Episode 14: MEETING HIS CHILD

1462 Words
YESHA'S POV Nagulat ako pagbukas ng pinto nakita ko si Blake. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? At bakit nandito ka ha? Anong kailangan mo?" sunod sunod kong tanong. "Una nandito ako para kausapin ka. Maari bang papasukin mo muna ako para makag-usap tayo." mahinahong sagot ni Blake. Napabuntong hininga ako. At nagdesisiyong papasukin si Blake. "Sige pumasok ka!" aya ko. Pagpasok sa bahay naglalaro ang anak ko sa sala. Tumingin sakin ang anak ko. Tumakbo at yumakap sakin at nagpabuhat, tumingin siya sa Ama niya at nagtanong. "Mommy sino siya?" "Bisita siya ni Mommy baby." "Hi po, Good morning po bisita ni Mommy. Ano po ang name mo? Ang pogi nyo po katulad ko. Sabi ni Mommy pogi daw ang Daddy ko kaya pogi din ako. diba Mommy?" Bibong sabi ng anak namin. "Oo anak, kakausapin ko lang ang bisita ha! Si Yaya muna ang kalaro mo ok? "Ya, pakipanhik mo muna si Jr. sa room niya." utos ko. "Doon ka muna sa room mo magplay ok kausapin lang ni Mommy ang bisita ha?" paalam ko sa anak ko. "Yes Mommy! I love you Mommy. Yaya lika na po." Pag akyat ng anak namin nagsalita si Blake. "Siya na ba ang anak natin? Tanong ni Blake." "Anak? Sa pagkakatanda ko ang sabi mo noon hindi mo anak ang batang dinadala ko." sarkastiko kong sagot. "Alam kong nagkamali ako kaya nga hinanap kita. Gusto kong itama ang pagkakamaki ko noon." paliwanag ni Blake. "At sa tingin mo ganon lang kadali yun!? Hindi mo ako pinaniwalaan kahit anong paliwanag ko sayo. Umalis kana dito wala kang anak dito. Hindi mo pinaniwalaan ang paliwanag ko sayo at tinanggi mo ang nasa sinapupunan ko, d Doon pa lang ay wala ka nang karapatan sa anak ko kaya umalis ka na dito." Hindi ko napigilan ang pagluha ko bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko noong araw na ayaw niyang pakinggan ang paliwanag ko. "Umalis ka na. Please." mariin kong sabi. "Aalis ako ngayon pero hindi ibig sabihin non ay hindi ako babalik. Asahan mo na palagi akong babalik dito. Dahil gusto kong magkaayos tayo at asahan mong palagi akong magpupunta dito para makilala ang anak ko. Gusto kong makasama ang anak ko. Babalik ako kapag malamig na ang ulo mo. May karapatan ako sa bata kaya babalik ako." Sabi ni Blake. Nang nakaalis na si Blake, nanlambot ang tuhod ko at napaluhod ako sa sahig. Paano ba niya kami natagpuan? Anong gagawin ko kung kailan maayos na ang buhay naming mag ina. "Mommy!" Narinig kong sigaw ng anak ko. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa anak ko. "Gutom na ba ang baby ko ha?" tanong ko. Nakatingin lang sakin ang anak ko at biglang nagtanong. "Nagcry kaba po Mommy? pinaiyak kaba ng bisita Mommy?" "No baby, napuwing lang si Mommy! pa kiss nga sa baby ko. hmmm ang asim, tara na ligo kana ang asim mo na oh!" Kinabukasan maaga akong nag ayos para pumasok sa trabaho. Pero pagbungad ko pa lang ng pinto nandoon na si Blake. "Anong ginagawa mo dito? Umalis kana at wag ka nang babalik dito dahil wala ka namang babalikan." bungad ko. "Gusto kong mag usap tayo. Gusto kong mag usap tayo nang maayos at magkalinawagan. May anak tayo at isa pa asawa kita kaya gusto kong mag usap tayo." pagpapatuloy nya. "Wala naman tayong dapat pag usapan. Lumayo na nga ako ano pa ba ang gusto mo? Hindi bat tinanggi mo ang anak ko? Umalis kana at wala kang mapapala dito." awat ko. Tumakbo ako at bumalik sa bahay at pumasok sa kwarto para doon ibuhos ang sakit na mararamdaman ko. Bakit pa kasi siya pumunta dito. Ang akala ko hindi nako masaksaktan kapag nagkita kami pero masakit parin ang nararamdaman ko. Hindi nako nakapunta sa shop ko. Tumawag na lang ako para ibilin ang mga gagawin nila. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang lumabas. BLAKE'S POV Tumakbo si Yesha pabalik sa bahay niya. Alam kong umiiyak siya. Hindi ko alam kung paano kami makakapag usap ng matino palagi niya akong pinatatabuyan. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit lumayo siya. Gusto ko ng magkaayos kami. Gusto kong bumalik na sila sakin ng anak ko. Gusto kong malaman niya na mahal ko siya dahil ng umalis siya doon ko na realize na mahal ko na pala siya. Pero pano ko gagawin yun sa tuwing pupuntahan ko siya pinagtatabuyan niya ako. Gusto kong magsimula kami kasama ang anak namin. Hindi ako susuko kahit ipagtabuyan niya pa ako. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sakin. Habang nag iisip ako may pumaradang sasakyan. Paglabas nang sakay nang nasa loob nakita ko yung lalaking hindi ko alam kung anong relasyon sa asawa ko pero siya ang lalaki na kasama ni Yesha sa picture. Pumasok siya sa loob ng bahay. Napatingin ito sa gawi ko bago pumasok sa loob ng bahay. Umalis muna ako babalik na lang ako bukas. Babalikan kita Yesha babalikan ko kayo ng anak ko. "Pangako ko yan" sabi ko sa aking sarili. YESHA'S POV Paglabas ko naabutan ko si Doc Alex kasama ng anak ko na naglalaro at nagkakatuwaan. Ginawang kabayo ng anak ko si Doc. "Ehem" sabay silang napatingin sakin. "Anak, pinapagod mo nanaman si Daddy Ninong mo." tumingin ako kay Doc. "Hi Doc, wala ka bang duty ngayon?" bati ko sa kanya bago kami umupo kami sa sala. "Off duty ako ngayon kaya nagpasya akong dumalaw dito. Namiss ko na kasi tong inaanak kong sobrang pogi na nagmana kay Daddy Ninong. Papasok kaba ngayon?" tanong nya. "Hindi naman Doc! baka bukas na lang ako pupunta doon." "May problema kaba? kita ko diyan sa mukha mo. Umiyak ka ba? May nakita akong lalaki dyan sa labas kanina kilala mo ba yun kasi dito siya nakatingin kanina at nakatingin siya sakin habang papasok ako dito sa loob ng bahay. Yesha, kung may problema ka maaari mo naman sabihin sakin, magkaibigan tayo diba? Huwag mong kimkimin ang problema mo. Pag usapan natin. Nandito ako handang makinig sayo." mahabang paliwanag ni Doc. BLAKE'S POV Pumunta ako sa bahay nila Yesha. Tumingin ako sa anak ko. Naglalaro ito sa bakuran kasama ng Yaya niya. Lumapit ako narinig kong nagbilin sa anak ko ang Yaya niya na may kukunin lang daw sa loob. Sinunggaban ko ang pagkakataong ito para kausapin ang anak ko. "Hi." bati ko. Tumingin ito sakin at lumapit sa may gate. "Hello po, kayo po yung bisita ni Mommy nong kahapon po?" tanong nito. "Oo ako nga. Anong pangalan mo?" pagpapatuloy ko. "Ako po si Jr. Kayo po? Ano po pangalan nyo?" Yun ba ang tunay mong pangalan? "Hindi po, yun po ang tawag sakin ni Mommy, ni Yaya, Daddy Ninong at si Tito Daddy saka ni Daddy Lo pero ang tunay ko pong pangalan ay Lian Blake Scoth Jr." mahaba nyang paliwanag. Nagulat ako pero natuwa din dahil sinunod niya pala sa pangalan ko ang anak namin. Gusto kong yakapin ang anak ko pero pinigil ko dahil baka mabigla ang bata. Napaluha ako dahil masaya ako at sinunod niya sa pangalan ko ang bata. "Bakit po kayo umiiyak?" tanong ng anak ko. "Ah wala ito, napuwing lang." tugon ko. "Gusto nyo po hipan ko yung mata mo kasi si Mommy kapag napupuwing sya hunihipan ko po." bibong tugon ng anak ko. "Talaga? sige nga hipan mo." "Ayan po ok napo ba? hinipan ko na po. Wala na po ba?" nakangiti nyang sabi "Wow ok na. Good job." "Welcome po. Kayo po anong pangalan nyo?" usisa nya. "Ako? Blake ang tawag nila sakin." "Wow! pareho po pala tayo ng pangalan meron din akong Blake sa name ko po." "Palagi bang pumupunta yung Daddy Ninong na tinatawag mo dito sa bahay ninyo?" tanong ko. "Opo palagi po siya punta dito lagi po niya ako binibili ng toys tapos palagi din po kami namamasyal." patuloy ng bata. "Kasama ba ang Mommy mo kapag namamasyal kayo?" "Opo palagi po." "Ah ganon ba." "Jr!" narinig naming sigaw ng Yaya niya kaya pareho kami limingon. Tumabo ang bata sa Yaya niya. "Jr diba sabi ng Mommy mo don't talk to strangers diba?" paalala ng Yaya nya. "Yaya dipo sya stranger. Nakita ko po bisita siya ni Mommy." Tumingin ang Yaya sakin. "Hinahanap ninyo po ba si Ate? Pasensya napo wala po dito si Ate. Bumalik na lang kayo sa ibang araw. Pasensiya napo talaga kayo." Bago pa sila tumalikod, sumigaw si Jr. ng "Mommy!" Pagtingin ko nakita kong nagulat si Yesha. Lumapit agad ito sa bata at nagsabing Yaya paki pasok muna si Jr. "Yesha! pwede ba tayong mag usap?" "Baby doon muna kayo ni Yaya sa loob maglaro ha!" utos nya sa bata. "Ok po Mommy. Bye po. Tito Blake." paalam ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD