Chapter III

3201 Words
Chapter III Ashton Clarence Point of View Yeah. Tama. Tama yung nakwento sanyo ni Leonard. Nandito ako ngayon sa bar. Palagi naman akong nandito. Ang pinagkaiba nga lang eh masyado yata akong wala sa wisyo ko at sumama ako sa mga kaibigan ni Leonard.  Flashback Napatanga lang ako nung nakita ko kung sino yung bigla-bigla nalang nagbukas ng kwarto ko. Teka, "doing something?" takte! Parang alam ko na tinatakbo ng isip ng taong ito ah! Inihatid ko sa gate si Leonard at mabilis na uli ako pumasok sa loob ng bahay. Nung aktong papasok na ako sa loob ng kwarto ko ay bigla nalang akong tinawag ni mama. Sinabi niyang magkakaroon daw kami ng simpleng dinner para na rin ma-i-discuss ang new rules dito sa loob ng bahay. Do's and dont's yata ang tawag dun. Lahat ng tao sa bahay ay nasa harap ng hapag-kainan. (Long table) Maraming nakahaing pagkain at bakas sa mukha ng mga tao roon ang pagkabigla. Kahit ako nabigla rin. Hindi ko lang pinapahalata kasi ayokong bumalik nanaman ako sa dati. And then we start eating. . . "So as I was saying a while ago there's a new rules in this house" He emphasized the word RULES gaano ba kadami ang rules na iyon at talagang pinagkakadiinan pa niya. Bullshit thing. Sorry God nasa harap ako ng pagkain pero nagmumura ang aking isipan. 1. Kailangan before 7pm ay nasa loob na ng bahay lahat maliban lang sakin at sa personal driver ko. Ano to? Bahay ampunan at kailangan pati yung time namin ay kailangan limitado? Teka hindi naman talaga ako katulong dito ah! Bakit ako makikinig sa mga walang kwentang sasabihin niya?  2. Walang tatanggap o papapasuking bisita maliban lang sa bisita ko. Ako ba tinutukoy niya? Ah sabagay bahay niya ito at wala akong karapatang magpapasok ng kahit sino. "Lalo ka na Ashton Clarenze Castillo" pag-pinpoint niya sakin. Ewan ko bigla nalang yata nag-init ang mukha ko dahil narin sa pagpa-flashback ng nakaraan namin. "You don't have to worry Mr. Gonzales. Nagpaplano na akong umalis dito pagkatapos ng usapan na to" tukoy ko sa dinner namin. "Hindi ko sinasabing umalis ka" mariing pagkakasabi ni Mark. Oo tama! Si Mark ang bigla bigla nalang dumating dito. Si Mark yung taong nang-iwan sakin at nanakit sakin. Yung taong nag-paasa sakin. "Ashton!" singit ni Mama. "Ma tutal nandito nanaman ang may-ari ng bahay, babalik na ako sa bahay natin. Lalo lang ho akong mahihirapan kung mananatili parin ako dito" sabi ko kay Mama. "Bakit kuya nakikita mo ba yung sinasabi mong mumu dito?" Nangangambang sabi ng kapatid kong si Jairus. "No baby. Magiging busy lang si kuya sa school" pag-aamo ko. "You'll stay here Clarence or else alam mo na ang pwede kong gawin" -mama End of Flashback At iyon nga wala na akong nagawa kundi ang manatili sa bahay ng impaktong si Mark. "Oh nag-spaceout ka nanaman Leo. Naikwento na samin ni Ashton yung nangyari. Haha! Tawa nga ako ng tawa eh" sabi ni Vincent kay Leonard habang nakatingin lang sa likuran namin. "Hands off please" mahinang sabi ni Leonard kay Vincent. Tinutukoy niya ang pag-kakaakbay sakin ni Vincent. "Binigay mo talaga number mo?" -Leonard "Huh?"- takang tanong ko. "Jomari." Ewan ko kung matatawa ako o maiinis sa itsura niya. Para kasi siyang bata na nagtatampo o nag-aantay ng sagot mula sakin. "Binigay ko. Wala naman masama ka - " hindi ko naituloy ang sinasabi ko nung bigla nalang siyang umalis at lumabas ng bar. Susundan ko sana siya nung biglang tinawag ako ng manager namin. Kaya ang nagawa ko nalang ay sundan ng tingin ang tinahak niyang daan palabas. "Oh eto" abot sakin. "Akala ko po binayaran na ng kasama ko ang buong gabi ko para hindi po ako kumanta?" sabi ko. "Sorry Ashton. Mas malaki kasi ang binayad nung isang nagrerequest" paumanhin sakin ng boss namin. You can sing whatever you want - I just want to hear your voice. Again. Yan ang nabasa ko nung binuksan ko yung nakatiklop na papel. Alam kong iniwan ka lang Ng iyong pinakamamahal Nagwawala ka dahil 'di mo matanggap Wala na siya Wala na siya Binubuhos ko ang lahat ng emosyon ko sa kinakanta ko. Pakiramdam ko kasi ay gusto kong marinig na sinasabi sakin ng isang tao yan. Yung pakiramdam na may makapagtatanggal ng sakit at hirap na nararamdaman ko ngayon. Di na sana nangyari ito Kung ako ang inibig mo Hindi ka sana Ngayon umiiyak Nagdurusa, Nag-iisa Hindi ako katulad niya na sinasaktan ka lang Pinaiiyak ka lang Pangako ko Sa piling ko ay liligaya ka Di ka na luluha pa....Sinta Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng pamumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla nalang bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari sakin dati. Lalo na yung mga sakit na dinanas ko. Yung pang-iiwan sakin ng mga taong minahal ko. Hindi ko na kinaya. Dumaloy na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig yung boses ko at pakiramdam ko ay hindi ko magawang magsalita. Ganito pala talaga ang epekto ng emosyon sa isang tao. Tumakbo ako pababa ng stage dahil ayokong makita nila akong naiyak. Ayokong malaman nila ang nararamdaman ko at mas lalong ayokong mag-alala ang mga kasamahan ko sakin. Habang tumatakbo ako ay bigla nalang bumangga ang katawan ko sa isang katawan ng tao. Niyapos niya ako. Lalong bumuhos ang luha ko nung naramdaman kong may taong umaalo sakin. "Its okay Ashton. I'm here" mahinang sabi niya sakin habang yakap yakap niya ako. Gustuhin ko man kumalas sa pagkakayakap sakin ni Leonard ay hindi ko na nagawa. Nadala na ako sa emosyon ko. "Bakit bigla-bigla ka nalang umiiyak?" tanong sakin ni Leonard habang nakaupo kami sa break water. Napakasarap talaga sa pakiramdam yung maririnig mo ang paghampas ng alon at pagdampi ng hangin habang nasa dagat ka. Malamig at presko. "Ewan ko ba Leonard. Hindi pa nga yata ako nakakapagmove on sa mga nangyari at nangyayari sakin" mahabang sagot ko. "What If ikaw yung nasa sitwasyon ko Leo? Paano kung iniwanan ka ng isang tao tapos may dumating na panibago at iniwan ka rin, Anong gagawin mo?" "Wala. Ang tanging gagawin ko lang ay yung makakapagpasaya sakin. Bakit ko isipin ng iisipin ang nakaraan? Mababago pa ba yun kung araw-araw nating iisipin? Mababago ba ang nangyari kung patuloy akong iiyak? Hindi diba? All we need to do is to face the reality." mahabang sagot niya. Napatanga pa nga ako habang naglilitanya siya eh. "Oh saan ka ba namamangha? Sa super pogi kong mukha o sa mga sinabi ko?" sabi niya sakin dahilan ng pamumula ng pisngi ko. "Haay naku Leo puro ka talaga kalokohan. Tara na nga. Diba ihahatid mo ako pauwe?" sabi ko sa kanya at hinatak ko na ang kamay niya. Bigla siyang natigilan nung nakababa na kami mula sa batong inuupuan namin. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko. Nakatitig siya sa mga mata ko. Nagulat nalang ako nung bigla nalang niya akong niyapos. "Don't worry. I'm here. Kung sakaling hindi mo na alam ang gagawin mo at kailangan mo ng taong masasandalan, I'm just here." sabi niya sakin habang yakap yakap niya ako. Pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko nung narinig ko sa kanya yun. . . . . . . "Thank you. Ingat ka pagbalik dun ha" sabi ko kay Leo nung nasa tapat na kami ng pintuan ng bahay na tinitigilan namin ni mama. "Hindi na ako babalik dun ngayon - wala na yung taong dahilan ng pagpunta ko dun eh" nakangisi nyang sagot sakin. "Sino si Riza? o si Eya? Ikaw ha! Gusto mo ilakad kita dun?" seryoso kong sabi sa kanya. Bigla niya akong sinimangutan at hindi nalang umimik. "Oh bakit bigla ka nalang tumahimik? May nasabi ba akong - " hindi ko naituloy ang susunod kong sasabihin dahil bigla nalang niya hinila ang ulo ko at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Magkalapat ang aming mga labi. Naramdaman ko nalang na dahan-dahan niyang kinakagat ang lower lip ko at bahagyang natugon ako sa bawat paghalik niya sakin. Iba yung pakiramdam ko. Yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag dahil parang may kuryente akong nararamdaman sa buong katawan ko. Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Nakita ko ang mukha ni Leo na nakapikit at damang-dama ang nangyayari samin ngayon. Wala na akong nagawa kundi tumugon na ng tuluyan sa ginagawa niyang paghalik at naramdaman ko ang mga kamay niya na nananatili parin na nahawak sa dalawang pisngi ko. "Ehem..." Mabilis na naghiwalay ang labi namin ni Leo at lumingon sa pinanggalingan ng tikhim na iyon. "Its late" mariing sabi ni Mark. Ay! Ni Sir Mark pala. Nagtatrabaho na nga rin pala ako dito sa bahay na ito as helper ni mama sa mga gawaing ginagawa niya. "Kuya sino siya?" sabi naman ni Jairus na nakakapit sa pantalon na suot ni Mark. Nagkatinginan muna kami ni Leo. Hindi ko alam kung ang dapat kong isagot sa kapatid ko. Matalino kasi siya at mabilis makatanda ng mga nangyayari. "I'm Leo. You are?" -Leo "I'm Jairus. Kapatid ko po si Kuya Em" narinig kong pagpapakilala rin ni Jairus. Kahit naman papaano ay naturuan ko ng magandang asal itong kapatid ko kahit hindi kami sa mamahaling eskwelahan pumasok dati. "Eh Bakit kayo nagkikiss kanina?" sunod na taong ni Jairus na dahilan para ikatigil ko. "Ahmmm... Ganito kasi.. Jairus, kasi..." - ako "Love kasi ni Kuya Leo si Kuya Em mo at yung kiss ginagawa lang yun ng mga taong nagmamahalan. Oh paano Jairus, uwe na ako. Sunduin ko nalang si Kuya mo bukas ng umaga" mahabang sasagot ni Leo. Parang malalaglag yata ang puso ko sa narinig ko ah. Kiss? Ginagawa lang ng taong nagmamahalan? Ganoon ba talaga para sa kanya yun? Ibig sabihin mahal niya ako? "So see you tomorrow cheekbone. Mag-alarm ka ng maaga!" at pagkatapos magpaalam ni Leo ay umalis narin agad ito. Pumasok na ako sa loob ng bahay at hindi ko na pinansin ang taong kasama ni Jairus kanina.   Leonard S. Cruz Point of View Hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko. Habang tumatagal yata ay lalo kong nararamdaman na mahal ko na si Ashton. Teka, sinabi ko bang mahal ko na? Oo. Mahal ko na talaga siya. Yun kasi ang dinidikta ng hypothalamus ko. Yeah right. I love him with all my hypothalamus. Its not the heart that feels love - sabe kase samin ni Maam Baron (Head of Psychology Department) na walang kinalaman ang puso ng tao sa nararamdaman nating pagmamahal. Brain yung nagpa-process at yun yung hypothalamus. Huwag na kayong kumontra, Psychology major ako. llang beses kong pinakiramdaman ito pero yun parin ang nararamdaman ko. Hindi issue sakin kung lalaki ba siya o bakla. Ang importante ay mahal ko siya at gagawa ako ng paraan para makuha ko siya. Pero hindi sa pwersahan. Gusto ko kasing mahalin niya rin ako. "Leo?" Biglang bumalik ako sa katinuan ko nung narinig ko ang pagtawag sakin ng taong mahal ko. Sinundo ko kasi siya at gusto ko araw araw kaming magkasabay pumasok ng school. Wala akong pakialam kahit pagtsismisan kami o kung ano man ang sabihin sakin. Ang importante masaya ako sa ginagawa ko. "Sabi ko naman sayo na wag mo na ako sunduin ee. Nadamay ka pa tuloy sa pagka-late ko" sabi ni Ashton habang sabay kaming naglalakad papunta sa sasakyan ko. Nginitian ko nalang siya at hindi ko sinagot ang tanong niya. Mas masaya kasi kung kasabay kita mahal ko yan ang gusto kong sabihin kaso masyadong cheezy. Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng sasakyan ko at kaagad naman siyang pumasok. Sinabi pa nga niyang hindi siya baldado para gawin ko pa sa kanya yun pero iyon talaga ang dapat kong gawin lalo na't ito na ang simula ng pagpaparamdam ko sa kanya ng pagmamahal na nararamdaman ko. Nung aktong sasakay na ako sa drivers seat ay nahagip ng dalawa kong mata ang isang lalaking malamlam na nakatingin sa kinaroroonan namin ni Ashton. Nakatitig siya samin. Agad niyang binawi ang pagkakatingin niya nung nakita niyang napatingin rin ako sa kanya. Mabilis siyang tumalikod at pumasok sa loob ng bahay nila. "Tutal late nanaman tayo pwede mo ba akong samahan?" tanong ko kay Ashton habang tinatahak namin ang daan papuntang eskwelahan. "Ooooops. I don't take no for answers. Kakain lang tayo, masyado kasi akong naging excited kasi magkasabay tayong papasok" diretsong sabi ko sa kanya. "Sino ba may sabing tatanggi ako? Gutom narin kaya ako nu!" kasunod nun ay ang pagtawa niya. Ang saya talaga. Good talaga ang morning ko. Sa totoo lang hindi na yata talaga ako nakatulog kagabi nung pumayag na siyang sunduin ko siya at sinabi kong sabay na kami papasok araw-araw. "May problema ka ba sa mukha ko?" -Ashton "Huh? Ba...bakit?" nauutal kong sagot. "Kanina ka pa kasi nakatitig sakin. Naiilang tuloy ako kasi baka may hindi maganda sa mukha ko" seryoso niyang sabi. Wala naman problema sa mukha niya. Ang problema talaga ay ang sarili ko. Hindi ko mapigilan ang hindi siya tingnan o titigan. Parang namamagnet niya ako. Parang siya yung primary needs ko para mabuhay ang korni ko nu? Pero totoo lang ang sinasabi ko. "Hi Leonard! Pwede pa-autograph? Paselfie narin" sabi sakin nung isang babae. Kinuha ko yung cd nya at sinabi niyang kakabili palang niya yun sa mall. Pinirmahan ko iyon at ngumiti ako at tumingin sa camera. "Thank you Leonard..Ayieeee" sigaw nung babae at umalis narin. Binalik ko ang tingin ko sa taong kasama ko at patuloy parin siya sa pagkain ng fries. Ano ba ang dapat kong gawin para makuha ko ang loob nito? Ano ba ang kailangan kong gawin para kiligin rin sa twing makikita niya ako? Bakit simula palang nung una naming pagkikita ay bakit parang wala akong dating sa kanya? Dahil siguro iyon sa taong nangako sa kanya. Naiisip ko tuloy kung ano nga ba ang itsura at ugali nung sinasabi niyang Ace? Bakit hanggang ngayon ay yun parin ang laman ng puso niya. "Oy! Are you okay?" sabi sakin ni Marcus habang inaayos na ang gamit. Uwian na pala agad. Parang kanina lang magkasama kami ni Ashton na kumakain sa Mcdo tapos ngayon uwian na agad? Ganito ba talaga kabilis ang oras? Magkakasabay kaming lumabas ni Marcus at Vincent. Wala kaming ibang plano ngayon kundi ang mag-rehearse sa kakantahin namin. Guest kasi kami sa isang noontime tv show sa friday. naningkit lalo ang mata ko sa nakita ko nung nilingon ko ang ang daan papalabas ng gate. Nakita ko si Jomari na sumasabay kay Ashton. Napansin ko rin na pilit kinukuha ni Jomari ang bitbit ni Ashton na paperbag para siya ang magdala nun para kay Ashton. "Where are you going?" narinig kong tanong ni Vincent pero hindi ko na iyon nakuha pang sagutin. Binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan ko sila at para ako na mismo ang maghatid pauwe kay Ashton. "Ashto-" hindi ko naituloy ang dapat kong sasabihin dahil may biglang tumigil na sasakyan sa tapat namin. "Get in the car" seryosong sabi nung lalake kay Ashton. Parang nakita ko na siya. Tama! Siya yung nagbukas ng pintuan nung gabing magkasama kami ni Ashton sa bahay nila. Lumapit ako sa kanila. "Ashton tara na! Hatid na kita" mahinahong sabi ko sa kanya at sapat na para marinig ng dalawang lalaking nasa harapan ko. "Text nalang kita Ashton mamaya. Ingat. Akala ko pa naman masosolo na kita" sabi nung Jomari at umalis na. Lalo yatang nag-iinit ang ulo ko ah! Masosolo? Si Ashton?No way! Nanatiling hindi makapagsalita si Ashton. Nakatayo pa rin siya at nakatingin samin. "Tara na!" sabay hawak ko sa kanya. Aktong tatalikod na kami nang biglang nagsalita ang taong lumabas sa sasakyan. "Ashton Clarence get in the car!" Medyo napalakas na ang pagkakasabi nung lalake dahilan kung bakit sabay kaming napalingon. Pati yung mga nakapaligid samin ay nakatingin narin. Ano bang problema ng taong ito?  Naramdaman ko nalang na humihigpit ang pagkakahawak sa kamay ko ni Ashton. "May maghahatid po sakin sa pag-uwe SIR Mark. Huwag po kayong mag-alala before 7pm ay nasa bahay na ako para gawin ang trabaho ko" mahabang sabi ni Ashton. Ramdam ko pa rin ang higpit ng pagkakahawak sakin ni Ashton. Gusto ko sanang magtanong pero hindi ito ang tamang pagkakataon para gawin ko iyon. Nagkakatitigan kami ni Mark. Nanlilisik pareho ang mga mata namin at pareho kaming nagbibigay ng hindi magandang banta sa kung ano man ang binabalak namin pareho. Ramdam ko ang hindi pagkakasundo sa pagkakatong ito. Ramdam ko na hindi namin gusto ang isa't-isa. "Make sure"huling sinabi ni Mark at sumakay na siya sa kanyang sasakyan. Nanatili parin siyang nakatingin sakin habang papalabas ng gate. "Leo dalahin mo ako sa tahimik na lugar..." mahinang bulong sakin ni Ashton. Nandito ngayon kami sa lugar kung saan tahimik at wala kang ibang maririnig kundi ang agos ng alon. Dinala ko si sa isang resort. Sa resort na bihira lang may pumunta sa ganitong oras. Yung resort sa Calibuyo Tanza (Villa Buenaflor).  Sinabi ko sa kanyang umuwe na kami. Kanina pa kasi kami dito at isa sinabi sa kanya nung Mark na dapat daw ay 7pm ay nakauwe na siya. 8pm na kaya! Andito parin kami. Hindi parin siya nagsasalita at nakatingin lamang siya sa dulo na may nakatayong parola na patuloy sa pag-ikot ng ilaw. Inabutan ko siya ng isang bote ng vodka. Kinuha niya iyon at nagsimulang inumin. "Bakit kaya may mga taong kailangan pang bumalik sa buhay natin?" mahinang sabi ni Ashton habang nakatitig parin sa parola. Hindi ako sumagot. Hinahaan ko lamang siya. Ayoko kasing bigla nalang siyang tumigil sa pagsasalita. Gusto ko kasing masabi niya muna lahat ng bagay na gusto niyang sabihin. Ramdam ko kasi ang bigat ng kalooban niya. "Lalo lang tuloy akong naguguluhan sa mga nangyayari sakin ngayon." pagpapatuloy niya sa kanyang pagkukwento. "Si Mark yung kaunahang taong minahal ko dati. Mahal na mahal ko siya. Palagi niya akong sinusundo at hinahatid dati. Masaya. Napakasaya. Sinabi niya sakin na mahal na mahal daw niya ako. Naniwala ako dun kasi ramdam ko naman ang pagmamahal niya. Sinabi rin niya sakin na hindi niya ako iiwan at hindi niya ako hahayaang masaktan. Napakasaya ko nung mga araw na iyon. Sobrang saya ko." mahabang kwento niya at nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha. Naririnig ko na rin ang mahina niyang paghikbi. Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo ko at inabot ko sa kanya. "Pero nagbago ang lahat nung biglang dumating si Steff. Si Steff yung sinabing fiancee niya. Kung mahal niya ako dapat ako ang pinili niya, pero hindi eh. Iniwan niya ako. Umalis siya at hindi man lang niya inisip kung gaanong kasakit sakin ang ginawa niya. Hindi man lang niya pinaliwanag sakin kung bakit ganoon nalang ang nangyari, basta iniwanan niya ako na walang alam at tanging puro sakit at hirap lang ang nararamdaman ko" pagpapatuloy niya. Ramdam ko yung hirap ng pinagdadaanan niya. Naramdaman ko na ito dati pa nung narinig ko siyang kumanta sa bar. Hindi ko alam na mas mararamdaman ko pa yung hirap at sakit niya habang siya mismo ang nagkukwento sakin. "Hanggang sa dumating si Ace. Pinawi ni Ace yung sakit na nararamdaman ko dahil kay Mark. Masaya rin kami. Wala siyang pinapalampas na sandali na masaya kami. Halos araw-araw kaming magkasama. Tinanggal niya ang sakit na nararamdaman ko. Pinawi niya yung araw-araw na hirap na nararanasan ko sa pangungulila kay Mark. Tinanggap ko si Ace na maluwag sa puso ko. Dahil naniniwala ako na mapapawi lang ang sakit na nararamdaman ng isang tao kung may taong gagamot nito. Sabi nga nila, kung ano ang pinoproblema mo ay iyon din ang sagot sa problema mo" Inangat muna ni Ashton ang hawak niyang alak bago nagpatuloy. "Pero dumating yung araw na sinabi niyang aalis siya. Aalis daw siya para daw saming dalawa. Gusto daw niyang maging better man para maipagmalaki ko siya sa mga kaibigan ko at magulang ko. Gusto daw kasi niya na kapag nagsama na kami ay meron na siyang ibubuhay at matatag na trabaho. Iyak ako ng iyak nun. Ayaw ko siyang paalisin, dahil hindi ko naman kailangan ng maranyang buhay. Sapat na sakin na nagmamahalan kaming dalawa at masaya kami" nagsimula nanaman ang pagdaloy ng kanyang mga luha. "Sinabi niyang babalik siya. Nangako siyang pagbalik niya ay magsasama na kaming dalawa. Pero simula nung araw na pag-alis niya ay wala na akong natanggap na mensahe mula sa kanya, hindi siya natawag at hindi rin sumasagot sa mga email ko. Inisip ko baka busy lang siya sa pag-aaral niya kaya hindi siya makaresponse sa lahat ng ginagawa kong paraan para magkausap kami." panandalian siyang tumigil sa pagsasalita at binuksan ang isa pang bote ng vodka at iangat iyon. "Hanggang sa naisip kong tawagan ang kapatid niya" medyo nauutal nanaman siya dahil sa sobrang pagpigil ng pag-iyak. Flashback (Pagkukwento ni Ashton) "Oh napadalaw ka? Musta ka na? Tagal ng huli mong punta dito ah. Ang huli yata ay yung magkasama kayo ni Ace" bati sakin ni Kuya Arfill. Pinaupo niya ako sa sofa at nagpakuha sa kanyang katulong ng juice. "Oo nga po eh. Musta na po kayo?" masayang sabi ko sa kanya. Iniisip ko kasi na makakamusta ko na at magkakaroon na ako ng balita kay Ace. Isipin ko pang masayang masaya na ako. Nagkwetuhan kami tungkol sa pamilya niya at pinagkakaabalahan niya. "Eh Kuya musta naman po s Ace?" Bigla siyang natigilan at napatingin sakin pagkatapos kong sabihin iyon. Bakas sa mukha ko ang saya dahil malalaman ko rin kung ok ba siya dun o baka sakaling tawagan ni Kuya si Ace para magkausap kami. "Hindi ba kayo nagkakausap ni Ace?" seryosong balik tanong sakin ni Kuya Arfill. "Hindi po Kuya. Ang alam ko kasi busy sya sa pag-aaral. Yun kasi ang huling sinabi niya nung huling magkita kami sa airport" nakangiti ko paring sabi sa kanya. Nahalata kong nabigla at nagtaka si Kuya Arfill sa narinig niyang sinabi ko. Napatitig lang siya sakin at ramdam ko na may mali na sa nangyayari. "Kuya Arfill bakit? May problema ba?" humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko sabihin iyon. Para kasing may maririnig akong hindi magandang balita mula sa kanya. "Siguro nga Ashton its time para malaman mo ang totoo" seryosong sabi ni Kuya Arfill sakin. Nakaramdam ako ng kaba sa anumang bagay na pwede kong marinig kay Kuya. Pero dapat kong malaman ito para na rin malaman ko kung bakit wala akong balita kay Ace. "Ikakasal na si Ace. Fix marriage. Si Papa ang may plano nun para sa kumpanyang pagmamay-ari namin. Kapag kasi nagjoin ang kumpanya nung mapapangasawa ni Ace ay mas lalong titibay at mapapalago ni Papa ang kanyang kumpanyang unti-unti nang nalulubog at nalulugi" Bigla akong nanlamig sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko at parang tinutusok ito paulit-ulit ng libo libong karayom.  Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko sa mga mata ko at nararamdaman kong nanginginig ang dalawang tuhod ko. "Sorry Ashton. Si Papa ang may kagagawan kung bakit hindi kayo nagkakaroon ng komunikasyon ng kapatid ko. Ako na ang nahingi ng kapatawaran sa nagawa ng papa ko" End of Ashton Flashback Story "Umuwe ako ng bahay na wala ako sa sarili ko. Iyak ako ng iyak nun. Hindi halos maprocess ng utak ko ang mga narinig ko. Sinabi ko sa sarili na hindi totoo ang mga sinabi ni Kuya Arfill. Natulog ako at umaasa ako na sa paggising ko ay malalaman kong panaginip lang pala ang lahat. Pero hindi, kahit sa panaginip ko ay ganoon parin. Napagpasyahang kong ilihim nalang ang lahat dahil ayokong pati ang mga kaibigan ko ay mag-alala sakin" tinungga niya ang hawak niyang alak. Bottoms up at mabilis na kumuha pa ng isang bote. Pipigilan ko sana siya pero tumingin siya sakin na nangungusap ang dalawang mugtong mata. "Pero ang sakit-sakit na Leo. Parang hindi ko na yata kakayanin" dahil sa sinabi niya ay muling bumuhos ang kanyang mga luha. Inakbayan ko siya at inilagay ang kanyang mukha sa dibdib ko. Gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako para sa kanya at hindi ko siya iiwan. Hinawakan ko ang kanyang dalawang balikat. Nanatili parin siyang nakayuko at walang tigil sa pagdaloy ang kanyang mga luha. "Am I not good enough?" mahinang sabi ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tinunghay ang kanyang ulo at nakatingin sakin ang kanyang malamlam na mata. "Am I not good enough?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD