EPISODE 10: "BEHIND THE TRUTH"

1687 Words
CHRIS POV Kasalukuyan kaming nakikipag meeting sa investor namin nang napansin kong nakatulala si Blake. Inginuso ko si Blake kay Brix, tumingin naman siya at nangunot ang noo na parang sinasabing anong nangyayari kay Blake. Nagkibit balikat lang ako. Naging maayos naman ang meeting namin kahit tulala si Blake. Pagkatapos bumalik na kami sa office ni Blake para kausapin siya. Pagpasok namin sa office niya sinalubong agad siya ng tanong ni Brix. "Anong nangyayari sayo? para kang lutang at wala sa sarili. Ngayon ka lang nagkaganito sa tagal nating magkaibigan ngayon lang nangyari na tulala ka at wala sa sarili. Mabuti naging maayos ang meeting natin at walang naging aberya. May problema kaba na hindi mo sinasabi samin? BLAKE'S POV Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Mukhang nakakahalata sila na may pinoproblema ako pero ayaw ko muna malaman nila ang problema ko. Tungkol saming dalawa ng asawa ko dahil nahihirapan pakong tanggapin na akala ko ok na ang lahat. Yung akala ko kaya ko nang magtiwala. Akala ko magtutuloy tuloy ang saya na nararamdaman ko. Pero nagkamali ako, mas masahol pa siya sa dati kong girlfriend na pagkatapos ko ibigay ang lahat lolokohin lang pala ako. Ilang buwan din na naging masaya at maayos ang pagsasama namin. Akala ko ito na ang panahon para kalimutan ang kabiguan ko noon dahil naramdaman ko kung paano niya ako aalagaan. Ang sarap ng pakiramdam na tuwing uuwi ako galing sa trabaho may naghihintay sakin. May maghahain ng pagkain. Pag umaga may magpapaalala at manggigising para pumasok sa trabaho. Hindi ko alam ang pakiramdam basta nung time na yun walang pagsidlan ang sayang naramdaman ko. Pero pansamantala lang naman pala ang saya. Pero bakit parang mas doble ang sakit ang naramdaman ko ngayon kesa sa naramdaman ko sa dati kong girlfriend. Nahihirapan akong iproseso ang nararamdaman ko kaya galit na galit ako ng sabihin niya sakin na buntis siya at ako daw ang ama. Di ako naniwala. Dahil nawala lahat ng tiwala ko sa kanya. Gusto ko siyang paniwalaan na ako ang ama ng dinadala niya dahil kapag may nangyayari samin di naman ako gumagamit ng proteksyon pero paano ko magtitiwala kung nakita mismo ng dalawang mata ko na may kasama siyang lalaki sa loob ng kwarto. Masaklap pa nakahubad sila pareho. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Mahal ko na ba siya? haaay! gusto ko munang mapag isa kaya pagtapos ng office hour umalis agad ako. Hindi ko na hinintay ang dalawa kong kaibigan. Gusto kong makalimot kahit sandali. Gusto kong magpakalunod sa alak. RAINE'S POV Kausap ko ngayong yung lalaking binayaran ko. Oo ako ang may kagagawan. Kumuha ako ng lalaking bayaran para sirain ang bastarda kong kapatid dahil ako dapat ang asawa ni Blake hindi siya. Kung nalaman ko lang ng maaga na si Blake ang gustong ipakasal ni Daddy sakin ako sana ang asawa niya. "Ayan ang bayad mo umuwi ka ng probinsya ninyo. Sapat na siguro yang pera na yan para makapagsimula ka sa probinsya ninyo. Huwag ka nang bumalik dito magbagong buhay kana." utos ko. Mabuti na lang nakita ko ang lalaking yun na napadpad dito sa maynila at di sinasadyang maging callboy kaya nakumbinsi kong magpanggap. Pumayag naman para sa pera dahil gusto na raw umuwi ng probinsya at magbagong buhay. Umalis na ang lalaki at pumunta ako ng kompanya nila Blake para sundan siya. Nakita kong papalabas na siya. Sumakay siya sa kotse niya. Luminga ak,o mukhang wala ang mga asungot niyang mga kaibigan. Dali dali kong pinaandar ang kotse ko para sundan si Blake. Dumiretso siya ng bar mukhang iinom siya. Pumasok siya ng bar at sinundan ko siya pero hindi ko siya nilapitan dahil alam kong hindi na naman ako papansinin nito. Nakamasid lang ako dito nang nakita ko na maraming mga babaeng lumapit pero lahat sila bigo at lahat sila tinaboy. Hinayaan ko siya hanggang sa lumalim na ang gabi umabot ng madaling araw at hinintay ko siya hanggang malasing para malapitan ko. Pansin kong ginagawa niyang tubig ang alak. Malalim na ang gabi nakita kong bagsak na si Blake at nakayuko nang nilapitan ko siya at tinawag. "Blake iuuwi na kita." aya ko. "shino kah kilahlah bha kita? Lumayo ka nga shakin." tumayo ito at tinangkang tumayo pero muntik na matumba. Pasuray suray ng naglakad. Lumapit ako at inalalayan ito. Akala ko itutulak ako pero hindi ako tinaboy. Siguro dahil sa sobrang kalasinganbnaipasok ko ito sa kotse ko kahit nahirapan ako dahil sobrang bigat niya kinaya ko naman. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nagpasya akong iwan na lang ang kotse niya dahil alam kong hindi na niya kaya magdrive dahil lasing na lasing at tulog na. Nagkaroon ako ng magandang idea iuwi ko ito sa bahay nila kaysa sa condo ko. Excited nako makita ang magiging reaksyon ng bastarda kong kapatid. Kapag nakita niya kasama ko si Blake. Napangiti ako sa naisip ko. Pagdating ko sa bahay nila hindi pa man kami nakakalabas ng kotse lumabas agad ang bastarda kong kapatid. Mukhang nag aabang siya sa pag uwi ni Blake. "Ate! Bakit kasama mo ang asawa ko?" tanong nya. "At kailan kapa nagkaroon ng karapatan na tanungin ako? Pero sige sasagutin kita dahil maganda ang mood ko ngayon." sagot ko. Sinilip ko muna si Blake, nang makita kong tulog na tulog pa din ito ay sinagot ko na ang tanong ng bastarda kong kapatid. "Galing kami sa condo ko dahil pinuntahan niya ko. Hindi mo ba itatanong kung anong ginawa namin sa condo ko? Wag mo nang alamin baka madismaya ka lang." asar ko. Pansin kong tumamlay ang ang itsura niya. Alam kong pinipigilan niyang umiyak sa harap ko. Buti na lang talaga lasing na lasing itong si Blake nagagawa kong bigyan ng maruming pag iisip si Yesha. "Ako nang bahala sa asawa ko Ate pwede ka na umuwi." utos nya. "Inuutusan mo na ko? Pero sige tutal sabi ko nga maganda ang mood ko ngayon at nag enjoy talaga ako. Ikaw na bahala sa kanya." sabi ko. "Ang galing ng asawa." habol ko saka ako tumalikod. Nagdidiwang ang kalooban ko sa nangyari ngayong araw na ito. YESHA'S POV Pagka alis ni Ate inalalayan ko si Blake na makapasok sa silid niya kahit hirap ako dahil sobrang bigat niya. Kinaya ko naman na maiakyat siya sa silid niya. Kumuha ako ng tubig pang punas sa kanya. Binihisan at pinalitan ko din siya ng damit. Nang matapos ko siyang bihisan umupo ako sa tabi niya pinagmasdan ang napaka amo niyang mukha. Hinaplos ko ito at kinausap kahit alam kong tulog ito dahil kahit napunasan at nabihisan ko ito ay tulog pa din ito. "Siguro kapag lumabas na ang baby natin maganda o gwapo kasi ang gwapo mo. Sana kapag lumabas si baby magmana sayo. Alam mo hindi ko alam kung ano ang nararadaman ko para sayo dahil katulad nila Papa at Kuya mahal na mahal ko sila. Pero mag kaiba ang saya. Di ko alam kung pagmamahal ba ito. Kapag nandiyan ka ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Ngayon ko lang naman kasi maramdaman ito. Mahal na siguro kita. Kaya lang natatakot ako para sa baby ko ayokong maranasan ng anak ko ang mapagmalupitan katulad ng naranasan ko kina Ate at Tita." At sa pinakikita ni Blake na pagtrato niya sa akin. nag aalala ako lalo na hindi niya matanggap na siya ang ama ng baby ko. "Bakit ayaw mong maniwala sakin na di ko kilala yung lalaki na yun?" bulong ko. Napatingin ako sa kanya. Hinaplos ko ang mukha niya at gumalaw siya. Pero nakapikit pa din naman siya. "Blake." tawag ko. Hindi naman siya gumalaw, siguro tulog pa din. "Totoo bang may nangyari sa inyo ni Ate? Kasi sabi niya nagpunta ka daw sa condo niya. May relasyon ba kayo? Kaya magkasama kayo? Alam ko naman hindi ka sasagot dahil tulog kanat kung gising ka man ngayon sigurado ako di mo ako papansinin." Hinalikan ko muna siya bago ako umalis at bumalik sa silid ko. Umupo ako sa kama at niyakap ang mga tuhod ko at doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala sa sarili lumabas ako ng bahay at naglakad at dahil sa sobrang luha ko nanlabo ang paningin ko di ko napansin na may paparating na sasakyan itinakip ko ang kamay ko sa mga mata ko dahil nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan hanggang sa diko na alam ang nangyari pero bago pa nagdilim ang paningin ko naramdaman kong may nagbuhat sakin. BLAKE'S POV "Sorry. Sana paniwalaan mo ako. Totoong hindi ko kilala ang lalaking yun. May nagtakip sa ilong ko tapos nawalan na ako ng malay. Hindi ko magagawa yun dahil masaya akong kasama ka. Masaya akong ikaw ang napangasawa ko kaya sana paniwalaan mo ako. At itong ipinagbubintis ko sayo ito ikaw ang ama nito maniwala ka sana. Aalis muna ako. Sana huwag ka na magalit sakin. Mahal kita Blake." madamdaming pahayag ni Yesha. napabangon ako nagising. "Ahhh!" sobrang sakit ng ulo ko. Tumingin ako sa paligid, wala naman si Yesha. Panaginip lang ba yun? Kahit sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over lumabas ako ng silid hinanap si Yesha at pumunta ako ng kusina. Wala siya, pinuntahan ko sa silid niya kumatok ako. Iang minuto na akong kumakatok pero walang sumasagot. Ginalaw ko ang seradura ng pinto mukhang hindi nakalock kaya pinihit ko ito at pumasok sa silid niya "Yesha!"tawag ko. Wala siya sa kama. Tumungo ako sa banyo pero wala din. Umupo ako sa kama niya. Saan nagpunta yun? Akala ko totoong nag usap kami. Sabi niya mahal niya ako, dala lang siguro ng kalasingan ko kaya nanaginip ako. Lumabas nako ng silid ni Yesha. Pumunta sa sala para abangan si Yesha. Gusto kong mag usap kami nang maayos. This time gusto ko siyang pakinggan. Hindi muna ako papasok para mag usap kami ni Yesha. Naalala ko sinabi niya sa panagip ko mahal niya daw ako. Ilang araw ko na din naman iniisip kung mahal ko na din ba siya! Gusto ko na rin bigyan linaw kung ano ba ang nararamdaman ko para sa kanya. Umabot ng ilang oras di pa din dumadating si Yesha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD