Isang buwan ang nakalipas at naging okay naman ang pagsasama namin. Medyo ngumingiti na siya kung minsan at kapag maaga siyang umuuwi, siya ang nagluluto. Nandito ako sa kusina nang narinig kong dumating na si Blake. Sumilip ako para batiin siya. May kasama siyang kaibigan.
"Hi!" bati ng kaibigan ni Blake.
Inabot niya ang kamay niya at sabay sabing..
"I'm Brix! kaibigan ni Blake."
"At ako naman si Chris." bati naman ng isa.
"Yesha, asawa ni Blake." at nakipag shakehands ako sa kanilang dalawa.
"Tama na yan." hinila ako ni Blake palayo sa dalawa.
"Possesive." narinig kong sinabi ng kaibigan niya habang hila hila niya ko papuntang kusina.
"Mag iinuman lang kami dito sa bahay. Nagyaya kasi sila na dito na lang kami sa bahay uminom." saad ni Blake.
"Ok lang sige ihahanda ko na lang kayo ng pulutan ninyo." sagot nya.
"salamat wife." sabi niya bago umalis papunta sa mga kaibigan niya.
Lumapit ako kay Blake para magpaalam na aakyat nako sa silid ko at siya na munang bahala sa mga kaibigan niya. Pero ako ng bahala magligpit mamaya. Inalok ako ng kaibigan niya, tatanggi sana ako dahil di naman ako umiinom pero makulit ang kaibigan ni Brix. Kahit isang shot lang daw dahil makulit sila nakatatlo akong shot dahil di ako sanay umiinom medyo nahilo ako. Pumasok muna ako sa silid ko para makapag pahinga ng konti at naligo, medyo nawala ng konti ang hilo ko. Hinintay ko na lang sila matapos para magligpit. Nang matapos sila nagpaalam na ang mga kaibigan niya. Inumpisahan ko nang ligpitin ang pinag inuman nila.
"ako na lang dyan wife." sabi niya.
Sabay kaming yumuko. Dadamputin ko na sana ang mga kalat pero nakipag unahan siya kaya nahawakan niya ang kamay ko. Napatigil kami at nagkatitigan. Sa bilis ng pangyayari naramdaman ko na lang na dumampi ang labi niya sa akin. Nagulat ako at kinabahan dahil first time kong mahalikan ng isang lalaki. Pinikit ko ang mata ko sobrang kaba ng dibdib ko halos di ako makahinga. Naramdaman kong gumalaw ang labi niya halos maduling ako ng subukan ko siyang tingnan kaya pumikit na lang ako at pinakiramdaman ang labi niya sa akin. Hanggang lumalim ang halik niya at binuhat niya ko at dinala sa silid na hindi tumitigil ang paghalik sa akin. Sa bilis ng pagyayari hindi ko alam na wala na pala kaming saplot sa katawan.
Nagising ako at sinubukan kong bumangon. Parang may mabigat na nakadagan sa tiyan ko ganon din sa binti ko at parang may mainit na hangin dumadampi sa leeg ko. Nang dumilat ako. Muntik na akong mapasigaw. Tinakpan ko ang aking kamay para walang boses na lumabas sa aking bibig dahil nakita ko lang naman si Blake. Nakayakap sya sakin at yung binti niya nakapatong sa binti ko at wala kaming damit. Oh my gosh anong nangyari kagabi? Pinakiramdaman ko ang sarili ko, masakit ang katawan ko, ganon din ang nasa pagitan ng hita ko! Totoong
may nangyari sa amin kagabi. Hindi yun panaginip. Dahan dahan kong inaangat ang nakapatong niyang kamay sa akin pero bago ko pa nagawa yun ay dumilat siya at ngumiti.
"Good morning wife." masaya niyang bati.
Nagtalukbong ako bigla ng kumot dahil nahihiya ako. Binaba ko yung kumot na pinantakip ko para silipin siya. Nagulat ako nakatunghay siya sakin habang nakangiti. Dahil sa hiya nagtalukbong ulit ako ng kumot. Pinakiramdaman kong umalis na siya.
Hinila niya ang kumot na nakatakip sa akin sabay sabing..
"Let's go wife, bangon na."
Paglabas niya ng silid bumangon na din ako para maligo. Pagbaba ko nakita ko si Blake sa kusina at nagluluto. Lumingon siya sa akin pero yumuko ako dahil nahihiya ako sa nangyari sa amin kagabi. Lumapit siya sa akin at pinaupo sa mesa. Pinaghanda ako ng pagkain. Hindi ako makatingin sa kanya habang siya panay ang tingin niya sa akin. Pagkatapos namin kumain sabay kaming lumabas.
"Sabay kana sakin ihahatid na kita sa school." aya niya.
Habang nasa biyahe kami hiningi niya ang number ko para matawagan niya daw ako. Hiniram niya ang cp ko at may pinidot tapos inabot niya sabay sabing..
"I-save mo yang phone number ko."
Paghinto ng kotse niya nagulat ako ng humalik siya sa pisngi ko.
"Bye wife." sabay kindat.
Napatulala ako habang nakahawak sa parte ng pisngi kong hinalikan ni Blake. Bigang may umakbay sa akin. Pagtingin ko nakapalibot na sakin ang tatlo kong kaibigan.
"Ano yun ha? May pahatid at pa kiss pa ang sweeeeet!" sabi ni Pearl.
"Kailan pa may hatiran na nangyayari at may bye with matching kindat pa?" sabi naman ni Eliza.
"Huwag niyo naman ginaganyan yung kaibigan natin. Tingnan ninyo tuloy parang kamatis na sa pula ang mukha niya." Awat ni Marisha.
"Grabe naman kayo. May masama ba don? Para hinatid lang naman ako ah. Saka asawa ko naman yun." sagot ko.
"Ayy! wala naman po kami sinabing masama yon. Kaya lang nagtataka lang kami hindi ba. Hindi naman nagpapakita ng emosyon yung asawa mo pero kanina laki ng ngiti. Meron bang nangyayari na di namin alam ha Mrs. Scoth." tanong ni Pearl.
"Wala naman." sagot ko.
Tumahimik na lang ako at ayaw ko munang malaman nila may nangyari na sa amin kagabi.
"Halika na pasok na tayo ng room." aya ko.
Palabas na kami ng school nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko si Blake ang tumatawag. Tumalikod ako sa kanila at sinagot ang tawag.
"Hello? nandiyan ka pa ba sa school ninyo? I'm on the way. Hintayin mo ko dyan susunduin kita." anyaya nya.
"ok." sagot ko
Pagharap ko nakapalibot sila sa akin. Bigla silang tumayo ng tuwid parang di ko nakita na nakadikit sila sakin at nakikinig sa usapan namin ni Blake. Mga baliw talaga tong mga kaibigan ko.
RAINE'S POV
Nandito ako sa bahay nila Blake, nakaabang. Gusto kong malaman kung sino ang asawa ni Blake at kung ano ang itsura niya. Nakita ko paparating ang sasakyan ni Blake asawa niya siguro yung kasama niya sa sasakyan. Pagbaba nila ng sasakyan nagulat ako sa nakita ko si Yesha!? S-si Yesha ang asawa ni Blake? ibig sabihin si Blake ang dapat na ipapakasal ni Daddy sa akin!? Hinampas ko ang manobela.
"Hindi!! Aaaaaaaah!" sigaw ko.
Hindi ito maaari. Ako dapat yun. Sakin dapat si Blake. Hindi ako makakapayag. Gagawa ako ng paraan at paghihiwalayin ko sila.
YESHA'S P.O.V
Mula ng may nangyari sa amin, nag iba na si Blake. Palagi na niya akong hinahatid at sinusundo sa school. Palagi na din kaming sabay kumain. Lumipas din ang isang buwan. Napalapit kami sa isa't isa att ang minsang nangyari samin ay nasundan pa ng ilang ulit. Habang tumatagal nahuhulog ang loob ko sa kanya ngunit natatakot ako sa nararamdaman ko. Kahit iba ang pinakikita ni Blake ngayon wala naman siyang nararamdaman para sa akin. Sobrang natatakot ako baka diko mamalayan mahal ko na pala siya.
Nagising ako isang umaga na parang bumabaligtad ang sikmura ko. Mabilis akong tumakbo sa CR upang doon sumuka. Halos maluha ako sa pagduduwal bago nakalabas ng CR. Ano bang nangyayari sakin? Ilang araw na kong nagigising na nagduduwal. Madalas din ang pagkahilo ko. May sakit kaya ako? Nagpunta akong mag isa sa hospital. Pagdating ng hospital sinabi ko sa doktor ang mga nangyayari sakin. Ang pagduduwal ko at madalas na pagkahilo ko. Tinanong ako ng doktor kung may boyfriend o asawa ako. Sinabi kong may asawa ako tapos may inabot siya sa akin tinuro kung ano ang gagawin ko sa binigay niya. Pinapunta ako ng cr. Ginawa ko ang sinabi niya. Paglabas ko inabot ko sa doktor yung binigay niya. Tiningnan niya pagkatapos ngumiti siya sabi niya normal lang ang nararamdaman ko. Marami pang test ang ginawa nya pagkatapos.
"Congrats! you're three weeks pregnant." nakangiting sabi ng doktor.
"Po? ako buntis!?" gulat kong tanong.
"Bakit? may problema ba iha?" aagot ng Doktor.
"Wala po Dok." pagkatapos binigyan niya ako ng vitamins.
Pag uwi ko sa bahay nagpahinga ako sa silid ko. Hinawakan ang impis ko pang tiyan. Ano bang gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Blake na buntis ako. May narinig akong ingay sa baba, baka dumating na si Blake. Pagdating ko sa baba wala pa naman tao alam kong mayaya pa uuwi si Blake dahil maaga pa. Wala namang tao kaya nag pasya akong umakyat. Bago pa man ako nakaakyat may naramdaman akong may nagtakip sa ilong ko.