YESHA'S POV
Nasa canteen kami ng school ngayon ng mga kaibigan ko, nakita naming pumasok sila Ate kasama ang mga kaibigan niya. Bumulong ang kaibigan ni Ate sa kanya at ngumuso sa may gawi
namin kaya napalingon si Ate sa akin at naglakad papunta sa amin.
"Bakit nandito ka bastarda? doon ka
dapat sa labas sa mga naka kariton. Oh, ano nga ba ang tawag doon? let me
think. Ah! it's turo turo, right friend?" isulto nya
"Right! Hahaha." magkasabay na sagot ng dalawa nyang kaibigan at tila tuwang pa
"Aba't mga-" biglang patayong sabi ni Pearl
Hindi natuloy ang sasabihin nya. Hinawakan ko ang braso nya, tumingin siya sa akin. Umiling ako at nakiusap sa mata na hayaan na lang sila para wala ng g**o. Ayokong madamay ang mga kaibigan ko. Alam kong kaya nila akong ipagtanggol pero ayoko na silang idamay pa at isa pa di na naman bago sakin ito, palagi naman ginagawa ni Ate to sa akin.
FLASHBACK
Minsan nang hindi napigilan ng kaibigan ko kaya ayun nakipag away talaga sila kila Ate para ipagtanggol ako ang nakapasa pasa si Ate. Resulta? 1 week kaming naglinis ng library dahil sinabi ni Ate na kami ang nagsimula at pinakita ang mga pasa nya kaya naniwala ang mga head ng scool dahil talagang bugbog sila sa mga kaibigan ko pero ng malaman ni Tita Rhea ang nangyari dahil nagsumbong si Ate. Pagdating ay pinagsabunutan ako ni Tita Rhea. Naki tulong pa si Ate.
"Sa susunod na kantiin mo pa ang
anak ko palayasin na kita sa bahay
na ito! Naiintindihan mo!?" banta ni Tita Rhea habang dinuduro ako sa sentido.
"Opo." sagot ko nalang
Nakatayo si ate habang magkasiklop
ang mga braso nya.
"Buti nga sayo! Sampid!" sigaw ni ate
at sabay silang lumabas ng kwarto ko.
PEARL'S POV
Pinigilan ako ni Yesha sa akma kong
pagsubok sa maldita nyang half sister. Alam kong mapapahamak siya kapag
pinatulan ko ang evil witch nyang
kapatid. Nakakagigil na kasi ang ginagawa nila kay Yesha.
RAINE'S POV
"Oh ano? Gusto nyo na naman maglinis?
Or baka gusto nyong masuspend?
Remember sabi ng head ng school na sa
oras na maulit yung nangyari noon, masususpend na kayo, halika na nga mga friend." sambit ko
"Bye".
MARISHA'S POV
Nakakagigil talaga ang evil witch na Raine na yon. Kung di lang ako naaawa kay Yesha, kakalbuhin ko talaga yon kasama ang mga pangit nyang mga kaibigan. Akala mo mga clown sa kapal ng mga makeup.
ELIZA'S POV
Bago pa makaalis ang bruhang kapatid
ni Yesha, sumagot ako at nagsabing..
"Hindi kami takot masuspend at kapag di kami nakapag pigil baka kailanganin nyo ang tulong ni Vicky Belo para sa mga mukha nyong mukhang clown sa kapal ng makeup nyo! Hahaha." sambit ko habangdi napigilan ang tumawa.
"Whatever!" "b***h!" sagot naman ng bruha.
"Yeah right! Kaya umalis na kayo bago ko kayo sagpangin! RAWWWWWR!" Sabi ko habang tinaas ko ang kamay ko at pinormang parang leon.
Sabay patakbo silang umalis. Sabay sabay kaming natawa hahaha. Halos maihi kami sa reaksyon ng mga bruha.
"Takot naman pala eh!" sambit ni
Eliza.
DANIEL'S POV (Father of Yesha)
Nandito ako sa restaurant para makipagkita sa bago kong investor na si Mr. Scoth para sa itatayo kong bagong negosyo. May lumapit sa mesa kung saan ako nakaupo. Nagkagulatan kami
dahil siya lang naman ang long lost best friend ko na si Carlo Lian Scoth (Father of Blake)
"Carlo!" "Daniel!" "Tol!" sabay naming bigkas ng aming mga pangalan
Di ako makapaniwala na magkaharap
kami ngayon. We are the best of friends,
best buddy. Sabi nga daig pa namin ang
magkapatid na parang isang pusod lang ang nagdudugtong samin. Kahit di naman kami magkapatid, di kami mapaghiwalay lalo na kapag kami'y magkasama. Lahat na yata ng kalokahan nagawa namin noong college days namin. Nagkamayan kami at nagyakapan at nagkamustahan. Umupo kami at nagsimulang nagkwentuhan. Sa haba at sa tagal namin hindi nagkita hindi yata sapat ang isang araw naming kamustahan. Nalaman ko na may anak siyang lalaki at ako naman ay dalawang anak na babae at isang lalaki. Naalala
namin na may sinumpaan kaming dalawa na kung magkakaanak kami ay ipapakasal namin ang mga magiging anak namin sa isa't isa nang sa ganon
di lang kami magkaibigan, magiging
magbalae pa kami. Bago kami maghiwalay nagkasundo kaming ipaalam na sa aming pamilya ang aming napagdesisyonan. Ang ipakasal ang aming mga anak. Nagpasya akong si Raine ang ipakasal sa anak ng best friend ko tutal siya naman ang mas matanda. 21 na siya samantalang ang bunso ko ay 18 pa lang.
Pag uwi ko sa bahay pagkatapos maghapunan pinatawag ko sila upang kausapin. Sabihin ang napagkasunduan namin ng aking kaibigan. Nandito na kami sa sala.
"What's the problem Papa? Bakit
mo kami pinatawag? May problema
ba sa company?" sambit ng aking panganay.
"No no no! walang problema! the company is doing good." sabi ko
"Oh! that's good to hear. So why did you call us Dad? tanong naman ng aking pangalawang anak
"Ok! Nais kong ipaalam sa inyo na
na nagkita kami ng akong long lost
bestfriend."
"And so?" sambit naman ng anak
kong si Raine.
"Pwede ba tumahimik muna kayo
at makinig?" sagot ko
Nagsimula akong maglahad ng tungkol sa aking kaibigan at sa aming matagal
nang napag kasunduan noong kami ay mga bata pa. Ito ay kapag nagkaanak kami ay ipapakasal namin ang mga ito.
At ikaw Raine ang napagpasyahan kong ipapakasal sa anak ng kaibigan ko.
RAINE'S POV (Yesha's half sister))
"WHAT!? Dad no ! MOM!" paghingi ko ng saklolo kay mommy at tumingin ako kay Mommy. Pinalungkot ko ang aking mata at parang nagsasabing ayoko. Over my dead body.
RHEA'S POV (Step mother of Yesha)
Tumingin ako sa anak ko. Humingi
siya ng tulong na wag akong pumayag
sa pamamagitan ng kanyang
mga mata. Kaya nagpasya kong
kontrahin ang asawa ko.
"Bakit mo naman ipapakasal ang anak mo eh hindi pa nga niya nakilala ang sinabi mong anak ng kaibigan mo.
Hindi ako papayag dahil meron na siyang nagugustuhan. Bakit di yang bastarda mong anak ang ipakasal mo? Para makaroon naman ng pakinabang yan!" tutol ko.
"Pero masyado pang bata si Yesha!" sambit ng aking asawa.
"She's already 18 kaya pwede na syang ipakasal." sagot ko.
Yumuko ang asawa ko at huminga ng malalim. Sumusukong tumingin siya sa bastarda niyang anak at sinabing..
"Yesha?" mahinang sambit niya na parang nang hihingi ng pahintulot
YESHA'S POV
Nakayuko ako at nakikinig sa usapan nila Papa. Hindi pumayag si Ate na magpakasal dahil meron siyang nagustuhan. Minsan narinig ko sila ni tita na nag uusap, meron daw siyang
sinusundan. Sobrang gwapo at malapit na nga daw na magkagusto sa kanya dahil gagawin nya daw ang lahat upang maakit ito. Kaya malabong mapapayag si Ate sa gusto ni Papa na ipakasal sa anak ng kaibigan nya. Kaya ako ang gusto ni ate na ipalit sa kanya. No choice si Papa kahit ayaw niya dahil nga 18 pa lang ako. Kinausap ako ni Papa sa
kwarto.
"Anak pasensya kana kung ikaw ang ipapakasal ko sa anak ng kaibigan ko.
Huwag kang mag alala kakausapin
ko ang kaibigan ko na kahit kasal
kana ay kailangan mag aral ka pa
rin." Madamdaming saad ni Papa.
Ngumiti ako kay Papa upang mapanatag siya.
"Salamat anak!" saad niya.
Niyakap ako at hinalikan sa noo at nagsabing magpahinga ka na bago siya lumabas ng pinto.
"I love you Papa." sabi ko
"I love you too anak." sagot nya
Sa school hinihintay ko sila Pearl, Eliza, at Marisha sa gatepara sabay sabay na kaming magpunta sa room namin. Habang hinihintay ko ang mga kaibigan ko nakita ko si Ate Raine, papasok na din. Tumingin siya sa akin at lumapit sabay sabing..
"Kawawa ka naman, ipapakasal ka sa hindi mo kilala o ni dulo ng daliri di mo pa nakikita. hahaha." natatawa niyang usal.
Tinapik ako sa balikat at painsultong nagsabi ng "good luck" Napahinga na lang ako ng malalim. Maya maya pa ay dumating na ang mga kaibigan ko.
"Oh anong nangyari sayo? bakit parang
ang lalim ng buntong hininga mo? may hindi nanaman magandang nangyari sa bahay ninyo? may ginawa na naman ba sayo ang evil witch mong half sister at ang kanyang Ina? care to share?" tanong ni Marisha
"Mamaya na lang, mahuhuli na tayo sa klase natin." sagot ko
Pagkatapos ng huling klase namin,
nagligpit na ko ng gamit ko lumapit
si Eliza.
"Let's go friend! daan muna
tayo dyan sa restaurant sa malapit.
Treat ko! Nang maishare mo samin kung bakit ang lalim ng buntong hininga mo kanina at di ka makaconcentrate sa klase na para kang lutang." sambit nya
Huminga muna ako ng malalim
bago nagsalita.
"Ikalasal nako."
" What!? Again!?" sabay sabay nilang sagot na parang di nila ko narinig. Alam kong narinig nila ang sinabi ko, nagulat lang siguro sila.
"Sabi ko ikakasal nako."
"Whooo! Kailan? Paano? Kanino?" sunod
sunod nilang tanong.
"Isa isang tanong lang. First, ikakasal ako sa anak ng kaibigan ni Papa."
"Bakit sayo? Eh bata ka pa ah! bakit di na lang doon sa evil witch mong half sister aber!?" sabi ni Pearl.
"Ayaw ni ate dahil meron siyang gustong lalaki na hinahabol habol niya. Narinig kong nag uusap sila ni Tita kaya di siya
pumayag." sagot ko.
"Malandi talaga yung evil witch na yun. Kaya ikaw ang ipapakasal ganon?" sabi ni Marisha.
"Oo." sagot ko naman.
"Paano ang pag aaral mo kung magpapakasal kana?" tanong ulit ni Marisha.
"Pwede pa naman daw ako pumasok sa school at magtatapos pa ako ng pag aaral sabi ni Papa. Kaya no worries.
"Ok mamaya may gig tayo, dating gawi. Magkita kita tayo kila Marisha para sabay sabay na tayo magpunta sa gig natin. Mag ingat ka Yesha para dika mahuli sa inyo." sabi ni Eliza
"Oo salamat." sabi ko.