Chapter VI

2736 Words
Chapter VI Ashton Clarence Point of View Grabe naman ang group message ni Baluga! Wala talagang pwedeng idahilan para hindi makapunta! "I'll be there in just a minute" nareceive kong message galing kay Anabel. Ganun din ang sinabi saken ni Joan. Namimiss ko na sila. Hindi na tuloy ako makapag-intay na magkasama-sama uli kami. Tinatapos ko pa kasi itong last subject ko kaya hindi pa ako makakapunta ng saktong 3pm. Wala ngayon si Leo at mga kaibigan niya, inaayos nila kasi yung mga iseset-up nilang gamit para sa live band na sorpresa namin para kay buloy. LESSON... LESSON.. WHAAAAAAA! NAIINIP NA AKOOOOOOO! Matapos ang isang oras ay natapos na rin ang Social Science namin. Nakakaburyo. Hindi ko naman naiintindihan ang pinagsasasabe ng prof naming mukhang pagong na may tuka ng pato. Pano ko ba naman maiintindihan kung panay ang kalabit sakin ni Sheryl at panay ang turo sa nguso ng prof namin. Hahaha! Ganon ang kaklase diba? Yung hahanap ng pagtatawanan sa itsura ng prof. Tangnamo Sheryl! Totoo puro kalokohan lang kami niyan nung college. (Basahin niyo ang "Ang Manliligaw Kong Bully - for sure tatawa kayo ng tatawa kay Sheryl) ---- "Oh ba't ang tagal mo?" Bumalik ako sa katinuan ko nung napansin kong nakasandal sa sasakyan si Leo. "Tinapos ko pa kasi yung Soc Sci natin. Alam mo naman na dehado ako sa subject na yon ee. Ba't nga pala andito ka pa? Diba dapat nandun ka na kina Buloy?" Mahabang litanya ko sa kanya. "Syempre naman dapat sunduin kita. Gawain iyon ng isang AWESOME na katulad ko" nakangiti niyang sabi. Naniniwala na ako sa kasabihang a simple smile can stop the world from spinning oh ayan ah! NapaEnglish uli ako! Hahaha! "Tara na! Tayong dalawa nalang ang kulang dun" yaya niya sakin at binuksan na niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. -------- Sabi sanyo ee. Babalik ako! Moment ko kaya ito. Birthday ko. Hahaha! Buloy Point of View "Baklaaaaaaa! Happy Newyear!" "Tangnamo Bansot!" Sigaw ko kay Anabel nung batiin niya ako mula sa gate ng bahay namin. "Happy Wadtu Day Baklaaaaaa!" Bati naman ni Joan at Tin. "Tananyo!" Sabi ko. Ganyan talaga kawawalangya ang mga kaibigan ko. Iba't-ibang greetings ang sinasabi saken. "Oh anu namang paepek yang banda banda na iyan? Singer ako? Singer ako?" Sabi ko nung nakita kong may nakaayos na mga instrumento sa bakuran namin. Nagdatingan na ang mga kaibigan ko at ibang kabatch ko nung highschool. May mga bisita rin akong mga kaklase ko ngayong college. Nagsimula na akong maghain ng alak at pulutan. Hindi na uso yung pakakainin pa ng kung anu-ano ang mga bwisita. Nandito na halos lahat ang mga kaibigan ko. Ang kulang? Si Ashton nalang. Palagi namang late ang tampalasang iyon eh. "This song is dedicated to the birthday celebrant" narinig kong sabi nung... Nung... Whaaaaaa! OMG! Marcuuuuuus! Vinceeeeeeent! Narinig ko rin ang hiyawan ng mga kaklase ko sa college pati tong sila Joan. Halos takbuhin ko ng Dalawang segundo ang daan para lang makalapit sa kanila. Nagsimula na silang kumanta. Search for your love. Best birthday gift ito! "Happy Birthday Buloy! Greetings from Shooting Star band and Ashton Clarence Castillo" sabi ni Marcus habang instrumental ang kanta. Walangya ka Ashton! Papatayin mo ako sa saya! Tenchu! Tenchu! Teka teka baket kulang sila ng miyembro? Baket wala si Leonard my loves? Siguro baka guess sa tv show. Nakailang kanta na ang Shooting star bago nila napagpasyahang maupo na muna. Isinalang ni Vincent ang cd nila sa component at nilalakasan ang speaker. Naupo sila malapit sa table namin at binigyan ko sila ng maiinom. Nakipagkwentuhan naman sila at unti-unti lumipat ang mga kaibigan ko sa table nila. Kaya ang nangyari ay nagform kami ng isang malaking table at sama-sama na kaming nag-iinom dun. Halatang halata sa mga mukha ng talande kong kaibigan ang saya. Takte! Moment ko to dapat ako ang bida! Mga hitad! "Nasaan nga pala si Ashton?" Tanong ko kay Tin. "Nasaan si Leonard, Marcus? Diba dapat magkakasama kayo ngayon?" Tanong naman ni Anabel na panay ang kain ng fries. "Papunta na sigu-" "On the wa-" Hindi na nila naipagpatuloy ang kanilang isasagot nung may nagsalita mula sa likuran namin. "Happy Birthday Buloy!" "Ashtooooooon! Bake-" "...baket magkasama kayo?" Tanong ko sa kanya. Nakaakbay sa kanya si... Si.. Leonard Cruz!? Baket sila magkasama? Napansin ko rin ang mga mukha ng mga kasama ko na nagtataka, maliban lang kay Tin at sa dalawa pang miyembro ng banda. "Long story bakla. So pwede na ba muna kaming maupo?" Sabi sakin ni Ashton pagkatapos akong ibeso beso. "Happy Birthday Buloy..." Bati saken ni Leonard. "Umusod ka cheekbone, tabi tayo" narinig kong sabi pa ni Leonard. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Parang may hindi ako nalalaman dito aa. Ipinagwalang bahala ko na muna iyon at nagsimula na uli kami mag-inuman. Kwentuhan. Lokohan. Asaran. Kapontoyan. Throwback. "Namiss ko talaga kayo mga panget!" Madrama kong sabi sa kanila. "Grabe ka naman! Ikaw lang naman ang panget sa tropa natin ah!" Nakangising tutol ni Joan. "Grabe ka Joan aa! Birthday ko to alalahanin! Baka gusto mong patayin kita dito ngayon" pananakot ko sa kanya. Kasunod nun ay ang tawanan ng buong kasama ko. "Happy Birthday Buloy!" Nilingon ko agad kung kanino nanggaling ang boses na yun. "Eduardooo! Patrick! Ma...Mark?" Naimpit bigla ang boses ko at napalingon ako sa mga kaibigan ko lalo na kay Joan. "Pasensya na sa gift ko aa!" Sabay abot sakin ni Eduardo ng isang medium size na box na nakabalot ng red wrapper. "Hindi mo ba kami papaupuin? May gusto ka saken nu!" Sabing bigla ni Eduardo. Nagdagdag pa kami ng isa pang table at upuan para magkaroon ng space ang mahabang paikot na table namin. Sana naman hindi maAwkward ang moment ni Ashton. Alam ko ugali nung baklang yun eh. Bakla bigla bigla nalang umuwe yun. "Its okay. Wag ka na magworry sa kanila" nabasa kong text mula kay Tin. Nahalata yata niya ang tinatakbo ng isipan ko kanina pa. Pinakilala ko sila sa mga bago kong kaibigan. Hindi naman naging mahirap para sa kanila ang magkasundo sundo dahil lahat sila kwela - kagaya ko. Ganda lang ang wala sa kanila. Ang saya ko ngayon. Kasama ang buong tropa at nandito din ang kinababaliwan kong banda. Magkano kaya ang binayad ni Ashton sa kanila para lang kumanta at pumunta dito sa party ko? Sa sobrang kakatihan ng bunganga ko ay tinanong ko sila kung magkano ang talent fee nila sa pagpunta dito sa birthday celebration ko. "Leonard, Marcus, Vincent, magkano ang talent fee na binayad ni Ashton sanyo para mag-guess dito sa party ko?" Diretsong tanong ko sa kanila dahilan para mapunta lahat ang atensyon samin ng mga bisita ko. Nagkatinginan ang tatlo at lahat at napatingin kau Ashton. Sabay tumawa si Marcus at Leo samantalang si Vincent naman at seryosong nakatingin kay Ashton. "Ipaggagawa niya ako ng Nachos for the whole week" nakangiting sabi ni Marcus. "Hmm... He will spent his life with me - forever" seryosong sabi naman ni Leonard. "Oy! Leo wala ako sinasabing ganyan ha! Ang usapan natin ay One night date lang aa!" Sabi naman ni Ashton na dahilan para mapa-O ang mga bibig ng mga kasama ko. Date? Teka teka! Meron ba akong hindi nalalaman dito? "That's the deal cheekbone" nakangising sabi pahabol ni Leonard. "Better late than never! Happy Birthday Buloy!" At dumating narin ang red carpet na bisita! Hindi ko pa nililingon ang nagsalita pero nakita ko ang kakaibang reaksyon ng mga kaibigan ko sa nakitang bagong dating na tao. Ashton Clarence Point of View "Better late than never" "Better late than never" "Better late than never" Bigla akong natigilan. Parang tumigil ang buong paligid ko. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Hindi ko yun pwedeng makalimutan. Hindi ako pwedeng magkamali. Yun yung boses na paulit-ulit kong pinapakinggan sa voice memo sa twing sinusubukan kong tumawag sa kanya. Yun yung boses na gustong-gusto ko ulit marinig. Kakaiba ang nararamdaman ng katawan ko ngayon. Pakiramdam ko ay nanayo lahat ng balahibo ko at walang tigil ang dagundong ng dibdib ko. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng katabi ko - ni Leo. Nakatingin siya sakin at ramdam ko ang pagtataka sa mukha niya. Ramdam ko din ang mga matang nakatingin sakin. Matutuwa ba ako? Maiinis ba ako? Magagalit ba ako? Ano ba ang dapat kong maramdaman? "Its okay. I'm here" bulong sakin ni Leo at umusog pa ng bahagya para mas lalong magkalapit ang katawan namin. "Here's my gift" narinig ko pa sa pag-uusap nila. "Dito ka na umupo Ace. Tagal natin di nagpakita ah!" Sabi ni Eduardo. Hindi ko magawang tingnan ang taong nang-iwan saken. Hindi ako mapakali kasi hindi ko alam kung ano ang iaasta ko at ipapakita kong ugali. "Pwede ba kitang mayakag sa stage" narinig kong malamlam na boses mula kay Leo. Tiningnan niya ako ng tingin na ang ibig sabihin ay hindi ako pwedeng tumanggi. Tumayo kaming dalawa at nagsimula ng lakarin ang papuntang mini-stage na pinagawa nila Marcus. Akbay-akbay ako ni Leo habang naglalakad kami. Hindi nagsasalita si Leo. Ramdam niya siguro ang tensyong nararamdaman ko kahit hindi ko pa kinukwento sa kanya. Binigay sakin ni Leo ang isang mikropono at hawak naman niya ang isa. Nakita ko rin si Vincent at Marcus na sumunod samin at kaagad na pumuwesto sa mga instrumentong nasa likuran namin. Nagsimula ng tumugtog ang magkakaibigan. Nakuha ko naman ang nais nilang iparating na kanta. Tumahimik ang buong paligid. Ramdam ko ang mga matang nakatuon samin. Halos lahat sila at nakatingin samin. Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon kung kailan ang puso ko'y mayroon ng laman.. Panimula ni Leo sa kanta. Damang-dama ko ang pagkanta niya. Napakaseryoso niya ngayon at pakiramdam ko ay ibinibigay niya ang buong emosyon niya sa pagkanta. Sana'y nalaman ko Na darating ka sa buhay ko Di sana'y naghintay ako oh oh Pagpapatuloy ko sa kanta. Kaiba na ang pakiramdam ko. Magkatabi na kami ngayon ni Leo. Naupo ako sa upuan na nasa harapan ng stage at inilagay ko sa mic stand ang mikroponong hawak ko. Ikaw sana ang aking yakap yakap Ang iyong kamay lagi ang aking hawak At hindi kanya - at hindi kanya Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko Pilit binubuksan ang sarado ko ng puso Ikaw ba ay nararapat sa akin? At siya ba'y dapat ko ng limutin? Nais kong malaman Bakit ngayon ka lang dumating? Sabay naming pagkanta ni Leo. Tanging paglapag lang ng basong naikot ang tanging ingay na naririnig sa pagkakataong ito. Ikaw sana ang aking yakap yakap Ang iyong kamay lagi ang aking hawak At hindi kanya - at hindi kanya Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko Pilit binubuksan ang sarado ko ng puso Ikaw ba ay nararapat sa akin? At siya ba'y dapat ko ng limutin? Nais kong malaman Bakit ngayon ka lang dumating? Nais kong malaman Bakit ngayon ka lang dumating? Sabay naming pagtatapos sa kanta ni Leo. "Are you okay"? Tanong sakin ni Leo. "Honestly, parang hindi." Seryoso kong sabi sa kanya. "Don't worry. I'm here. Hindi kita iiwan" sinserong sabi niya sakin. Matapos nun ay bumalik na kami sa upuan namin at pinagpatuloy ang inuman. ------- Buloy Point of View Tama ba ang ginawang pagpunta ni Ace dito? Mukhang nagulat lahat sila lalo na si Ashton. Hindi ko naman ginusto itong awkward moment na ito eh. Matapos nilang kumanta ay bumalik na agad sila sa upuan. Pinaggigitnaan siya ni Leo at ni Vincent samantalang si Marcus naman ay naiwan sa stage at patuloy sa pagkanta. "Mukhang masaya ang party mo Buloy ah!" Biglang sabi ni Eduardo. Tangnamo! Anung masaya hindi mo ba nararamdaman yung akwardness? Yan sana ang gusto kong itanong sa kanya pero ayoko naman mapahiya siya. "Oo nga. Ang galing talaga ni Ashton at naisip niya pang arkilahin tong Shooting star band" sabi ko sa kanya at tumingin ako kay Ashton. "Hindi kami inarkila ni cheekbone nu! Niyakag niya kami at sumama naman kami" mayabang ng pagkakasabi ni Leo. "Alam ko naman kasi na baliw na baliw ka sa mga ito" sabay turo ni Ashton sa magkakaibigan. "Buloy pwede maki-CR, magpapalit lang ako ng damit" sabi sakin ni Ace. "Excuse muna mga panget ah! Samahan ko lang tong magpalit ng damit" sabi ko. "Uyy! Buloy ah! Di mo sinasabe na sobrang guapo pala ng boyfriend mo" sabat ng tropa kong malake ang s**o. Pramis! Totoo! "Hindi ko boyfriend to nu! Taken na to!" Sagot ko naman. Iniwan na namin sila at kami naman ni Ace ay pumasok sa loob ng bahay. "Anong reaksyon nila?" Tanong sakin ni Ace habang naglalakad kami. "Wala. Alam naman ni Joan na nakabalik ka na. Yung ibang tropa naman walang alam sa nangyari" -Ako "Eh si Ashton?" "Syempre hindi okay yung baklang yun. Hindi naman niya kasi ineexpect na bigla kang magpapakita dito" "Kailangan ko pa bang itanong kung sino yung kasama niya?" Sabi niya sa interesadong tono. "Sa tingin ko - siya na yung -" "Hi! Pwede makigamit din ng CR? Pinapasok na ako ng kapatid mo at tinuro yung daan" plain tone niyang pagkakasabi. "Vincent....." Leonard S. Cruz Point of View Humigpit ang pagkakahawak sakin ni Ashton habang nakaupo kami. Hindi ko alam pero parang alam ko na kung bakit biglang nagkaganoon nalang ang sitwasyon namin. "Tagal natin di nagpakita Ace ah!" Narinig ko iyon sa isa sa kaibigan nila Ashton. Yun pala yung Ace. Yun pala yung taong nang-iwan kay Ashton. Yun pala yung napakawalang kwentang tao na basta basta nalang nanakit kay Ashton. "Don't worry. I'm here" paulit-ulit kong sinasabi yun kay Ashton para hindi niya maisip yung ginawang pang-iiwan sa kanya ng mga taong minahal niya. Kung ako kasi ang lalagay sa sitwasyon nila hindi ko iiwan si Ashton. Hindi ko siya magagawang saktan. Korni man pakinggan pero kaya kong gawin lahat para sa kanya. "Buloy pwede maki-CR" narinig kong sabi ni Ace kay Buloy. Mabilis naman tumayo si Buloy at sinamahan si Ace sa loob. Pinagpatuloy namin ang pag-iinom. Napansin kong nakikipagsabayan na rin sa pag-iinom si Ashton. Hindi ko na siya pinigilan, dapat ko sigurong igalang ang nararamdaman niya ngayon, pero hindi ko siya magagawang iwanan. "Tin san ang CR dito?" Sabi naman ni Vincent. Tinuro ni Tin ang daan at pumasok doon si Vincent. May napapansin ako kay Vincent nitong mga nagdaang araw. Naninibago ako sa kanya. Sana mali ang hinala ko kasi pagnagkataon ay kaming dalawa ang magkakabangga ngayon. "Ashton hinay lang sa pag-inom" sabi Joan habang panay ang pagkain ng hotdog. "Don't worry Joe! Yakang yaka ko to!" Medyo napapalakas na ang boses ni Ashton. Siguradong umeepekto na ang alak sa taong ito. "Umuwe na yung ibang bisita ni Buloy. Tumakas na. Hahaha! Osya - tabi tabi na tayong lahat" sabi nung Eduardo yata ang pangalan nun. Nagpatuloy kami sa pag-iinom. Naunang bumalik si Buloy sunod si Ace at huli naman ay si Vincent. Umupo na muli si Vincent sa pwesto niya sa tabi ni Ashton. Sa dulo naman si Buloy at si Ace sa harap ni Ashton. Si Eduardo at Patrick sa kabilang dulo at si Mark naman ay kaharap ko. "Musta ka naman Ace?" Tanong nung babaeng sabog ang buhok. Kung di ak nagkakamali Rosemarie yata ang pangalan nun. "Okay naman ako. Naging busy sa pag-aaral sa ibang bansa" tipid na sagot ni Ace. "Halos magkasunod lang ang pagbalik niyo ni Mark dito sa Pilipinas aa!" Ikaw naman Mark musta na si Steff?" Sabi naman yun ni Buloy. Sa totoo lang wala naman ako pakialam sa kanila eh. Tahimik lang kaming tatlo nila Vincent at Marcus kasi hindi kami makasabay sa usapan nila. "Ah Si Steff? Kinasal na siya. Wag nyo ng ipakwento ang nangyari sakin. Long story" seryosong sagot naman ni Mark. "Ikaw naman Ace.. Totoo ba yung nabalitaan namin na ikina-" "Excuse us guys. Pagpahingahin ko lang si Ashton. Mukha laseng na eh" singit ko sa usapan nila. Mukhang hindi na kasi maganda ang kalalabasan ng nangyayari. "Its okay Leo. I'm okay." Mahinang sabi niya. Hindi na ulit ako nagsalita at pinagpatuloy ko nalang ang pag-inom sa bawat tagay na ibinibigay samin ni Buloy. "Edi sobrang saya na ni Ashton ngayon kasi bumalik na ang kanyang long lost boyfriend?" Nakangiting pang-aasar ni Angelica. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya at katahimikan ang namayani samin. Napatakip si Angelica ng bibig halatang nabigla siya sa kanyang sinabi. "Oh? Bakit ang awkward natin? Hahaha! Yap! I'm happy kasi nagkaroon pa tayo ng pagkakataon na magkasama-sama ng kumpleto" pagbasag ni Ashton sa katahimikang bumalot samin. "Eh yun naman pala eh - edi party party na uli!" Biglang sigaw ni Buloy. ---- "Can we talk?" Narinig kong sabi ni Ace sa taong katabi ko. Nakatingin sakin si Ace na para bang humihingi rin ng pahintulot sakin. Lumakad palayo si Ace at si Ashton. Ganito pala kasakit yung pakiramdam na makita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba. Lalo na at ang kasama niya ay yung taong sobra niyang mahal. Ang buong inaasahan ko ay hindi sasama si Ashton sa pagyaya sa kanya ni Ace. Akala ko hindi niya ako iiwanan dito. Ang sakit isipin. Pero ito na yata ang kinakatakutan ko. Ang bumalik si Ace - si Ace na tunay na minahal ni Ashton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD