Episode 9: "MYSTERIOUS MAN"

1447 Words
BLAKE'S POV Di ko alam ang nangyayari sa akin. Galit ako sa mga babae dahil sa ginawa sakin ng dati kong girlfriend. Hindi ko alam kung mahal ko na ba si Yesha. Di ko kasi alam kung ready na ba akong magtiwala. Kung pagmamahal na ba itong nararamdaman ko. Natatakot pa din akong magtiwala ang alam ko lang masaya ako kapag nasa bahay ako. Dahil nakikita ko siya kahit sa opisina, napapangiti ako kapag naiisip ko siya. Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng bulaklak. Pag uwi ko sa bahay tinawag ko agad si Yesha pero walang sumasagot. Umakyat ako ng silid niya dala ang bulaklak na binili ko para tawagin siya. Pagbukas ng pinto nagulat ako sa nakita ko si Yesha may kayakap na lalaki at nakahubad silang pareho. Sa galit ko sinapak ko ang lalaki at pinagsusuntok. Nagbuno kami ng lalaki. Doon nakita ko si Yesha na nagulat, napatingin ako sa kanya. Nabitawan ko ang lalaki tumayo ito dinampot ang damit at nagmamadaling umalis. Tumingin ako kay Yesha. "Anong nangyari? Sino yun? At bakit ako nakahubad?" naguguguluhan niyang tanong. "Dapat ako ang magtanong niyan sayo. Sino ang lalaking yun? At bakit magkatabi kayo sa kwarto at parehong nakahubad. Wala ka bang delikadesa pati sa sarili nating bahay nagawa mong lumandi." galit kong sabi. "Hindi ko alam! hindi ko kilala yun!" sagot nya. "Sinungaling! Nandito siya sa kwarto mo. Pareho kayong nakahubad tapos magkayakap pa. Di mo kilala? Huwag mo nga akong pinagloloko. Hindi ako pinanganak kahapon." sunod sunod kong tanong. "Pero di ko talaga kilala yun. Hindi ko nga alam kung anong nangyari kung bakit ako nakahubad. Nagsing akong nagbubuno kayong dalawa ng lalalaki na yun." paliwanag nya. "Huwag mo na nga akong pinagloloko. Pare pareho talaga kayong mga babae mga manloloko. Mga wala talaga kayong kwenta. Hindi talaga kayo mapagkakatiwalaan!" pasigaw kong sabi sa kanya. "Pero di ko talaga alam. Ang natatandaan ko may nagtakip ng ilong ko tapos nawalan ako ng malay." patuloy nyang paliwanag. "Huwag ka nang gumawa ng dahilan. Walang kwenta!" putol ko sa usapan namin. YESHA'S POV Iniwan ako ni Blake sa silid ng galit na galit na binalibag ang pinto. Kulang na lang magiba sa sobrang lakas ng pakakasara. Umiyak na lang ako. Galit na galit siya sa akin. Anong gagawin ko. Naguguluhan ako kung sino ang lalaking iyon. Ano ang ginagawa ng lalaking yun dito sa silid ko at ang malala pa nakahubad kami pareho. Parang may mali. Saka anong intensyon ng lalaking yun ano ba talagang nangyari paano ko sasabihin kay Blake na buntis ako. Dahil sa kakaiyak at kakaisip sa pangyayari nakatulog akong di man lang nakakain kagabi. Ganon pa man nagsusuka pa rin ako kahit wala naman akong maisuka halos mang hina ako sa pagsusuka at nahihilo pa ko pero nagluto pa din ako ako kahit nanghihina ako. Katatapos ko lang magluto nang bumaba si Blake. "Kumain ka muna." yaya ko. Tumingin sya sakin ng masama pagtapos ay lumabas na ng bahay nang hindi man lang ako pinansin. Galit pa rin siya sabi ko sa isip ko. Niligpit ko na lang ang hinanda kong almusal at nagpasyang pumasok. Pagdating ko sa school sinalubong ako ng mga kaibigan ko. "Oh hindi ka yata hinatid ng asawa mo?" tanong ni Eliza. "ah busy siya ngayon sa office nila." sagot ko na lang. Pag uwi ko sa bahay hinintay ko si Blake para kausapin siya para maipaliwanag ko ang tunay na nangyari. Gusto ko din malaman niyang buntis ako at magkaka anak na kami. Narinig kong dumating na si Blake nagmamadali akong salubungin siya pagkakita pa lang niya sakin ay tumingin siya sa akin ng masama. "Blake! Pwede ba tayong mag usap?" tanong ko. "Pwede ba! Umalis ka sa harap ko. Ayaw kitang kausap. Tumabi ka nga diyan. Magpapahinga na ako." iritable nyang sabi "Hindi kaba kakain? Magluluto ako." tanong ko. "Kumain kang mag isa. Kumain na ko." maiksing sagot nya. Huminga ako ng malalim. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag. Mainit pa din ang ulo niya. Bukas susubukan ko ulit siyang kausapin. Kinabukasan naghanda ako ng almusal. Narinig kong bumababa si Blake kaya niyaya ko siya. "Mag almusal ka muna." yaya ko. Hindi ako pinansin at diretso siyang lumabas. Hahabulin ko sana siya bago siya makaalis. Hindi ko na nagawa dahil bigla akong nahilo kaya hindi muna ako pumasok. Pagdating ng hapon narinig kong dumating si Blake kaya inabangan ko talaga siya para sabihin sa kanya na buntis ako. "Blake." tawag ko. Hindi nanaman ako pinansin at bago pa man siya makaakyat sa silid niya. "Buntis ako Blake." huminto siya at humarap sa akin. "Eh ano naman ngayon kung buntis ka? Sabihin mo sa ama ng anak mo. Sigurado ako di ako ang ama niyan." sagot nya. "Ikaw ang ama nitong dinadala ko magkakaanak na tayo. Anak natin to." banggit ko. "Oh really!? Huwag mo akong pinagloloko. Dahil di mo ko mapapaniwala." at tuloy tuloy na syang pumasok sa kanyang silid. Umiyak na lang ako at kinausap ang baby ko sa tiyan. Baby pasensiya na, di ka matanggap ng Daddy mo ngayon. Darating ang araw maniniwala din si Daddy kay Mommy kaya behave ka lang dyan sa tummy ni Mommy. Bakit ba ayaw niya akong paniwalaan? Sa kanya ko lang naman ibinigay ang sarili ko. Nag isip ako at kailangan kong malaman kung sino ang lalaking yun at sino ang nasa likod nito at kung ano ang intensyon ng lalaking yun. Wala akong sinasabihan sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit kailangan kong magtiis. Mahal ko na ba talaga si Blake? Nahulog na ba talaga ang loob ko sa kanya. Kaya ko ba talagang magtiis. Ano bang nangyayari sa buhay ko. Palagi na lang ba akong malungkot di na ba talaga ako sasaya. Kung nabuhay kaya ang Mama ko masaya kaya kami? Kung nabuhay siguro si Mama baka di ko naranasan maltratuhin nila Tita at Ate. Sabi kasi ni Manang (katulong sa bahay) mabait daw si Mama. Sayang di ko man lang nakita si Mama dahil namatay siya sa panganganak sakin. Noon gusto kong magalit kay Papa dahil sa ginawa niya kay Mama. Noong unang nalaman ko ang nangyari kay Mama galit na galit ako kay Papa at halos isumpa ko siya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko siya mapapatawad hangga't nabubuhay ako walang kapatawaran ang ginawa niya kay Mama. Kaya pala ganon ang trato sakin ni Tita at ni Ate dahil hindi naman ako parte ng Pamilya nila. Pero pinaramdam sa akin ni Papa na mahal na mahal niya ko, siguro binawi niya ang kasalanang nagawa niya sa Mama ko sa pamamagitan ng sobrang pagmamahal sakin. Nakita kung pano pinagsisihan ni Papa ang ginawa niya dahil tuwing death anniversary ni Mama dalawa kaming dumadalaw sa puntod ni Mama. Kinakausap niya si Mama at umiiyak siya habang nakatunghay sa puntod ni Mama. Manghihingi siya ng tawad at nangakong mamahalin at aalagaan ako at di pababayaan. At sa tuwing dumadalaw kami kay Mama walang sawa siyang nanghihingi ng tawad kahit alam niyang di naman sasagot si Mama. Kaya naisip ko na nagsisi si Papa sa ginawa niya kay Mama. Wala naman ng mangyayari kung magagalit pako kay Papa. Naisip ko din kung hindi nangyari yun baka di ako ipinanganak ni Mama. Alam kong may plano ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Ganon din ang nangyayari sa buhay ko ngayon kailangan kong maging matatatag at maging matapang lalo na at may munting anghel na nasa sinapupunan ko. Susubukan ko pa rin ipaliwanag sa kanya ang totong nangyari at kung hindi siya maniniwala hindi ko siya pipilitin at kung magkaganon man palalakihin ko ang anak ko at bubusugin ko ng pagmamahal. Hindi ko hahayaang may manakit sa kanya. Poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya. Aalamin ko kung sino ang lalaking yun at kung ano ang motibo niya para gawin yun. PEARL'S POV "Sha! (Marisha) Eliza, puntahan kaya natin si Yesha sa bahay nila? Ilang araw na siyang di pumapasok. Alamin natin kung bakit di siya pumapasok. Di naman nya gawain ang di pumasok ng walang dahilan." aya ko. Nagpunta kami sa bahay nila Yesha. "Tao po? Yesha!" sigaw ko. Nakita namin sumilip sa pinto si Yesha at parang nagulat pagkakita samin. Kumaway kami ng makita niya kami. Nakita namin siyang papalapait sa gate para pagbuksan kami. Pinapasok niya kami. "Kamusta ka? bakit di ka pumapasok? Saka bakit parang maputla ka?" sunod sunod na tanong ni Eliza. "Ano ba! Paano makakasagot yan eh sunod sunod ang tanong mo! Isa isa lang ano kaba." sabat naman ni Marisha. "Pasensiya na. Carried away lang." at nagpeace sign pa na sagot ni Eliza. Tumingin kaming lahat kay Yesha at hinintay ang sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD