Episode 7: "HIS SMILE"

1328 Words
RAINE'S POV Nagkulong ako sa kwarto ko at di ako lumabas kahit anong katok ng mga katulong. Hindi ko sila pinagbuksan. "Señorita. Pinatatawag po kayo ng Mommy ninyo." sigaw ng katulong namin sa labas ng silid ko Hindi ko ito pinansin. Dumapa ako sa kama at tinakpan ang ulo ko ng unan para di ko sila marinig. Doon nag iiyak ako. Sobra akong nasaktan ng malaman ko na may asawa na siya. Ang tagal tagal ko na siyang gusto kaya nga palagi ko siyang sinusundan baka sakaling magustuhan niya ako tapos malalaman ko na lang may asawa na siya. Wala naman akong nakikitang babae na kasama niya tapos biglang may asawa na siya. Maya-maya tumigil din ang katok. Sisilipin ko sana kung may tao pa nang makita kong pumasok si Mama at umupo sa tabi ko. Hinawakan ako sa balikat at sinabing .. "May problema ba anak? Sabihin mo sa akin baka matulungan kita. Just tell me anak." Umupo ako at sinandal ang ulo sa balikat ni Mommy. "Mommy may asawa na si Blake. Yung lalaking gustong gusto ko." bulalas ko. Tumingin sa akin si Mommy at niyakap ako at doon humagulgol ako na parang batang inagawan ng candy. "Anak, hindi mo kailangan magmukmok dito. Kahit may asawa na yun pwede pa din silang maghiwalay. Gumawa ka ng paraan para maghiwalay sila. Hindi kita pinalaking mahina." saad niya. Tama si Mommy. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Blakebkahit pa may asawa na siya. Kailangan ko malaman kung sino ang asawa niya. YESHA'S POV Papunta ako ngayon sa bahay nila Papa. Dadalawin ko siya and at the same time kukunin ko din yung mga design kong damit para masimulan ang plano naming negosyo ng mga friends ko. Pagpasok ng bahay nandoon sila Papa kasama si Tita sa sala. Agad napalingon si Papa ng mapansin niyang nakatayo ako. sa likod nila. "Anak/Papa." magkasabay naming bigkas Lumapit ako sa kanya, humalik at yumakap. "I miss you Papa." bati ko. "I miss you too Anak! kamusta ka na anak? Kamusta kayo ng asawa mo Maayos ba ang trato niya sayo? Nakakain kaba ng maayos?" sunod sunod na tanong ni Papa. "Ehem." sabi ni Tita . Lumingon kami ni Papa kay Tita. Lalapit sana ako kay Tita para humalik sa pisngi niya pero bago pa ko makalapit sa kanya ay mabilis siyang umalis at pumasok sa silid nila ni Papa. Napabuntong hininga na lang si Papa. "Pagpasensiyahan mo na ang Tita mo." paumanhin ni Papa. "Ok lang po Papa. Kamusta ka Papa? na miss po kita." Tanong ko. "Mabuti at nagpunta ka dito anak?" tanong ni Papa. "Opo dinalaw kita, saka may kukunin po akong naiwan ko na personal na gamit. Nandiyan po ba si Kuya Papa?" tanong ko naman. "Oo anak nasa silid niya." tugon ni Papa "Pupuntahan ko muna po si Kuya Papa." sagot ko. "Sige anak." tango ni Papa sa akin. Pumanhik ako sa taas para puntahan si kuya. Nakabukas ang silid niya kaya sumilip ako. Nakita ko siya na parang may malamim na iniisip habang tahimik na nakatayo sa harap ng bintana ng silid niya. Pag pagpasok ko tinawag ko siya. "Kuya!" lumingon siya sa akin at ngumiti. Binuka ang kamay niya dahilan para lumapit ako at yumakap sa kanya. "I miss you kuya." sabi ko. "I miss you too baby." sagot nya. "Bakit ang tagal mong nawala Kuya? Saan ka nagpunta?" umupo kami sa gilid ng kama. Hinalikan niya ako sa noo. "May inayos lang si Kuya na maliit na problema. Nabalitaan ko kinasal kana pala! Sorry baby, di nakapunta si kuya. Kamusta ka? Di kaba nahihirapan ngayong may asawa kana? Baby kung may problema ka magsabi ka sakin ha? Tawagan mo ko kahit nasaan ako pupuntahan kita nandito lang si Kuya para sayo. Mahal na mahal ka ni Kuya. Kaya huwag kang magdalawang isip na tumawag sa akin kung kailangan mo ng tulong." mahabang sabi ng Kuya. "Oo naman kuya, mahal din kita, syempre diba ikaw ang hero ko kaya tatandaan ko ang sinabi mo." sagot ko naman. FLASHBACK Nasa ilalim ako ng kama ko, nagtatago at nanginginig sa takot dahil nakabasag ako ng gamit sa sala habang naglilinis ako. Nakita ni Tita na nakabasag ako kaya nagmamadali akong tumakbo dito sa kwarto ko at nagtago sa ilalim ng kama. Nakita ko ang paa ni Tita habang nag tatago ako may hawak siyang panghataw. Sumigaw siya. "YESHA! Lumabas ka dyan sa ilalim ng kama." sigaw nya. Nanginginig akong lumabas sa ilalim ng kama. Paglabas ko, hinataw ako ni Tita. Sinalo ko ang mga hataw niya sakin nang napalingon kami ng biglang sumigaw si kuya. "MOMMY!" tawag niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Umalis ka dyan Ryan!" sabi ni Tita Nang tinaas ni Tita ang kamay niya para hatawin ako, niyakap ako ni Kuya. Hinarang ang katawan niya sakin kaya walang nagawa si Tita kundi umalis at iwan kami sa kwarto ko. Dinala ako ni Kuya sa silid niya, doon ginamot ang mga sugat ko. "Ok ka lang ba baby? Dapat pala di nako sumama kila Popong mag basketball para nabantayan kita. Di ka sana nasaktan ni mommy." panimula nya. "Ok lang Kuya. Tingnan mo, konti lang pasa ko kasi dumating ka." Ginulo niya yung buhok ko at niyakap ako. "Bukas sama ka sa akin aalis tayo!" aya niya. "Saan tayo pupunta Kuya? baka magalit si Tita." sagot ko. "Hindi yan! akong bahala, basta bukas aalis tayo ok?" Kinabukasan namasyal kami sa mall. Naglaro ng kami sa arcade at pumunta din kami sa Ocean park. Kumain din kami sa Jollibe. "Ang saya saya talaga Kuya thank you. Ikaw talaga ang the best Kuya ever." masayang sabi ko. "Ako lang naman ang nag iisa mong kuya eh. " sabi niya. END OF FLASHBACK RAINE'S POV Nandito ako ngayon sa tapat ng kompanya nila Blake. Inaabangan ko siya at susundan para malaman ko kung saan siya nakatira at kung sino ang asawa niya. YESHA'S POV Pag uwi ko sa bahay naghanda ako ng makakain para sa hapunan. Tumingin ako sa ref at nakakita ako ng manok. Pwede itong pang tinola. Kaya hinanda ko na para iluto. Katatapos ko lang sa pagluluto ng dumating si Blake. Dumiretso agad siya sa kwarto niya. Bago siya makapasok nagsalita ako. "Nakapagluto na ako. Kain na?" huminto siya ngunit hindi lumingon at nagpatuloy sa pagpasok. Nagpagsya na kong kumain mag isa at baka wala siyang balak kumain. Nang susubo na ko saktong bumaba siya at umupo sa lamesa. Napatingin ako sa kanya. "Kakain ka?" tanong ko sa kanya. Walang emosyon siyang tumango. Ikinuha ko siya ng pinggan at pinaghain. Habang kumakain kami sumulyap ako sa kanya. Tinitigan ko siya, seryoso ang mukha niya pero di maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan, ang matangos niyang ilong at mapapupungay na mga mata. Mamulamula niyang mga labi na lalong nakakadagdag ng kanyang kagwapuhan. Suplado nga lang, palaging seryoso at walang emosyon. Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. "Pumasa na ba ko?" sabi niya. Mabilis akong tumayo at nagsabing kukuha ako ng tubig. Pagkatapos namin kumain hinugasan ko lang ang pinakainan namin at dumiretso nako sa silid ko. Doon, kinausap ko ang aking sarili. Nakakahiya bakit ko ba kasi siya tiningnan kanina. Kinabukasan maaga parin akong naghanda ng almusal namin. Pagbaba niya niyaya ko siya mag almusal pero hindi ako tumitingin sa kanya. Nakayuko lang ako ngunit ramdam kong tumitingin siya sakin. Sinilip ko siya sa gilid ng mata ko, nakangiti sya habang pailing iling na nakatingin sa akin. Habang tumatagal nagiging maayos ang pagsasama namin. Pagpasok ko sa bahay binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng ngumiti ang asawa ko. Totoo ba tong nakikita ko? ngumiti ba talaga siya? "Hi. Nagluto ako ng adobo, kain tayo." bati nya. "Marunong kang magluto?" tanong ko. "Oo naman. Halika kain na tayo." yaya niya sa akin habang nakangiti. Totoo ba tong nakikita ko nakangiti talaga siya? Nakakapanibago. Naiilang tuloy ako parang di ako sanay na ganito siya kaya natutulala akong nakatingin. sa kanya. "Ok ka lang?" sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD