Episode 6: "House Set Up"

1685 Words
YESHA'S POV Maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Marunong naman ako ng gawaing bahay dahil katulong ang turing sa akin nila Tita sa bahay. Naghanda na akong magluto, nung malapit na kong matapos, nagulat ako nakita ko si Blake nakatayo at nakatingin sa akin. Di ko alam kung gaano na siya katagal nakamasid sa akin. Tumingin ako sa kanya. "kumain kana." buong giliw kong yaya sa kanya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nagtimpla siya ng kape. Nagbasa siya ng diyaryo habang humihigop ng kape. Hinayaan ko na lang siya. Nag almusal akong mag isa. Para akong hangin sa kanya na hindi nakikita. Pagkatapos kong mag almusal hinugasan ko lang ang ginamit ko saka ako pumasok sa kwarto para magsipilyo paglabas ko nakita ko si Blake pasakay na ng kotse nya tumingin siya sa gawi ko at tuluyang na siyang umalis. Nandito nako sa school usual hinihintay ko ang mga kaibigan ko para sabay-sabay kaming papunta ng room. BLAKE'S POV Palabas ako ng kwarto nang naamoy kong nagluluto ang asawa ko. Pinagmasdan ko siya, tingin ko'y maganda naman siya tinatago lang sa mga baduy niyang mga damit na suot. Minana niya pa ata sa Lola niya. Di ba siya naiinitan sa suot niya. Bata pa manang na. Ano ba tong napangasawa ko. Umiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin pabalik at nagkunwaring di siya nakikita . YESHA'S POV Nandito kami sa canteen ngayon. "kamusta ang buhay may asawa friend? At kamusta ang asawa mo? Paano kayo sa bahay ninyo? Anong set up nyo." sunod-sunod na tanong ni Marisha Luminga linga ako at tumingin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng mapansing abala ang mga estudyante sa kani-kanilang mga sariling mundo. Napatakip ng bibig si Eliza at nagsabing "Ooops! sorry! my bad." "Ok lang ayun! Suplado naman yung asawa ko eh. Di nga ako pinapansin non eh. Para akong hangin sa bahay. Isa pa hindi kami magkasama sa isang kwarto. Magkaiba kami ng tinutulugan." kwento ko. "Siya nga pala, may gig tayo ngayon makakapunta ka ba?" tanong ni Pearl. "Titingnan ko. Alam nyo naman iba na ang sitwasyon ngayon. May asawa na ako. Noon tumatakas ako, eh ngayon anong gagawin ko?" tanong ko. "Edi sabihin mo may tatapusin tayong project at dito ka samin matutulog dahil malapit na nating ipasa." sabi ni Marisha. Napaisip ako at sumagot "ok sige, ang galing mo mag isip ng dahilan." Pag uwi ko sa bahay naabutan ko ang asawa ko nasa sala at nanonood ng TV. Di ko alam kung paano ako magpapaalam. Huminga muna ako ng malalim. "Ahhmmm! P-pwede ba kong pumunta sa classmate ko? May tatapusin kaming project, doon din sana ako matutulog kung pwede?" "ok." walang buhay niyang sagot. Pagpasok ko ng kwarto napahawak ako sa dibdib ko. Wooooh ang lakas ng kaba ko first time kong magsinungaling. haaay naku! buntong hininga ko. BLAKE'S POV Napa aga ako ng uwi wala pa si Yesha. Nagbihis at nanood ako ng TV nang dumating ang asawa ko. Hindi ko sya pinansin. Pero nasa gilid ko alam kong nakatayo sya. Kailan pa kaya kami nagkaroon ng rebulto dito sa bahay. Ano bang ginagawa niya? Biglang nagtanong siya kung pwede daw ba siya pumunta sa bahay ng classmate niya sumulyap ako sa kanya at sumagot ako ng "ok." Aalis din naman ako dahil nagyayang mag bar sila Brix at Chris. Nandito na kami ngayon sa bar. Itong dalawa kong kasama nag aabang na sa The Mask Ladies. Buhat ng mapunta kami sa bar na ito naging fanboy natong mga kolokoy kong kaibigan. Nandito na naman yung babaeng sunod ng sunod. Nasa gitna ako nila Brix at Chris kaya di siya makalapit sa akin. "kamusta ang buhay may asawa pre? tanong ni Brix. "WHAAAAT!? may asawa kana?" sabat naman ng babaeng sunod ng sunod sakin. Sabay sabay kaming napalingon. "Eh ano naman sayo kung nag asawa na si Blake? Ibig lang sabihin noon basted kana sa kanya. Hahaha." sagot ni Chris na may kasamang pang tawa Tumayo yung babae at galit na nag walk out. Niyaya nya ang kasama niya namagpunta ng CR. "hahaha bitter. Kung maka walkout feeling girlfriend eh di nga siya pinapansin nitong si Blake." bulalas ni Brix "Oo nga pala Blake kamusta? Maganda ba yung asawa mo? Kailan mo naman kami ipakikila sa asawa mo ng mabistahan. Sexy ba ha? Hindi mo man lang kami naimbitahan sa kasal mo." habol ni Chris "Alam nyo naman na pinagbigyan ko lang si Papa diba para sa kasal na yun. Ganito na lang, mag inuman na lang tayo sa bahay sa sabado kayo ng bahalang tumingin kong ano itsura niya. Hindinnaman ako interesado don sa napangasawa ko." Aya ko sa kanila. "Sinumpong na naman ang pagiging woman hater niya. usal ni Chris Nang lumabas ang The Mask Ladies, itong mga kasama ko parang uminom ng energy drink may pataas taas pa ng kamay. "I love you Mask Ladies!" sigaw ni Brix. "Lady Aphrodite! I love you! sakin ka na lang. Iuuwi na kita." sagot naman ni Chris. Grabe fanboy na fanboy ang dating nitong mga to. Sabay ko silang binatukan. Sa lakas ng batok ko muntik na silang mapasubsob. "Mga baliw kayo! may pa I love you pa kayong nalalaman." bulalas ko. "Ano ba pre! huwag kang panira dyan kahit kailan talaga kill joy ka pre." reklamamo ni Brix YESHA'S POV Gabang nagpeperform kami nakita kong nandito pala ang Asawa ko. Kasama ang mga kaibigan nya yata yon. Nandoon din si Ate kasama nila. Napaisip ako. Teka. Naalala ko minsan ko na din nakita si ate dito kasama niya din yung Asawa ko. Hindi ako maaring magkamali yung asawa ko yung suplado at walang emosyon na kasama ni Ate noon na di siya pinapansin kahit panay ang flirt niya at pagpapapansin pero deadma ang Asawa ko. Teka, asawa ko kaya yung tinutukoy ni Ate na gusto nya at hinahabol habol niya? Nakita kong tumayo at parang galit na lumakad ng mabilis kasama ang mga kaibigan niya. Nandito na kami nakasakay sa sasakyan ni Marisha at nag uusap. "Eliza, Pearl, samin na lang din kayo matulog. Girls bonding natin." sabi ni Marisha. "Parang di naman tayo nagkikita araw-araw sa school." sagot ni Eliza. "Iba naman yun kasi maiksi lang ang oras natin doon. Di naman tayo masyadong nakakapag kwentuhan limitado oras natin don. Tuwing nasa canteen lang tayo saka lang tayo nakaka pag-usap. Saglit lang yun limatado ang oras pero kapag nasa ibang lugar tayo mas maeenjoy at masusilit natin ang oras." mahabang paliwanag ni Marisha "Sige tawag muna ko sa bahay para magpaalam na sa inyo ako matutulog." sabi ni Eliza. "Ako din tatawag sa bahay." sabi naman ni Pearl. Hangang nakarating kami bahay nila Marisha. Wala ngayon ang Parents niya. Nasa business trip daw. Kaya pala nagyaya siyang dito kami mag stay ngayong gabi. Bago kami pumunta dito dumaan muna kami sa isang store para bumili ng sitsirya at drinks dahil mag movie maraton kami habang nagkukwetuhan. MARISHA'S POV "Napansin mo ba kanina mo ba yung asawa mo? Nakita ko siya! Ganon din yung stepsister mo. Nakita ko ding kasama sa grupo ng asawa mo. Nandoon din siya nong una natin makita yung asawa mo, mukhang magkakilala sila." kwento ni Eliza "Nakita ko nga at sa tingin ko ang asawa ko yung gusto ni ate at hinahabol niya. Hindi niya alam na yung hinahabol niya ay iyong gusto ipakasal sa kanya ni Papa." sagot ni Yesha. "Talaga!? kawawa naman. Hahaha. Yung tinanggihan nya ay siya pala ang lalaking gustong gusto niya? Let me think kung ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ang tinaggihan niya ay siya pala yung taong dapat ay pakakasalan nya." sabi ni Pearl. "Mabuti na lang naka mask tayo. Hindi tayo basta basta makikila. May advantage din naman pala ang pagsuot natin ng mask. at least di tayo makikilala lalo kana Yesha. Bakit mo kasi tinatago ang ganda mo sa pagsusuot mo ng manang na damit tapos nakasalamin kapa! Eh hindi naman malabo ang mata mo. Anti radiation lang naman yang suot mong salamin?" tanong ko sa kanya. YESHA'S POV "Eh kasi noong bata pa kami ni Ate kapag may bago akong damit, sinisira niya at ginugunting. Yung mga sinusuot ko mga lumang damit na bigay ng katulong namin. Masaya si ate kapag mukha akong gusgusin. Meron padin naman akong magandang damit na bigay ni Papa pero di ko sinusuot. Tinatago ito kung saan di nila nakikita. Kahit maliit pa ko at musmos natuto na kong manahi para may maayos akong maisuot kaya yung sinusuot natin na damit kapag may gig tayo ako ang nagtahi." kwento ko. "Maldita talaga yang witch na yun. Kung ako lang ang naging kapatid non, kinalbo ko na yun at hindi ko lang sisirain yung damit niya susunugin ko pa." Angil ni Pearl "Kapag ginawa ko yun, kay tita ako mananagot. Kaya hinayaan ko na lang." sagot ko nalang "Alam nyo marami akong drawing na iba't ibang mga design na damit sa silid ko kasi pangarap ko magsuot ng magagandang damit kaya yung naiisip kong magandang damit ay iginuguhit ko. Dahil gusto ko pagdating ng araw maisusuot ko din ang magagandang damit na ginuhit ko. Actually meron akong isang ginuhit at unang nabuo at natahi, itinago ko ito sa closet. Iniingatan ko iyon kasi yun yong una kong nagawa. Pagdating ng araw yung mga iginuhit ko tatahiin ko yun. "Talaga!? I have an idea. Hindi ba magaling ka manahi? Bakit di tayo magnegosyo. Tahiin mo yung mga iginuhit mong design tapos kapag nagawa mo na kami naman ni Eliza bahala sa pagbenta ikaw naman Marisha ang bahalang mamili ng mga tela, sinulid at iba pang gamit na kailangan ni Yesha para sa pananahi." Suhestiyon ni Pearl "Wow ang galing ng plano mo! Go ako dyan." sagot ni Eliza "Me too! go din ako dyan." sabi ni Marisha "Ok sige, pero kailangan natin ng pera pambili ng mga tela na gagamitin ni Yesha sa pagtahi. Magshare share na lang tayo pambili ng mga gamit." Sabi naman ni Pearl. "Pwede bang secret lang natin to? Ayokong munang may makaalam kung gagawin natin to." usal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD