Chapter V
Mark Gonzales Point of View
Alam ko tama lang ang ginawa kong disisyon. Ang bumalik sa Pilipinas. Tama lang din ang naging disisyon ko ma sundin ang dinidikta ng puso ko at hindi yung pagsunod sa gusto ng daddy ni Steff para lang sa awa.
Kinausap kasi ako ng daddy ni Steff. Sinabi niyang may sakit ito at kung pwede ay pagbigyan ko siya sa kagustuhan niyang magkasama kami. Hindi ko rin naman alam na kasal pala ang tinutukoy nila.
Napaniwala nila akong may sakit si Steff hanggang sa natuklasan kong pagpapanggap lang ang lahat. Nalaman kong kayamanan lang at pag-aari ni Papa ang habol nila dahil sa aksidente kong narinig ang kanilang pinag-uusapan.
Kung ikukwento ko pa lahat eh baka maagaw na sakin si Ash.
Sinadya ko ang patirahin sila Ate Juana sa bahay kasama ang dalawa niyang anak na si Jairus at si Ashton. Gusto ko kasi na araw araw ko siyang nakikita.
Alam kong mahihirapan akong ipaliwanag sa kanya ang lahat pero gagawa ako ng paraan para maintindihan niya ako. Hindi ko mamadaliin iyon kasi alam ko kung gaano ko siya masaktan dati.
Kailangan hindi masayang yung pagkakataon na ibinigay sakin ni Ace. Tandang-tanda ko pa kung gaano siya nagparaya sa kanyang nararamdaman dahil narin sakin at sa kanyang pamilya.
Flashback Sa JS Prom (Book One)
"Himala at gusto mo akong makausap" sarkastikong pagkakasabi ko kay Ace.
Hindi niya pinatulan ang pang-aasar ko bagkus inabutan niya ako ng isang bote ng stallion.
Wala ni anuman ang maririnig saming dalawa bukod sa tunog ng nilalapag naming bote sa tuwing tutungga kami.
"God knows how much I love Ashton" bigla akong natigilan sa narinig kong iyon sa kanya.
"Can't imagine my life without him. He's my everything and my life" seryosong seryoso si Ace habang sinasabi niya iyon. Naririnig ko narin ang unti-unti niyang pagsinghot dahilan ng pagbabadya ng luhang kanyang pinipigilan.
"He changed me. He teach me everything. He even understand all the things about me. Kahit na pasaway yun, kahit na puro sermon ang naririnig ko dun mahal na mahal ko ang taong yun"
Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at mabilis na iniangat ang hawak hawak na bote ng alak.
"Nagpapasalamat ako sayo kasi kung hindi dahil sayo hindi kami aabot sa ganitong punto. Kung hindi mo siya sinaktan at iniwan ay hindi ako magkakaroon ng pagkakataon para maiparamdam sa kanya ang nararamdaman ko" dugtong niya sa kanya sinasabi.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinasabi niya sakin. Para kasing ipinapamukha niya sakin ang pang-iiwan ko kay Ashton.
"Siguro its time for me to give him back to you" pagkatapos nun ay dumaloy na ang luhang kanyang pinipigilan.
Natigilan ako nung marinig ko iyun sa kanya. Inilapag ko ang bote ng alak na iniinom ko at mabilis ko siyang kinuwelyuhan.
"Anong akala mo kay Ashton! Bakit basta basta mo nalang siya iiwan? Nakita mo naman diba kung gaano siya nasaktan nung iniwanan ko siya!? Ano tingin mo sa kanya laruan!!! Laruan na basta basta mo nalang ibabalik at iiwanan!" Hindi ko na napigil yung emosyon ko. Galit ang nararamdaman ko ngayon kay Ace.
"If I only had a chance pero Mark... Nakasalalay dito ang buong pamilya ko. No choice ako"mahinang sabi niya. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakakwelyo ko sa kanya.
"I'm leaving. Ikakasal na ako after ng graduation. Nasasaiyo na kung hahayaan mo nalang si Ashton"
Matapos nun ay umalis na si Ace at nakita kong papunta sa table kung saan nakaupo sila Ashton kasama ang mga kaibigan niya.
End of flashback
Nandito ngayon kami nina Ashton at Jairus sa Storyland. Nagyakag kasi si Jairus at hindi ko inaasahan na isasama pala niya si Ashton.
"Kuya ang galing ni Kuya Leo nu!" Narinig kong sabi ni Jairus kay Ashton habang nakatanghod sa nakanta sa stage. Anong magaling diyan? Marunong din naman ako kumanta ah!
Porket nasa stage at marunong kumanta kailangan tumanghod na? Wow ha! Antayin niyo lang na ako kumanta at baka tumulo pa laway mo Ashton!
Narinig kong tinawag ni Leonard ang pangalan ni Ashton at pumunta naman dun si Ashton.
Nagsimula na silang kumanta.
Parang naulit nanaman sakin ang nangyari dati nung una ko siyang narinig kumanta. Napatulala ako sa kanya at hindi kp magawang alisin ang pagkakatingin ko sa kanya.
Flashback after graduation night (Book1)
"Kumusta ka na?" Sabi ni Ashton sakin. Wala kasi samin nagsasalita.
"I'm okay now" matipid kong sagot sa kanya.
"Alam ko nasaktan kita pero mas nasasaktan ako sa nangyayari. Hindi ko pa masabi sayo kung ano ba talaga ang dahilan ko pero gusto kong malaman mo na wala parin magbabago sa nararamdaman ko sayo, mahal na mahal kita Ash" sinsero kong sabi sa kanya.
"Alam ko darating din ang panahon na maiintindihan mo kung bakit ko nagawa sayo yun. Alam kong hindi yun madali pero please sana maintindihan mo ako" dugtong ko sa simabi ko.
Wala akong narinig na kahit anong sagot mula sa kanya. Alam kong patuloy ang daloy ng kanyang luha.
"I'm leaving" sabi ko sa kanya. Napansin kong bigla siyang natigilan at para bang nag-aantay na susunod kong sasabihin.
"Pupunta ako sa Canada para itama ang mga pagkakamaling nagawa ko. Bukas na ang alis ko. Sana kapag dumating ang panahon ay may balikan pa ako dito"
End of Flashback
Habang kumakanta si Ashton ay hindi ko pa rin magawang alisin ang mga mata ko sa kanya. Kailan ko kaya muli siya mahahawakan? Kailan ko kaya uli siya mayayakap? I miss his lips. Mahal na mahal parin kita Ashton.
"I'll call you later cheekbone. See yah!" Narinig kong sabi ni Leonard. Siya pala yung sinasabi sakin ni Eduardo na laging kasama ni Ashton.
Nakikita ko narin kasi sa social media network ang picture nilang dalawa at nababasa ko rin ang mga negative post tungkol kay Ashton.
Sinadya kong sumimangot para malaman nilang hindi kp ma gusto ang nangyayari. Alam ko nahalata ito ni Ashton at siya na mismo ang gumawa ng paraan para makaalis na agad kami don.
Alam ko naman na gumagawa talaga ng paraan yang Leonard na yan para lang makasama ng matagal si Ashton eh. Anung akala niya sakin? Tanga? Na hindi mahahalata ang mga balak niya!
Sinabi sakin ni Jairus na gusto daw niya ng stuffed toy na crocodile. Tinuro niya sakin iyon.
Naglaro ako ng shoot the ball games pagkakataon ko narin ito para makapagpasikat kay Ashton.
May kasabay ako sa paglalaro at salitan kami sa pagtira sa bola.
Mukhang hindi papatalo tong kasabay ko ah! Hindi rin siya nasala.
Aktong kukunin ko na ang big crocodile na gusto ni Jairus ay namukhaan ko kung sino ang lalakeng iyon. Si Justine. Ang bestfriend ni Ace.
Flashback Phone convo habang nasa Canada
"May bestfriend ako. Si Justine at si Chris. Sobrang malapit sila sakin kaya alam ko kung ano takbo ng isip nila" sabi sakin ni Ace.
"Bakit mo sinasabi sakin to?" Takang tanong ko.
"I know Justine - matagal na siyang may gusto kay Ashton. Gawa ko lang kaya hindi niya magawang pormahan dati si Ashton. Nagmessage sakin si Justine last week at sinabi niyang siya na bahala kay Ashton. Hindi ko siya pinagbawalan kasi wala na ako karapatan. Kaya sinasabi ko sayo ito - ibang klase si Justine." Mahabang sabi ni Ace sakin.
End of flashback
"Unfair naman kung si Baby Jairus lang ang meron... This is for you" at iniabot niya ang malaking red teddy bear kay Ashton.
"Oh you're with him AGAIN?" Sarkastikong sabi ni Justine kay Ashton.
"Nagpasama kasi si Jairus na gumala. Nasaan si Chris" narinig kong sagot ni Ashton.
"Kuya Justine! Nandito ka rin pala - sayang hindi mo narinig si Kuya kumanta" sabi naman ni Jairus habang kumarga kay Justine.
"Its okay Baby. Madami pa naman kaming time ni Kuya Em mo. Gusto mo bang sumama samin nextweek? Pupunta kami sa tagaytay"
"Talaga Kuya Justine? Sige sama ako! Pramis yan ha!" Nakangiting sabi naman ni Jairus.
"Osya - sige. Enjoy your day. Hope you like the chocolates and flowers" nakangiting sabi ni Justine kay Ashton.
"Thank you nga pala. Ingat" sagot naman ni Ashton.
Ewan ko ba. Parang nawawala ako sa mood kapag nangyayari ang mga yan sa harap ko. Hindi naman siguro sila manhid para hindi mahalata sakin yun diba?
Inabot na kami ng gabi sa kakagala at kakalaro sa Story land. Hindi rin magtagal ay napagpasyahan na namin umuwe para narin makapagpahinga. May pasok pa kasi si Ashton bukas at ako naman napagdisisyunan kong mag-enroll at ipagpatuloy dito ang pag-aaral ko.
"Akina muna si Jairus. Alam ko kanina ka pa nangangalay. Maupo muna tayo saglit para maipahinga natin ang paa natin. Kanina pa tayo lakad ng lakad eh" sabi ko kay Ashton. Nakatulog na kasi si Jairus sa sobrang pagod.
Naupo kami sa gilid ng storyland. Yung may mahabang bato tapos sa gilid nun ay dagat na. Masarap sa pakiramdam habang nakaupo dun - presko.
Karga karga ko ngayon si Jairus na mahimbing na natutulog. Si Ashton naman ay bumili ng cold coffee para saming dalawa.
"Oh..." Sabay abot niya sakin ng cold coffee. Tahimik kaming pareho na nakaupo at pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar na kinalalagyan namin.
"Musta na nga pala pag-aaral?" Bigla ko nalang naitanong kay Ashton. Wala kasi ako maisip na ibang itanong ko sa kanya eh. Pero gusto kong itanong sa kanya eh kung mahal niya pa ako - kaso baka bigla nalang akong sapakin neto.
"Okay naman. Masaya. Classmate ko si Leonard saka si Tin" plain tone na sabi niya.
Kaklase pala niya ang gunggong na iyon!
"Si Tin musta na? Saka yung ibang tropa?" Dugtong ko para hindi mawala samin ang pag-uusap.
"Ganoon parin. Nagkikita kami tuwing weekends sa pinagtatrabahuhan ko sa gabi. La parin silang pagbabago" mahaba habang sagot niya.
"Ang cute nyo namang couple. Baby nyo yan?" Nakangiting puri samin nung dalawang lalake.
"Ah.. Eh.. Hind -"
"Thanks. Nope, kapatid to ng partner ko" pagputol ko sa sinasabi ni Ashton.
Mabilis narin umalis yung dalawang lalake na halatang magpartner din.
Hindi nanaman problema sa ngayon yung mga ganoong issue. Nasa bagong henerasyon na tayo at kailangan ay malawak ang pang-intindi sa mga bagay-bagay.
"Hindi mo dapat sinabi yon" mahinang sabi ni Ashton.
"Sorry..." Mahinang sabi ko kay Ashton habang tinatahak namin ang daan pauwe.
"Its okay. Hindi lang ako sanay" sagot naman niya.
Ini-on ko ang mini component ng sasakyan ko. Radio. (Secret na ung station)
Dj: How about your inspirations?
Kapwa kami natahimik ni Ashton nung narinig namin iyon mula sa DJ na nagsasalita.
Dj: You first Marcus.
Marcus: ahmm... Family.
Dj: Napakashowbiz naman ng sagot mo Marcus.
Kasunod nun ay ang pagtawa ng DJ.
Dj: How about you Vincent?
Vincent: Seriously, yung fans na patuloy na sumusuporta samin.
Dj: And lastly, Leonard
Nakita kong umayos ng pagkakaupo si Ashton at inayos din niya ang pagkakarga niya kay Jairus.
Leonard: Hmm.. Honestly, dati fans and family ang inspirations ko but when I came here in Philippines, may nakilala akong isa pang dumagdag sa inspirasyon ko.
Dj: Sino naman yun? Showbiz or non showbiz?
Leonard: Malapit niyo narin malaman kung sino siya.
Leonard: This song is dedicated to you cheekbone.
Now playing: Search for your Love
Talaga palang malakas ang tama ng gunggong na iyon dito kay Ashton. Tingin niya sakin papayag ako ng basta basta nalang? Ayoko na maranasan yung sakit na naranasan ko nung iniwanan ko siya. Hindi na ako papayag na magkalayo muli kami ni Ashton.
Tiningnan ko si Ashton. Nakatulog narin pala siya kagaya ni Jairus.
--------
"Bilisan mo at male-late ka na" sabi ko sa kay Ashton.
"Hindi mo na ako kailangan ihatid Mark. May usapan kasi kami ni Leo na susunduin niya ako ngayon at sabay kaming papasok" mahabang sagot niya.
"Tawagan mo siya. Sabihin mo na isasabay na kita." Diretsong sabi ko sa kanya.
"Oo nga Kuya Em. Sabay ka na samin ni Kuya Mark" narinig ko naman pagsingit ni Jairus sa usapan namin ni Ashton.
Wala ng nagawa si Ashton at sumakay na rin siya sa sasakyan ko. Kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na naghanap ng pangalan sa fonelist.
"Hi!" Panimula niya.
"Sa school nalang tayo magkita - nagkataon kasi na pupunta rin sila Mark at Jairus kaya napasabay na ako" mahabang paliwanag niya sa kanyang kausap.
"Okay. Ingat rin!" Matapos yun ay binalik na niya ang cellphone sa kanyang bulsa.
------
"Cheekbone!" Narinig kong sigaw ng gunggong. Halatang nag-antay siya sa parking lot ah.
"Leo. Oh bat hindi ka pa napasok sa room?" Sagot naman ni Ashton pagkababa ng sasakyan.
"I'm waiting for you. Gusto ko kasi kasabay kita pagpunta sa room" cheezy naman ng sagot ng gunggong na ito!
"SalamaT Mark sa pagsabay. Ikaw na bahala kay Jairus. Male-late na kasi ako" paalam sakin ni Ashton at mabilis na lumakad palayo. Nakita ko ring naakbay sa kanya ang gunggong.
Tado yon aa! Nananadya yata!
"Kuya Mark bakit nakasimangot ka?" Puna sakin ni Jairus.
"Hindi bunso. May naisip lang ako bigla" kasunod nun ay tumawa nalang ako para hindi na ako mapansin ni Jairus.
"Wag ka mag-alala kuya - mas AWESOME ka" nakangiting sabi sakin ni Jairus.
"At dahil diyan - kakain tayo mamaya sa Mcdo" nakangisi kong sabi sa kanya.
Ashton Clarence Point of View
Birthday na ni Buloy bukas. Ano kaya ang ibibigay kong gift sa kanya? Hindi naman kasi mahilig sa mga accessories yun ee!
Nandito ngayon ako sa cafeteria at kasama ko si Tin. Pinag-uusapan namin kung ano ang maganda ibigay na regalo kay Buloy.
"Alam ko na Ashton!" Biglang sabi ni Tin na para bang biglang magkaroon ng ilaw sa ulo niya.
"Ano yon?" Interesado kong tanong.
"Alam naman nating baliw na baliw yang si Bakla sa Shooting star band. Bakit hindi nalang kaya yun ang iregalo natin?" Mahabang sabi ni Tin.
"Tutal kilala at malapit ka naman kina Leo, why don't you try to invite them?" Sabi niya pero halata ko sa kanya ang ka-excitedan sa sinasabi niya.
"Kakausapin ko muna si Leo tungkol dito" sabi ko nalang sa kanya. Baka kasi sumuka nalang bigla ng heart shape na dugo tong kausap ko kapag sinabi kong gagawa ako ng paraan.
"Hey Ashton! Can we join!?" Pagbati sakin ni Marcus.
Tumango ako na senyales na napayag ako. Tutal may pabor naman akong hihingiin sa kanila. Sana lang pumayag silang walang talent fee kasi kapag magkataon - juskolord! Wala akong pambayad!
"Ano gusto niyong pagkain? Treat ko!" Masiglang sabi ko sa kanila. Si Tin? Haaay naku! Eto at kulang nalang ay raspahin sa sobrang kasiyahang nararamdaman.
"Really? Treat mo kami?" -Marcus
"Baket ayaw nyo?" -ako
"Gusto ko ng plain french fries LARGE" sabi ni Vincent.
"Nachos ang sakin" sabi naman ni Marcus.
"Okay na sakin ang isang order na Ashton with extra sweet sauce" nakangising sabi nito.
Puro talaga kalokohan! Pero alam ko naman kung ano ang ioorder ko sa kanya. Burger with tatlong patong na keso. Totoo. Paborito niya ang burger na maraming keso. Kakaiba nga eh.
Sinamahan ako ni Tin umorder ng pagkain. Dapat masatisfy sila sa pagtitreat ko para hindi sila makahindi sa hihingin kong pabor.
"Here's your order cuties" nakangiti kong sabi sa kanila tapos ay inilagay ko sa table ang mga order nila. Alam kong maraming makatingin samin pero hindi ko na iyon pinapansin.
"Good mood ka ata ngayon Ashton" puna sakin ni Marcus.
"Syempre naman. Kagugwapo ng mga kasama ko ngayon eh" pambobola ko sa kanila.
"Oo nga! Sobrang gugwapo!" Segunda naman sakin ni Tin na halos maging hugis puso na ang mata.
"What do you want from us Ashton?" Diretsong tanong sakin ni Vincent. Jusko naman! Kapag itong taong ito kausap ko hindi uso ang ligoy ligoy! Kelangan direct to the point.
"Porket ba inaasikaso ko kayo means na may kailangan agad?" Pagsegunda ko.
"Yap! So tell us" seryosong sabi sakin ni Vincent.
Nilapitan ko si Vincent. Inusog ko talaga ang upuan ko para lang makatabi siya.
"Alam mo kasi Vincent, birthday ng tropa ko bukas. Fan na fan siya ng grupo niyo, then wala kami maisip na gift sa kanya kaya -"
"Kaya naisip mo na kami ang gift sa kanya" prangkang dugtong ni Vincent sa sinasabi ko.
"O....oo" maikling sagot ko sa kanya.
"What do you think Leo? Marcus?" Tanong ni Vincent.
"May kundisyon ako diyan" nakangising sabi ni Leo.
"Ano naman yun?" Nakapout kong sabi.
"You're going out again with me after that night" seryosong sabi niya sakin.
"Saken okay na ang ipaggawa ako ng maraming nachos" dugtong naman ni Marcus.
Nu ba yan! Pwede naman bumili nalang gusto pa ipaggawa!
"Saka ko na sasabihin yung kapalit na saken" seryosong sabi ni Vincent.
"So it means na pumapayag na kayo? Ang sayaaaaaaa!" Si Tin habang nagniningning ang mata habang nakatayo sa harapan namin.
"Thank you ng marami!" Dugtong ko naman.
Napag-usapan namin ang plano. Pasalamat nga ako at pumayag ang mga kaibigan ni Leo sa live band na naisip ko. Kaso ano kaya ang deal ni Vincent? Sana naman hindi mahirap yun. Mukha kasing seryosong tao yung Vincent na iyon ee. Takotmuch! Huhuhu!
---
"Huwag mo ng isipin yung si Vincent, twisted mind yun ee" sabi saken ni Leo habang nasa kotse kami.
Nahalata yata niya na medyo nag-iisip ako.
"Hindi ko naman iniisip yun. Iniisip ko lang yung quiz natin kanina, mukhang bopols ako dun" pagsesegwey ko.
"Pano? Kita nalang tayo bukas" sabi ni Leo nung nasa harap na kami ng gate.
"Sige. Ingat ka"
----------------->
Ayieee! May sarili na akong PoV dito. Humanda kayong mga lalake saken! Eto na ang kakaibang Diyosa! Imagine nyo nalang ako si Godess Venus! aja!
Buloy Point of View
"Mga baklaaaaa! Antayin ko kayo mamaya dito sa mansyon namin ha! Magsama kayo ng maraming lalake! Hahaha! Dun lang masaya na ako! Subukan niyo lang na huwag pumunta - ipapakulam ko kayo at ipapahila ko esophagus nyo!"
Takenote: Mamatay na hindi magpunta! Sumara na sana ang tumbong ng hindi magpupunta! 3pm dapat nandito na. No latecomers!
Matapos yun ay ni-send ko na sa lahat ng kaibigan ko. Kay Ashton, Tin, Joan, Anabel, Milashel, Angelica, Rosemarie, Ceremalito, Eduardo at kung sinu-sino pang panget kong kaibigan.
Moment ko to. Birthday ko eh! Ilang oras nalang ay makakasama ko na uli ang mga kaibigan ko. Namimiss ko na sila - kahit ubod ng papanget ng mga yun mahal ko yun.
Kahit nuknukan ng bansot yung Anabel na yun - nauutangan ko yun.
Kahit saksakan ng negra yung Milashel na yun - pinapakopya ako palagi nun sa exam.
Kahit ugaling palengke yung Rosemarie na yun at mukhang isda - joker namin yun.
Si Tin? Naku! Kahit yan ee mamadre madre at baduy - tagapagtanggol namin yan.
Si Joan na pokpok? Haha! Taga-make up ko yan.
Si Angelicang tanga na wala ng ibang ginawa kundi ang tumanghod sa mga lalakeng dumadaan sa bintana kahit yan eh may lahing alien mahal ko yan.
At si Ashton namang may lahing mangkukulam kahit takot sa manika at higante yan sobrang mahal ko yan. Magpapagawa nga ako ng gayuma diyan ee. Hahaha! Joke lang.
Ayan pampahaba lang daw ng PoV ko yan sabi ni Author. Hindi kasi nasabi yan nung book one. Hindi kasi pinagbigyan ang kagandahan ko sa book one kaya ayan namoblema kung pano isisingit ang mga detalye ng mga hampaslupa kong kaibigan.
Habang nagme-make up ako at sinusukat ko ang gown ko (dejokelang) Biglang tumunog ang Iphone6 ko (cherry mobile lang - haha lakas makayaman nu!)
"Sino ka ba? Istorbo ka naman sa ginagawa kong ritual ee!" Bungad ko sa pagsagot. Number lang kasi ang lumabas sa screen kaya alam kong hindi ko yun kilala.
"Happy Birthday Buloy!" Bati sakin ng pamilyar na boses.
"Teka your sounds look familiar" maarte kong sabi sa kanya. Ginagaya ko lang yung palabas sa tv na ginagaya yung mukha at boses.
Biglang akong napasigaw nung mabosesan ko kung sino ang kausap ko.
"Easy..Easy.. So, I'll see you later. I have something for you" sabi ng kausap ko.
"Ikaw talaga! Di ka pa rin nagbabago. Okay. Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yang gift mo saken ah!" Malandi kong sabi.
"Okay. Happy Birthday uli"
"Maraming thank you" matapos nun ay in-end call ko na ang cp ko at pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pag-aayos.
Sana maging masaya ang Beerday Celebration ko. •-•