Nakakalungkot isipin na ang taong akala mo ay sa'yo pa din, at mahal ka pa. Tila parang bula lamang na naglaho at ang bulang iyon ay na palitan ng mas mabangong aroma na nagmumula sa ibang tao.
Dahil sa matagal na pamamalagi ko sa ibang bayan, ang taong minahal ko ay masaya sa piling ng iba.
Hindi ko pa nakitang masayang masaya ang lalaking minahal ko, nung kami pa dalawa. Kakikitaan mo siyang napipilitan lamang dahil sa isang tao na ang akala niya ng panahon iyon, ay may mahal ng iba.
Mali pala.
Ang alam ko nuon pa iyon nalaman ko ito ng magkasama pa kami ng taong ito, dahil sa kanyang mga ikinikilos ng panahon iyon. May lihim na pag-tingin sa iba ang lalaking mahal ko. (Magulo po anoh! ganito po iyon.)
Flashback
Nang panahon iyon may mga kaibigan ako dito sa manila na masasabing malapit sa aming pamilya. Isa na dun ang aking itinuring kaibigan at kapatid sa katauhan ni Marko Chi Montreal.
Yes, siya iyong kababata na masasabi kong malapit sa aming pamilya. Kilala siya ng aking ama at ganun din ang kanyang mga magulang.
Sa madali sabi po, isang Family Friend ang Pamilya namin at ng mga Chi. Kilala ang aking ama sa business industry ng mga furniture siya ang nagdidisenyo ng mga ibat-ibang kasangkapan kagamitan sa loob ng tahanan, at isa dito ang Pamilya nila Marko Chi ang naka pansin sa mga natatanging gawa ng aking ama.
May mga dayuhan ang nagnais kuhanin ang iilang mga disenyo na ginawa ng aking ama. Para sa ganun ay lumawak ang aming negosyo hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Nais ng mga dayuhan na makipag merge sa aming negosyo at magtayo ng furniture company sa ibang bansa, upang mapalawak ang kaalaman sa negosyo ng mga furnitures.
Iyon nga po ang nangyari, ang aking ama ay sumugal sa negosyo ng aming family friend namin, kung saan ang ama ni Marko Chi ang mamahala sa nasabing negosyo, at napag tagumpayan naman itong lumago at lumawak ang aming negosyo sa panahon iyon. Sa tulong ng ama ni Marko Chi. Kahit ang aking ama ay hindi makapaniwala sa naging resulta nito.
Tila parang panaginip pa din ang nakikita naming pamilya sa pag-kakaroon ng malaking negosyo na maituturing pinaka kilalang negosyante ay aming business partner, sa buong asia sa ngayon. At sa mahabang panahon iyon. Naging magkaibigan ang aming pamilya at ang Pamilya ni Marko Chi na kilala bilang negosyante ng mga Hotel and Restaurant sa buong asia.
Sila ang pinaka main ng aming business na furniture, ibig sabihin sila ang unang source namin na makilala ang mga disenyo sa mga furniture na aming ginagawa, na ang ibang desinyo naman ay masasabing pang world class dahil ibat-ibang dayuhan ang nagnanais na makuha ang serbisyo sa pamamagitan na maibenta sa pinaka malaking market sa Estados Unidos. Kung saan marami ang nagnanais mabili ang mga furnitures na gawa mismo dito sa bansa.
Kaya laking tuwa ng aking ama na makilala pa niya ang kaisa-isang anak ng kanyang business partner sa katauhan ni Marko Chi. Minsan itong nabanggit ng kanyang business partner na may isa siyang anak na nag-aaral dito sa Pilipinas, tanging kasama nito ang ina na isang guro sa kilalang eskwelahan sa bansa.
Simula noon ay naging mas malalim pa ang naging ugnayan ng aming pamilya sa business partner ng aking ama sa itinuring kong naka katandang kapatid si Marko Chi. Sa kabila ng lahat na pagiging mas malapit ng aming pamilya, naging mas lalong nag-asam ang aking pamilya na maging isa ang aming negosyo at sa pamilya ni Marko Chi.
Noong una ay hindi pumasok sa aking isipan na iyon ang nais ng aking ama. Wala siyang binabanggit sa akin, tanging pagbibilin lamang na "kung sakali na ikay sumapit sa pagdadalaga. Nais ko sana na iyong maging kasintahan ay ang lalaking kagaya ng anak ng kumpadre ko si Marko Chi isa siyang huwarang anak sa kanyang mga magulang. Hindi siya sakit ng ulo sa kanyang mga magulang. Lahat ay ibinibigay niya ang best para ipag malaki siya ng kanyang mga magulang, kahit minsan lamang magkita ang mag-anak. Sana anak siya na lamang ang iyong gustuhin na maging kasintahan, wala na akong mahihiling pa." Eto ang mga naalala ko sa mga panahon na ako ay nasa ika-walong antas ng Royal Campus University. Batid ko noon na hindi maari kami magkatuluyang ni Marko Chi, dahilan may girlfriend ito sa katauhan ni Julienne So, at kilalang maldita at bratinella ang kasintahan ng kanyang kuya si Marko.
At sa pagkakataon iyon, may iba siya na gusto sa katauhan na kaklase ng kanyang kuya si Marko at isa itong transferee sa kanilang paaralan na Royal Campus University noon.
Sa panahon iyon, wala siyang sinayang na sandali na mapa-ibig ang binata sa kanya, alam niyang marami din ang nagkaka gusto at isa na dun ang babaing kasama ng kanyang kuya si Marko Chi. Alam niyang gusto din ito ng dalaga.
Kaya lamang ng panahon iyon, ay pinag-igihan niyang mapansin ng binata ng pumunta siya sa tahanan ng kanyang kuya si Marko Chi para magpaturo ng assignment sa Trigonometry. At isa dun ay bisita ng kuya niya sa katauhan ng kanyang crush. May mga kasama din itong naruon mga kaibigan ng aking kuya si Marko Chi, maiingay at masasabing may mga kaya sa buhay ang iilan na kaibigan nito. At sa mga sandali din iyon nakita niya sa loob ng tahanan ang magpinsan na sina Julienne at Agatha habang kasama ang iilang kaklase nito na may ginagawa sa hardin ng kanyang kuya si Marko Chi.
Sa mga sandali abala ang lahat nakita niya ang lalaking gusto niya na nakatingin sa kanyang gawi, at nauna siya na magpakilala sa lalaking gusto niya.
"Hi, ako nga pala si Adrianne Kim, you can call me rian." Habang inaabot ang kamay nito para makipag shake-hands sa binatang kaharap niya.
Pansin din sa binata na kaharap ko ay tila umiiwas na makipag-kilala sa akin. Hindi ko alam, kung anong reason niya na maging cold sa mga sandaling patungo sa amin ang aking kuya si Marko Chi. Parang may pagka isnabero ang lalaking crush na crush ko. Tila ang tangi kausap nito ang kuya ko si Marko Chi, at hanggang sa ipinakilala ako nito sa kanyang mga kaibigan at kaklase.
"Guys, I want to meet you. Adrianne Kim. And my friend also and she's sister to me." At isa-isa nagpakilala ang iilang mga kaibigan nito kasama ang aking crush na crush ko.
At alam ko na parang naki kisama lamang ang binata sa tagpong iyon, dahil kasama nito ang kanyang kuya si Marko Chi dahil kaklase at kagrupo nito sa school work project sa kanilang klase ang binata.
Hindi mo siya kakitaan na makihalubilo sa iilang kapwa kaklase niya, kundi dun lamang sa aking kuya si Marko siya nakikipag usap. Kung sa ibang mga kaklase nito parang malabo ang mangyari dahil tila mapapanis lamang ang laway mo. Kung itoy tangkain kausapin mo, tanging pagtango at iling lamang ang magiging tugon nito, at kung magsalita man ay kakarampot lamang na salita ang maririnig mo buhat sa binata na iyong kausap.
At dahil sa crush ko ang binata at kaibigan ng kababata ko si Marko Chi. Hindi ako pumayag na mawalan ng pag-asa sa binatang mailap pa sa Usa. Gumawa ako ng paraan na makikilala ito at mapansin ang natatanging gandang taglay ko.
Isang araw na mag-isa lamang kumakain ng tanghalian ang crush ko sa kantena, napag pasyahan kong kausapin ito. At tabihan sa pagkain. Kahit sabihin pang tanga ako sa paningin ng iba. Hindi ako titigil hanggat hindi niya ako napapansin. Dahil sa totoo lang ang goal ko nung panahon iyon, magkaroon ako ng boyfriend na masasabing akin at mahal ko. Basta't alam ko lamang nuon na magiging nobyo ko din si Aiden Carson. Natupad naman siya bilang aking nobyo.
At hangang sa naging kami, at ang panahon na iyon ay tila nakikisama sa akin dahil naging mas malapit kami sa isat isa. Habang ang aking kababata si Marko Chi ay hindi ko nakikita na sa mga lakad ng mga barkada. At tanging makikita ko lamang ang ilang mga kaibigan nito, lalong lalo na iyong si Agatha Morgan.
Abala kasi ako sa studies at sa nobyo ko noon, at nabalitaan ko na lilipat ng school si Aiden Carson upang kumuha ng Business Ad, sa ibang school. Alam ko lang nuon na may kakaiba sa aking nobyo na hindi ko lang alam lang, at hanggang sa hindi inaasahan balita na nagpabago sa aming relasyon ng aking ama ay na stroke at ang panahon iyon parang panaginip ang lahat na nangyayari sa akin at sa aking nobyo, parang sumasabay sa aming problema.
Hindi ko alam na magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan ang relasyon namin na humantong sa paghihiwalay namin, at hindi ko din maiaalis sa aking isipan, kung ano ang sinabi ng aking ama sa panahon na magtungo ang aking nobyo sa aming tahanan. At tanging nakita lamang nito ay ang aking ama at taga pangalaga nitong nurse. Samantala wala ako sa panahon iyon naroon ako kasama ng aking ina na mag-asikaso ng mga papeles sa aking pag-aaral sa kolehiyo patungo sa ibang bansa. Nais ng aking ama na mag-aral ako sa ibang bansa at mas hamak maganda ang klase ng mga turo at kalidad ng mga eskwelahan. Nais ng aking ama na dun ako mag-aral at para sa takdang panahon na ako ay nakapag tapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay ako ang papalit sa kanya mamahala sa aming negosyo na mga furniture. Ito kasi ang napag kasunduan namin dalawa sakali na ako ay pumayag sa kanyang hiling ay papayag siya sa aming relasyon ng aking nobyo. At kaylanman hindi siya mangingialam sa aming dalawa.
Kaya ako pumayag sa kasunduan ng aking ama, at hindi ko alam kung paano masasabi sa aking nobyo ang aking pag-aaral sa ibang bansa. Mahirap para sa akin ang malayo sa kanyang piling lalo alam kong maraming tukso ang nakapaligid sa akin at maging sa aking nobyo. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin ng umalis ako patungo sa tahanan ng aking nobyo na kausapin ito at ipaliwanag ang kasunduan ng aking ama. Ngunit hindi man lang pinakinggan ang aking paliwanag ng panahon na nagkausap kami dalawa, alam kong may mas mabigat na dahilan ang sinabi ng aking ama sa kanya. Batid kong nagbago ang pakikitungo nito ng panahon na maabutan ko siya kausap ng aking ama sa aming tahanan.
Masakit sa damdamin na ang minahal mo ay tila naging mailap sa iyo, hindi ko alam kung paano ako makaka ahon sa panaginip na aking naranasan sa pagkabigo sa lalaking mahal na mahal mo. Sa isang iglap lamang naging mas malabo pa sa burak ng kanal ang pag-ibig na minimithi mo. Kailangan masaktan ng bongga bonggaliscious para ma ipadama sa lalaking minahal mo, ngayon ewan ko kaylangan ko maibalik ang taong ito sa buhay ko, kung kina-kailangan maging mapusok ay gagawin ko muling makapiling ang lalaking minamahal.
Dahil ako ang tao na hindi kaylanman sumusuko sa laban. Ipaglalaban ko kung anong mayroon ako noon at hangang ngayong, sabihin nila na wala akong dangal wala na akong paki alam dun at sasabihin ng iba. Dahil ako ay nagmamahal lang, at isa pa hindi ako sumang-ayon sa paghihiwalay naming dalawa. Kukunin ko ang akin, ang sinuman ang humarang sa akin ay aking paalisin walang makakapigil sa aking gagawin.
Ako si Adrianne Kim na nagsasabi kung kina-kailangan maging kontrabida sa puso ng mahal ko. Gagawin ko maibalik lamang ang akin mahal. By hook or by crook.
Sa kabilang banda ang ating bida sa kwento ng Give me, My kiss ay tila nasa alapaap.
Alapaap na parang may mga angel na nagduduyan sa mga sandali nakikipag usap sa kanyang isipan ang binatang si Marko at tila masaya sa kanyang nakikinita na mangyayari sa kanila ng kanyang business partner sa katauhan ni Aiden Carson. Batid nito na malapit ang kanyang minimithi.
Matagal na kanyang pinapangarap na maging isa ang kanilang mga puso, dahil sa mga ipinapakita ng binata sa kanya. Kaya't umaasa ang ating bida na magkaroon ng magandang balita sa kanyang inaasam na relasyon para rito sa gwapong binata na kanyang pinapangarap.
At ang panahon na hinihintay nito, ay nagkaroon ng ka liwanagan sa kanya. Pagkakataon na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang bagong negosyo at bilang mag partner in real.
______
Ano kaya ang mangyayari sa pag-mamahalan ng ating bida sa kanyang minamahal? Magkaroon ba ng third wheel sa pag-mamahalan ng dalawa, o magkaroon ng world war sa mga sangkot sa pag-ibig na dalawa na tunay na nagmamahalan.
Abangan po ang susunod na mangyayari sa pag-iibigan ng dalawa ni Marko at Aiden kung magkaroon ng magandang ekonomiya ang ating bansa kapag matuloy ang pang-iisa ng dalawang tinagurian na Bachelore ng panahon ngayon.
See you guys.
god bless.