Episode 3: "Woman hater"

1543 Words
Blake's P.O.V Nasa office ako nag checheck ng mga papeles. Sumilip ako sa relos ko, quarter to five. Sumandal ako sa upuan ko at pumikit habang hinihilot ang sentido ko upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Biglang pumasok ang mga kaibigan ko na sina Brix at Chris. "Blake! Come on let's go out!" sabi ni Brix Napaisip ako, makikita ko na naman yung babaeng kahit saan ako magpunta ay naroon din. Sa totoo lang naiirita ako sa mga babaeng lantaran kung magpakita ng pagkagusto sa mga lalaki. Sanay naman ako na nilalapitan ng mga babae. Sa daming gustong lumapit sakin di ko na masabi kung ilan sila. Hindi ko sila kailangan. Ayaw ko ng karelasyon. Wala akong panahon sa kanila, pare-pareho lang silang mga babae mga manloloko. "Pare doon tayo sa isang bar sa Makati." sabi ni Chris "Bakit?" sabay naming sagot ni Brix. "Meron daw bandang kumakanta, mga babaeng magaganda at sexy pero mga naka mask daw ito." Pumapalatak nyang sabi Brix' P.O.V Pagdating namin umupo kami at umorder ng inumin, Nasa VIP table kami para hintayin ang sinasabi nilang sikat dito sa bar, ang bandang "The Mask Ladies". Maya maya dumating ang stalker ni Blake. Kung nasaan kasi kami ay palaging nandoon din ang babaeng ito. Buhat ng minsa'y makilala namin sya ay palagi na lang syang naroon kahit nasaan kami. Di naman sya pinapansin ni Blake dahil woman hater ang kaibigan namin na ito . Hindi naman namin masisi si Blake buhat ng lokohin siya ng kanyang long time girlfriend for almost five years. Bigla na lang umalis papuntang ibang bansa. Hindi na ito sumubok makipagrelasyon ulit at naging woman hater na ito. Feeling nya lahat ng mga babae pare-pareho, sabi nga nya mga manloloko. FLASHBACK Sikat kami sa school. Sa tuwing dumarating kami maraming mga babae napapatulala. Lahat sila gustong makakuha ng atensyon namin, lalong lalo na kay Blake. Gwapo naman kami pero tanggap namin ni Chris na mas magandang lalaki si Blake dahil kung maraming nagkakandarapa samin ni Chris para makuha ang atensyon namin ay doble ang kay Blake. Pero wala silang pag asa dahil sobrang inlove ito sa kanyang long time girlfiend na si Leila. Habang naglalakad kami papuntang room namin, di naman mapakali si Blake. Hinahanap ng mata nya ang kanyang girlfriend. "Blake halika na." aya ni Chris Tumingin sya at nagpatuloy na kaming maglakad. Habang naglalakad kami ay maraming mga babae ang bumabati sa amin "Hi Brix!" "Hi Chris!" "Hi Blake!" Di magkamayaw na bati samin ng mga babae bawat madaanan naminat kapag nangiti kami ni Chris ay parang mga bulating inasinan. Pero ang kasama namin deadma lang. Busy sya sa pagbusisi sa kanyang cellphone. Tinitingnan kung nagtext na ang girlfriend nya. Nagkandahaba din ang leeg nya para tingnan kung dumating na ang kanyang girlfriend na sa kasamaang palad ay ilang araw ng di pumapasok. Saksi kami ni Chris kung gaano kamahal ni Blake ang girlfriend nya. Kahit wala ng matira sa kanya basta para sa girlfriend nya ibibigay nya ang lahat. Ganyan nya kamahal si Leila. Pero mukhang nag iba na si Leila at parang may iba kaming pakiramdan ni Chris. Sa tingin namin ay niloloko nya lang si Blake dahil minsan nakita namin siya ni Chris na may kausap na lalaki at halos magyakapan na sila nito. Ngunit ayaw naman namin syangpangunahan. Hahayaan na muna namin na maramdaman ni Blake ang mga pagbabago ng girlfiend nya. Pero walang lihim na di nabubunyag. Nasa canteen kami ng shool pagkatapos namin kumain dumaan muna kami ng cr. Paglabas namin may nakita kami sa isang sulok na isang babae at lalake na nag uusap. Medyo pamilyar ang boses kaya napatingin ako kay Blake alam kong makikilala nya ang boses na yon ni Leila. "Makipagbreak kana sa kanya kung ayaw mong ako ang magsabi sa mayabang na lalaking yon." narinig naming usapan nila. Napasulyap sa amin ang dalawang nag uusap. Pagkagulat ang makikita sa mukha ng babaeng kausap ng lalaki "B-Blake!" kandautal nyang banggit kay Blake. Tumingin ako kay Blake, makikita sa mukha nya ang galit at pagkagulat. Nakakuyom din ang kanyang kamao. Lumapit siya sa lalaking kausap ni Leila at sinuntok ito na dahilan nang pagkatumba ng lalaki na dinaluhan naman ni Leila "Ok ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Leila sa lalaki. Sabay tumingin si Leila kay Blake na sinubukang hawakan ang kamay nya at kaladkarin paalis. "Blake! ano ba nasasaktan ako." na syang nagpagpahinto ng lakad nila "Ano ang ibig sabihin ng nakita ko Leila, ano yun ha!?" galit na sabi ni Blake Hindi agad nakasagot si Leila. Bigla na lang itong umiyak "Sorry. Sorry Blake!" umiiyak na sabi ni Leila Sinuntok ni Blake ang pader na halos ikadugo ng kamao nya. "Yan lang ba ha! Yan lang ba ang sasabihin mo sakin sa nakita ko. Put*ng ina. Leila! may kulang ba!? may nagawa ba ko na di mo gusto!? ang tagal mo hindi nagpakita tapos ganito!?" galit na sambit ni Blake "I'm so sorry." malungkot na sagot ni Leila. Walang nakuhang matinong sagot kay Leila si Blake kaya tumalikod na ito at mabilis na nag lakad palabas ng school. END OF FLASHBACK BLAKE'S P.O.V Nandito kami ngayon sa bar kung saan nagyaya tong dalawa kong kaibigan. Hay nako! naghahanap nanaman ng maiiskoran. May biglang lumapit saamin. Ang palaging nasulpot kahit saan ako mag punta. Ano nga bang pangalan nito? Hay nako! di ko maalala dahil di naman ako interesado. "Hi! pwede maki join?" tanong niya "Sure!" sagot naman ni Brix. Tinawag din ang dalawa nyang kaibigan para maki join saamin. Hindi ako kumibo, pinagpatuloy ko na lang ang pag inom. May biglang nagsalita sa harap ng stage. "Goodevening everyone! Narito na ang hinihintay ninyong "The Mask Ladies!" masiglang bungad ng host ng bar. Umingay sa loob ng bar at lumabas ang apat na babae na pawang mga naka mask. Napatingin ako kung saan nakatayo ang tinatawag nilang The Mask Ladies. "Goodevening guys! I'm Lady Artemis." sabi ng nasa drums "I'm Lady Athena." saad ng nasa piano "Ako naman si Lady Hera." sabi "And I'm Lady Aphrodite. Sana mag enjoy kayo sa gabing ito." Nagsimula silang tumugtog. Umingay ang mga tao na parang uminom ng energy drink. May sumisigaw pa ng "I love you The mask Lady Phrodite akin ka na lang, papakasalan kita" YESHA'S P.O.V Nandito kami sa bar kung saan kami palaging napeperform. Nasa dressing room kami nag ayos at naglagay ng mask. Dahil di kami pwede magpakila. Baka lalo akong mapahamak sa aking madrasta at kapatid na si Ate Raine dahil malilintikan ako sa dalawang yon kapag nalaman nila may ganito kaming banda. Baka lalo akong mag pag initan kaya kami naka mask at may kanya kanya kaming screen name para maitago ang tunay naming katauhan O diba lakas maka Goddess. Ako si Lady Aphrodite. Si Eliza naman ay si Lady Athena. Si Marisha ay si Lady Hera. Samantalang si Pearl ay si Lady Artemis. Tinawag na kami at magsisimula na daw. Narinig namin na umingay sa loob kaya pumunta na kami ng stage. Isa- isa kaming nagpakilala. Napatingin ako sa may V.I.P. table. Bigla akong atulala at kinabahan dahil nakita kong nadoon si Ate. Napatingin ang mga kaibigan ko sakin. Lumingon kung saan ako nakatingin, nagulat din sila. Lumapit sakin si Pearl. "Relax di tayo makikila nyan. Remember naka mask tayo." bulong nya. Kahit ganon, di ko parin maiwasang kabahan. Saglit akong huminga ng malamimn saka kinuha ang mic at nagsimulang magsalita. "Hello guys! Sana mag enjoy kayo sa gabing ito." At nagsimula kaming magperform. Nagkaroon ng sigla ang loob ng bar sinabayan kami sa pagkanta. May sumigaw pa ng "I love The mask Ladies" BLAKE'S P.O.V Habang nakatingin ako sa stage. Napatingin ang isang miyembro ng banda sa amin. Napansing kong parang bigla s'yang nagulat, natulala at natigilam habang nakatingin sa pwesto namin. Nakatakip man ang kanyang mukha dahil naka maskara siya, alam kong iba ang kinilos nya. Ngunit agad naman siyang nilapitan ng isa sa kasamahan nya. Nakita kong huminga ito ng malalim at nag salita. Nakatitig ako sa kanilang singer nakikita kong kahit ito'y naka maskara pakiramdam ko sa likod ng maskara mukhang may maamo itong mukha at nasisilip ang maganda nitong mga mata. YESHA'S P.O.V. Habang nagpeperform kami tumingin ako kay Ate. Napansin ko ang katabi ni Ate tahimik at mukang suplado at sa tingin ko kahit medyo malayo ang pwesto nila at medyo madilim, alam kong gwapo ito. Tumingin ulit ako kay Ate, kontodo ngiti ni Ate at mukhang nagpapansin ngunit deadma pang ang lalaki. Napansin kong nakatinginsya samin o mas tamang sabihin nakatingin sa akin. Nang matapos kami, bumaba na kami ng stage. Kailangan ko na magmadali para umuwi at baaka mabutan pa ako ni Ate at ni Tita. Siguradong lagot ako pag uwi ko sa bahay. Para akong kunehong naglalakad upang di makagawa ng ingay. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa kwarto ko. RAINE'S P.O.V. Parang iba ang pakiramdam ko sa babaeng kumanta parang hindi ko matukoy pero pamilyar ang boses nya. Narinig ko na somewhere, di ko lang matandaan. Iniisip ko kung kilala ko ba ito o ano. Hay! tama na nga magfocus na lang ako dito sa aking labidab na si Blake. Nakakainis naman kasi sobrang manhid, kahit anong gawin kong pagbibigay ng motibo walang epekto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD