Episode 15: "COURTSHIP"

1409 Words
BLAKE'S POV "Bakit nadito ka na naman? Diba sinabi ko na sayo na wala na tayong dapat pag usapan." naiinis na tugon ni Yesha. "Hindi ba sinabi ko din sayo na hindi ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na bumalik sakin kasama ng anak ko." tugon ko. "Hindi nako babalik sayo. Iba na ang sitwasyon ngayon. Isa pa ayaw ko nang bumalik sayo dahil wala kang tiwala ang sakin. At isa pa wala namang pagmamahal na involve nung magpakasal tayo! Kaya walang balikan na magaganap sating dalawa." mahabang paliwanag ni Yesha. "Pero mahal kita, narealize ko yun nung umalis ka ng bahay. Kaya nga hinanap kita, hindi ako tumigil ng paghahap sayo dahil minahal na kita. Kaya please! Bumalik kana kasama ng anak natin." "Alam kong nagkamali ako dahil hindi ako nagtiwala sayo. Pinagsisihan ko nang hindi kita pinagkatiwalaan. Nakiki-usap ako. Gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang kayong dalawa ng anak ko at maging masaya tayo. Sana pumayag ka na bumalik sa bahay natin." "Pag iisipan ko!" tugon ni Yesha. "Salamat hanggat di ka pa nakakapagdesisyon, pwede ba akong bumalik dito? This time I want to court you. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako. At para makasama ko din ang anak ko." "Bahala ka kung anong gusto mo." maikling tugon ni Yesha. YESHA'S POV Pagka alis ni Blake napangiti ako. Hay! ang kulit, bahala nga siya. Pero deep inside kilig much ako! Paano kaya manligaw ang isang Lian Blake Scoth? Pero napa isip ako paano nga pala yung anak namin. Ipapakilala ko na ba siya sa Ama niya. Bakit ba di ko naisip yun. Panahon na ba para magkakilala yung mag ama? Kinabukasan pumunta nako sa shop. Tumunog ang cp ko, nakita kong tumatawag si Doc Alex. "Oh hello Doc Alex! Napatawag ka?" "Hello! Kamusta? ready kana bang magshare ng mga iniisip mo? O kung anuman ang gumugulo dyan sa isipan mo. Pwede tayong magkita?" "Ok sige Doc, wala ka bang duty ngayon?" "Ang lalim ng hinga mo ah! Ok sige wala naman akong duty ngayon. Nasaan ka ba ngayon? puntahan kita." Tanong ni Doc Alex "Sige Doc! Nandito ako ngayon sa shop nagtatrabaho." "Ok sunduin kita diyan." Tinapos ko muna ang lahat ng trabaho ko. Bago dumating si Doc. Papasok na kami ng restaurant at maraming napapalingon dahil sa kasama ko. Kaya bumulong ako Doc. "Look at the girls beside you, mukhang na starstruck sayo." sumulyap ito at ngumiti na nagpakilig naman sa mga ito. Kinurot ko ito sa tagiliran. "Ikaw na Doc. Ikaw na ang pogi." asar ko. "Tumigil ka nga dyan Yesha." "Ok." Nag peace sign ako. Tinawag na niya yung waiter. "Hay naku Yesha! wag mong kong daanin sa ganyan! Ok, anong problema bakit lutang ka at hindi ka makausao noong nakaraang araw hmm!?" bawi ni Doc. Huminga muna ako ng malalim. "Natagpuan nakami ni Blake! Nagpunta siya noong isang linggo sa bahay." Kinuwento ko sa kanya noong unang nagpunta si Blake sa bahay hanggang kahapon na dumalaw si Blake at nagsabing liligawan daw ako para bumalik ako sa kanya kasama ng anak namin. "Anong gagawin ko Doc? Kailangan ko na bang ipakilala ang anak namin sa kanya? Ano bang dapat kong gawin?" "Ang tanong, mahal mo pa ba siya hanggang ngayon? Dahil kung mahal mo siya hayaan mong gawin nya ang gusto niya, doon mo makikita kung talagang seryoso siya. Kaya mo ba siyang makita tuwing dadalaw siya na di maaalala ang mga nakaraan. Hindi ka na ba nasasaktan kapag kaharap mo siya? Naghilom na ba ang sugat na nararamdaman mo noon dyan sa puso mo? Napatawad mo na ba siya sa nagawa niyang kasalanan ng hindi ka niya pinaniwalaan. Kung oo ang sagot mo. Pag isipan mo baka ito na ang time para maging maligaya ka." Mahabang paliwanag ni Doc Alex. "Salamat Doc, mabuti na lang binigyan ako ni Lord ng kaibigan na hindi lang mabait sobrang gwapo pa. Kaya tuloy maraming mga babaeng namagnet ang tingin dito sa pwesto natin. Pakipulot na din may mga panty yatang nagkalat oh. Hahaha!" asar ko kay Doc. "Hay naku Yesha baliw ka talaga, halika na nga hatid na kita. Daan muna tayo ng mall bibili pako ng pasalubong para sa mga anak mo." "Hay naku Doc iniispoiled mo talaga yung anak ko." "Minsan lang naman, alam mo naman mahal ko yung anak mo." sagot ni Doc. Pagdating namin sa bahay nandoon si Blake. Kasama ang anak namin na ginawang kabayo ang ama niya. Hindi man lang kami napansin pumasok ng bahay sa sobrang libang nila. Tumikhim ako. "Hmmm!" Doon sabay silang napalingon samin. "Daddy ninong!" sigaw ng anak ko. Sabay alis sa likod ng ama niya. Tumakbo ito payakap kay Doc at nagpakarga. Tumayo naman si Blake. "Namiss mo ba si Daddy Ninong?" Tanong ni Doc. "Opo Daddy Ninong." sagot ng anak ko. Kinuha ko muna ang anak ko kay Doc Alex. "Kamusta baby?" "Ok lang po Mommy nag play po kami ni Tito Blake. Ang saya ko po." nakangiting kwento ng anak ko. "Really?" "Yes po Mommy." sagot ng anak ko. Nagkatinginan sila Doc Alex at Blake. Ang sama makatingin ni Blake. Nagsukatan sila ng tingin. oh my gosh akward. "May bisita pala kayo?" sabay sabi ni Doc. "Hi." bati ko kay Blake. "Ah siya nga pala Doc Alex siya si Blake. Blake si Doc Alex." Yumuko si Doc sabay sabing. "Doc Alex Montereal at your service. Lumipat naman ng karga ang anak ko kay Doc kahit masama ang tingin ni Blake kay Doc hindi na lang nito pinansin at itinuon na lang ni Doc ang pakikipag usap at pakikipaglaro sa anak ko. "I have something for you baby." sabi ni Doc. "Wow! thank you Daddy Ninong. Tito Blake also gave pasalubong for me and we also play like we did before." sagot naman ni Jr. "Mommy, I'm happy because I have two playmates now. First is Daddy Ninong and now, Tito Blake!" pumapalapak pang pahayag ng anak ko. Saka nakipagkulitan sa Daddy Ninong niya. Napatingin ako Blake, nakayuko ito at parang ang lalim ng iniisip. Itinaas ang tingin niya at tumingin sakin. Nakikita ko sa mukha niya ang lungkot habang tahimik na nagmamasid kila Doc at sa anak namin na masayang masaya. Naawa naman ako sa kanya, marahil nalulungkot ito dahil nakikita niya kung gaano kasaya ang anak niya kasama si Doc lalo na at hindi pa alam ng anak namin na siya ang tunay na Daddy nito. Habang masaya ang dalawa, inabot niya sakin ang isang punpon ng bulaklak. "For you." sabay abot ng bulaklak. Inabot ko ito at nagpasalamat. Maya maya nagsalita ang anak ko. "Mommy I'm sleepy." naghihikab na sabi ng anak ko. Binuhat naman ito ni Doc at nagsabing siya na lang ang mag aakyat sa kwarto. Bago umakyat bumulong muna si Doc "Para makapagsarilinan kayo. Good luck." Hinampas ko ito sa braso at pinanlakihan ko ng mata na parang sinabing magtigil ka Doc. Nakaakyat na sila Doc. Tahimik lang si Blake. "Kanina kapa ba?" tanong ko. Tumingin siya sakin, ngumiti ng mapait at nagtanong. "Boyfriend mo ba si Doc Alex?" tanong nya. Sasagutin ko na sana siya nang magring ang phone ko. Tumingin ako sa kanya at nagsabing sasagutin ko lang saka lumayo para sagutin. Nakita kong si Eliza ang tumatawag. "Hello! Yesha! kamusta my friend may lakad kaba bukas? Punta kami dyan tatlo namiss ka na namin lalo na ang inaanak namin." "Ok sige mga hapon kayo pumunta dito." "I miss you friend! bakit hapon lang? buong maghapon kami dyan. Kaya ibigay mo ang buong oras mo samin bukas." "Hay naku sige na nga! sige na bukas na lang may bisita pako. Bye na." Pagbaba ko ng tawag nakatayo ito at parang hinihintay lang ako matapos kaya lumapit ako. "Ah uuwi nako babalik na lang ako sa ibang araw. " "Ok sige, salamat sa bulaklak." hinatid ko ito hanggang pinto. Habang naglalakad, lalay ang balikat at parang sobrang lungkot. Naalala ko hindi ko pala nasagot ang tanong niya kung boyfriend ko si Doc Alex. Nagkibit balikat na lang ako at pumanhik sa kwarto ng anak ko. Tumingin sakin si Doc. "Kamusta? nagkausap na ba kayo ng maayos. Nagkalinawan na ba kayo?" umiling ako bilang sagot sa tanong niya. "Anong nangyari? bakit di kayo nakapag usap ng maayos?" tanong ni Doc "Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para magkaayos kami. May tamang panahon siguro para dyan. Sa ngayon hayaan muna natin na ganito muna, diba nga sabi niya liligawan niya ko edi magtiyaga siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD