Episode 2: "Goal"

383 Words
Raine's "Point Of View" Imbyerna talaga yang anak sa labas na yan ni Daddy. Palagi na lang pinagtatanggol ni Daddy at kahit anong effort ko, sya pa rin ang mas paborito. Kahit si Kuya mas mahal siya kesa sakin. Mabuti na lang nandyan si Mama. Binibigay ang lahat ng gusto ko at magkakampi kami sa bwisit na Yesha na yon. Mas matanda ako ng three years sa kanya. 21years old nako. Si kuya naman 23 na samantalang ang sampid na yun ay 18 pa lang . Mainit talaga ulo namin ni Mama kay Yesha dahil inaagaw nya ang pagmamahal ni Daddy samin. Kaya ginagawa naming miserable ni Mama ang buhay nya. Katulad ngayon nakita ko siyang papasok ng bahay. "Bakit ang tagal mong umuwi?" tanong ko. "Gumawa pa kasi kami ng project sa school Ate." sagot ng bastarda "Ang sabihin mo kasama mo na naman ang mga kaibigan mong mga walang kweta! Linisin mo ung kwarto ko nang may pakinabang ka." bulalas ko Lumapit ako sa kanya at hinila ang buhok nya. "Bilisan mo kumilos! Ang kupad!" sigaw ko sa kanya "Magbibihis lang ako saglit Ate!" usal nya Pag alis nya tinawagan ko ang kaibigan ko. "Hello? Trixy! lets go na. Call Abby. Magkita na lang tayo, text ko na lang kung saang lugar para makita ang lalaking gustong gusto ko." Saka ko ibinaba ang tawag. Si Lian Blake Scoth. Isang matagumpay na negosyante, simpatiko at ubod ng gwapo at suplado. Palagi ko itong sinusundan mula ng makita ko sa isang restaurant. Sa madaling salita, stalker ni Blake. Nagkakilala na kami ng minsang sinundan ko sya sa isang bar. Lumapit ako sa kanya at nagpakilala. "Hi! Can I join you?" tumingin sya sakin. "I'm Raine!" sabay lahad ng kamay ko. Tiningnan nya ang kamay kong nakalahad, tumalkod at pinag patuloy ang pag inom. Napahiya ako, aalisin ko na sana ang kamay ko ngunit inabot ito ng kanyang kaibigan. "Hi I'm Brix!" sabay kindat sakin ng kanyang kaibigan. "Ako naman si Chris, Miss beautiful Raine." ngumiti ako "Pwede bang maki-join pati mga friends ko?" saad ko. "Sure." sabi ni Chris. Kaya tinawag ko ang mga kaibigan kong sina Trixy at Abby. Sumulyap ako sa gawi ni Blake. Tahimik lang ito habang umiinom. Mapapasaakin karin by hook or by crook, sabi ko sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD