Paghinto ng sasakyan sa harap ng bahay nila Papa ay agad bumaba ang asawa ko para pagbuksan kami at alalayan. Saka binuhat ang anak namin, nilagay niya ang kamay nya sa balikat ko saka kami naglakad. Pagpapasok ay nakasalubong namin si Nanay Lucing, ang nag alaga sakin noon. Si Nanay Lucing na palaging nakaalalay sakin noon. Kapag may ginagawang hindi maganda si ate sakin, sya ang nag alaga sakin kahit minsan pati siya ay napapagsalitaan at muntik pa mapalayas dahil inawat niya si Tita nang walang awa akong pinasasampal at sinabunutan noon. Siya din ang naging hingahan ko ng sama ng loob at siya din ang naging ina-inahan ko noon. "Y-Yesha anak! ikaw ba yan?" sabay yakap sakin. Napabitaw ang pagkakaakbay ng asawa ko. Nakita kong lumayo ng konti si Blake sakin habang nakamasid samin ni N

