Episode 11: DOC ALEX

1867 Words
DR. ALEXANDER MONTEREAL'S POV Galing ako sa duty ko sa hospital. Mabagal naman ang pagmamaneho ko nang may isang babae parang wala sa sarili na bigla na lang tumawid. Bigla akong nagpreno kahit mabagal ang pagpapatakbo ko nahagip ko pa din yung babae. Lumabas ako ng kotse para tingnan yung babae. Paglapit ko wala itong malay. Dinala ko ito sa hospital at dahil doktor ako na ang tumingin at nag asikaso sa kanya. Bukod sa galos wala namang ibang problema. "Doc, Ito po ang laboratory result na pinakukuha ninyo." sabi ng nurse. Binasa ko ito at ayon sa result buntis ito. Tumingin ako dito mukhang nagkamalay na ito. Lumapit ako dito "Hi! I'm Doc Alex. Anong pangalan mo?" tanong ko. "Ako po si Yesha." sagot niya. "Pasensya na, muntik na kitang masagasaan. Mabuti na lang walang hindi magandang nangyari sayo. Ok naman ang resulta ng mga ginawa namin sayo. Ok naman may konting gasgas ka lang naman bukod sa buntis ka maayos ka naman kaya pwede kana umuwi. Pwede kita ihatid sa inyo. Saan ka ba nakatira? At dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit nandito ka sa hospital. Pauwi nanaman ako kaya ihahatid na kita. Makabayad naman ako sa nangyari." Mahabang paliwanag ko sa kanya. Hindi ito kumibo parang ang lalim ng iniisip. Tumingin ito sakin at nagsalita. "Pwede ba akong pumasok sayo bilang katulong? Wala kasi akong matutuluyan. Sige na po Doc." Pakiusap niya. Pauwi nako ngayon sa bahay ko kasama si Yesha na muntik kong nasagasaan. Dahil sa pakiusap niya. na wala daw siyang mauuwian at maging katulong ko. Naawa naman ako at isa pa buntis ito baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kaya pumayag ako na isama siya bahay. Pag uwi sa bahay dinala ko muna siya sa guestroom. "Magpahinga ka muna, bukas na tayo mag usap para makapag pahinga ka." sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa pakiusap niya at gusto daw nya mamasukan ng katulong. Mukha naman nagsasabi siya ng totoo. Kahit hindi ko naman kailangan ng katulong dahil mag isa lang naman ako sa bahay ko at may katulong naman ako. Nandiyan naman si manang Lina na pinagkakatiwalaan ko sa bahay at dalawang pang katulong. Pumayag na din ako lalo na at buntis ito at baka mapahamak pa. YESHA'S POV Nang magmulat ako ng mata, tumingin ako sa paligid ko may nakita akong lalaki na nakasuot ng puti na pang Doktor. May kausap siyang nurse. Lumingon ito sakin. Siya daw si Doc Alex. Sinabi niya sa akin na ok naman daw ako. Wala naman daw malalang nangyari sakin kundi galos. Ok din naman daw ang pinagbubuntis ko nalaman pala nito na buntis ako dahil sa ginawang test sakin. Lumuwag naman ang pakiramdam ko dahil ayos naman ang pinag bubuntis ko. Habang kausap ko si Doc mukhang mabait siya kaya naglakas loob akong humiling ng maging katulong niya kahit walang sweldo basta may titirahan ako. "Ok sige. Talaga bang wala kang mauuwian?" sagot niya. "Opo Doc." tugon ko. Pumayag din sya at nagpasalamat ako sa kanya. Pagdating sa bahay niya hinatid niya ako sa isang silid doon. "Bukas na tayo mag-uusap. Magpahinga ka muna." Kinabukasan nagising ako na may kumakatok sa pinto ng silid. Dumilat ako ngunit hindi pamilyar ang silid. Napaisip ako. Oo nga pala, naalala ko ang nangyari kagabi. Binuksan ko ang silid. Bumungad sa akin ang medyo may edad na babae. "Magadang umaga iha! Kamusta ang tulog mo? Ako nga pala si Manang Lina. Bumaba ka na iha sabay na daw kayo mag agahan ni Alex." Sumabay akong bumaba kay Manang. Pagdating sa kusina nandoon na si Doc Alex. "Magandang umaga po Doc." nakayuko kong bati kay Doc Alex. "Magandang umaga din. Kain na." aya nya. Tahimik lang kaming kumakain. Halos walang ingay na maririnig kundi ang tunog ng mga kobyertos. Pagkatapos kumain pinapunta niya ako sa office sa bahay niya. Kumatok ako saka pumasok. "Maupo ka." sabi niya. "Pasensiya na kung magtatanong ako. Wala ka bang asawa?" tanong nya. "Pasensiya na po kung hindi ko po masasagot ang tanong ninyo. Ayoko munang pag usapan ang tungkol doon. Ok lang po kung paaalisin mo ako. Salamat po sa pagpapatuloy nyo sakin kagabi. Maraming salamat po talaga." saad ko. "Teka sandali. Hindi naman kita pinapaalis. Ok sige kung hindi ka kompotableng sabihin, di kita pipilitin. Sige, dumito ka muna hangang wala kang matutuluyan. Baka mapahamak kapa sa labas lalo't buntis ka pa naman. Papayagan kitang manatili dito." sagot nya. "Talaga po Do? Salamat po ng marami. Susuklian ko po ang kabutihan ninyo, marunong naman ako sa gawaing bahay." pagpapatuloy ko. "Hindi na kailangan. Ako lang naman ang nakatira dito, may dalawang katulong saka nandiyan si manang Lina." putol ni Doc. BLAKE'S POV Sa paghihintay ko kay Yesha umabot na hanggang umaga. Nag aalala nako kung anong nangyari sa kanya. Tumingin ako sa silid niya at nakita ko yung cellphone. Hindi niya dala kaya tiningnan ko kung may contact siya ng mga kaibigan niya. Tinawagan ko ang mga ito pero lahat sila di nila alam kung nasaan sa si Yesha. Nagulat din sila nang malamang nawawala si Yesha. "Bakit mo hinahanap si Yesha? Diba sa iisang bahay lang kayo nakatira? Bakit nawawala ba si Yesha? Sandali tatawagan ko sila Marisha at Pearl pupunta kami diyan." saad ng kaibigan nyang si Eliza. Pagdating ng mga kaibigan ni Yesha sa bahay sinalubong ako ng sunod sunod na tanong. "Anong nangyari? Baka naman may pinuntahan lang? Bakit di mo alam kung nasaan siya? Hinanap mo na ba siya? Kailan at anong oras ba siya nawala? Nagtanong kana ba sa bahay nila? Baka naman umuwi doon." "Ok saglit lang. Kahapon ko pa siya hinahanap. Hinalughog ko na ang buong kabahayan pero hindi ko siya nakita." paliwanag ko. "Dinalaw namin siya noong nakaraan dahil di siya pumapasok. Sabi niya masama daw ang pakiramdam niya saka namumutla siya. Ayaw naman niyang samahan namin siya sa hospital. Sabi niya ok lang daw siya tapos ngayon sinasabi mo nawawala siya." tanong ni Marisha "May hindi kasi kami pagkakaunawaan at buntis siya ngayon kaya nag aalala ako kasi nga di ko siya makita kahapon pa." "Ano? buntis si Yesha?" sabay sabay nilang sigaw. "OMG! tapos nawawala siya? Ok ganito. Pumunta ka sa bahay ng Papa niya at ipaalam mo na nawawala siya. Kami pupuntahan namin lahat ng pwede niyang puntahan." Utos ni Pearl. Nagpunta ako sa bahay nila Yesha para magbabakasali na baka nandoon siya. Kaharap ko ang Daddy ni Yesha. Nandito din ang asawa nito. Nagulat ako dahil nandito yung babaeng sunod ng sunod sakin. Kapatid pala ni Yesha tong babaeng stalker na ito. "Magandang araw po Sir. Itatanong ko lang po sana kung nagpunta si Yesha dito. Wala po kasi siya sa bahay kahapon pa." tanong ko. "Ha? Ano? Ang anak ko nawawala? Hindi naman siya nagawi dito, naghanap ka na ba? Baka naman nasa mga kaibigan niya lang." sagot ng Daddy ni Yesha. "Baka naman sumama sa ibang lalaki. Alam mo na malandi kasi ang babaeng yon." sabat nung babaeng stalker ko. Di natapos ang sasabihin niya ng biglang sumigaw ang Daddy ni Yesha. "Raine! Tumigil ka! Huwag kang sumabat at hindi ka naman kausap." Napatingin ako at nakasimangot ito habang bubulong bulong. "May sinasabi kaba Raine?" tanong ng Daddy niya. "Nagtanong na po ako sa mga kaibigan niya . Hindi din daw po nila nakita si Yesha." sagot ko. "Ang mabuti pa ireport na natin sa mga pulis kung kahapon pa siya nawawala. Tatawagan ko din ang kuya niya baka naman alam non kung nasaan si Yesha. Malapit kasi sya sa kuya niya." sabi ng Papa ni Yesha. "Magpapalam na po ako. Balitaan ko na lang po kayo." Sumunod sakin si Raine at pinalupot pa ang kamay niya sa braso ko at sinadal ang ulo sa balikat ko. "Bakit mo pa hinahanap ang malandi na yon? Nahuli mo ngang may lalaking kasama sa silid niya." bigla nyang sabi. "What the f**k? Paano mo nalaman yon ha? Wala naman nakakaalam non." nagngangalit kong sagot dito. "May kinalaman kaba ha!?" bigla itong namutla. Napaisip siguro kung ano ang nasabi niya. Tama ba ko? Ikaw ang may kinalaman don? Kagagawan mo yun?" mahigpit ko siyang hinawakan sa braso. "Ouch! nasasaktan ako!" naiiyak niyang sabi habang pilit inaalis ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Napakawalang hiya mong kapatid. Nagawa mong ganon sa kapatid mo? Sinira mo kami. Dahil sayo kaya nawawala si Yesha." sinampal ko ito at inangat ang kamay ko at akmang susuntukin ng lumabas ang mga magulang niya at naabutan kami. "Anong nangyayari dito?" Sigaw ng Daddy niya. Hindi ako sumagot at humarap kay Raine. "Hindi pa tayo tapos. Hahanapin ko muna ang asawa ko. Napakawalanghiya mong babae ka. Kapag may nangyaring hindi maganda sa asawa ko mananagot ka talaga sakin." Itinulak ko ito at napaupo ito. Tumalikod at umalis na ako baka di ako makapag timpi. Masaktan ko lang ang babaeng yan. Bago ako makaalis narinig kong natatatanong ang Daddy niya. Umuwi ako sa bahay at napaupo ako sa sahig. Diyos ko, anong ginawa ko. Bakit di ko agad siya pinaniwalaan. Nasaan kana ba Yesha. Masama ba ang loob mo kaya ka umalis. Paano ba kita mahahanap? At saan ba kita hahanapin. Frustrated na sabi ko sa sarili ko. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko dahil kailangan ko ng makakatulong sa akin. Pagdating nila Brix at Chris nagtanong sila kung anong nangyari at paanong nawala na lang bigla si Yesha. Sinalaysay ko ang nangyari pati ang pagkakahuli ko kay Yesha na may kasamang lalaki sa loob ng silid niya na ang may kagagawan ay ang walang hiyang kapatid niya na si Raine. Nagulat sila sa sinabi ko kahit sila di makapaniwala na magkapatid si Yesha at Raine at kung paanong nagawang sirain ng babaeng yun ang sariling niyang kapatid. "Napakawalangyang babae naman pala nung Raine na yan. Desperada siguro dahil asawa mo na si Yesha. Diba habol ng habol sayo yun? Paano mo ngayon hahanapin si Yesha." tanong nila. "Kaya ko nga kayo pinatawag para tulungan ninyo akong hanapin si Yesha." sagot ko. "Ok lalapit ako sa mga kaibigan kong imbestigador." sabi ni Brix. Isang linggo na ang lumipas wala pa din si Yesha. Nandito kami sa bahay kasama ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Yesha pati ang kuya niya. Nagalit ang kuya ni Yesha. "Bakit nawawala ang kapatid ko? Anong ginawa mo?" pinagsusuntok ako nito. Inawat siya ng mga kaibigan ni Yesha pero hinayaan ko lang siya. Dahil kahit ako sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nawawala si Yesha. Kasalanan ko dahil hindi ako nagtiwala kay Yesha. RYAN'S POV Isang linggo na nawawala at hindi pa din nakikita ang kapatid ko. "Paano kung may masamang nangyari don? At paano makikita ang kapatid ko tingnan mo nga itsura mo. Aga aga lasing ka? mukha kang ermitanyo sa itsura mo. Hinanap mo pa ba ang kapatid ko? Parang puro alak ang inaatupag mo." bulyaw ko. "Pare tama na yan. Hinahanap niya ang kapatid mo. Kasama kaming naghahanap sa kapatid mo. Lumapit na ko sa mga kakila ko para makita natin si Yesha. Tama na muna ang sisihan. Ang mahalaga makita natin ang kapatid mo." sabi ni Brix. "Nag aalala lang siya sa kapatid mo kaya siya ganyan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD