Episode 5: "KASAL"

1356 Words
YESHA'S POV. Nasa kwarto ako nakasilip kung nakapasok na ba sila Papa sa kwarto nila para makapunta ako sa gig namin sumilip ako sa kwarto ni Ate, bukas pa ang ilaw. Sigurado gising pa siya. Nakita ko namatay na ang ilaw sa kwarto nila Papa ibig sabihin tulog na sila, ganon din ang kwarto ni kuya patay na din ang ilaw. Sinisilip ko ang kwarto ni Ate, pinatay na ang ilaw senyales na tulog na din siya pero nagulat ako ng biglang lumabas si ate nakabihis at nagmamadaling umalis. Siguro pupuntahan na naman niya yung lalaking hinahabol habol niya. Hinintay ko lang siya makalabas bago ako sumunod sa kanya .Nagring ang cp ko may tumatawag. " Nandiyan kapa ba? Nandito ako sa harap ng bahay ninyo, sinundo na kita para sabay na tayo papunta kila Marisha." sabi ni Eliza sa cp ng sinagot ko ito. "Oo.Nandto pa ako, sandali lang lalabas nako. Paglabas ko nakita ko ang sasakyan sa may malayo konti sa bahay namin kaya naglakad nako papunta sa sasakyan ni Eliza. "Halika na sumakay ka na hinihintay na nila tayo. Nandoon na si Pearl." bungad sa akin ni Eliza. Pagdating namin sa lugar kung saan ang gig namin deretso agad kami sa dressing room syempre para magsuot ng mask. Hinintay namin ang oras para tawagin kami para pumasok sa loob. Pagtuntong namin nakita ko si Ate. Dito pala siya pumunta. Katabi niya yung lalaki noong nakaraan na di naman siya pinapansin at di man lang yata nasulyap sa kanya. Ito yata yung sinasabi niya na gusto niya dahil parang kinakausap niya pero hindi naman siya pinapansin at patuloy lang sa pag-inom yung lalaki. Sa bagay sa tingin ko gwapo yung lalaki kahit medyo malayo kami sa pwesto nila at medyo at madilim ngunit makikita mo pa rin ang kagawapuhan ng lalaki. Ano ba yan! bakit ba nakafocus ako sa lalaki na yun. Napasin kong nakatin sa akin yung lalaki. Nakita ko ring tumingin si Ate sakin. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng lalaki. Napasimangot si Ate, nayamot siguro dahil may tinitingnan yung lalaki pero siya di man lang masulyapan. RAINE'S POV. Nandito kami at syempre katabi ko ang man of my dreams. Nakakainis na nga lang hindi pa rin ako pinapansin. Sinundan ko ng mata kokung saan nakatutok ang tingin niya. Napasimangot ako, di ko alam kung bakit ang suplado ng lalaking ito. Di ko alam kung paano ba ako nito mapapansin. Lahat na ginawa ko kahit magmukha pa kong desperada basta mapalapit lang sa kanya o maging jowa ko lang siya. Hindi ako susuko hangga't di nangyayari yun. Ang maging kami. Wala sa sariling napangiti ako dahil sa aking naisip. YESHA'S P.O.V Nandito ako ngayon sa isang restaurant at kakababa ko lang ng sasakyan. Pumasok agad ako sa loob, luminga linga ako habang hinanap ng paningin ko si Papa dahil sya ang nagpapunta sa akin dito. Nakita ko si Papa sa isang mesa nakaupo habang may kausap na lalaking kasing edad niya. Napasulyap sa akin Papa at sinenyasan akong lumapit sa kanila. Humalik ako sa piangi ni Papa. Ipinakilala niya sakin ang kaibigan niya na si Mr. Carlo Lian Scoth. "Hello po Mr. Scoth." bati ko. "Hello iha. Tito na lang tutal magiging manugang na kita." bati nya. "Napaka ganda naman pala ng anak mo tol!" baling nya kay Papa. "Syempre tol! gwapo yung ama." nakangiting sabi ni Papa. "Alam ko tol! kaya nga habulin tayo noong kabataan natin eh. Ikaw nga walang pinapalampas eh." asar ni Tito Carlo. "Ako lang ba tol? hahaha." bawi ni Papa. Napatingin na lang sa kulitan ng dalawang taong kasama ko. Napahinto sila ng may lumapit samin. Napatingin din ako at nagulat dahil ito yung lalaking gustong gusto ni Ate. Bagamat nakita ko na ito sa malayo, ngayon masasabi ko na talagang mababaliw si Ate sa lalaking ito dahil sa malapitan ay makikita ang taglay nitong kagwapuhan napakaamo ng mukha nito at may mga matang kulay asul, mahaba ang mga pilik mata, matangos ang ilong at mamula mula ang mga labi. Napayuko ako ng mapansin kong natingin siya sa akin at nakataas ang kilay na parang nanunuri ang mga kanyang mga mata. "Oh anak nandiyan ka na pala! Tol sya nga pala yung anak ko. Umupo kana anak." sunod sunod na sabi ni Mr. Scoth, ay tito nga pala. "Sya ang anak ko si Blake Lian Scoth." pakilala ni Tito Carlo sa anak nya. "Siya naman ang best friend ko si Tito Daniel at siya naman si Yesha Lagdameo, anak nya. Siya yung sinasabi ko sayo anak." Pakilala naman nya sa amin. Tumingin si Blake kay Papa at nakipag kamay. "Magandang araw Sir." bati ni Blake "Tito na lang iho." sagot ni Papa "Umupo na tayo tutal nandito na ang anak ko at alam na rin naman niya ang tungkol sa kasal kaya pag usapan na natin ito." panimula ni Tito Carlo "Napagkasunduan na civil wedding na lang ang magiging kasal dahil yun ang gusto ni Blake. Ayaw daw niya ng maraming preparations. Masyadong abala daw ito para sa kanya dahil busy siya sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Tatlong taon lang ang dapat itagal nang kasal at pagkatapos ay pwede magdivorce na kayo kung gugustuhin nyo. BLAKE'S POV (FLASHBACK) Nasa office ako habang busy sa pagpirma ng mga papeles nang bumukas ang pinto. Pumasok ang aking ama. Tumingin ako at nagtanong. "Dad! what brought you here?" tanong ko "I have something to tell you son." sagot nya. "What is it all about Dad?" dagdag ko. "Do you remember my long lost bestfriend that I mentioned you before?" pagpapatuloy ni Dad. "Yeah! Why Dad? Do you have a problem with your best friend?" tanong ko ulit. "Wala naman anak. Alam mo naman siguro na matagal kaming hindi nagkita ng bestfriend ko dahil sinama ako ng Lolo mo sa US para doon manirahan diba?" dagdag pa nya. "Yes Dad, Why?" sagot ko. "Dahil doon nag kahiwalay kami, pero nung mga panahon na yon at nangako kami sa isat-isa na pagdating ng araw ipapakasal namin ang aming mga anak. At nais namin tuparin yon para hindi lang kami mag bestfriend kundi magiging mag balae pa kami. Dahil ikaw lang naman ang kaisa-isa kong anak- "Dad. I'll think about it ok?" sabat ko bago pa madugtungan ang sasabihin ni Dad "Ok, just tell me when you're ready. Alam kong wala kang girlfriend ngayon dahil wala ka namang ipinakikilala sa amin at sa tingin ko hindi kapa nakaka move on sa dati mong girlfriend kaya pag isipan mong mabuti anak." pagpapatuloy ni Dad "Ok po Dad." Paglabas ni Dad ng office, napaisip ako. Gusto kong magkaroon ng agreement kung hanggang kailan lang itatagal ng kasal namin dahil ayoko naman matali sa kasal na yon. Pagbibigyan ko lang si Dad at para matigil na rin yung babaeng sunod ng sunod sakin dahil naiirita nako don sa babaeng yun. YESHA'S POV ( FASTFORWARD ) Nandito kami sa office ng Mayor para sa kasal. Konti lang kami. Si Papa, si Tito Daniel at present din yung tatlo kong friends at syempre si Blake. Tulala lang ako hanggang sabihin ni mayor na kiss the bride doon lang nag sink sakin na kasal na pala ako. Yumuko at nilapit ang bibig ni Blake sa akin at bumulong. "wag mong isipin na magpapaka asawa ako sayo." bulong nya. Kung titingnan kami, aakalain nilang hinalikan niya ako. Tumingin ako sa kanya. Pekeng ngumiti siya sa amin pagkatapos ng kasal kumain lang kami sa restaurant at nagsipag uwian na. Dito kami tumuloy sa bahay na niregalo samin ni Papa sa kasal. Niregaluhan din kami ng Daddy ni Blake ng ticket trip to Hongkong para daw sa honeymoon namin. Pero ayaw ni Blake tutal wala naman daw honeymoon na magaganap kaya sayang lang daw ang pagpunta namin. Gusto ko sanang pumunta don dahil gusto kong pumunta ng hongkong disney land eh. Hay sayang. Tatlo ang kwarto ng bahay. Magkahiwalay kami ng kwarto na ipinapasalamat ko kahit paano. Nakahinga ako ng maluwag dahil magkahiwalay kami ng kwarto at isa pa 3 years lang naman ang itatagal nang kasal namin dahil yun ang kondisyon niya kaya siya pumayag sa aming mga Ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD