Point of Views. Marko, Adrianne and Xeres

2280 Words
Nakita ko ang taong naging dahilan ng aking pag kabalisa ng panahon na hindi ko nakita ang aking mahal. At ang panahon iyon ay naging masalimuot dahil sa taong naging malapit sa aming pamilya. At ang taong iyon ay naging malapit sa akin, itinuring kapatid ng panahon yon. At ngayong muli kong nakita siya sa mismong araw na naruon din kami sa bar ng isa naming kaklase sa kolehiyo at kaibigan ng isa kong kabarkada. Marami ang nagbago sa dating kakilala, ang akala ko ay hindi na muling magkikita kaming dalawa, ngunit nagkamali pala ako sa aking hinuha, at eto na muling magkrus ang mga landas namin. Batid kong may pag-tingin pa din siya sa lalaking ang aking minahal at ngayong parang mauulit muli, ang sakit hapdi na naranasan ko noon. Pero bago pa man humantong ang hindi kaaya-aya na kanyang ipinapakita sa lalaking mahal ko. Hindi na ako makakapayag na muling maangkin nito ang puso. Sapagkat lalaban ako sa larangan ng pag-ibig, kung dati ay wala akong lakas na ipabatid ang aking nararamdaman ko, Handa akong itaya ang lahat sa lalaking minamahal ko ngayon. Handa ako mag sakripisyo kapalit ng pagmamahal sa lalaking kay tagal kong inasam sa aking buhay. Alam kong maraming masasaktan na mga mahal ko sa buhay. Ngunit hindi na ako maaring magdalawang isip na ipag sa walang bahala ang aking nadarama sa aking minahal dati pa sa taong ito, naranasan kong umibig ng palihim at mabigo. Sa pagkakataon na ito, ay kailangan ko ng sabihin ang aking naramdaman sa lalaking ito, mas maganda na malaman nito ng maaga kaysa malaman pa niya sa iba. At naka handa akong masaktan kung sakali na hindi niya tanggapin ang aking pag-ibig at least sinubukan kong sabihin ang nilalaman ng aking puso. Mahirap iyong pasulyap-sulyap sa malayo, na alam mong marami kang kaagaw na eba. At masakit pa sa katotohanan na isa akong lalaki na umibig sa kapwa lalaki. Tanging hiling ko lamang na maging maayos ang lahat at walang anuman na maging sagabal sa akin at sa taong Mahal ko, alam kong may balak na naman kunin ang loob nito, ngayon pansin ko lang sa lalaking na aking iniibig ay tila umiiwas ito. At ang panahon na papalapit ang dating kaibigan ang siyang nagwika na "Marko, mauuna na ako sa'yo, at tawag na lang ako sa'yo, kapag ayos na ang plano na ating gawing hotel." Naiwan akong natulala dahil biglaan ang kanyang pag-papaalam sa mga sandaling iyon sa akin, habang ako ay hindi makapaniwala sa sinabi nito, tila mabagal ang pagproseso ng aking utak sa mga sandali siya ay dahan-dahan tumayo at umalis sa bar ng aming kaibigan. Marahil nakikita nito ang babaing naging bahagi nito ng nakaraan na patungo sa aming direksyon, kasunod nito si Henry na isang asshole pagdating sa mga palay na mahilig sa magandang primera klase. "Sandali pare sabay na din ako, at saka wala akong kasabay na aalis kapag gumabi na, si bff ay kasama nito ang kanyang pinsan. Tsaka wala din naman akong makakausap dito ng matino, sabay na lang ako sa'yo." Hangang sa sabay kami na umalis at nakita namin napatingin ang iilan sa amin ang mga kaibigan at kaklase nung high school pa kami na, "aalis na kayo, hindi pa naman nag-iinit ang ating usapan. As in lalayasan niyo ako dito." Ito ang wika ni Alexander isa sa kanilang kaibigan ang binata. "May meeting pa ako, bukas sa mga bagong clients ng aming itatayong hotel and restaurant. Kaya't mas maganda na hindi kami groogy sa alak. Mahirap na at nakakahiya sa mga bagong prospect ng aming bagong negosyo, see you guys and next lang tayo mag-inuman." Aiden Alam ng naruon sa loob ng bar na tila umiiwas ang binata sa isang dalaga na pamilyar sa kanilang mga paningin na ayaw nitong makausap. Tila umiiwas na na mabanggit ang pangalan, batid ng iilan na may naiwang lamat sa dalawa. Kung anuman iyon, ang dalawa lamang ang siyang nakaka alam dalawa. At ayaw din nilang makisawsaw sa mga problema ng kanilang mga kaibigan. Dahil pare-parehas lamang may dinadala na problema sa puso at iyon ang pagkaka pare-pareho na problema na magkaka-ibigan. Adrianne Kim Hindi ko alam, kung anong pumasok sa aking utak na puntahan ang taong malapit sa aking puso. Ang tanging alam ko lamang magkaroon kami ng kalinawan na dalawa. Para sa akin mahirap kasi ang akala ko, okay pa. Hindi na pala. Umiiwas siya sa akin, at sa nakikita ko sa kanya ngayong. Parang ayaw niya ako kausapin o makita. Dahil nakatayo na siya kasama si Marko na aking itinuring na nakakatanda kapatid. At ang nais ko lamang makausap ito, ngunit hindi man lang tumitingin sa aking gawi. Sa halip umibis siya ng daan pagilid patungo sa way ng comfort room ng mga kalalakihan. Hindi ko alam, kung anong sumapi sa akin na sundan siya. Hangang sa naramdaman nito na may nakasunod sa kanya, agad siyang huminto at nagwika na "kung balak mo ituloy ang gagawin mo, huwag na tapos na ang lahat noon pa. Wala ka ng babalikan pa, nung panahon pumunta ka sa aming tahanan ay tinapos ko na ang lahat." Nagpatuloy siya sa paglalakad at tila sinusundan nito ang aking kuya sa mga sandaling iyon. Habang ako ay hindi ko alam na parang nanghina ang aking tuhod sa mga oras na iyon, gusto ko magsisigaw na mga oras na iyon, gusto ko mailabas ang galit sa loob ng aking puso. Ngunit hindi ko kaya na unti-unti ko siyang nakikita na paalis sa bar ng kanyang kaibigan. Hindi ko din alam, kung anong nangyari dahil nasa private room na ako ng bar. Kung saan naroon may isang lalaking naka-upo sa aking harapan. Nagsasalin ng alak sa kanyang sariling baso, habang naka titig lamang siya sa akin. At panay ang iling lamang nito, at hindi ko kinaya na "who are you?" Isang malakas na pagbuntung-hininga ang tanging pagsagot nito sa akin na mga oras na iyon. Alam ko na medyo malalim na ang gabi, dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng bar. At ang mga taong nakikita ko kanina ay ayos pa, kapag tumingin ka sa labas ng private room, makikita ang iilan na mga tao dun ay lango na sa alak, at wala na sa wisyo ang iilan, kanya-kanya nang gawa ng melagro sa tabi-tabi at ang iilan ay halos makita na ang kabuuan na pagkatao ng mga babaing paru-paro. Kung saan-saan kasi dumadapo sa kandungan ng mga kalalakihan na naruon sa loob ng bar na kaibigan ni Marko. At sa taong nasa harap ko, para lamang walang paki alam na may isang babaeng umiiyak, tila pinapanuod nito ang pagkabigo sa pag-ibig. Dahil sa asiwa na ang dalaga sa taong kaharap niya. Minabuti niyang umalis sa harapan at tunguin ang pintuan ng private room na kanyang kinaruonan at bubuksan na ang pintuan, ang siyang harang ng lalaking nasa harapan niya. Isinandal ang dalaga sa pintuan, hawak nito ang dalawang kamay sa taas, habang ang mukha ng binata ay nasa tapat mismo ng mukha nang dalaga si Adrianne. Bagama't alam ng dalaga na tipsy na ang binata sa nainom nitong whisky. Ayaw nitong patulan ang binatang nakaharap sa kanya, at tila naamoy nito ang hininga na may halong mint ang hininga kahit sabihin ito ay nakainom ng alak. Batid ng dalaga na hindi basta-basta ang binatang nasa harap niya. Hindi niya namalayan na unti-unting lumalapit ang labi ng binata sa labi ni Adrianne at dahil sa lumilipad ang utak ng dalaga si Adrianne at nakita ng binata na may iniisip ito, at ang pagkakataon iyon ang siyang gawa ng hakbang na ipalasap ang matamis at nakaka humaling na paghalik na nagmumula sa isang badass na si Henry Hudson. Habang ninamnam nito ang malambot na labi ng dalaga, ang siyang pagkagulat ng dalaga na tila may labi na dumapo sa kanyang magandang labi at nakita niya ang lalaking kaharap nito. Bigla na lang itinulak ang binata, upang maiaalis ang labi nito sa labi ng dalaga. Alam kasi ng binata na iyon ang magiging reaksyon ng dalaga, kaya't agad nitong hinigpitan ang pagkahawak sa mga kamay ng dalaga, at muling idiniin ang halik nito sa labi ng dalaga, alam kasi ng binata na ayaw nitong mahalikan ninuman maliban sa lalaking gusto nito na kasama ni Marko. Hindi mapigilan na magselos sa lalaking gusto nito, at alam niya na mas matangkad ang lalaki at may sinasabi sa buhay. Kung ikukumpara niya ang katauhan niya sa lalaking gusto nito na animoy parang hindi makabasag ng pinggan. Tila malaki ang kanilang pagkakaiba, aminado siya sa kanyang katayuan bilang isang babaero at f*ck boy kung tawagin ng mga kaibigan niya. _________ Xeres dela Frontera Masaya ako ngayon, dahil tiwala ang pinsan ng aking iniibig at matagal na, at alam din ng mga pinsan nito ang pagsunod-sunod sa lakad nito. Kaya parang nasa ulap ako ngayon, parang ang problema ko na lamang ang babaing itinitibok ng puso ko ngayon. Kung may pag-asa ba ako o nga-nga. Sabi nga ng mga magaling kong mga kaibigan, kaunting tiyaga at may nilaga ako pagdating ang tamang panahon na iyon. Ang sarap ng pakiramdam na may taong nagtitiwala sa yo na magkaroon ka ng kakampi at boto sa iyo na ligawan ang isa sa pinaka mamahal nilang kadugo. At ito na iyon, alam kong walang namamagitan sa dalawang magpinsan kundi ang mag-pinsan lang. At ang totoong gusto ng aking kaibigan ay iyong tao na nag walk out sa panahon na nag outing kami sa isang beaches na pag-aari ng isa naming kabarkada. Paano ko nalaman? Simple lamang ng magkakayayaan na mag-inuman kaming magkakaibigan at isa na dun ang umamin sa kanyang nararamdaman ay si Jeremy mismong pinsan ng aking my loves si Agatha. Ngayon naiintindihan ko ang nararamdaman ng isang tao umiibig na hindi maipagtapat ang nararamdaman nito sa taong Mahal. Mahirap kasi patago lamang at ang pinaka matindi pa dun, kinakain ka ng takot na hindi ka magustuhan at mabasted ka. Iyon ang pinaka masaklap na kapalaran na maririnig mo sa taong Mahal mo. Sa gabi iyon nalaman ko din na ang babaing gusto ng aking bff si Henry ay ang babaing naging dyowa ni Aiden kaklase ng aking my loves pala, at ang babaing gusto niya ay family friend naman nila Marko. Tingnan mo nga naman may mga konek ang aming buhay sa aming mga kaibigan, kung paano kami naging bukas ang usapin hinggil sa mga minamahal namin, dahil naging totoo kami sa aming nararamdaman. Hindi kami naging plastic dahil sa isa naming kaibigan na umibig sa kapwa niya, ay aming huhusgahan sa kanyang pagkatao at iiwasan dahil sa kanyang damdamin na abnormal. Mas lalo ko pang naging kilala ang bawat kaibigan ko noon at ngayon. Dahil sa naging totoo sila sa kanilang mga sarili, at nagpaka totoo sa mga mahal nila. Ngayong parang nabunutan ng tinik ang aking kaibigan si Jeremy ng inamin niya sa amin ang tunay niyang pagkatao. At mas lalo natuwa sa kanyang rebelasyon sa isang tao na ganun din ang pag-tingin dito. Ang dalawang malapit sa akin ngayong ay parang abot kamay nila ang kanilang mga puso sa isat-isa. Dahil naging totoo sila at tunay na nagmamahal. Batid ko din sa isa pang may abnormal na kagaya ng kay Jeremy ang taong malapit sa puso ng aking may loves si Marko Chi, isa din iyon na nagmamahal sa taong malapit sa kanya, iyon ang business partner nito. Alam ko nuon pa ng kami ay nasa high school pa lang na magkakaibigan na kakaiba ang ikinikilos ng aming kaibigan. Malamya kung kumilos at higit sa lahat pag nakaka Kita ng gwapo, malamang pumipilantik na ang mga mata, pati kamay sa abot ng mahiwagang pamaypay ni Facifica pamaypay. Alam namin na ganun siya at hindi namin siya ikinahiya na kaibigan. Bagkus kami pa nga ay nagulat sa nalaman linigawan ang pinsan ni Agatha sa katauhan si Julienne ng panahon iyon. Dahil sa mga isip bata kami nuon na nagkaroon kami ng usapan na kailangan magkaroon isa sa amin ng girlfriend na ipakilala sa tropa at hindi sabihin isang kalahi ni Darna. At hangang sumapit na ang mga edad namin ngayon parang natatawa na lamang kami sa aming mga naging kalokohan nung araw na masaya kami at walang iniisip na problema sa pag-ibig. Iba kasi sa amin ay kumplikado ang sitwasyon sa pamilya, at iilang mga nakaka kilala sa amin. Batid kong kami magkakaibigan ay walang problema ang aming samahan maliban na lamang kung may gagawa ng problema na hindi inaasahan. Katulad ng ex ni Marko Chi, hinala ko na gumagawa ng plano na magkabalikan sila dalawa. Dahil sa tahimik ang dalaga, alam ng iilan na pailalim kung bumanat ang ex ni Marko Chi at iyon ang ikinatatakot ng iilan na may gawing masama sa aming kaibigan. Hindi namin sakop ang isip ng babaing kapatid ni Jeremy dahil kakaiba ito sa magkakapatid. Siya lamang ang may matindi kung magmahal at magtanim ng sama ng loob sa kanyang kapwa. Iyan ang pinanga-ngambahan ng iilang malapit sa aming kaibigan kay marko maging sa pamilya nila jeremy. Hindi nila alam, kung anong paliwanag ang maaring magpabago sa isip nito, maski ang mga magulang nito ay nagugulat sa mga pinag gagawa nito sa buhay. Kaya sa mga araw na 'to iisa lang ang dalangin namin lahat para sa aming mga kaibigan na maging matatag, at matibay ang samahan namin bilang magkakaibigan. Ako po si Xeres na nagsasabi ng isang magandang lalaki po, lalo na sa gabi at huwag mag-alala mga kaibigan. Kung wala pang dyowa, marami naman dyan matandang dalaga at matandang binata. Naghahanap ng dyowa, malay mo isa ka sa mga naghahanap ng dyowa baka eto na ang pagkakataon mo, grab na! Haha grab it na..... See yah!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD