Episode 17: "A SECOND CHANCE"

1440 Words
Napagod ang anak ko sa maghapong palalaro at paliligo sa dagat kasama ang kanyang ama. Kaya ang resulta maaga nakatulog pero bago ito nakatulog sinuguro ko munang kumain ito ng hapunan. Kinumutan ko muna bago ako lumabas. Nagulat ako nang makita ko si Blake na nasa gilid ng pintuan at naghihintay. "Tulog na ba ang anak natin?" Tanong niya. "Hmm oo! mukhang napagod kanina." Lumakad ako at umupo sa upuan. Sumunod siya at tinabihan ako, walang nagsasalita sa amin. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Binasag niya ang katahimikan. "Salamat nga pala sa pagpapakilala mo sakin sa anak natin. Salamat dahil pumayag kang sumama sa outing na ito dahil kahit paano naka bonding ko ang anak natin. Salamat kahit may nagawa akong kasalanan sayo ay pinayagan mo pa din na makilala ako ng anak natin. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Dahil sakin lumayo ka. Dahil hindi kita pinaniwalaan. Sana hayaan mo akong muli na pasukin ang mundo mo kasama ng anak natin." "Mahal kita Yesha, kayo ng anak natin. Hayaan mong hilumin ko ang sugat sa puso mo. Alam kong galit ka pa din dahil sa nangyari noon, hindi kita masisisi kung hanggang ngayon galit ka pa din sakin. Pagsusumikapan kong maghilom ang sakit na naramdaman mo noon. Hanggang magtiwala ka ulit." mahabang pagtatapat nya. Hindi ako kumibo, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya gusto kong makita sa mga mata niya kung tapat ba siya sa mga sinasabi niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Pero ayaw ko muna magdesisyon ngayon. Ayaw kong maging pabigla bigla at hayaan ko muna siya. Alam ko naman na mahal ko siya kaya nga sinunod ko sa pangalan niya ang anak namin dahil mahal ko siya. Kaya lang natatakot pa din ako. Hindi ko alam kung kaya ko na ba magtiwala. Natatakot akong baka kapag bumalik kami sa kanya. Paano kung may sumira na naman samin may takot ako na baka kapag may nangyaring hindi maganda hindi nanaman niya ako pagtiwalaan. "Hindi ba pumayag naman ako na pumunta ka sa bahay? ok lang naman sakin yun, welcome ka palagi sa bahay. Sa ngayon yung lang muna siguro. Tingnan natin kung hanggang saan aabot itong sinasabi mo." sagot ko. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis at bigla na lang akong niyakap. Hindi ako nakagalaw parang mauubusan ng hininga. Umalis din ito pagkakayakap. "Sorry natuwa lang ako." sagot niya. Maya maya may kumatok sa pinto binuksan ito ni Blake, pagbalik niya may dala na itong pagkain "Halika na kain na tayo!" Yaya nito sa akin. Inasikaso niya ako, siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Kulang na lang ay pasubuan ako. At habang ginagawa niya yun hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ako nakatiis. "Hindi ka ba nangangalay? Kanina kapa nakangiti!" "Masaya lang ako." Nakangiting sagot niya. "Hay bahala ka diyan mangalay ang panga mo." "Kumain kana maaga pa tayo ba byahe bukas pauwi." Pagkatapos namin kumain siya na din ang naglipit ng pinagkainan namin at sinabihan ako na magpahinga. Hindi pa ako makatulog kaya sinilip ko si Blake. Nakaupo siya at malalim ang iniisip. Siguro naramdaman niya ako kaya lumingon siya sa gawi ko saka ngumiti sakin. At dahil nakita niya ko lumapit nako sa kanya at tumabi sa kinauupuan niya. "I'm sorry Yesha, kung naging gago ako. Nasaktan kita emotionally. I know you can't forgive me instantly but please, give me a chance. A chance to be with you and our son again. Babawi ako at lahat gagawin ko mapatawad at bumalik ka lang sakin. Tatlong taon kitang hinanap para makahingi ng tawad sayo." I was speechless. Nang mag angat ito ng tingin sa akin puno ng luha ang pisngi nito at sobrang pula din ng mga mata nito. "I'm so sorry, na huli ko na narealize na mahal - no scratch that, I fell inlove with you." "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung paano ako magrereact sa mga nilahad mo sakin, pero pwede bang hayaan mo muna akong mag isip?" tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko wala akong mahanap na salita o paliwanag sa mga sinabi sakin ni Blake. Basta ang alam ko lang sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil mahal niya pala ako. Akala ko ako lang ang nagmahal saming dalawa. Natutuwa ako narinig ko mismo sa kanya na hinanap niya ko. Bagamat sinabi nya sakin ng mga kaibigan ko na hinanap niya ako. Masarap padin sa pakiramdam na sa kanya mismo nanggaling ang kompirmasyon. Pero kahit ganon takot padin ako. May agam agam padin sa puso ko. Hindi ko alam kung dapat na ba akong magtiwala sa kanya. Nagkaroon ako ng takot sa nangyari noon. Sapat na ba ang sinabi niya para bumuo kami ng sariling pamilya kasama ang anak namin. Ngumiti siya at nagsabing "Ok lang maghihintay ako kung kailan ka magiging handa." Nasa byahe kami, nasa front seat ako habang kilik ang anak namin. Pagdating sa bahay sakto naman dumating si Doc Alex. Agad kaming sinalubong at kinuha sakin ang anak ko. "Sakto pala ang pagdalaw ko." Salubong ni Doc. Tumingin ito kay Blake. "Pare kamusta?" bati ni Doc Tumingin ako kay Blake, masama ang tingin kay Doc. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin baka nakabulagta na si Doc sa klase ng tingin ni Blake na parang naghahamon. Pero cool lang si Doc hindi pinansin ang masamang tingin ni Blake sa kanya at dumeretso sa loob ng bahay. Habang buhat ang anak ko dumiretso ito sa kwarto ng bata. "Upo ka muna, anong gusto mo kape or juice?" tanong ko kay Blake. "Kape na lang." sagot niya. Pumunta muna ako sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Pagkatapos kong magtimpla ng kape lumabas nako ng kusina. Naabutan ko itong nakayuko, ang lalim ng iniisip. Sa sobrang lalim ng iniisip niya halos hindi niya ako napansin na nasa harap na niya. "Ehem!" saka ito nag angat ng tingin sakin, saka ko inabot ang kape. Inabot niya ang kape at nagpasalamat. Umupo ako sa isang sofa na nakaharap sa kanya at nagtanong kung ok lang siya. Dahil napansin kong buhat ng dumating kami at naabutan namin si Doc Alex, tumahimik siya. "Pwede bang magtanong?" sabi niya. "Oo naman ano ba yun?" "Anong relasyon mo sa Doctor na yun? huli na bako ng dating? Nakikita ko kasi na masaya ang anak natin kapag nandyan ang Doctor na yun. Siya ba ang nagpapasaya sayo?" tanong nya. Napatingin ako dito. Nagseselos ba siya? tanong ko sa isip ko. "Kaibigan ko si Doc noong mga panahong umalis ako ng bahay natin. Siya ang naging karamay ko. Siya ang tumulong sakin, kung hindi dahil sa tulong niya baka hindi kami nakasurvive ng anak mo. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Saka minahal niya ang anak natin. Inalagaan niya kami. Kaya sobrang malapit ang loob ng anak natin sa kanya. Huwag kang mag alala, bumawi ka na lang sa anak natin para mapalapit siya sayo. Alam ko namang hindi magiging mahirap yun para sayo dahil ikaw ang tunay niyang Ama." Ngumiti ito at pilit pinapakitang ok siya. Kahit makikita sa mukha niya ang kalungkutan. Alam kong nakakaramdam ito ng inggit dahil nakikita niya na excited at masaya ang Anak namin kapag nandiyan si Doc. "Pwede ba ko ulit bang dito muna ako ngayong gabi. Gusto ko lang nakasama at makatabi ang anak ko." tanong nya. "Ok sige." Maya maya bumaba na din si Doc. Nagkatinginan ang dalawa, tahimik at nagtagisan ng tingin. Binasag ko na ang katahimikan. "hmm! kamusta Doc may sadya ka ba?" "Pumuta ako dito para dalawin kayo. Wrong timing yata ako mukhang kadadating nyo lang at mukhang napagod ang bata." sagot ni Doc. "Ah Oo Doc, kakauwi lang namin.Galing kami ng Resort sumama kami sa kanila." itinuro ko si Blake "Oww, Ok, it's seems like you are happy being with him." bulong ni Doc. Kaya pinalo ko ito sa balikat. Humalakhak naman ito kaya napasimangot ako. Ang lakas mang asar talaga nitong si Doc. habang inaasar ako ni Doc. Bigla naman tumayo si Blake. Kaya napatingin kami pareho ni Doc. "Excuse me! pwede na ba kong umakyat sa kwarto ng anak natin?" singit nya. "Ah ok sige!" Pagpasok ni Blake sa room. "Mukhang nagselos!" pahayag ni Doc. "Ikaw kasi Doc may pabulong bulong kapa kasi." bawi ko. "So care to share what's happening between the two of you? ok na ba kayo?" "Yesha! alam ko naman na mahal mo siya huwag mong pigilan ang damdamin mo. Kung talagang mahal mo siya give him a chance, hayaan mong lumigaya ka. Kalimutan mo ang mga nangyari noon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD