EPISODE 16: "CATCHING FEELINGS"

2281 Words
Naghahanda ako ngayon ng meryenda dahil darating ngayon ang mga kaibigan ko. Katapos ko lang nang marinig kong may nag doorbel, siguradong sila na yan. "Hello Everyone!" dinig kong sigaw ni Marisha. Kaya lumabas na ko ng kusina. "Nandiyan na pala kayo!" bati ko. "Nasaan na yung gwapo naming inaanak?" tanong naman ni Eliza. "Ninang ganda!" tumakbo at yumakap kay Eliza si Jr. "Anak baka madapa ka, huwag tumakbo." paalala ko. "Sorry po Mommy!" "Ok next time don't run ok?" "Yes po Mommy!" "Ninang beauty!" yumakap din kay sya kay Marisha. Lumipat naman siya kay Pearl at yumakap din. Hay naku ito talagang mga kaibigan ko iba-iba pa ang gustong itawag sa kanila ng anak ko, mabuti na lang kahit bata pa ang anak ko magaling magtanda ng mga bagay bagay. "Anong hangin ang nasagap ng aking mga kaibigan at naligaw kayo?" Tanong ko. "Grabe ka samin friend. Hindi ba pwedeng gusto ka namin makita pati inaanak namin. Nakakatampo ka naman friend." "Joke lang naman! Alam ko naman na miss na miss nyo nako At kayo din naman syempre na miss ko din kayo no." "Miss ka na kaya namin pati ang napakagwapo at napaka cute syempre na inaanak namin. At syempre mawawala ba ang pasalubong sa pogi naming inaanak?" "Wow thank you po mga Ninang." sagot ng anak ko. Nandito kami ngayon sa bar napilit ako ng mga kaibigan ko na bumalik sa pagkanta. Di naman sana ako pumayag. Pero sabi nila kahit isang beses isang buwan daw. Dahil regular na silang may gig. Every week nagpeperform sila. Wala padin naman nagbago naka mask pa din sila. Pinakilala nila ako ang pagbabalik ni Aphrodithe. Nakita ko si Blake kasama ang mga kaibigan niya. Alam ko nandito sila dahil sinabi sakin nila na nandito siya kasama ng kaibigan niya. Naging kaibigan na din sila nila ng mga kaibigan ko noong hinahanap nila ako. Sinabi ng mga kaibigan ko kung paano halos malugmok at halos mawalan ng gana mabuhay dahil sa pagkawala ko. Naospital din daw ito dahil pinabayaan ang sarili at walang ginawa kung hindi magpakalunod sa alak. At sinisisi ang sarili sa pagkawala ko. Muntik na nga daw nila sabihin kila Blake kung nasaan ako sa sobrang awa nila kay Blake mabuti na lang daw at nakumbisi ito na ayusin ang buhay nito para sa akin. Nasa loob ako ng sasakyan ni Blake, pinahatid ako ng mga kaibigan ko sa kanya. Ayaw ko sanang pumayag pero may pupuntahan pa daw sila. Wala naman akong dalang sasakyan dahil sabi ng nga kaibigan ko ihahatid nila ako plano nila ito kasama ng kaibigan niya at kaibigan ko. Seryoso lang siyang nagmamaneho. Ako naman nakatingin sa labas. Kung minsan nagkakasulyapan kami. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, hindi ko alam nakatulog pala ako. Nagising na lang ako ng maramdaman kong parang may humahaplos sa pisngi ko pagdilat ko nang mata ko magkalapit ang mga mukha namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ako makakilos. Ngumiti siya. "Nandito na tayo!" sabi niya. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Hay kinabahan ako don. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Sumandal siya sa kotse niya habang hinihintay ako pumasok. Nahihiya naman ako kaya niyaya ko siyang pumasok. "Pasok ka muna!" Nagulat siya pero ngumiti siya at lumapit sakin. "Ok lang ba hindi ba ako makakaistorbo sayo alam kong pagod kana!" "Halika na, kinuha niya ang susi at siya na ang nagbukas ng pinto. Pinaupo ko muna siya at pinag timpla ng kape. Nagpaalam ako na magbibihis at sisilipin ang anak namin. "P-Pwede ko bang silipin ang anak natin? Gusto ko lang siyang makita." pakisuyo nya. Tumingin ako sa kanya nakayuko siya parang nahihiya. Ngumiti ako at pinasunod ko siya sakin. Naabutan namin ang Yaya ng anak ko halatang hinihintay ako sa pagdating ko. Pagkakita samin nagpaalam na ito. Lumapit si Blake sa anak namin at umupo sa tabi nito. Hinaplos niya ang bata at hinalikan sa noo. Alam kong sabik na siyang makilala siya ng anak niya. Napansin kong nagpunas siya ng mata. Alam kong umiyak siya kahit nakatalikod siya sakin siguro kailangan na din siyang makilala ng anak namin bilang ama. Lumingon siya sakin. "Salamat." pabulong niyang sabi. Alam kong ayaw niyang maistorbo ang anak namin dahil tulog nga ito. Lumabas na kami ng kwarto ng bata. 2:00 am na. Magbibiyahe kapa madaling araw na kung gusto mo don ka muna sa silid ng anak natin magpalipas ng gabi. Bukas ka na lang umalis kasya ka naman sa tabi ng anak natin. Doon din kasi ako natutulog minsan ganon din si Papa kapag nandito siya. Kaya kasya ka don. "Ok lang ba?" Tanong niya. "Oo nga sige na." sagot ko. Kumuha ako ng damit ni Papa yung mga hindi pa nasuot may bago kasing damit si Papa na hindi pa niya nasuot. Inabot ko sa kanya. "Magpalit ka muna, damit ito ni Papa hindi pa niya nasuot yan. Nandoon yung banyo." turo ko sa kanya. Inabot niya ang damit saka pumasok sa banyo. Wala palang bath towel don kaya kinatok ko ang banyo. Inabot ko ang towel habang nakatalikod ako. Hinintay ko na lang siyang lumabas para pagkalabas niya kinuha ko ang damit niya. Sinabihan ko sya na magpagpahinga na siya. Nilabhan ko muna sandali ang damit niya at pinatuyo sa dryer para bukas masuot niya pag uwi niya. Pagkatapos ko nagpasya na kong matulog. Narinig ko ang boses ng anak ko mukhang kanina pa gising. "Mommy wake up na ang tagal mo gumising Mommy!" sigaw ng anak ko. Dumilat ako umupo sa kama tiningnan ko ang anak ko nakabihis. Nandon din si Blake nakatayo pinapanood kami. "Anak san ka pupunta? Bakit ganyan ang suot mo? Hmm!" "Ninang ganda, Ninang pretty and Ninang beauty told me that we will go to the resort kaya Mommy bilis na." "What!? Wait? Where are your Ninangs?" "Present!" nakataas pang kamay ni Eliza Akala mo nasa school maka present may kasama pang ngiti with matching kindat pa. Tumingin ako sa pinto sunod sunod silang pumasok sa kwarto ko. "Teka anong sinasabi ng anak ko na pupunta daw tayo ng Resort?" naguguluhan kong tanong. "Yesha na ready na namin lahat kaya nga si Blake ang naghatid sayo kasi hinanda namin ang pupuntahan nating beach resort." sagot ni Pearl. "At nagplano kayo ng hindi nagsasabi sakin? pano kung hindi ako pumayag?" Humarap si Marisha sa anak ko. "Paano ba yan baby, ayaw pumayag ng Mommy mo. Di na tayo tutuloy baby." "Mommy please! Gusto ko punta dagat. Gusto ko swimming! Please!" baling sakin ng anak ko. "May magagawa pa bako?"ngumiti ako sa anak ko at tumango patunay na pumapayag na ko. "Yehey! Payag na si Mommy. Thank you po Mommy." sabay yakap "Ok sige don ka muna kila ninang bihis lang si Mommy ok?" "Baka gusto ninyo munang lumabas magbibihis muna ako." sarkastiko kong sabi Nakasakay ako sa sasakyan ni Blake habang kandong ko ang anak namin. Nakatulog na ito habang nabibiyahe kami. Minsan minsan kong tinitingnan si Blake, hindi naman siya tumitingin sa gawi ko kaya malaya ko siyang natititigan. Medyo nagmatured ang mukha niya lalong nadagdagan ang kagwapuhan ng asawa ko. Ang matangos nyang ilong, ang labi niyang mas mapula pa sakin. Habang tinitingnan ko ang gwapo niyang mukha bigla siyang nagsalita. "Pumasa na ba ako?" habang nakangiti "Ha?" nagulat ako, nakakahiya nakita niyang nakatitig ako sa kanya. Dahil sa hiya hindi ko siya sinagot tumingin nalang ako sa labas. Alam kong nakangiti padin siya dahil nahuli niya akong tinitigan ko siya. Ano ba kasi nasa isip ko bakit ko ba kasi siya tinitigan. Nahihiya tuloy ako hindi ako makatingin sa kanya. Napilitan akong tumingin sa kanya nang matanong siya kung anong gusto ko. Dadaan daw kami drivetru. Bumili na lang siya ng rice at chicken dahil hindi kami naka pag almusal kanina bago kami umalis dahil excited itong anak ko. Inihinto muna nya ang sasakyan. Kinuha ang anak namin sa akin at inilipat sa likod na upuan para daw makakain ako habang bumibiyahe. Inihiga niyang maayos ang anak namin sa likod saka bumalik sa kotse. Habang nagmamaneho siya sinabihan akong kumain na. Dahil gutom nako kumain nako pero inalok ko siya tumawa siya hindi naman daw niya makakain dahil nagdadrive siya. Narinig kong tumunog ang tiyan niya nagkatawanan kaming pareho. Nagpasya akong subuan na lang siya. Habang sinusubuan ko siya ngumingiti siya. "Bakit ngumingiti ka dyan ha?" "Wala naman masaya lang ako kasama ko kayo ng anak ko ngayon tapos sinusubuan mo pa ko. Ang sarap ng pakiramdam na kasama ko kayo." nangiti nyang sabi. "Huwag ka na ngang madrama diyan, kumain ka na nga lang. Ang drama mo." asar ko. Pagdating namin sa Resort nagising na ang anak ko. Nandon na pala ang mga kaibigan ko. Kami na lang ang hinihintay. Pumunta na kami sa room namin pero nagulat ako dahil isang room lang kami ni Blake. Talaga tong mga kaibigan ko nakakainis na grrr. Si Blake na ang nagdala ng gamit namin habang ako buhat ko ang anak namin excited ng magpunta ng dagat pero sinabihan ko munang kumain kaya pumunta muna kami sa room na nakalaan samin. Habang pinapakain ko ang anak namin lumapit si Blake. "Sige na magbihis kana, ako na ang magpapakain sa ana- sa bata." tumingin ako sa kanya. Alam kong malungkot siya dahil gusto niyang makikilala siya ng anak niya bilang ama niya. Alam kong madami na siyang hirap na dinanas ng umalis ako. Alam ko na naghirap siya at halos masira ang buhay dahil sa pag alis ko. Alam kong malungkot siya. Kaya lumapit ako sa kanila. "Baby! Ok lang ba si Daddy mo muna magpakain sayo?" Tumingin sila pareho sakin. "Daddy? Daddy ko po si Tito Blake? Yung totoong Daddy Mommy?" tumango ako habang nakatingin kay Blake. Alam kong hindi niya inaasahan na ipakikila ko siya sa anak namin. Nangilid ang luha niya. Yumakap naman sa kanya ang anak namin. "Daddy? ikaw ang tunay kong Daddy? Yehey may meron na kong Daddy talaga!" hinahalikan naman siya ng ama habang maluhaluha. Tumingin ito sakin at nagsabing salamat. Paglabas namin nakita namin sila Pearl. Pagkakita nila samin lumapit sila. "Ninang! May Daddy na ko!" sigaw ng anak ko. Tumingin silang lahat sakin mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Blake. Alam kong maraming tanong ang mga kaibigan ko at alam kong kapag nagkausap kami ay uulanin nila ako ng tanong. Saka ko na ipapaliwanag sa kanila. "Really? And who is your Daddy?" Tanong ni Eliza. Tumingin ang anak ko sa ama niya. "He's my Daddy diba Mommy?" Tumango ako at ngumiti sa anak ko. "Daddy I want to swim." aya ng anak ko sa ama niya. Tumakbo sya habang hawak ang kamay ng ama niya. Sumunod din ang mga kaibigan ni Blake. Naiwan kaming magkakaibigan. Umupo kami habang pinapanood ang paglalaro ng anak ko sa dagat kasama si Blake at ang dalawa niyang kaibigan. "So! Ipinakilala mo na pala sa isat-isa ang mag ama." "Oo. Nakikita ko kasi kay Blake na gusto niya talagang makilala siya ng anak niya. Hindi ba't kayo din ang nagsabi sakin na naghirap siya nang mawala ako. Habang nag sasalita ako nakatingin ako sa mag- ama. Napatingin sakin ang mag ama, ngumiti ang mga ito at kumaway. Kumaway din ako pero itong si Blake nag flying kiss pa. Biglang sumigaw si Marisha at umastang akala mo may epilepsy. "Omg kakakilig! Oy kinikilig yan!" sabay kiliti sa bewang ko. "Ane be! mga baliw! Nakakainis naman kayo eh! bahala nga kayo dyan." umalis muna ako narinig ko pa sila. "Aminin kinikilig!" Pumasok muna ako sa cottage. Hindi naman ako galit sa kanila. Nahihiya lang ako at saka kilala naman nila ako alam nilang na hindi naman ako magagalit sa kanila. Nahihiya lang talaga ako. Saka baka mahalata nilang namumula ako. Mamaya na lang muna ako lalabas tutal nasa ama naman niya ang anak namin. Habang nagiisip ako. Narinig kong bumukas ang pintuan ang akala ko ang anak ko. Si Blake pala ang pumasok. Napatingin ako sa kanya. Hindi ako nakaimik bigla akong kinabahan ang bilis ng t***k ng puso ko. Ano ba to may sakit na ba ako sa puso? Hindi din ako makagalaw naiilang ako sa presensya niya. "Bakit ka nandito? Hinahanap ka ng anak natin." tanong niya "M-may kinuha lang ako" pagsisinungaling ko. Lumapit siya sakin "Ok ka lang ba?" tanong niya Tumango ako. "Ok lang ako." Hinawakan niya ang kamay ko. "Salamat ipinakilala mo ko sa anak natin sobrang saya ko. Dahil kilala nako ng anak natin." Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Katulad ng ipinangako ko sayo Yesha liligawan kita dahil gusto ko kayong makasama ng anak natin. Mahal kita Yesha. Mahal na mahal kita! kayo ng anak ko." Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Halos hindi ako makahinga. Hindi din ako makatingin sa kanya kaya yumuko na lang ako. Lumapit siya lalo sakin, hinawakan ang baba ko at itinaas para magtapat ang paningin namin. Tinitigan niya ako saka dahan dahan hinaplos ang noo ko pababa sa mata sa ilong hanggang sa labi ko. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin. Napapikit ako hindi ko kaya sobrang lapit namin sa isat isa. Binalik niya ulit ang kamay niya sa baba ko. Naramdaman ko ang mabango niyang hininga nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako bigla kong tinulak si Blake para lumayo siya. Napaatras naman siya. Tumingin kami pareho sa may pintuang bumukas pumasok ang anak namin kasama si Eliza "Mommy? Daddy?" "Ooops sorry!" Sabi ni Eliza Pinalakihan ko ito ng mata. Umiiling naman ito habang ang laki ng ngiti. "Pasensiya na nakakaistorbo ba kami?Ito kasing anak ninyo hinahanap kayo? kaya sinamahan ko." mahabang paliwanag ni Eliza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD