Chapter II

4629 Words
Chapter II Ashton Clarence Point of View "Takte naman! Ang aga agang mambulahaw ng Destiny's Child sa Cp ko!" Teka? Survivor? Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at kaagad tinungo ko ang banyo. Baket?? LATE NA AKOOOOO! Alarm ko kasi yung kanta ng D'C na Survivor. Hindi na halos ako nakapagsabon ng maayos dahil hindi ako pwedeng ma-late. Terror yung first subject namin at siguradong tatawagin ako sa recitation kapag na-late ako. Si Mam Cudia pa naman yun - Economics namin. "Jairus sabihin mo kay Mama na umalis na ako!" sigaw ko sa kapatid ko na wiling wili sa paglalaro ng jolen (holen). "Kuya late ka nanaman!" sabi ng walang pakundangan kong kapatid. Lumipas ang 20 minutes at narating ko na ang gate ng school namin. Aktong papasok na ako sa gate nung pinigilan ako ng guard. Takte naman! Kung kailan nagmamadali saka pa mag-iinarte itong guard na ito! "Swipe your ID" diretsong sabi niya. Jusko ID lang pala. Mabilis kong binuksan ang bag ko at kinapa ko dun ang ID ko. Hindi ko na tinitingnan dahil sanay na ako. Mabilis kong ni-swipe ang ID ko at mabilis na akong naglakad. "Niloloko mo ba ako?" -Guard "Ha?" takang tanong ko sa kanya. Tinuro nya ang hawak hawak ko at mabilis ko iyong tiningnan. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko nung makita ko ang hawak-hawak ko. Tangna! Baket karton ang hawak ko? Nasaan ang ID ko? "Manong pasensya na. Naiwan ko yata ang ID ko. Please I need to attend my first class, terror yung prof namin. Please" mahabang pakiusap ko kay manong guard. "Sorry. Go home and get your ID" wow! manong kung maka-english ka! Kaya ang ending ay kailangan kong umuwe para kunin ang ID ko para makapasok. Lagot ako panigurado bukas sa isang bukas. Tatawagin talaga ako sa recitation nung teacher na nagpifeeling Major ang subject niya. "Ey! Is this your looking for?" sabay turo sa hawak-hawak niyang ID. Nanlaki yung mata ko at pakiramdam ko ay kumikinang ito. Lumapad ang pagkakangiti ko. Lumapit ako sa kanya at aktong kukunin ko yung ID ko ay bigla niyang inilag yun. "Oooops! Sino may sabing ibibigay ko sayo to?" nakangisi niyang sabi. "It's mine. M.I.N.E - MINE! Kaya ibigay mo na sakin yan!" sigaw ko sa kanya habang tumatalon ako para makuha ko yung ID ko. "FYI napulot ko ito - and as far as I know hindi ganyan ang ugali kapag nakikiusap sa isang tao" pang-aasar niya sakin. "You're wasting our time" mataray kong sabi sa kanya. "Give my ID back!" sigaw ko pa sa kanya. "Say please..." nakangiti niyang sabi. "Please...." sabi ko habang pinipigilan ko ang inis na nararamdaman ko. Kung di nga lang terror ang first prof ngayon ay hindi nalang ako papasok para matigil na tong pang-aasar sakin neto. "For addition - I don't accept thank you." nakangiwi niyang sabi. "Eh paano kung ayoko?" nakataas kilay kong sabi. Hindi ko namalayan na marami na palang nakatingin saming dalawa. Agaw atensyon na kasi talaga ang ginagawa namin. Pareho kaming ayaw magpatalo sa bawat isa. "Look oh!? Gawa mo kaya ayan ang dami ng taong nakapaligid satin!" -ako "It's because - I'M OWWWWWWWSOME!" ang napakayabang niyang sigaw na dahilan na mapasigaw ang mga nakapaligid saming mga tao. Mga talande talaga! "For arguments sake - what's the deal?" sarkastikong sabi ko. "You're going out with me - TONIGHT" pag-e-emphasize niya ng salitang tonight. Nagdahilan ako sa kanya na hindi ako pwede mamayang gabi dahil may importante akong lakad - totoo naman ee. Kaso hindi lakad kundi trabaho. Ayoko naman kasi malaman nya na nagtatrabaho ako sa bar bilang isang singer. "I don't take no for answers" sabi niya with matching death glare. Haaay. Anong klaseng tao ba naman itong kausap ko! Hindi porket sikat at gwapo siya ay magagawa na niya ang gusto niya! What? Did I say gwapo? Haay.. Oo na. Gwapo na siya kung gwapo pero hindi naman yun ang batayan diba? So ang nangyari ay no choice ako. Isasama ko siya mamaya sa pupuntahan ko. Okay na yun para tigilan na niya ang pangungulit niya sakin. Para makuha ko narin ang ID ko. Si Leonard ang nag-swipe ng ID ko at hindi pa daw niya ibabalik yun hanggat hindi kami nakakatuloy sa pinag-usapan namin. Nagdiretso na kami sa room namin at awa ng diyos ay wala pala si Maam Cudia. Lintek na iyan! Kanda madali pa ako para lang makapasok ng maaga tapos wala? Pakyu ka Maam! (DeJokeLang - mataray yun, wag niyo ako sumbong aa) Nakita kong lihim na tumatawa si Leonard at mabilis ko itong nilapitan. "Alam mong wala si maam no!" hindi yan patanong kundi pasigaw. "Ha?" sagot niya sakin habang halatang pinipigilan ang pagtawa. Buset na lalaking to! Alam kong alam niya na wala si maam pero hindi niya sinabi sakin. Talagang ginagalit nito ang lamang loob ko ah! Pasalamat siya at hawak niya ang ID ko kung hindi GRRRRRRRRRRR! "I think there's a guy here name Ashton" bigla akong natigilan sa pagmumura sa isipan ko sa taong buset. "Can we talk to him - now" mabilis kong nilingon ang pintuan. "Chriiiis! Justiiiiiiin!" sigaw ko at niyapos ko sila isa-isa. Matagal akong niyapos ni Justin. Sanay na ako sa kanya, ganyan naman palagi yan eh. "Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila habang inaayos ko ang gamit ko "I'm just checking if you're okay" diretsong sagot ni Justin. "Ikaw Justin ha! Wag ganyan - baka ma-inlove ako sayo niyan" biro ko sa kanya sabay apir kay Chris. "Much better" seryoso niyang sagot sakin. Hindi ko na pinansin kasi nga sanay na ako. Palagi siyang ganyan kahit nasaan man lugar kami ay hindi nahihiya sa mga birong sinasabi niya. Nalaman kong magkakaroon ng celebration kina Justin at sinabi nilang hindi pwedeng mawala ako doon. Nakakatakot nga yung pam-ba-blockmail niya sakin eh. Kapag hindi ka pumunta Ashton ay ipapahanap kita sa mga pulis. Totoo! Promise. Alam kong kaya niya yun kasi General ang papa niya at marami palaging pulis ang nasa bahay nila. Hindi rin sila nagtagal sa school. Ako lang pala ang talagang sinadya nila. ___________ Umuwe na agad ako ng bahay pagkatapos ng klase para makapag-ayos na at makapunta na sa work ko. Ganito palagi ako araw-araw. Wala kasi akong ibang maisip na trabaho - bata pa rin kasi ako. Habang nasa loob ako ng banyo ay hindi ko maiwasan ang isipin kung kumusta na ba si Ace. Ang tagal ko ng walang balita sa kanya. Hindi na talaga siya tumatawag at nagtetext sakin. Wala rin akong natatanggap na response sa mga emails na pinadala ko sa kanya araw-araw. Hindi ko maiwasan ang umiyak. Yun lang ang tanging nagagawa ko araw-araw para mawala kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko. Namimiss ko na si Ace. Namimiss ko na ang boyfriend ko. "Ang tagal mo naman" napapitlag ako nung narinig ko yun mula sa tabi ng poste malapit sa gate ng subdivision. "Bakit nandito ka?" -ako "May usapan tayo diba?" sagot namn ni Leonard. Magaling din naman pala itong mag-disguise. Hindi mo siya halos makikilala dahil sa suot niyang skinny jeans at binabagayan ng semi-loose na sando style shirt tapos nakashades. Shades? Ewan ko ba sa taong ito pero para daw hindi siya makilala. Nagsimula na kaming maglakad. Sumakay ng jeep. Makalipas ang 25minutes na biyahe ay nasa pintuan na kami ng bar na pinagtatrabahuhan ko. Hindi nagsasalita si Leonard at nakasunod lang sakin habang ang dalawang kamay niya ay nakasukbit sa kanyang sando shirt style na damit. "Oh dito ka lang muna ha" sabi ko sa kanya nung nakapwesto na kami sa pinakamalapit sa table sa stage. Sinabihan ko naman si Rico na bigyan muna ng maiinom yung kasama ko at mabilis na binigyan RH Stallion si Leonard. "Ashton, eto oh" sabi ni Riza sabay abot sakin ng papel. Alam ko na ibig niyang iparating. Pumunta na ako sa stage at binulungan ko yung mga banda sa likod. Nakita kong nakatingin sakin si Leonard. Bahala na mamaya. Mamaya ko nalang ipapaliwanag sa kanya kapag nagkaroon ng break. Nagsimula na ako kumanta. Tatlo yung kinanta ko at halos gabi-gabi naman ay nirerequest yung kinanta ko. Habang nakanta ako ay nakatingin lang sakin si Leonard at may bakas na pagtatanong ang nakikita ko sa kanyang dalawang mata. "You can have your off now - may nagbayad ng buong gabi mo ngayon" sabi ni manager sabay kindat sakin. "Sir naman! Hindi naman po ako nagpapabayad sa customer ee!" -ako "Lakad na. Alam ko naman na may ka-date ka" pahabol niya pagkatapos ay tumalikod na. Takteng to! Ibinugaw pa ako! Siguro ay nagsasawa na yung taong yun sa boses ko kaya binayaran nalang ang gabi ko para lang hindi na marinig ang boses.  Naupo na ako sa table namin ni Leonard at nilapagan niya ako ng alak. "Now - your free" mahinang sabi niya. "So it means ikaw yung - " "Yup. Diba sabi ko magde-date tayo? Paano tayo makakapagdate kung kakanta ka ng kakanta diyan" sabay turo niya sa stage. Hindi na ako nagsalita at nagsimula na akong uminom ng alak. Matagal tagal rin akong hindi nakapag-inom ng ganito. Kapag kasi nakanta ako ay bawal ako uminom dahil panigurado mamamaos ako at masisira ang kabuhayan ko sa gabi. "Don't look at me like that. You don't need to worry. Alam ko na nagtatrabaho ka dito kasi accidentally nakita kita kasama ng mga kaibigan mo habang nakanta ka dito" mahabang sabi niya at nagsimula na nga kami magkwentuhan. "Nga pala, I'm Ashton Clarence Castillo. Hindi pa kasi ako nakakapagpakilala sayo ng pormal" sabi ko sa kanya at inilahad ko ang kamay ko sa kanya para sa shake. Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay ko hanggang sa hawakan niya ang kamay ko at itinaob ito. Tinitigan niyang mabuti. "You're engage" hindi ko alam kung patanong ba yun o hindi pero ang sigurado ko at ang tinutukoy niya ay yung singsing na hindi ko kahit kailanman hinubad. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang bumibilis ang t***k ng puso ko at ramdam ko ang namumuong luha sa dalawang mata ko. Mabilis kong binawi ang kamay ko at kinuha ang alak na nasa tabi ko. Ininom ko iyon. "I have a boyfriend. Nasa malayong lugar siya. Nagpasya kasi siyang mag-aral sa ibang bansa para daw mabigyan niya ako ng magandang buhay kapag nagsama na kami. Sinabi niya rin na babalik siya at magsasama na kami sa isang bahay at mamumuhay ng masaya.." pinutol ko ang sasabihin ko para tumungga ulit ng alak. Alam kong napaparami na ang iniinom ko. "Alam mo Leonard ang saya saya ko kasi siya yung dahilan kung bakit nawala yung sakit na naranasan ko dati sa taong minahal ko ng sobra sobra at iniwan lang ako. Si Ace ang nagtiyaga at nagpasaya sakin" dugtong ko sa sinabi ko at hindi ko na napigilan yung luhang kanina ko pa pinipigilan. "Don't worry. Babalik siya" sabi niya. Dahil dun ay bumuhos na lalo yung luha ko. "Simula nung umalis siya ay wala na akong balita sa kanya, hindi siya tumatawag at nagtetext, hindi rin niya sinasagot yung mga email ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong pag-aantay sa kanya. Nasasaktan na ako. Pero kahit ganun naniniwala pa rin ako na babalik siya at tutuparin niya yung sinabi niya sakin" mahabang kweto ko sa kanya. Alam kong lasing na ako kasi hindi na diretso ang salita ko. Hindi ko na kaya. Lasing na talaga ako. Hindi ko na matandaan yung huli kong sinabi kasi biglang nalang nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na nakahiga na ako sa malambot na higaan at ramdam ko ang twalyang paulit-ulit na dumadampi sa mukha ko. "Ace....." Ang saket ng ulo ko! Please pakitanggal nalang muna at pakibalik kung okay lang. Huhuhu! Parang binibiyak. Nandito ngayon ako sa room at kasalukuyang nakayuko. Parang kasing susuka ako kapag tumunghay ako. Yumuko na rin ako para maiwasan ang mga tanong sakin ng mga kaklase ko pati narin si Tin. "Oh anong nangyari diyan kay Ashton?" narinig kong tanong ni Sheryl. Hindi na ako tumunghay para ikwento pa sa kanya kasi kahit ako hindi ko rin halos maalala ang nangyari. Lumipas ang maghapon na ganoon ang sitwasyon ko. Hindi ako pinagalitan ng mga prof namin dahil alam naman siguro nilang masama ang pakiramdam ko. Pinilit kong iayos ang sarili para makapag-ayos narin pauwe. "Let me. Alam ko naman na masama pa rin ang pakiramdam mo" sabay kuha sa gamit ko. Inalalayan nya nalang ako palabas ng room. As in nakaakbay pa siya sakin. Napansin kong medyo dumadami na ang matang nakatingin samin kaya medyo iniawang ko ang katawan ko sa pagkakadikit sa kanya. "What's the prob?" -Leonard Hindi na ako nagsalita pero itinuro ko sa kanya ang mga taong nakapaligid samin. Nakita ko rin yung iba na inilabas ang kanilang cellphone at halatang kumukuha ng pictures. "Let them do what they want. For now let me give you a ride. You need to rest" nakangiting sabi niya sakin at mabilis niya akong pinasakay sa dala niyang sasakyan. "Paano si Marcus? si Vincent?" diretsong tanong ko sa kanya. "I already talk to them. Ayos lang daw - at isa siguradong nasa bar yun at inaabangan yung magandang boses na kumakanta palagi dun" -Leonard "Kumakanta?" -ako "yap. At ikaw ang tinutukoy ko. Hindi pa kasi nila alam na kaklase kita at hindi pa kita naikukwento sa kanila" sabi niya habang hawak ang manibela. Tinuro ko sa kanya ang daan papunta samin at hindi nagtagal ay dumating na rin kami sa bahay. Pinapasok kami ng guard na nagbabantay nung nakita akong nakasakay sa kotse. "Ang pogi ng kasa... Si... Si Leonard Cruz!!!!!!!" pagbating sigaw ni Ate Josie nung nakita ako at ang kasama ko. "Hey! Ate Josie! Easy. Huwag naman masyadong maghisterical" iritang sabi ko. Masaket na kasi talaga ang ulo ko. "Hi! can we go? Inside?" -Leonard. Dumiretso na kami ni Leonard sa kwarto ko. Wala pa kasi sila mama at Jairus. Nagtext kanina si Mama na may pupuntahan daw silang importante ng kapatid ko at gagabihin daw sila ng uwe. "Makakauwe ka na. Okay na ako dito" mahinang sabi ko kay Leonard habang nakahiga ako sa kwarto ko. "Nope. I'll stay here" hindi ko na masyadong naintindihan yung mga sinabi niya kasi dumilim na ang paningin ko at nilamon na ako ng katahimikan. "Sunduin kita mamaya. 9pm" nabasa kong text mula kay Mark. Bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ako makapaniwalang nakarecieve ako ng message mula sa kanya. Tiningnan ko munang mabuti ang cellphone ko para makasigurado akong siya nga iyon. "Okay" Matipid kong reply sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang nararamdaman ko kaya iyon lamang ang sinabi ko sa kanya. Halos silihan na ang pwet ko sa kaiintay ng sinabi niyang oras. Hindi ako mapakali at paikot ikot ako sa loob ng bahay. "Miss me?" narinig kong boses matapos bumukas ng pintuan. Natulala ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa nakikita ko. Dumaloy na ang mga luhang naipon sa pagitan ng dalawa kong mata at halos magsimula na akong humikbi. "Bakit nandito ka!?" mataray kong sabi sa kanya. "Ayaw mo bang nandito ako?" nakangiting sabi niya. Teka. Bahay niya to diba? Bakit tinatanong ko siya. "Bumalik ka na don at baka sugurin ako ng asawa mo! Lakad dun! Wag ka na magpapakita sakin!" sigaw ko sa kanya na halos mautal ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sa kanya to. Alam ko naman na hindi dapat kasi ang dapat na iniisip ko ngayon ay si Ace. Pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi niyang babalikan niya ako. "Ah ganon ba!? Osya lakad! Puntahan mo ang pinagmamalaki mong Ace! Magsama kayong dalawa!" -Mark "Talaga! Babalik yun! Babalikan niya ako at sinabi nya yun saken!" Hindi ko alam kung bakit matapos kong sabihin sa kanya yun ay naglawa ng tubig ang mga mata ko dahil sa mga luhang walang tigil sa pag-agos. "Ace diba babalik ka...Sinabi mo yun sakin. Naniniwala ako sayo" Matapos kong sabihin yun ay naramdaman ko nalang na parang naliliyo ako. Pakiramdam ko ay umuuga ang paligid ko at anumang oras ay matutumba ako. "Cheekbone.. Cheekbone!" Bumukas muli ang mata ko. Nung makita ko si Leonard ay napagtanto kong nananaginip lang pala ko. "Are you okay? Why are you crying?" sabi niya sakin with the low tone of his voice. Magsasalita na sana ako pero biglang kong itinakip ang kumot sa mukha ko. "Why?" -Leonard "Ba...baket naka..hubad ka??" sabi ko habang nakatalukbong sakin ang kumot. "kase... kanina pa..." sabi niya at dahan-dahan lumalapit sakin. Ohmygod! Bakit nanginginig ako? Bakit nakakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam? Oh s**t yung abs nya, 6pakshet! tapos ang hot niyang tingnan dahil sa suot niyang pants na hapit sa kanya. Panaginip pa rin ba to? Please! Gisingin niyo na ako! "Whaaaaaa! Sak...saklolo! Rape! Rape!" sigaw ko nung nakalapit na siya sakin. Humagalpak siya ng tawa. Tawa siya nung tawa matapos kong sumigaw. Ibinaba ko ang kumot at sinilip ko siya. May kung ano siyang kinukuha sa ilalim ng likuran ko. "What are you saying? Kanina ko pa kasi dapat kukunin tong dapat na isusuot ko pero nahigaan mo" diretsong sabi niya sakin. Naramdaman kong namula ang buong mukha ko at nag-init ang tainga ko. "What are you thinking of me? Rapist! Duh! Why should I? Alam ko naman na darating din tayo dun cheekbone!" nakangisi niyang sabi sakin. "Bastos!" sigaw ko sa kanya. Nung napansin niyang nakikipagharutan na ako sa kanya ay nilapitan niya muli ako at kiniliti ako ng kiniliti. Napapasigaw na ako dahil ayaw niyang tumigil kahit na nagsisisigaw na ako. Nahablot ko ang unan at ibinato ko sa kanya iyon. Hindi siya nagpatalo. Pilit niyang kinuha sakin yung isa pang unan ko at alam ko balak niya iyon ibato sakit. Hindi ako nagpapatalo. Hinigpitan ko ang pagkakayapos ko sa unan para hindi niya magawang maagaw ito sakin. Ayoko kayang mahampas ng unan nu! Groge pa nga ako sa H.O tapos hahampasin niya pa ako. Anu sya swerte! Sa sobrang pwersa niya sakin sa pag-agaw ay na-out-of-balance siya at pareho kaming bumagsak sa sahig. Nakahiga siya sa sahig at nakapatong naman ako sa kanya. Pinaggigitnaan kaming dalawa ng unan na yakap yakap ko. Nagkatitigan kami pareho. Wala nagsasalita samin. Alam ko namumula ang mukha ko sa sobrang tense at hiyang nararamdaman ko. "Hahaha! Ang saya mo talaga kasama" sabi niya sakin habang ganoon parin ang posisyon naming dalawa. "You really turn me on cheekbone..." dugtong niya. Sabay kaming napalingon sa pintuan nung biglang bumukas ito. Napatulala ako at hindi makapagsalita nung nakita ko ang bumungad sa pintuan. "Matuto kayong maglock ng pintuan kung may gagawin kayong ganyan" Leonard Cruz Point of View "Ace diba babalik ka...Sinabi mo yun sakin. Naniniwala ako sayo" Nung narinig ko iyon mula kay Ashton ay ginising ko siya. Kung kanina ay napapakinggan ko pa ang mga sinasabi niya, nung pagkakataong ito ay hindi na. Nakita kong pinunasan niya ang mga luha sa mata niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang napaginipan niya kaso masyado na yatang private iyon. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Pinangakuan siya at pinaasa ng isang tao na hindi naman sigurado kung babalik pa. Napakagago ng taong mang-iiwan lang dito kay Ashton. Kung ako kasi, hindi ko gagawin iyon. Wala akong nakikitang rason para iwanan siya. Nung napansin kong medyo okay na ang pakiramdam niya ay gumawa talaga ako ng paraan para mawala yung lungkot na nararamdaman niya. Kniliti ko siya at pinipilit kong agawin yung unan na yapos yapos niya. Hanggang sa nawala ako sa pagkakabalanse at nahulog kami parehas. "You really turn me on cheekbone" sabi ko sa kanya with matching kindat pa. "Matuto kayong maglock ng pintuan kung may gagawin kayong ganyan!" narinig namin mula sa pintuan. Nakita ko ang reaksyon ng mukha ni Ashton. Hindi maipinta sa sobrang laking katanungan. Para ngang naging question mark ang dalawang mata nya ee. "I'll pick you up tomorrow cheekbone. Have a happy night!" paalam ko sa kanya nung aktong pasakay na ako ng sasakyan ko. _____________ "Where have you been Mr. Cruz?" mariing pagkakasabi ni Marcus. "Sa taong kumukumpleto ng araw ko" nakangisi kong sabi. Bakit nagtatanong? Eh kasi naman almost 11pm na ng gabi. Hindi ko nga napansin ang oras eh o mas tamang sabihin na hindi ko nanamamalayan ang oras kapag si Ashton na ang kasama ko. Hahaah! Corny but true. I am so in love with him. I find myself happy and smiling every time I'm with him. When I lay my gorgeous body in the bed I quickly open my sss account and check my notifs. I saw the pix of the scenario a while ago, when we are at the front door of our classroom. Ashton and I. I click the like button and click the comment box. I really like this scene. Ilang minuto ang lumipas ay dinagsa ng likes ang comment ko at replies from my fans. May mga masasama at magaganda akong nababasang comments dun. I just ignored them. Walang magandang maidudulot kung magpapaapekto ako sa mga hindi kaaya-ayang sinasabi ng mga mapanghusgang tao. Then out of nowhere ay nag-pop-out yung timeline ko. My god. It was Ashton. "Can you please delete your comment? Dinadagsa ako ng mga tanong ng mga fans mo" -Ashton. "Anong tanong nila *---* " -ako Minutes later I heard the notitune of my phone. Lumabas dun yung ini-screen shot ni Ashton na messages ng mga hindi namin kilalang tao. Are you two dating?  Shocks! Pinatulan ka ni Leonard? Anong gayuma ang ginamit mo kay Leonard my loves? Di kayo bagay! Bakla! Dunno but - I find it cute especially you. :) By the way can we be friends? I'm looking forward to meet you. Aba! Aba! Parang hindi ko nagustuhan yung nabasa ko ah! Bakit parang nagkakainteres ata yung hayup na yun sa mahal ko! I clicked his profile picture and I found out that he is one of our schoolmates, under criminology. Takteng yan! Anung akala niya sa cheekbone ko? kung kani-kanino nalang nakikipag-usap! Biglang naging kulay pula nanaman yung notif bar ko at mabilis ko iyong pinindot. Another screen shot from Ashton. Dunno but - I find it cute especially you. :) By the way can we be friends? I'm looking forward to meet you. Thanks. :) - Ashton. Totoo yung sinabi ko. Much better kung ako yung kasama mo sa picture, let me say mas magiging cute. Hahaha! You really made my day bro. :) -Ashton Just to return the favor - can i get your number? Hmm.. Hindi po kasi ako nagbibigay ng number ng basta-basta lalo ng dito sa sss. -Ashton :( Saddy face. Okay. Okay. I'll get your number personally. See you soon.muah :) -Ashton Sa tingin nyo ang ang magiging reaksyon ko? Taktenang! Totoo ba yung nabasa ko? Dahil sa picture namin ni Ashton may kaagaw na agad ako sa kanya? Saka akala ko ba hindi niya nirereplayan ang mga nagmemessage sa kanya? Badtrip! Badtrip! Badtrip! "Akala ko ba naiinis ka sa mga nagmemessage sayo dahil sakin?" and then I click the send button. "Oo! Bakit ba kasi kailangan pa ipost yung ganoong picture - at naglike ka pa! Takenote ni-tag mo pa saken!" "Eh bakit nirereplayan mo!" - inis kong type. "Baket? Do I need to ignore them all? Haaaay! Bipolar!" -Ashton. "Ignore them ALL especially Jomari" tukoy ko dun sa criminology na kumukuha ng number niya. Ang tagal ko nag-antay ng response niya pero wala akong natatanggap. I just extend my patience. I decided to get some coffee while waiting for his response. Pero wala. "Thanks for accepting me cutie. See you" Yan ang nabasa ko na naka-tag sa timeline ni Ashton. Sino yun!? Sino pa eh di yung ulupong na humihingi ng number ni Ashton ko. Di hamak na mas magandang lalaki naman ako sa kanya! Pakyu siya! Tingnan nalang natin bukas! Its just a bad night not a Bad Life. #PasalamatKaAtMahalKita #Leonash And then I click the post button. Ang daming likes and comments. Napapangiti nga ako sa ibang nababasa kong comment eh. Why? What happened? -Kyro. One of my bestfriends. Ni-like ko muna yung comment niya and then I quickly type a mesage at the box. May isang tao kasing nagpasaya ng buong araw ko at pagsapit naman ng gabi - sinira - pag-iinarte ko sa comment. Hahaha! Naiimagine kita Leo. Sino siya? - Kyro. Naku! Hindi mo siya dapat makilala kasi kapag nagkataon magkakaron ka ng phobia sa kanya! haha! -ako Bakit naman? Nagsasalita kapag tulog yun, naghihilik at natulo pa laway! hahahaha! (Natawa talaga ako habang tinatype ko yunn. Talaga? Interesado ako diyan ah! :) -Kyro Wag! Nakakatakot talaga siya! Ang pangit pa ng boses! Parang si chuchay! Hahaha! Tawa talaga ako ng tawa nung binabasa ko yung mga comment namin ni Kyro. And then the notif icon turn red again. Pinindot ko iyon at binasa yung reply ni Kyro. Hoy lalakeng saksakan ng yabang! Hindi natulo laway ko kapag natutulog ako! At mas lalong hindi ako nahilik! Kung napapangitan ka sa boses ko eh bakit nakatanga ka sakin nung nakanta ako sa stage? Don't ever talk to me anymore. Napatanga ako nung nabasa ko iyon. Comment yun ni Ashton. Pero bigla nalang ako napangiti dahil for the first time may naglakas loob na magpost sa sss ko ng ganun. Hey! Did I mention your name? -ako Lagot ka Leo. Galit na yan. Kung ako yan hindi na talaga kita papansin kahit kailan/ o---o - Kyro Hoy! Kyroment tumigil ka! Just log-out! - ako You didn't mention my name but you are pointing me, right? You really ruined my day! - Ashton Do you really think that I am pointing you? sleep talker! pangaasar ko sa kanya. Guys, its getting late. having plan on saving this convo? -Pag-pop-in ng comment ni Marcus. Back off Marcus! -response ko. Napansin ko nalang ang sarili kong napapangiti dahil sa convo namin. Ang sarap galitin ni Ashton dahil hindi siya katulad ng ibang tao na porket sikat ang kausap o kaharap ay gugustuhin. In short - totoong tao si Ashton. Kung hindi man siya tao - ibig sabihin bagay kami. Wapakels! Mamatay na kumontra! Kasama si Author! Joke lang. :) Parang kang lobo - PUNO NG HANGIN! #Insane Latest post ni Ashton sa kanyang timeline. Napangiti nga ako kasi alam kong ako ang pinapatamaan niya sa kanyang post. Lobo man ako sa iyong paningin - pag ako nabitawan mo, titingala ka parin #CrazyInlove Huling post ko iyon at natulog na ako. Kung tatanungin nyo kasi ang oras eh almost 3am na. 3hours nalang ang itutulog ko. Terror pa naman yung first prof namin bukas. Si Maam Eco. (Economics) ___________ "Ayan kase. Inabot ba naman ng umaga sa kaka-sss, edi ngayon bangag na bangag ka" sabi sakin ni Vincent habang nasa canteen kami. "This is the very first time na nawili ka sa sss ah!" nakangising dugtong naman ni Marcus. Vacant time namin ngayon kaya nandito kami sa canteen. May sarili kaming table dito na medyo malayo sa table ng karamihan. PRIVATE PLACE ba kung tatawagin. "Hindi naman sa nakikialam ako Leo, baka makaapekto sa career mo ang ginagawa mo ha. Trending kasi sa online news yung mga posts mo. Alam mo naman n -" "I don't care Vincent. I am enjoying this" pagputol ko sa sinasabi niya. "I am just reminding you. Trabaho natin ang nakasalalay. Damay damay tayo dito" dugtong pa ni Vincent. Hindi na ako nagsalita dahil baka kung saan pa humantong ang pag-uusap namin. Madalas kasi kami magttalo ni Vincent lalo na kapag tungkol sa career namin ang pinag-uusapan. Masyado siyang nakapokus sa career kaya ni minsan ay wala akong nakitang kasama niya o sabihin na nating nabalitaan na girlfriend. "Oh..Look who's here" sabi naman ni Marcus habang pinantuturo ang hawak na tinidor. Tiningnan ko yung tinuturo niya. Inirapan ako. Waaaaat? Inirapan lang ako? Matapos ko siyang icomfort sa kanila dahil sa masamang pakiramdam niya kahapon! Anong klaseng tao ba ito. BATO! Walang utang na loob! Bigla akong napangiti nung maalala ko yung convo namin sa sss kagabi. "Alam ko na kung bakit niya ako inirapan" sabi ko. "Hey! Talking to someone?" -Marcus. "Ha?" -ako "You're too loud." -Vincent. Napalakas pala ang pagkakasabi ko nun. Akala ko kasi sa isip ko lang nasabi yun. Hahaha! Naupo siya at ipinatong sa table ang kanyang gamit. Kasama niya si Tin at panay ang daldal sa kanya ni Tin. Tama! Lalapitan ko siya. And I'm going to invite him for dinner. Aktong hahakbang na ako papunta sa kanila nung napansin kong may lumapit na isang lalaki sa table nila. Teka, parang kilala ko yun ah. Pamilyar sakin ang mukha niya. Nakita ko na yan dati at hindi ako pwedeng magkamali. ISIP... ISIP... ISIP... Jomari. Tama! Jomari ang pangalan niya. Lalong kumunot ang noo ko nung nakita kong iniabot ni Jomari ang kanyang cellphone kay Ashton at ibinalik rin naman agad ito. Isa lang ibig sabihin nun! Nakitext si Ashton! TANGA! KAARTISTA MONG TAO TATANGA-TANGA KA! Joke lang. Alam ko naman na kinuha niya yung number ni Ashton eh. "Anong problema mo?" singit ni Marcus habang nakitang na-freeze ako sa paglalakad. "Ah.. Mauna na akong umuwe sanyo. Biglang sumama pakiramdam ko" mahinang sagot ko. "Leo!" hindi ko na nilingon ang tawag sakin ni Marcus. Nagdiretso na ako sa paglalakad. Nakita kong napatingin sakin sila Ashton at mga kasama nito. Hindi ko sila pinansin bagkus sinimangutan ko lang sila at binigyan ko ng makahulugang tingin si Jomari. Mabilis na akong sumakay ng sasakyan ko. NAKAKABORING! NAKAKA-INIP! BADTRIP! TAKTE! BUSET NA JOMARI NA YAN! Hanggang sa mapagdisisyunan kong magpunta nalang sa bar para malibang libang ako at para mawala ang galit ko. "Hey Leo! Wanna join us!?" tawag sakin ni Vincent na napaka-wide ng pagkakangiti at nakaakbay sa katabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD