CHRIS' POV
Hinintay namin si Blake na makapag ayos ng sarili niya. Sa totoo lang naaawa na kami dito sa kaibigan namin na ito, halos mapabayaan na ang sarili niya. Dahil sa paghahanap sa asawa niya.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo pre? Halos pabayaan mo na ang sarili mo sa paghahanap mo sa asawa mo.
Lahat ng paraan ginawa na natin mahanap lang natin ang asawa mo. Bakit sa tingin mo hanggang ngayon di tayo makahanap kahit konting lead o makakalap man lang ng impormasyon kung nasaan ang asawa mo? Halos halughugin na natin ang buong Pilipinas. Kahit isa man walang makapagturo sa atin kung nasaan ang asawa mo." tanong ko sa kanya.
"Sa tingin ko hindi natin makikita ang taong ayaw magpahanap. Sa tingin mo sa tagal ng panahong hinahanap natin siya wala tayong makalap na impormasyon o baka ayaw niyang magpakita sayo. Ayon sa kwento mo noong mga huling pagsasama nyo hindi kayo nagkaintdihan dahil sa kagagawan ng half sister niya. Baka galit siya sayo. Dahil di ka naniwala sa kanya at itinanggi mo pa yung anak nyo! Kaya ayaw niyang magpakita. Alam namin na naging masaya ka ng panahon na kasama mo siya, nakita namin kung paanong para kang baliw na ngumingiti kahit mag isa kaya alam namin na minahal mo na ang asawa mo. Dahil kita naman sa kilos at galaw mo." pagpapatuloy ko.
"Hindi ko sinasabing kalimutan mo ang asawa mo! Pero siguro kailangan mo munang ayusin ang sarili mo. Malay mo magkita din kayo pagdating ng araw hayaan mo ang tadhana ang gumawa ng paraan para magkita kayo. At pag nangyari yon maayos ka at may tapang kang humarap at humingi ng tawad sa kanya. Naiintidihan mo ba ang point namin pre? Ok lang naman samin. Na kami muna ang humawak ng negosyo mo dahil kaibigan ka namin at nandito kami para sayo. Pero paano ka haharap sa kanya? Paano mo siya haharapin sa ganyan itsura mo. Siguro baka ngayon malaki na ang anak ninyo. Kaya ayusin mo muna yang sarili mo at pasasaan bat pagtatagpuin at pagtatagpuin padin kayo ng tadhana."
Haay! Salamat naman at nakumbinsi namin siya na ayusin muna ang sarili niya. Kaya ayokong magka lovelife eh nakakabaliw at kung magkakaroon man ako gusto ko yung handa nako dahil ayokong matulad sa pamilya ko broken family kami. Kaya kung magkakarelasyon ako yung panghabang buhay.
BRIX'S POV
Nandito kami ngayon sa restaurant para makipagkita sa bagong imbestigador
na kinuha ko. Meron na daw siyang impormasyon tungkol kay Yesha. Mabuti
na lang kumuha ako na bagong imbestigador. Nakakapagduda kasi yung dati. Napakatagal ng panahon hanggang ngayon wala pang ibinibigay kahit isang impormasyon na maibigay samin. Sa tingin ko nag aaksaya lang kami ng pera, oras at panahon. Mabuti na lang at naisipan kong palitan yung dati.
"Good afternoon Mr. Montez!" bati sakin ng imbestigador.
"Nandito hawak ko na ang lahat ng impormasyon sa pinahahanap ninyo sakin. Lahat ng detalye ay nandiyan sa envelope, ikaw na ang bahalang tumingin, kumpleto iyan. Kung may gusto kang malaman na iba, tawagan mo na lang ako." mahabang kwento ng imbestigador.
Pagka alis ng IM binuksan ko ang envelope. Napangiti ako sa nakita ko siguradong matutuwa si Blake. May mga larawan kasi ni Yesha na may kasamang
bata. Nagmamadali kong pinuntahan si Blake para ipaalam sa kanya ang balitang nakalap ng (IM) imbestigador
tungkol kay Yesha. Pagpasok ko ng office tumingin sakin si Blake. At nagtanong.
"Oh, pare may problema ba?" tanong ni Blake
"Wala naman pre, pero tingnan mo ito."
Inabot ko ang envelope na galing sa IM.
Habang tinitingnan ang nilalaman ng envelope mababakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagliwanag ng mukha niya. Maging kasiyahan ay mababakas din sa mukha niya.
"Itong bata na nasa larawan, Ito na ba ang anak ko? Siya na ba ang anak namin ni Yesha?" Maluha luhang tanong ni Blake.
"Siguro.Tingnan mo, kahawig mo yung bata. Parang batang version mo." tanong ko lang.
"Pare gusto kong puntahan ang mag-ina ko. Gusto ko silang makita!" bulalas nya.
"Sige pre walang problema. Kaya mo na bang humarap kay Yesha?" tanong ko.
BLAKE'S POV
Nang makita ko ang larawan ng bata sigurado akong ito ang anak ko. Dahil para akong nanalamin noong bata ako. Ngunit mas napukaw ng atensiyon ko ang isang larawan ng asawa ko na may kasamang lalaki habang masayang nakangiti. Sino kaya ang lalaking ito ? Ito na ba ang bagong karelasyon ng asawa ko? Nakahanap na ba siya ng iba Mukhang masaya sila sa larawan. Sana hindi totoo ang hinala ko na may iba na ang asawa ko. Sabik na kong makita ang mag ina ko. Pero nagkaroon ako ng alilangan. Baka masaya na siya kasama ang lalaki na nasa picture. Tinanong ako ni Brix kung handa na ba akong makaharap ang mag ina ko? Napaisip ako. Kaya ko na ba silang makaharap. Anong sasabihin ko sa asawa ko. Paano ko sasabihin na pinagsisihan ko na ang hindi siya pinaniwalaan at hindi sya paniwalaan, and worse sinabihan pa nang masasakit na salita. Na siyang naging dahilan kung bakit siya lumayo. At nagtago ng ilang panahon. Ngayon pa lang sumasakit na ang damdamin ko.
Pano nga kung may iba na siya? Kakayanin ko ba? Kung hihingi ako ng tawad sa kanya mapapatawad kaya niya ako? Sigurado akong galit siya.
Nandito kami sa may harap ng gate na kung saan ay dito nakatira ang asawa ko. Kasama ko ang dalawa kong kaibigan na nag aabang. Nakita naming bumukas ang gate. Nakita kong pasakay ng kotse ang asawa ko kasama ang lalaking nya larawan nga galing sa imbestigador. Nalungkot ako habang nakatingin sa asawa ko na masaya kasama ang lalaki. Maya maya may lumabas na bata.
"Mommy!" sigaw ng bata at yumakap maman ang asawa ko at humalik sa bata.
Napaiyak ako habang nakatingin sa bata. Ang laki na ng anak ko. Gusto kong bumaba at yakapin ang anak ko pero kailangan ko munang magtiis kailangan muna kami mag usap ng asawa ko .
"Pre, halika na saka muna lang kausapin ang asawa mo mukhang may bisita siya. May ibang pagkakataon pa naman tutal alam na natin kung saan siya nakatira." sabi ni Chris
YESHA'S POV
Simula ng magtapat ng pag ibig si Doc Alex sakin palagi na siyang may dalang bulaklak tuwing dumadalaw siya sa bahay. Katulad na lang ngayon pagpasok niya sa bahay inabot niya sa akin ang bulaklak at nagsabing
"Para sayo!"
"Salamat, di ka na sana nag abala pa Doc. Pero salamat na din." niyaya ko si Doc sa may garden dahil gusto ko siyang makausap ng sarilinan.
"Doc? alam kong malaki ang utang na loob ko sayo. lalo na noong panahon na hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Pero Doc hindi ko kayang tugunan ang pagmamahal mo ayaw kong magkaroon tayo ng relasyon nang dahil sa utang na loob ko sayo .Kung makipagrelasyon ako, gusto kong tunay ang nararamdaman ko at gusto kong magmamahal hindi dahil sa utang na loob kundi ito yung nararamdaman ng puso ko. Magiging unfair ako sayo kung magkakaroon tayo ng relasyon dahil sa utang na loob. Napakabuti mo sakin. Kaya ayaw kitang paasahin dahil lang sa utang na loob. Kung natuturuan lang ang puso ikaw ang ka isa-isang lalaking gusto kong mahalin. Mahal kita bilang kaibigan at kapatid, sana maintidihan mo ko. Napakabuti mo sakin at gusto kong manatili tayong maging magkaibigan. Makakahanap ka din ng babaeng magmamahal at mag aalaga sayo. Dahil lahat tayo ay may nakalaan na magmamahal para satin."
Ngumiti siya at nagsabing
"Salamat naging tapat ka sakin. Naiintindihan ko kung talagang kaibigan at kapatid ang turing mo sakin. Salamat mahal mo ako kahit bilang kapatid at kaibigan. Sana nga tulad ng sinabi mo na may taong nakalaan sakin." mahabang pahayag ni Doc.
"At sana kapag nahanap mo na yung taong para sayo, ako yung unang makakilala sa kanya. At ako yung unang taong magiging masaya para sa inyong dalawa."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Doc. Akala ko hindi niya maiintindihan.