik rin ako para sa kanya. Pareho lang tayo ng nararamdaman Mark. Kaya ang masasabi ko lang - may the best man win. Kung sakaling ikaw ang piliin ni Ashton, tatanggapin ko yun. Pero sana kung sakaling ako ang piliin niya ay sana hayaan mo na kami" mahabang sabi niya sakin. Siguro nga tama si Ace. May the best man win. Pareho namin nasaktan si Ashton kay wala kaming karapatan pwersahin at papiliin siya. Ang tangi lang namin magagawa ay muling paibigin siya at pagkatiwalaan niya muli kami. Matapos ang usapan namin ni Ace ay nagpasya na akong umuwe. Bago iyon ay dumaan muna ako sa isang cake shop at bumilo ako ng pagkain para sa bahay. "Hi Baby Jairus, I have something for you" masayang bati ko kau Jairus habang naglalaro sa kanyang tablet. "Ano yan Kuya Mark?" Sabi niya sakin pero nakatingin parin sa kanyang nilalaro. "Ube Cake baby" maikling sabi ko pero naging dahilan ng mabilis na paglapag ni Jairus ng tablet at mabilis akong pinuntahan. "Salamat Kuya Mark." Sabi niya sabay kuha sakin ng dala ko. "Jairus kanina pa kita tinata-" "Come here. Join us. May dala akong ube cake" mahinahon kong alok kay Ashton. "Tikman mo Kuya Em, ansarap kamo!" Dugtong naman ni Jairus na puro icyng ang labi. Nakisalo samin si Ashton at nakipagkwentuhan narin samin ni Jairus. "Masarap nga ito ah!" Puri ni Ashton habang nakain narin. "Oh Jairus pagkatapos niyan ay magsipilyo ka na at matulog ka na. Ginagabi ka na lagi sa paglalaro diyan sa tablet ha!" Sabi ni Ashton matapos niyang maubos ang cake na nasa platito niya. "Ash can we talk?" Mahinang sabi ko sa kanya nung aktong tatalikod na siya. Tumango naman siya. Sinabi kong pagkatapos nalang ni Jairus kami mag-usap. Natunugan yata niya importante ang pag-uusapan namin. Nagpakuha ako kay Ate Josie ng alak at nagpadala na rin ako ng makakain namin. "Walang sigawan ha... Ayoko na maulit yung nangyari dati sanyo" pang-aasar na sabi ni Ate Josie matapos niyang ilapag ang alak at fries sa mini table na nasa harapan namin. Pinagsalin ko siya ng alak sa kopita at sinalinan ko na rin yung sakin. Walang nagsasalita saming dalawa. Hindi ko kasi alam kung paano babasagin ang katahimikang bumabalot saming dalawa. "First I just wanna say sorry for all I have done, for hurting you... for leaving you... for all the aches that I have given you" seryosong sabi ko sa kanya. Wala akong naririnig na sagot mula sa kanya. Inangat nya ang kopitang may lamang alak at tumingala sa langit. Pinaliwanag ko sa kanya lahat. Lahat ng nangyari mula sa pag-iwan ko sa kanya, sa pagdating ni Steff sa buhay ko, sa kagustuhan ng daddy ni Steff at lahat lahat ng bagay na hindi ko nasabi sa kanya. "Now I'm here. I'm taking you back" sinserong sabi ko sa kanya. Naririnig ko na ang mahinang paghikbi niya. "Alam mo Mark ang saya-saya ko dati. Ang saya saya ko kasi nalaman ko mahal mo rin pala ako. Akala ko kasi nung una ako lang ang nagmamahal sayo - pero simula nung sinabi mo sakin na mahal mo ako, nadagdagan ang dahilan ko para sumaya ako." Sabi niya habang pinipigilan ang sarili sa paghikbi. "Ang saya-saya ko nun nung sabay tayong papasok sa school, sabay tayong kakain, ihahatid at susunduin mo ako. Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko nun" at tuluyan na siyang umiyak. Namayani muli ang katahimikan samin. Wala ulit maririnig bukod sa pigil na paghikbi ng taong kasama ko - ng taong mahal ko. Nagsalin siya ng alak sa kopitang hawak niya at mabilis niya itong ininom. "Pero iniwan mo ako..." Tumigil ulit sya. "..hindi ko alam gagawin ko nun. Alam mo ba yung pakiramdam na paulit ulit na tinutusok ng karayom ang dibdib mo? Yung pakiramdam na naninikip ang buong katawan mo? Yung parang wala kang lakas para tumayo o tumakbo dahil gusto mong magpunta sa malayong lugar? Yung ang tangi lang na magagawa mo ay umiyak at isipin kung ano ang nagawa mong pagkakamali para iwanan ka ng taong sobra sobra mong minahal?" Nagdaloy na ang kanyang mga luhang kanina pa pinipigilan. Malakas na ang kanyang paghikbi pero wala akong magawa kundi ang pakinggan lang siya. "Ganyan ang pakiramdam ko nun Mark. Gabi-gabi akong naiyak at nagtatanong kung anong pagkakamali ba ang nagawa ko at iniwan mo ako ng hindi ko alam ang dahilan. Mahal na mahal kita non Mark pero iniwan mo ako" kasunod nun ang pag-iyak nya ng may kasama nang paghikbi. Nilapitan ko siya. Niyakap ko siya. "I'm here.. I'm taking you back..." Tanging nasabi ko nalang sa kanya. Marcus Point of View "Hindi ka ba papasok Leonard? Male-late ka na niyan kapag di ka pa nag-ayos" sabi ko kay Leonard. Nakahiga pa kasi siya at mukhang walang balak mag-ayos para pumasok. "Aalis na kami Leo, ano ba!?" Narinig kong sabi ni Vincent. "Hindi ako papasok. Masama pakiramdam ko" sagot ni Leonard at bumaling na sa kabilang parte ng kanyang kama. Ewan ko ba sa taong ito kung bakit kakaiba ngayong araw na ito. Nung mga nakaraan naman ay halos mauna pang manggising kaysa sa alarm clock namin dito sa bahay na tinitigilan namin. Iniwan na namin siya ni Vincent at mabilis na naming tinungo ang eskwelahang pinapasukan namin. Katulad ng dati ay may mga nakaharang pa rin at nakaabang na mga babae sa dadaanan namin. Kabastusan naman siguro kung hindi namin sila papansinin. Habang naglalakad kami papunta sa room namin ay may nakaagaw ng atensyon namin ni Vincent. Nakita ko si Ashton na may kasama. Oo tama! Sa pagkakaalam ko ay si Ace yun - naikwento na samin ni Leonard ang tungkol kay Ace at Ashton dati. Nakaakbay si Ace kay Ashton at halatang napakasaya nilang dalawa. "Lets go Marcus" plain tone nanaman ni Vincent. ---- Parang nagkakaroon na ako ng ideya kung bakit ganoon nalang si Leonard. Ano nga naman ang laban ni Leonard kay Ace? Si Ace talaga ang nagmamay-ari ng puso ni Ashton. Yun ang totoo. "Leonard tara! Gimik? Bar?" Yakag ko sa kanya. "Tara" ang mahinahon niyang sagot sakin. ---- Matapos dalahin ng waiter ang inorder namin na alak ay nagsimula na kaming mag-inom. Kwentuhan at pag-uusap lang tungkol sa nalalapit na concert namin. "Sabi nga ni Connie ay dapat daw palagi na tayong nagrerehearse" sabi ko sa kanilang dalawa. Takte! Para akong kumakausap sa mga baldado at pipi! Wala man lang nagreak sa sinabi ko! Bigla akong natigilan nung narinig ko ang kumakanta. Pakiramdam ko ay parang bumagal ang buong paligid ko dahil sa sensasyong naramdaman ko nung narinig ko ang kumakanta. There was nothing to say the day she left I just filled the suitcase full of regrets I hailed the taxi in the rain Looking for some place to ease pain Oohh then like answered prayer I turn around and found you there... My God! Ganito ba talaga kaganda ang boses ng taong ito? Bakit ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. Nararamdam ko ang mensahe ng kanta niya. Hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya. Ashton what are you.... You really know how to start Fixing a broken heart You really know what to do Your emotional tools Can cure any fool whose dreams have fallen apart Fixing a broken heart Tiningnan ko si Leonard at Vincent kapwa sila nakatingin sa taong nakanta. And now I could understand What I'm going through It must be a plan That led me to you Pakiramdam ko ngayon ay naiintindihan ko ang pakiramdam ni Ashton. Bigla ko nalang kasi napicture sa isipan ko ang mga scenariong ipinaparating ni Ashton sa kanta. Natapos ang kanta ni Ashton na sobra akong nadala sa sensasyon. Akala ko nga tapos na siya sa pagkanta pero nakita ko siyang may ibinulong sa gitarista at sa nag-oorgan. Kinanta niya yung kanta namin na Search for your love pero ibang version. Acoustic version ang ginawa niya. Sobrang sarap at nakakatouch sa pakiramdam nung narinig ko sa kanya yun. Napansin ko rin nakapokus si Vincent habang kumakanta si Ashton. Matapos ang kanta ni Ashton ay nakita kong bumaba siya mula sa stage at naupo sa table na nasa harapan. May isang lalakeng nandoon at bakas sa mukha nito ang saya. Naisipan kong kumustahin si Ashton. Nagpaalam ako panaglit sa kasama ko at sinabi kong mag-CR lang ako. "Hi Ashton!" Bati ko. "Hi Marcus! Teka akala ko ba 2 weeks kayong mawawala?" Pagtatakang tanong niya sakin. "Pwede ba muna akong maupo?" Nakatawa kong sabi sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay ipinakilala ako si Ashton kay Ace. Ayos naman siyang kasama at halatang mahal na mahal niya si Ashton, halata kasi sa mga tingin niya. "Musta na nga pala si Leo? Hindi ko siya nakikita sa school, mukhang busy kayo sa shooting at rehearsal aa" Mukhang wala ngang alam si Ashton sa ikinikilos ni Leo. Teka! Bakit naging imbestigador ako dito Author? Singer ako at Guapo! Hindi imbestigador! "Halika ka na. May pasok ka pa bukas. Ipagpaalam nalang kita sa boss mo" biglang singit ni Ace. "Sige. Kitakits nalang bukas Ashton" paalam ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD