one
Hindi malaman ni angel kung paano nya malalampasan ang pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
Mabilis nyang pinuntahan ang hospital na pinaghatiran sa kanyang mga magulang.
miss dito po ba dinala ang mga naaksidente sa may roxas ? mabilis nyang tanung sa isang nurse
opo maam dito nga po
Anak po ako ni elizalde at rose mercado kasama po sila sa mga aksindente anung room po sila.?
Ah room 102 po maam ,mabilis na sagot ng nurse
Habang papunta ako sa nasabing room ay nanginginig ang aking buong katawan,sanay okay sila mommy at dada .
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at doon ko nga nakita ang aking mga magulang ,ang mommy ay may oxygen na nakakabit at c dada namn ay nakaplaster ang kanyang dalawang paa,parehas sila walang malay.
Hindi ko alam pero walang tigil ang pagluha ng aking mga mata.
Ako ang nasasaktan para sa kanila,mabilis ko silang nilapitan at niyakap kahit na wala silang malay.
Paghupa ng aking nararamdaman ay mabilis kong hinanap ang doctor upang malaman ang kalagayan ng aking mga magulang.
At ngayon nga ay kausap ko na si doctor Sanchez,malinaw nyang ipinaliwanag ang sitwasyon ng aking mga magulang.
Ang aking ina ay nangangailangan ng operasyon dahil may namuong dugo daw sa kanyang ulo ,samantalang ang aking ama ay hindi na nailigtas ang kanyang paa at nagkaroon ng komplikasyon kaya nangangailangan din nang mabilis na operasyon.
Hindi ko na talaga alam kung panu ko to ihahandle ,at ang lalong nagpa gimbal sa akin ay nagkakahalaga daw ng 5 milyon para makunpleto ang operasyon at kasama na dito ang mahabang gamutan.
Alam ko may ipon ang aking mga magulang pero hindi ko alam kong saan ako kukuha ng idadagdag para rito,hindi aabot ng 2 milyon ang nasa bangko ng aking mga magulang.
Saang kamay ng diyos ko pwede g makuha ang 3 milyon .
Mabilis akong umuwe ng bahay para maghanap kong meron ako pwedeng ibenta para madagdagan ang pera na hawak ko, habang nakatingin ako sa kawalan ay napapatanong ako sa aking sarili kong bakit ba nangyayari ito sa akin . May nagawa ba akong kasalanan,hindi ko parin mapigil ang aking pag iyak.
Hindi ko naman pwedeng ibenta ang aming bahay ,dahil wala naman akong matitirhan.Wala rin akong kakilalang kammag anak namin dito sa maynila.
Habang walang humpay ang aking pag iyak ay may malalakas na katok ang nagpatigil saaakin.
Mabilis kong tinignan kong sinu ang nasa labas,nakita kong mga pulis kaya ako ay mabilis na lumabas.
Sir anu pong maipaglilingkod ko,marahan kong tanung sa mga pulis
Hindi ko alam kung anung meron at lahat sila ay nakatitig saakin ,
mga sir anu po ba ang kailangan nyo ,ulit kong tanung
wariy lahat sila ay natauhan at mabilis nagsalita ang nasa harapan ko
ako pi si srgnt corpuz maam ,,ikaw po ba si angel mercado?
Ako nga po,marahan kong sagot
Maam maari ka po ba namin imbetahan sa presinto dahil po ito sa nangyaring aksidente sa inyong mga magulang.
May ilan lang po kaming katanungan
Ah ganun po ba ,mag aayos lang po ako saglit pagkatapos po ay sasama na ako.
sige lang po maam,mabilis nyang sagot
habang papasok ako ay narinig ko pa ang sinabi ng isa sa kasama nya,
parang dyosa naman yung anak ni sir,
oo nga sangayon ng iba
Madalas kong marinig sa ibang tao na ako raw ay may kagandahang taglay ,pero hindi ko naman alam na ganun ka exaggerated minsan.