Episode 1: "The Mask Ladies"
Naghahanda na ko para pumasok sa
eskwelahan. Pagkatapos ay bumaba nako. Nasa hapag kainan na sila Papa,
Kuya Ryan(my half brother)at Ate Raine(my half sister). Sinalubong agad ako ng masamang tingin ng aking madrasta at ng aking half sister.
"Hay naku! Paimportante sampid lang naman." nakangising sabi ng stepsisterko.
"Raine!" sigaw ni Papa
"Totoo naman sinabi ng anak mo.
Pinagtatanggol mo na maman ang bastardo mong anak." sabi ng aking madrasta.
Napayuko na lang ako. at pinigil ang
napipinto kong pag luha. Naramdaman kong humawak sa balikat ko si kuya at tinapik tapik ako kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya na nagpagaan ng loob ko. Si kuya at si Papa, mahal nila ako. Sila lagi ang nagtatanggol sakin
dahil palaging galit si Ate at si Tita
Rea. Ngunit madalas wala si Papa at kuya pag wala sila katulong ako sa bahay, dahil anak lang naman daw ako ng katulong. Hindi ako masyadong nakakain dahil sa nangyari kanina. Sinabay ako ni kuya sa sasakyan nya
papuntang school. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng school namin bumaba ako at nagpaalam kay kuya.
"Yesha!" sigaw ng kaibigan kong si Eliza.
kasunod nya ang dalawa kong pang
kaibigan sina Pearl at Marisha.
"Kamusta ang evil witch mong
madrasta at half sister." bungad ni Marisha.
"Huwag na natin pag usapan yan." sagot ko nalang.
"Hay naku! Ano nanaman ang ginawa sayo ng mga bruha?" sabi ni Pearl.
"Ok lang ako, nandoon naman si Papa
para ipagtanggol ako, ganon din si kuya." sagot ko.
"Eh pano kapag wala sila?" tanong naman ni Eliza.
"Kaya ko namang pagtiisan yung mga ginagawa nila." sagot ko
"Ikaw talaga napakabait mo, kahit sinasaktan kana at pinasasalitaan ng masasakit ok parin sayo." Sagot naman ni Marisha.
Sila ang mga kaibigan ko. Hingahan ng sama ng loob. Hindi na bago sa kanila ang ginagawa ng madrasta ko at ng kapatid ko. Si Marisha maganda, sexy at palaban. Magaling mag drums si Eliza. Maganda, palangiti matalino. Si Pearl naman ay magaling mapiano, maganda, sexy at magaling mag gitara. Tama kayo guys, may banda kami pero sekreto lang namin. Nagpeperform kami sa isang bar
at dahil sikretoto namin yon. Naka mask kami kapag nag peperform. Ako ang vocalist at guitarist ng grupo namin sikat kami sa bar na yon. Ang pangalan ng band namin ay
"The Mask Ladies"