Chapter IV

5453 Words
Chapter IV Leonard S. Cruz Point of View Ganoon pala kahirap ang sitwasyon ni Ashton. Hanga ako sa kanya dahil sa nagagawa niyang kimkimin ang ganoong klase ng hirap at sakit. Lalo tuloy akong nagkaroon ng dahilan kung bakit kailangan ko siyang alagaang mabuti. Kailangan niya ako at mas kailangan ko siya. Hindi ko ipaparanas sa kanya ang ganoong sakit at pagpapahirap. Napakagago ng Ace na iyon para gawin iyon kay Ashton. Tangnanya! Huwag lang kaming magkikita ng Ace na iyan at talagang sasapakin ko siya at para malaman niya kung ganong pagpapahirap ang ginawa niya sa taong mahal ko. "Ready ka na ba?" tanong sakin ni Marcus habang nasa dressing room kami. May concert kami ngayon. Nandito ngayon kami sa EK (Enchanted Kingdom). Ramdam kong marami ng tao ang nasa paligid dahil sa ingay na naririnig ko. "Sana makarating siya..." mahinang sabi ko sa sarili ko. _______ "whaaaaah!!!!" "Yieeeeeeeeeeeee" "Marcuuuuuus!" "Vinceeeeeent!!! Leonaaaaaard!" Malalaks na sigaw ng mga taong nandun. Iginala ko ang mga mata ko at hindi ko siya nakita. Baka hindi na siya umabot. Okay lang basta itong kantang ito ay para sa iyo Ashton. You are always shining Your smile is like a tiny star I cherished it very much That day I couldn't protect you I can only hold my remorseful tears What was left was pain Binibigay ko ang buong emosyon ko sa pagkanta. Para ito kay Ashton gusto kong malaman nya ang nararamdaman ko para sa kanya. Minulat ko ang mata ko mula sa pagnanamnam ko. Napansin kong may kumikinang na bagay mula sa taas ng ferris wheel. Tama! Tama akong kutob ko. Si Ashton yun. Search for your love, crystal of the universe Search for your love, don't cry for me Search for your love, as a matter of fact I love to hold you tightly Nakatitig lang ako sa pinanggagalingan ng liwanag na nagmumula sa periswheel. Nakangiti ako sa kanya para kung sakaling mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay AWESOME parin ako. I've always been looking for your sweet smell to convey my voice (Iloveyou) Where are you now? My Princess Answer me right away Answer me gently Ganadong ganado ako at parang hindi ako napapagod sa ginagawa ko. Patuloy ko pa rin naririnig ang mga tiliian ng mga tao at pagsigaw sa mga pangalan namin nasa gitna ng stage. Natapos ang concert namin na masaya. Nakaupo ngayon kami para pirmahan ang mga cd ng mga bumili at para narin mapagbigyan sila sa selfie yun naman ang uso ngayon dba? "Mukhang mamaya pa tayo matatapos dito ah!" mahinang sabi ni Vincent. "Oo nga eh. May plano ba tayo mamaya?" mahinang sagot ko naman sa kanya. "Look oh Leo. I think may isang taong gustong magpa-autograph sayo ng personal" nakangising turo ni Marcus sa taong nakatayo sa tabi ng carousel. May hawak siyang cd at album namin iyon. He smiled at me. Oh God my heart beats fast. I think any moment mawawalan ako ng malay sa sobrang bilis ng puso ko. "Hey! Kanina pa naghihintay yang gustong magpaselfie sayo" basag ni Vincent sa moment ko. Ngumiti ako at pinirmahan ang cd nung babaeng nakapila. "Can we have a short break?" sabi ko. "Ano to shooting?" pang-aasar na sabi ni Marcus. Hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Pinindot ko ang name niya (Mahal ko) at call button. "Hi!" bati ko. "Hi." tipid  niyang sagot. "Can you please wait a moment? Tapusin ko lang namin ito. Malapit narin po matapos" nakangiti kong sabi habang nakatingin parin ako sa kanya. "then you can have my autograph - personal autograph" pahabol kong sabi sa kanya. "Its okay. Take your time. Don't mind me. Ayoko po maging dahilan para maistorbo ka sa trabaho mo" mahabang sagot niya sakin. I smiled at him again. "Thank you" sabi ko sa kanya.   Ashton Clarence Point of View "Tin una ka na umuwe ha. May pupuntahan pa kasi ako eh" sabi ko kay Tin habang nag-aayos ako ng gamit. Kailangan pilitin kong umabot sayang din naman kasi yung ticket na binigay sakin ni Leo kahapon. Gusto pa nga sana niya akong isabay kaso hindi pwede, ako kasi ang reporter kanina. "Okay sige Ashton, alam ko naman kung saan ka pupunta eh" pang-aasar na sabi ni Tin. Hindi ko na pinatulan ang pang-aasar niya. Halata naman naiinggit lang siya kaya ganoon nalang ang reaksyon niya. "Mukhang nagmamadali ka yata, saan ba ang lakad?" napatigil ako nung marinig ko iyon. Nilingon agad ng mabilis kung saan nanggaling yung boses na iyon. "You're going to see him again?" dugtong ni Justine sa sinabi ni Chris. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nilang dalawa. Sariwa parin sa isipan ko ang pagtatalo namin nung huling nag-usap kami. Flashback "May Ace ka na diba? Bakit nagagawa mo pang makpagkita sa iba? Hindi pa ba sapat sayo si Ace!?"  Hindi ko alam pero bakit hindi ako makasagot agad sa sinabi ni Chris sakin. Bakit parang imbes na matuwa ako sa narinig ko eh bakit nasasaktan ako? "May nagmamay-ari na sayo Ashton, hindi ba pwedeng itigil mo na ang kasasama mo sa baliw na artistang iyon!?" dugtong naman ni Justine habang nakapamaywang sa harapan ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga. Kailangan laksan ko ang loob ko. Kailangan sabihin ko sa kanila na hindi na babalik si Ace para sakin. Kailangan sabihin ikakasal na siya sa iba at wala ng pag-asang tuparin niya ang sinabi niya sakin. "Ayoko ng malalaman na nakikipagkita ka pa sa lalakeng iyon" seryosong sabi ni Justine sakin. "Hindi nyo kasi alam ang nangyayari kaya ganyan kayo magsalita! Hindi na babalik si Ace! Hindi na siya babalik!" sigaw ko sa kanila na dahilan ng pag-agos ng luha ko. Sa totoo lang ayoko na sanang pag-usapan at sabihin sa kanila iyong tungkol dun kasi ayokong mag-aalala sila sakin. Pero wala na, kailangan ko na talagang sabihin. Natigilan sa sinabi ko ang dalawa kong kaibigan. "Anong sinabi mo!? Anong ibig mong sabihin!" pasigaw na tanong ni Justine sakin. Kinuwento ko lahat sa kanila ang nangyari. Wala akong nilampasan na kahit na ano. Kapwa sila napatitig sakin at bakas sa mukha nila ang awang nararamdaman at pag-aalala sakin. "I'm sorry Ashton..." mahinang sabi ni Justine habang yakap yakap ako. Nagdaloy lalo ang mga luha sa mata ko at napayapos narin ako sa kanya. "Papayagan kita ngayon pero hindi ibig sabihin ay napayag ako sa pakikipaglapit mo sa Leonard na iyon. Hindi ko na papalampasin pa ang pagkakataon, ngayon pa at nalaman kong hindi na sagabal si Ace sakin" diretsong sabi sakin ni Justine. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko na iyon inintindi. Sana'y na kasi ako sa mga biro nila ni Chris. Napansin ko rin na nakangiti si Chris. End of Flashback "I need to go. Sayang kasi yung ticket.." mahinang sabi ko kay Justine nung nakalapit na sila sakin. Naalala ko ulit yung mga sinabi niya sakin dati. Ayokong isipin na seryoso siya sa kanyang sinabi pero base sa mga ikinikilos at sinasabi niya parang gusto kong maniwala. "Hindi naman siguro masama kung papayagan mo siya kasi hindi pa naman kayo diba?" nakangiting sabi ni Chris. Tiningnan ni Justine si Chris at bigla nalang tumahimik si Chris at tinigil ang pagbuka ng bibig. "Papayagan kita pero kailangan ihatid kita at ako rin ang susundo sayo" -Justine Kaya eto no choice at nakasakay ako sa sasakyan ni Justine kasama si Chris. Hindi ko rin kasi mahindian si Justine dahil matagal na rin kaming nagkasama at madalas siya ang pinupuntahan ko kapag may problema ako. Alam niyang lahat ang nangyayari sakin maliban lang sa paglihim ko tungkol kay Ace. Si justine din ang halos pumalit dati kay Ace nung umalis siya. "Babalik ako mamaya para sunduin ka" hindi na ako hinayaang makapagsalita ni Justine at umalis na agad siya. Alam ko naman kung bakit ginagawa ni Justine sakin ito. Ayaw na kasi niya akong masaktan. Ayaw na niyang maulit pa ang mga naranasan kong sakit at hirap mula kay Mark at Ace. Ang dami ng tao. Hindi ko na magawang sumingit at pumunta sa unahan para makita ko si Leonard. Bigla akong napatingin sa isang mataas na ferris wheel. Tama! Mas makikita ko siya kung dun ako pupwesto. Sumakay ako sa ferris wheel. Naging madali naman kasi halos lahat ng tao ay nakikipagsisiksikan sa stage para makalapit kina Leonard, samantalang ako andito nakasakay sa periswheel at kitang-kita ko sila mula sa malaking screen. Nagsimula na silang kumanta. Ang ganda. Nakakadala ang bawat lirikong sinasabi ni Leonard. Nararamdaman ko ang pagmamahal sa pagkanta niya. Napahigpit ang hawak kong Teddy Bear crystal na binigay sakin ni Leonard matapos namin mag-usap sa Villa Buenaflor . Patuloy parin sa pagkanta si Leonard nung napansin kong nakatingin sa kinaroroonan ko ang mga mata niya mula sa malaking screen. Nakatingin ba siya sakin? Alam niya bang nandito ako? Nakita kong lumawak ang pagkakangiti niya at nanatili pa ring nakatingin sa kinalalagyan ko. "Salamat at nakarating ka" sabi sakin ni Leo matapos ang kanilang concert. Naglalakad kami ngayon palabas ng EK kasabay ang mga kaibigan niya. "Wala iyon. Ako pa nga ang dapat magpasalamat sayo sa pagbigay mo sakin ng ticket"  nakangiti kong sagot sa kanya. "Lahat ng concert namin bibigyan kita ng ticket basta ako palagi ang papanuorin mo" -Leo "Leo isang sasakyan lang ang dala natin, dun na kayong dalawa ni Ashton sa backseat at kami na ni Marcus sa frontseat" sabi ni Vincent kay Leo habang nakangisi at halatang nang-aasar. "No need for that. I'm here. Sinusundo ko na ang boyfriend ko" Ashton Clarence Point of View Isang linggo ng nakakaraan matapos ang concert nila Leonard. Isang linggo narin simula nung hinahatid at sinusundo ako ni Justine. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sakin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mainis sa nangyayari sakin. Matutuwa ba ako kasi ramdam ko na maraming nagmamalasakit sakin o maiinis ba ako kasi pinaparamdam nilang mahina ako. Gusto ko sanang maglakad lakad muna ngayon sa labas para makapag-isip isip kaso ang lakas ng ulan kaya hindi ko magawa. Nakakaburyo na dito sa kwarto ko. Ayoko naman pumunta sa terrace at baka makita ko lang ang mukha ni Mark. Isa pa rin sa gumugulo sa isipan ko ay ang pagbabalik ni Mark. Nasaan na kaya si Steff? Diba kinasal na sila? Eh bakit hindi sila magkasama? Sumasakit na yata ang ulo ko sa sobrang dami ng iniisip ko. "Kuya may bisita ka" agad kong nilingon ang kapatid ko na nakadungaw sa pintuan ko. "Sino daw Jairus?" tanong ko sa kapatid ko. Napakalakas ng ulan tapos magkakaroon ako ng bisita? Baka naman nagkakamali lang tong kapatid ko. Hindi na sinagot ni Jairus yung tanong ko. Bumaba na siya at iniwan na nakabukas ang pintuan ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba. "Hi" tipid na bati sakin ni Leo bago inabot sakin ang isang tumpok na bulaklak. Lakas maka-girl neto aa! Pero namula talaga ako nun. "Salamat. Oh bakit napadalaw ka? Wala ka bang rehearsal o shooting?" tanong ko sa kanya matapos kong ilapag ang bulaklak sa mini-table na nasa harapan namin. "Invite sana kita sa dinner. Ngayon." diretsong sabi niya. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong 6:30pm na pala. "Ah.. Eh.. May rules kasi kami dito. 7pm kasi dapat nandito na" nahihiya kong sagot sa kanya. "Kuya Em sama ka na kay Kuya Leo. Wala naman si Kuya Mark, umalis siya kasama yung mga kaibigan niya" Nakita kong biglang umaliwalas ang mukha ni Leo nung narinig niya iyon. Isang linggo rin kasi kaming hindi nagkita eh. Buset kasi yang si Nona. "Osya Jairus huwag na magpuyat ha. Saka ikaw na bahala kay Mama" sabay kindat ko sa kanya. "Baby Jairus may pasalubong ako sayo pag-uwe namin" sabi naman iyon ni Leo. "Talaga Kuya Leo? Pramis yan ha!" -Jairus "Promise" Sumakay na kami sa sasakyan ni Leo at nagsimula na siyang paandarin ito. Hindi maalis ang pagkakangiti nito kaya agad ko siyang pinansin. "Ano bang meron at sobra naman ang pagkakangisi mo" pabiro kong sabi sa kanya habang nakatuon parin ang kanyang atensyon sa daan. "Masaya lang ako - kase kasama kita" -Leo Namula ako ng sobra. Sa totoo lang lihim kong ikinatuwa iyon. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko kaya sa bintana ko nalang itinuon ang aking atensyon. "Here we are" nakangiti paring sabi niya. Nasa isang Hotel Restaurant kami ngayon. Kaunti lang ang tao pero sapat na para mabigyang buhay ang lugar. Malaki at maganda. Bagay na bagay yung dim color lights sa mga nakasabit na torch decors sa bawat wall. Kulay faded brown ang kulay ng wall na bumagay sa antique na tables and chairs. May instrumental akong naririnig dahilan para mas maging romantic ang lugar na kinalalagyan namin. "Table for two" sabi ni Leo sa sumalubong samin na waiter. "This way sir" -Waiter "Ano gusto mo?" masayang tanong sakin ni Leo. "Ikaw. Ano rin ba gusto mo?" balik na tanong ko sa kanya. "Ikaw rin gusto ko" ngising sagot niya sakin. Alam ko na kung ano tinatakbo ng usapan namin. Teka, kikiligin na ba ako? Bakit nga ba ako kikiligin? Baka naman talagang ganito lang sa lahat ng nakakasama niya si Leo. Assuming naman ang peg ko. Saka dapat nga nalulungkot pa ako sa nalaman ko tungkol kay Ace eh. Grabe naman kasi itong moment namin ni Leo eh. Magkapareho kami ng inorder ni Leo. Sa totoo lang wala naman kasi akong alam sa mga pangalan ng pagkain dito eh. Mga pasossy! Okay nga lang sakin kung sa lugawan ako dinala nito, mas alam ko pa ang gagawin. Napansin yata ni Leo na hindi ko alam kung paano ko kakainin itong mga pagkaing nasa harapan ko kaya kinuha niya yung maliit na kutsilyo at tinidor. Hiniwa niya yung nasa plato ko at dahan dahan na sinubo sakin. Taktenang yan! Di ko na napipigilan ang kilig ko. Ramdam ko yung kalabog ng dibdib ko. "Tha...Thank you" nauutal kong sabi sa kanya. Nagkwentuhan kami. Kinuwento niya yung mga nangyari sa kanya nitong nagdaang linggo. Puro rehearsal at shooting daw ang pinagkaabalahan nila ng mga kaibigan niya. Nalaman ko rin na kinakamusta ako nila Marcus. "Musta na kayo ni Justine?" biglang tanong naman niya kasunod ang pag-inom niya ng wine. "..boyfriend mo ba talaga siya?" dugtong niya matapos ilapag ang kopita. "Hindi ko boyfriend yun. Ayaw niya lang na masaktan ako at baka daw maulit nanaman ang nangyari samin ni Mark at Ace. Sinabi rin niya na kaysa masaktan daw ulit ako sa iba mas maganda siya nalang daw ang makasama ko at maging boyfriend ko" mahabang sabi ko sa kanya. "Edi ayos." medyo napalakas ang pagkakasabi ni Leo nun. "Baket?" takang tanong ko sa kanya. "Kung hind mo pala siya boyfriend - ibig sabihin may pag-asa pa ako sayo" seryosong sabi niya dahilan para mapalingon ang ibang nasa malapit sa table namin. Iniwas ko ang tingin ko para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko. Saktong pagbaling ng mukha ko ay nahagip ng mata ko ang taong kinaiinisan ko. Ang taong unang nanakit at nanamantala sa puso ko. Si Mark. May kasayaw siyang napakagandang babae. Babaero talaga! May asawa na't lahat nakukuha pang makipag-date sa iba! Naramdaman kong tumayo si Leo at ngayon ay nasa harapan ko na. Nakatitig sakin at dahan-dahan inilalapit ang kanyang kamay sa kamay ko. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. "Hindi ka ba nahihiya? Alam mo na.. pareho tayo-" "Guess I don't care as long na ikaw ang kasayaw ko" pagputol niya sa sasabihin ko. Namalayan ko nalang ang sarili ko na sumusunod sa bawat pag-ikot namin ni Leo. Nakapulupot ang aking mga kamay sa kanyang batok at nasa baywang ko naman ang kanyang dalawang kamay. Nakatingin siya sakin na may malawak na pagkakangiti. "Ignore them. Focus on me cheekbone" mahinang sabi niya sakin. Alam kong pinagtitinginan kami ng mga taong nasa paligid namin. Ramdam ko ang mga matang kulang nalang ay maglabas ng apoy para ako ay matupok. (Background music - I can't find the words to say goodbye) "I'm sure marami ka ng dinala ditong babae" narinig kong sabi ng babaeng nakikipagsayaw na malapit samin. "Nope. Just you." sagot naman ng lalaking kasayaw nito. "Napakaromantic mo pala Mark - kaya gustong-gusto kita" malanding sabi nung babae. Ewan ko ba kung nananadya ba silang iparinig iyon sakin. "I have something to tell you..." sabi naman bigla ni Leo dahilan para sa kanya mabaling ang atensyon ko. Tumingin ako sa kanya. Parang nanghihina ako sa twing tititig ako sa malamlam niyang mata. "I'll take you after our final concert" sabi niya. Bigla akong namula sa sinabi niya. Ramdam ko ang pagkasinsero niya sa kanyang sinabi. Nakatingin lamang ako sa kanya at nag-aantay ng kanyang kasunod na sasabihin. Lalong inilapit ni Leo ang katawan niya sa katawan ko. Halos nakadikit na ang mukha ko sa kanyang dibdib. "Naririnig mo ba?" -Leo "Naririnig mo ba ang t***k ng puso ko sa twing kasama kita. Hindi ko alam Ash pero nung una palang kitang nakita naramdaman ko ng gusto kita. Yung pakiramdam na gusto pa kitang makilala at makasama. Weird man pero, Mahal na kita Ash" Sinserong sabi ni Leo. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Nakaramdam ulit ako ng saya. Yung sayang naramdaman ko dati nung kami pa ni Ace. "Maraming salamat Leo. Maraming maraming salamat." sabi ko habang pinupunasan ko ang luha ko. "Do I have a chance? nangangambang tanong sakin ni Leo. Tiningnan ko lang siya. Napansin kong patuloy pa rin sa pagsasayaw ang katabi namin at nakita kong nakatitig sakin si Mark. Ano ba dapat ang gawin ko? Ano ba dapat ang isagot ko? Gagawa nanaman ba ako ng paraan para masaktan ako? Paano kung iwanan din ako ni Leo? Paano kung umalis rin siya at hindi na bumalik? "It's okay Ash kung-" "Yes Leo." nakangiting sabi ko sa kanya. Natigilan si Leo. Nakatingin lang sakin. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nagtataka. "Hoy! Sabi ko YES! OO!" sabi ko sa kanya. "YESSSSSSSSSSS! Thank you Ash! Labyu!" sigaw ni Leo matapos mag-sink in sa utak niya ang sinabi ko. Nagtinginan samin ang mga taong naroon at ang iba naman ay halatang nagtataka kung ano ba ang nangyayari. Nakita kong iniwan ni Mark ang kanyang kasayaw at bumalik sa kanilang table. Hindi ko na pinansin pa iyon. Ang mahalaga ay napagdisisyunan ko ng iopen muli ang sarili ko sa ibang tao. "Oh paano? Kita nalang tayo bukas" sabi ko kay Leo nung nasa harapan na kami ng bahay. "Goodnight!" pahabol ko pa sa sinabi ko. "Parang may nakakalimutan ka yata?" nakangising sabi ni Leo. Nag-isip akong mabuti pero wala naman akong naaalalang nakalimutan ko sa sasakyan niya. "Wala nam-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung bigla nalang niya akong kinisan sa pisngi at mabilis na tumakbo papunta sa sasakyan niya. "Goodnight cheekbone! See yah!" masayang sigaw nito bago tuluyang sumakay ng sasakyan at umalis na agad. Hindi naman siguro masama kung bigyan ko ng pagkakataon ang ibang tao na pumasok sa buhay ko diba? At hindi rin siguro lalong masama kung hahayaan ko na ulit magmahal ang sarili ko. Naalala ko nga yung palaging sinasabi ng kaibigan ko Hindi mawawala ang sakit na nararamdaman mo kung walang ibang taong tutulong sayo kaya siguro kailangan ko na iopen ang sarili ko muli sa ibang tao. "Kuya Em gala tayo..." sabi sakin ni Jairus. Wala kasing pasok ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. "Matagal mo na ako hindi sinasama sa gala mo eh Kuya" nakunsensya naman akong bigla sa sinabi ng kapatid ko. Oo nga. Ang tagal na ng huling bonding naming magkapatid. Highschool pa yata ako nun. "Okay sige bunso gagala tayo. Osya - mag-ayos ka na. Maghapon tayong gagala" nakangiti kong sabi sa kapatid ko. Mabilis na tumakbo si Jairus sa kwarto at agad ring lumabas pagkabihis niya. "Tara na Kuya Em! Kanina pa nag-aantay si Kuya Mark" sabi ni Jairus habang palabas kami ng pintuan. "Akala ko ba Jairus tayo lang dala -" "Sakay na. Sayang ang oras" pagputol ni Mark sa sinasabi ko. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan. Sa backseat ako umupo at hinayaan ko si Jairus sa fronseat. Mas makikita niya kasi ang mga dadaanan namin kung dun siya uupo. At isa pa, ayoko makatabi si Mark. Napaka-Awkward naman kung magtatabi kaming dalawa. Alam nyo naman yung salitang EX. (Bitter) "Kuya Em ayun si Kuya Leo" -Jairus Bigla kong tiningnan ang tinuturo ni Jairus. Takte! Yung malaking billboard lang pala ang tinutukoy niya. Akala ko pa naman ay totoong si Leo na. "Kuya saan nga pala kayo galing ni Kuya Leo nung sinundo ka niya? Hindi mo na kasi nikwento sakin eh" "Kumain lang kami tsaka nagkwentuhan lang. Saka sinabi niya sakin na isama raw kita sa susunod nilang concert" seryosong sabi ko. "Talaga Kuya? Sasama rin dapat si Kuya Mark para mabubuhat niya ako para makita ko si Kuya Leo" "Jairus hindi pwede si Kuya Mark mo kasi bu-" "Pwede ako baby Jairus. Hindi naman kita tatanggihan eh" nakangiting sabi ni Mark kay Jairus.  "Oh diba Kuya pwede si Kuya Mark" nakangiting sabi ni Jairus. Wala talagang kamalay malay ang batang ito sa mga nangyari samin dati ng Mark na ito. Ayoko naman sirain ang araw ng paggala namin. "Gusto mo ba muna kumain Jairus?" Tanong ko sa kapatid ko habang naglalakad kami dito sa story land ng Moa. "Mamaya na Kuya. Rides muna tayo" masayang sabi niya sakin habang nakahawak sa kamay ni Mark. Ang daming tao ay mukhang may live band sa malapit sa ferriswheel. May naalala tuloy akong bigla. Hahaha! Ganon pala ako kakorni. Naisipan ko pa talagang sumakay dun para lang mapanuod ko si Leo sa concert nila. "Kuya Em? Bakit nangiti ka mag-isa? Naloloko ka na nu?" Kasunod nun ay ang pagtawa ng malakas ni Jairus. Nakita ko rin napatawa si Mark sa inasal ng kapatid ko at sa nakita nila sakin. "Tumigil ka nga Jairus! May naisip lang ako bigla" pagtatanggol ko sa sarili ko. "Iniisip mo si Kuya Leo no?" Nakangising sabi ni Jairus. "Hindi nu! Bakit ko iisipin yun?" "Ayiee si Kuya! Eh di kung hindi si Kuya Leo ang iniisip mo, siguro si Kuya Ace no?" Bigla akong natigilan sa sinabi ni Jairus. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi niya alam kung ano ang nangyari samin at ayoko rin malaman niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nagulo yata ang isipan ko. Unti-unti nanaman nagpa-flashback sa isipan ko ang lahat ng tungkol samin ni Ace. "Look Jairus oh. Tara! Subukan natin dun" biglang sabi ni Mark at mabilis na napunta don ang atensyon ni Jairus. Napansin kong nakatingin sakin si Mark at pakiramdam ko ay sinadya niyang alisin ang atensyon ni Jairus sa pagtatanong tungkol kay Ace. Marami rami din kaming nasakyan na rides. Kitang kita ko sa mukha ni Jairus ang saya dulot ng pagba-bonding namin - kasama si Mark. "Kain ng madami ha Jairus at marami pa tayong gagalaan" sabi ni Mark kay Jairus habang nakain kami. Nandito kami ngayon sa isang restaurant malapit na story land. "Sir may nagpapabigay po sanyo" sabi sakin ng isang waiter na may dalang bulaklak. "Kanino po galing?" Magalang kong tanong sa waiter. "Hindi po sinabi pero kayo po ang tinuro." "Salamat po" huling sabi ko sa waiter. "Uyy si Kuya.." panunukso sakin ng kapatid ko. "Jairus kain muna" plain tone ni Mark. Nilapag ko muna ang hawak kong bulaklak at pinagpatuloy ang pagkain. Kanino naman kaya galing tong bulaklak na to? Baka naman nagkakamali lang yung waiter? Baka naman kasi ang tinutukoy nung nagpapabigay ng bulaklak ay yung nasa kabilang table. May nakaupo kasing babae dun na walang kasama at MAGANDA pa. "Sir kayo po ba si Ashton Clarence?" Tanong uli ng waiter. Iba sa waiter kanina. "Opo. Bakit po?" Inabot sakin nung waiter ang isa pang tumpok ng bulaklak at may kasamang chocolates. "May nagpapaabot po" huling sabi nung waiter at agad na bumalik na agad sa loob. Ano ba tong nangyayari? Jusko! Lord sobra na! "Kuya tingnan mo yung card na nakaipit para malaman natin kung kanino galing" nakangiting pangaasar ni Jairus sakin. "Excuse. Mag-CR lang ako" paalam ni Mark samin. Tumango nalang kami ni Jairus. Agad kong kinuha yung card na nakaipit sa unang bulaklak na dala nung waiter. "Hope you like it. Imissyou so much. See yah later cheekbone!"  Nilinga linga ko ang buong paligid pero hindi ko nakita si Leo. Si  Leo lang naman ang tumatawag sakin ng cheekbone eh. "Enjoy your day. Say hi to baby Jairus. See you!" -Justine Nandito rin si Justine. Parang mawawala ako sa sarili ko. Pero pasalamat nalang ako at hindi kami nagkita-kita ngayon. Pagnagkataon hindi ko alam ang gagawin ko. "Kuya kanino galing?" Tanong sakin ni Jairus na ngayon ay halos agawin na sakin ang dalawang cards. "Baby Jairus huwag mo na kulitin yang Kuya Ash mo. Mag-ayos ka na at marami pa tayong pupuntahan" pagsingit ni Mark matapos manggaling sa CR. "Kuya kay Kuya Leo at Kuya Justine pala galing! Ibig sabihin nandito rin sila" -Jairus Napansin kong napatingin sakin si Mark at mabilis din niya iyon binawi. "Jairus, lets go. Sabi ni Kuya Mark mo marami pa daw tayong pupuntahan. Hala ka baka hindi mo magalaan yung ibang pwedeng puntahan dito" mahabang pang-uuto ko sa kapatid ko. Mabilis na tumayo at tumabi si Jairus kay Mark. Hinawakan niya ang kamay ni Mark at kinuha rin niya ang kamay ko at sabay sabay kaming lumabas ng restaurant. "Kuya Em, pwede mag-request?" "Ano yun?" "Sabihin mo muna OO" "Kailangan ko muna marinig kung ano yung request mo, baka kasi hindi kaya ng budget ko eh" nakangiti kong sabi sa kapatid ko. "Kuya hindi naman kailangan ng pera sa request ko eh. Edi sana kay Kuya Mark nalang ako nagrequest kung may ipapabili ako" matalinong sabi ng kapatid ko. "Osya sige. Ano ba yung request mo?" Mabilis na hinila ng kapatid ko ang kamay ko. Hindi ko naman kasi magawa talagang tanggihan tong kapatid ko. Gusto ko kasing naibibigay ang lahat ng gusto niya. Ayoko maranasan niya ang mga bagay na naranasan ko dati. "Oh ayan kuya. Gusto ko kumanta ka" seryosong sabi ni Jairus. Nasa tapat kami ngayon ng isang stage na pinapalibutan ng maraming tao. Juskolord! Ano ba tong naiisipan ng kapatid ko. "Jairus, hindi pwede dito. Hindi ko pwede basta agawin ang mic sa kanila" pagtanggi ko sa hiling ng kapatid ko. "Ah basta kuya gusto ko marinig kitang kumanta dyan" makulit na sabi ni Jairus. Nakikinig lang saming dalawa si Mark. Tiningnan ko si Mark at gusto kong iparating sa kanya na pigilan niya si Jairus sa naiisip nito. Pero, bigo ako. Wala man lang kareareaksyon ang impakto! "Siguro nagpunta ka talaga dito para panoorin ako noh?" Kilala ko ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali - si Leo yun. "Kuya Leo!" Narinig kong sigaw ni Jairus. Wala naman akong nakitang kahit na anong reaksyon mula kay Mark. Nakatingin lang siya samin. "Hi Jairus! Small world talaga - nagkataon na guest kami dito sa live band" mahabang sabi ni Leo. Nakita kong biglang ngumiti si Jairus at nabasa ko agad kung ano ang iniisip niya. "Kuya Leo pwede bang kumanta si Kuya Em diyan sa stage?" Sabay turo nito sa stage na nasa gilid namin. "Oo naman. Pwede pa nga kami mag-duet ni Kuya Em mo eh" masayang sagot ni Leo habang hinihimas ang buhok ng tampalasan kong kapatid. Hahaha! Joke lang. Mabait itong kapatid ko. Pinapasok kami ni Leo sa loob at pinaupo kami sa pinakaharapan ng stage. VIP KAMI NGAYON.  Hindi pa nagsisimula ang live band ay naririnig na namin ang mga hiyawan ng mga tao. Napakaraming fans ng Shooting star band at halatang sikat na sikat na ang mga ito. Lalong lumakas ang hiyawan nung nagpakita na ang tatlong magkakaibigan sa stage. Si Marcus na nasa harapan ngayon ng drums, si Vincent na nasa harapan ng keyboard at si Leo na may hawak na gitara at mikropono. Nagsimula na magflash ang mga camera ng mga taong nandoon, meron din may mga dalang tarpaulin at nakaprint ang mukha ng tatlong miyembro ng banda. Nagsimula na silang tumugtog ng instrumento. Nakakarelax ang bawat instrumentong naririnig ko. "Kuya ang galing ni Kuya Leo oh!" Sabi ni Jairus sakin habang nakatitig sa nagpeperform sa stage. Nagsimula ng kumanta si Leo. Search for your love ang kanilang kinakanta. Ramdam na ramdam ko ang ibig iparating ng kanilang kinakanta. Ewan ko ba. Ang weird ko nga eh. "May we call on the attention of Ashton Clarence?" Narinig kong sabi ni Leo sa mikropono. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang walang lakas ang tuhod ko na tumayo at magtungo sa kinalalagyan nila. "Kuya Em lakad na" sabi ni Jairus at hinila na niya ak patayo. Naramdaman ko nalang ang sarili ko na nasa stage na kasama ang tatlong magkakaibigan. Nginitian ako ni Marcus at tumango naman sakin si Vincent. Si Leo? Eto todo akbay sakin at parang walang pakialam kahit maraming tao ang nakatingin samin. Nagsimula na ulit sumipra ng musika ang tatlong magkakaibigan. Nakuha ko naman kung anong kanta ang kanilang tinutugtog. Nagsimula na akong kumanta. Naramdaman kong biglang tumahimik ang buong paligid. Wala akong ibang naririnig bukod sa pagtugtog nila Marcus at boses namin ni Leo. Tell me where did I go wrong? What did I do to make you change your mind Completely? When I thought this love would never change  But if this love's not ours to have  I'll let it go - with your goodbye... Sabay naming pagkanta ni Leo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa pagkakataong ito, habang kumakanta ako ay nagpaflashback lahat sa isipan ko ang tungkol samin ni Mark. Tumingin ako sa pwesto nila Jairus at nakita ko si Mark na nakatingin sakin. Nakatitig. Malamlam ang mga mata at para bang may gusto itong iparating sakin. Why did it have to end so soon When you said that you would never leave me Tell me where did I go wrong? What did I do to make you change your mind completely? When I thought this love would never end But if this love's not ours to have I'll let it go with your goodbye Pagtatapos ko sa kanta. Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga taong naroon. May naghihiyawan at panay ang kuha samin ng picture. "Ganito pala ang pakiramdam ng sikat" mahinang sabi ko kay Leo. Nginitian niya lang ako at iniwan akong mag-isa sa gitna ng stage. Pumuwesto siya sa pwesto nila Marcus at Vincent at nagsimula nanaman sumipra ng musika. "Galingan mo cheekbone" narinig kong sabi ni Leo na sakin. Someday you're gonna realize One day you'll see this through my eyes By then I won't even be there I'll be happy somewhere even if I cared I know you don't really see my worth You think you're the last guy on earth Well I've got news for you I know that I'm not that strong But it won't take long, won't take long Tahimik nanaman ang buong paligid ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga rides at voice notes ng mga rides. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay inilalabas ko lahat ng hinanakit ko sa mga taong nanakit at nang-iwan sakin. Cause someday someone's gonna love me The way I wanted you to need me Someday someone's gonna take your place One day I'll forget about you You'll see I won't even miss you Someday, someday Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Leo na nakatitig sakin. Ewan ko ba pero parang naririnig ko ang boses niya na sinasabing I'm here cheekbone pero sa tingin imagination ko lang. Ano yun magic at makakapagpasahan kami ng message habang nakanta? Narinig kong muli ang palakpakan ng mga taong nandoon matapos kong kumanta. Bumaba na ako ng stage at mabilis na umupo katabi ni Jairus. "Ang galing mo talaga Kuya Em" puri sakin ni Jairus habang yapos yapos niya ako. "Nice" matipid na puri sakin ni Mark. "Thanks" sagot ko naman sa kanya. ----------- "Thank you Kuya Leo ah" sabi ni Jairus habang papalabas na kami. "You're always welcome Jairus. Nga pala Jairus, eto nga pala si Kuya Vincent at si Kuya Marcus" pagpapakilala ni Leo sa mga kabanda niya. Niyapos naman ni Jairus ang mga iyon. "Napakalambing naman ng kapatid mo Ashton" puri ni Marcus habang karga karga si Jairus. Mabilis lang ang naging kwentuhan namin dahil napansin kong nag-iba narin ang pustura ni Mark. Hindi kasi siya nabibigyan masyado ng pansin ni Jairus dahil kina Marcus at Vincent. "I'll call you later cheekbone!" Paalam ni Leo. "Bye gorgeous Jairus! See you again!" Pahabol naman ni Marcus. "Saan mo gusto ngayon Jairus?" Tanong ni Mark. "Kuya Mark gusto ko yung toys na yun" sabay turo ni Jairus sa nakasabit na malaking crocodile na stufftoy. 10 points - big crocodile 5 points - small crocodile 1 point - crocodile key chain So ang nangyari ay si Mark ang pumuwesto sa harap ng napakalaking ring. Jusko naman! Talaga bang may makakapoints sa sobrang layo at taas ng ring na ito? Madaya na tawag dito! Panduduga! Irereklamo ko to! Dalawa silang maglalaro at salitan sila sa pagshoot ng bola. Syempre dahil si Jairus ang humiling natural na magcheer sya. Alangan naman ako! Ano sya swerte!? Utut nya blue! 6points Aw! Parehong walang nasala sa bawat shoot nila aa! Naiimagine ko ang sarili ko kung ako maghahagis ng bola diyan - HINDI AABOT! hahaha! "Yehey! Ang galing mo talaga kuya Mark!" Sabay abot ni Mark ng big crocodile kay Jairus. Aktong patalikod na kami nung biglang may nagsalita. "Unfair naman kung si Baby Jairus lang ang may reward..." Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Isang malaking teddy bear na kulay red. "This is for you"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD