Episode 12: "Lian Blake Scoth Jr."

2325 Words
YESHA'S POV Isang katok ang gumising sakin. "Hello po magandang umaga." binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang dalagang pamangkin ng katiwala na si manang Lina. "Bumaba ka na daw sabi ni señorito para mag agahan." aya nya. "Salamat, susunod nako." ginawa ko muna ang morning routine bago ako bumaba. Pagbaba ko nasa hapag na si Doc Alex. Ok naman ang pananatili ko dito, mabait si Doc ganon din ang si manang at yung dalawa pang katulong. Hindi nila ako hinahayaan gumawa ng gawaing bahay dahil buntis daw ako. Hindi naman nagtatanong si Doc tungkol sa buhay ko na ipinagpapasalamat ko naman. Hindi ko muna gustong pag usapan ang pag alis ko sa bahay. FASTFORWARD Tatlong taon na din ang lumipas mula nung umalis ako sa bahay namin ni Blake. Sa tulong ni Doc Alex nakapag simula ako ng maliit na negosyo. Yung plano namin na magkakaibigan noon na botique ay itinuloy ko na. Noong una maliit pa lang ito ngunit ngayon ay may mayroon na rin akong mananahi. Ako pa din ang nagdedesign at medyo marami rami na din ang customer ko. Nag oonline selling din ako pero naka mask ako dahil ayaw kong may makakilala sakin kaya kapag humaharap ako sa mga customer ko ay naka mask ako. Ngayon may mga regular na customer na din ako bukod pa sa mga dumadayo sa shop para bumili ng damit at sa mga gustong magpasadya ng design sa akin. Medyo nakikilala na din ang negosyo ko bilang Secret fashion. Ito ang pangalan na aking botique shop. Sa ngayon hindi na ako nakatira sa bahay ni Doc. Nakakuha na din ako ng maliit na apartment syempre sa tulong ni Doc Alex. Siya ang naghanap ng apartment para daw komportable kami ng anak ko. Ngayon ay maayos na kami. Pinaalam ko na sa Papa ko, sa kuya ko at sa mga kaibigan ko na ok ako at maayos ang lagay ko. Nakita na din nila ang anak ko na ngayon ay dalawang taon na. Syempre ninang ang mga kaibigan ko, nag video call lang kami habang binibinyagan ang anak ko. Kahit si kuya ninong din siya. Hindi ko lang sinabi kung nasaan ako. Kapag may chance nagvivideo call kami kay kuya kaya kilala ng anak ko si kuya. Tito Ninong ang tawag ng anak ko kay sa kanya. Kahit ang tatlo kong kaibigan ay nakakavideocall din namin. Kaya lahat sila kilala na ng anak ko. Binilin ko kila Papa, Kuya at sa mga kaibigan ko na huwag sabihin na may komunikasyon ako sa kanila. Lalo na kay Blake dahil ayoko munang makaharap sya. Humingi ako ng tulong kay kuya na gawan ng paraan upang hindi ako mahanap ni Blake. Ayaw ko muna magkaharap kami. Nalaman ko din kay Papa na si Ate Raine ang may kagagawannung tungkol sa lalaking kasama ko sa silid nang makita kami Blake. Nahuli daw si Ate Raine sa sarili niyang bibig ng magpunta sa bahay si Blake para hanapin ako. Pinarusahan si Ate Raine sa ginawa niya. Dinala din si Ate sa amerika para doon na daw manirahan. Syempre tumutol ang madrasta ko dahil mahal na mahal non si Ate kaya lang dalawa ang kalaban niya. Si Papa at si Kuya, kaya wala siyang nagawa kahit nagprotesta siya at sa inis niya sinamahan niya sa amerika si Ate. Mag isa lang si Papa sa bahay niya kaya minsan nagpupunta siya dito sa apartment ko at nagpapalipas ng gabi. Tulad ngayon, hinihintay namin siya dahil dito daw siya ng dalawang araw mamamalagi. Kaya itong anak ko excited sa pagdating ng Lolo niya. Pagpasok pa lang ni Papa tumakbo na itong anak ko sa Lolo niya para magpabuhat at agad naman syang sinalubong ni Papa ng yakap para mabuhat ang Apo niya. Lumapit ako sa maglolo ar humalik ako sa pisngi ni Papa. "Kamusta ang mahal kong Apo ha? Hindi ba naging pasaway?" tanong ni Papa. "No Lolo behave po ako. Lolo diba ikaw ang Papa ni mommy?" tanong ng anak ko. "Oo apo, bakit mo tinatanong?" sagot ni Papa. "Edi ibig sabihin may Papa din ako kasi si Mommy may Papa? kasi si Daddy Ninong hindi ko naman Papa." usisa pa ni Jr. Nabigla kami sa sinabi ni Jr. hindi ko alam kung paano namin sasagutin ang mga sinabi niya. "Ah baby maligo ka muna ha? Hindi pa naman aalis si Lolo. Mahihilo si Lolo kasi ang asim mo na oh." putol ko. "Lolo diyan ka lang po ha! maliligo muna po ako." paalam ni Jr. Tumango si Papa kaya sumama na siya sa Yaya niya. "Yaya paki paliguan mo muna si Jr. Salamat." utos ko sa Yaya niya. Pag akyat ng anak ko para maligo. Nagsalita si Papa. "Anak, alam mo naman siguro na mangyayari ang araw na ito na magtatanong ang anak mo tungkol sa ama niya. Pasensiya ka na anak alam kong di ninyo mahal ang isa't isa kaya nagkaganito kayo. Kasalanan ko, pinilit kitang magpakasal sa taong hindi mo mahal kaya nangyayari ito." panimula ni Papa. "Papa, huwag ninyong sisihin ang sarili ninyo. Masaya ako dahil kung hindi ninyo ko pinakasal edi wala sanang munting anghel. Wala akong pinagsisihan sa pagpayag sa inyong kagustuhan na mapakasal ako dahil doon nagkaroon ng kabuluhan ang buhay ko. Sa pagdating ng isang anghel sa buhay ko na kahit kailan ay hindi ko pinagsisihang pumayag ako sa gusto ninyo Papa. Tsaka minahal ko naman ang asawa ko Papa. Minahal ko siya, natakot lang po ako dahil itinanggi niya at ayaw niyang kilalanin ang anak ko noon. Ayokong maranasan ng anak ko na hindi siya tanggapin ng sarili niyang ama ayaw kong maranasan niya ang naranasan ko kila Ate at Tita dahil hindi nila ko tanggap sa pamilya natin. Poprotektahan ko ang anak ko sa abot ng aking makakaya dahil siya ang buhay ko." tugon ko. "Anak, halika! dito ka umupo sa tabi ko. Alam mo ba noong panahon na nawala ka nakita kung paano nagsumikap ang asawa mo para makita ka niya. Nakita ko ang hirap niya. Halos mapabayaan niya ang sarili niya sa paghahanap sayo. Alam mo ba hanggang ngayon hinahanap ka pa din niya. Kaya hindi ka niya mahanap dahil hinaharang ng kuya mo ang mga taong binabayaran niya na para maghanap sayo. Sa tingin mo ilang taon na pero di pa din siya tumitigil hanggang ngayon, umaasa pa din siyang makikita ka niya. Sa tingin ko anak mahal ka niya dahil hindi niya gagawin ang ginawa niya kung hindi ka niya mahal. At kung hindi ka niya mahal sa tagal ng panahon, pag aaksayahan ka ba niyang hanapin? May mapapala ba siya sa paghahanap sayo kung hindi ka niya mahal? Anak, hindi ko sinasabing bumalik ka sa kanya. Sabi mo nga mahal mo siya. Isipin mo ang anak mo." pagpapatuloy ni Papa. Iniwan ko muna anak ko at si Papa. Nandito ako sa silid, iniisip ang sinabi ni Papa sakin. Kung talaga bang mahal nako ni Blake. Minahal na din ba niya ako. Huminga ako ng malalim. Sana totoo ang hinala ni Papa. Saka ko na lang siya haharapin kapag wala na ang takot ko na baka hindi niya kami matanggap ng anak ko. "Mommy! Mommy!" dinig kong tawag ng aking anghel. Ngumiti ako at niyakap ko ito. "Junior! baby!" sagot ko dito. Tama po kayo isinunod ko siya sa pangalan ng kanyang Ama dahil alam ko pagdating ng araw magkakakilala din naman silang mag ama. At pag dumating ang araw na yon ay hindi ko ipagdadamot ang anak ko sa kanya. Kahit itinanggi niya ang anak ko. Mayroon namang DNA testing ngayon kaya madali nang mapatunayan ang mga magkakadugo. "Hello baby! hindi ka ba nagpasaway kay Yaya?" tanong ko. "Hindi po Mommy behave po ako." sagot nya. "Wow very good naman ang baby jr. ko. pakiss ng madami. mhwa, mhwa. I love you baby." lambing ko. "I love you to Mommy." sagot naman nya. "Mommy kasama po namin si Daddy Ninong." Napatingin ako sa Yaya ng anak ko. "Nagpark lang po si Doc Ma'am. Siya po ang naghatid samin dito. Sinundo niya po kami sa bahay." Lumingon ako sa pintuan ng shop papasok na si Doc Alex. "Thank you Doc." bungad ko. "Walang anuman, Nagyaya si Jr. gusto daw niya mag jollibee. Gusto niya kasama ka kaya sinundo ka namin dito." sabi ni Doc. "Naku Doc, pagpasensiyahan mo na itong anak ko kung kinukulit ka." paumanhin ko. Humarap ako sa anak ko. "Baby, kinukulit mo nanaman si Daddy Ninong mo? Anong sabi ko sayo? Diba, wag kukulitin si Daddy Ninong dahil busy syang tao?" bulong ko kay Jr. "Sabi ko kasi sa Anak ko na huwag palaging kinukulit si Daddy Ninong niya. Dahil may trabaho ito at tinutulungan ang may mga sakit." baling ko naman kay Doc. "Ok lang naman, huwag kang magalit. Ako naman ang may gusto na pumunta kami sa jollibee dahil masaya siya kapag nagpupunta kami sa doon saka minsan lang naman." paliwanag ni Doc. "Hay naku Doc, ikaw na nga ang bahala ini-ispoil mo tong bata kaya madalas niyayaya ka niyan. Baka nakakaabala na kami sayo Doc, lalo na itong ang anak ko! Nakakahiya na sayo Doc." sagot ko. Pagdating dating sa Jollibee, nauna kami pumasok. Nagpark pa si Doc ng kotse niya. Humanap kami ng upuan para hintayin si Doc. Pagpasok ni Doc maraming lumingon kay sa kanya. May narinig pa ako sa mga grupo ng mga kabataan. "Ang gwapo!" "Oo nga sis, di lang gwapo. Super gwapo." dinig kong sabi ng mga kabataan. Napapangiti akong tumingin kay Doc. Ngayon ko lang talaga naisip na gwapo naman talaga si Doc. Sobrang kinis ng mukha at may mamula mulang labi. Matangos ang ilong at may height na 6ft. Siguro dahil sa dami ng pinagdaanan ko, di ko na napagtuunang pansin na may gwapong nilalang pala na palaging nasa tabi ko at tumutulong sakin. Nagulat ako nasa harap ko na siya. "Hey! ok ka lang? May nangyari ba?" tanong nya. "Ha-ah? Ok lang Doc. Wala naman nangyari." sagot ko. Pagkatapos namin kumain nagpunta muna kami sa Park. Tuwang tuwa ang anak ko habang naglalaro sa playground. Habang nagbabantay ang Yaya niya. Umupo muna kami ni Doc sa isang upuan doon. "Doc, salamat sa walang sawa mong pagtulong sakin lalo na nang dumating ang anak ko. Di ko alam kung paano ko matutumbasan ang pagtulong mo sakin. Sana pagdating ng araw ako naman ang makatulong sayo." usal ko. DOC ALEXANDER'S POV "Walang anuman, masaya akong tumulong sayo." sagot ko kay Yesha. Humarap siya sakin at tinitigan ako. "Yesha, mula simula pa lang nung muntik na kitang masagasaan at humiling ka na tumira ka sakin. Nasabi ko sa sarili ko na tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. At sa mga panahon ng pananatili mo sa bahay ko ay napamahal ka sakin. Yesha! Mahal kita. Oo Yesha, minahal kita hindi ko alam kung kailan basta isang araw naramdaman kong malungkot ako kapag di kita nakikita. Masaya ako kapag kasama kita. Lalo na ng dumating ang anak mo. Napamahal na kayo sakin. Kaya huwag mo ng isipin yun. Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa ginawa kong pagtulong sayo. At hindi naman ako naghahangad na tugunin mo ang nilahad kong damdamin para sayo. Sapat na sakin ang makasama kayong dalawa ng anak mo. Pero hindi ako magsisinungaling sayo na balang araw may katugunan ang damdamin ko para sayo. At kung hindi man dumating na mahalin mo din ako. Ok lang din. Dahil masaya na akong makasama kayo." Mahabang pag-amin ni Doc Alex. "Salamat isang mabuting tao at may malinis na puso ang pinadala ng Panginoon para tumulong sakin." Tugon ni Yesha. BLAKE'S POV Tatlong taon na ang lumipas. Walang paring nangyari sa paghahanap namin kay Yesha. Di talaga namin makita si Yesha. Sabi ng mga kaibigan ko baka ayaw daw talaga magpakita. Napabayaan ko na ang sarili ko sa paghahanap sa kanya. Mabuti na lang nandiyan sila Chris at Brix na siya munang namamahala sa negosyong napapabayaan ko. Kahit anong gawin kong paghahanap.Ganoon ba talaga kapag wala na saka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao? Kapag wala na tabi mo. Hindi ko akalain na minahal ko na pala siya. Ngayon ko lang nalaman ang halaga niya sa buhay ko nang mawala siya. Kamusta kaya siya? Ok lang kaya siya. Yung baby kaya namin kumusta? Ano kaya ang gender ng anak namin babae kaya o lalake. Hay! Isa lang yan sa marami kong tanong na hindi ko masagot dahil hanggang ngayon ay nawawala pa din siya. Di ko pa din sya makita. Nawawala nga ba o ayaw lang nyang magpakita. Dahil mga kaibigan niya hindi na nagpakita sakin para mag update tungkol kay Yesha. Noon madalas silang tumawag at magtanong kung kamusta na ang paghahanap kay Yesha, ganon din ang kuya niya. Wala na din paramdam. Noon kung mangulit sila sakin parang wala akong ginagawang paraan para mahanap ang asawa ko. Nahihirapan na kaya ako at parang gusto ko nang sumuko sa paghanap kay Yesha. May pakiramdam akong alam nila kung nasaan ang asawa ko. Kaya hindi na sila nagpaparamdam sakin at nakikibalita. BRIX'S POV Sa tatlong taon namin paghahanap kay Yesha hindi namin siya nakita o ayaw niya lang magpakita. Paano mo makikita ang isang tao na mukhang ayaw magpakita. Naawa na kami kay Blake, halos malugmok na siya sa pag aalala at kalungkutan para sa asawa niya. Kami na ngang dalawa ni Chris ang pansamantalang humahawak sa negosyo niya. Papunta kami sa bahay niya ngayon upang kumbinsihin na ayusin muna ang buhay niya. Pagpasok namin sa bahay madilim. Pagbukas namin ng ilaw nagkalat ang mga boteng wala nang laman na bumugad samin at daig pa ang tambakan ng basura ang bahay ni Blake. Wala siya sa sala kahit sa kusina. Dinatnan namin siya sa silid niya. Nakalugmok at mukhang nilunod ang sarili sa alak. "Blake." tawag ko. Hindi siya sumagot pero umungol lang siya. Nagpasya kami ni Chris na dalhin sya sa banyo. Nilapag namin siya sa banyo at binuksan ang shower para mahimasmasan .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD