Nandito ako ngayon sa kusina, maaga akong gumising at gusto kong magluto dahil nandyan si Blake. Habang nagluluto ako narinig kong may kumakatok. Nandiyan na pala ang Yaya ni Jr.
"Pasok ka na, nag almusal kana ba?" tanong ko sa kanya.
"Opo ate, bago ako nagpunta dito."
"Ah ok! Magkape ka na lang kung gusto mo."
"Tulog pa po ba c Jr Ate?"
"Oo nandon ang Daddy niya, kasama niya."
"Hintayin ko na lang magising, mamaya na lang ako aakyat." sabi niya.
Napatingin kami sa pintuan ng kwarto ni Jr dahil bumukas ito.
"Good morning!" Bati ni Blake.
Habang nakatitig sa akin at namumungay pa ang mata, nito halatang bagong gising. Mukha naman nakapaghilamos na dahil basa ang buhok.
"Ah ate akyat muna ako puntahan ko lang si Jr." naiilang na sabi ni Yaya.
"Maluluto na ito! umupo ka muna, gusto mo ng kape? Sandali ititimpla kita." tanong ko kay Blake.
"Wag na ako na lang ipagpatuloy mo na lang ang ginagawa mo." sagot nya.
"Namiss ko to!" Sambit niya.
Napalingon ako dito. Nang tumingin ako sa kanya nailang ako dahil sobrang lagkit ng titig niya sakin kaya iniwas ko na lang ang tingin ko.
"Namiss ko yung mga ginagawa mo sakin noon, yung pag aasaikaso at pag aalaga mo sakin. Yung pagkagising ko katulad nito may nakahain ng pagkain bago ako pumasok. Nakahanda na ang mga susuutin ko. Pag dating ko galing ng office, may naghihintay sakin. Kaya ng umalis ka doon ko nalaman na kulang ang mundo ko dahil wala ka." habol nya.
"Yun lang ba? Edi kapag nandito ka ipagluluto kita."
"Talaga!? ok lang ba kahit madalas ako dito?"
"Ok sige!"
Dahil sa sobrang tuwa nya nagulat ako hindi ako nakagalaw dahil bigla na lang siyang lumapit sakin at yumakap. Ilang minuto din siyang nakayakap sakin bago siya bumitaw.
"Sorry! Masaya lang ako!" paliwanag nya.
"Okay lang." ngumiti ako at ipinagpatuloy ang pagluluto.
"Mommy! Daddy! Good morning po."
Lumingon kaming dalawa.
"Good morning Baby." sabay naming sambit.
Lumapit ito sakin at humalik sa pisngi ko.
"Doon kana Baby kain na tayo. Sakto nakaluto na si Mommy." aya ko.
Tumakbo naman si Jr at lumapit sa Daddy niya. Kinandong naman ito ng huli. Naghain nako at kumain kami ng sabay habang si Blake pinasusubuan ang anak namin.
"Sige na ako ng bahala sa kanya para makakain ka ng maayos."
"Ok lang gusto ko tong ginagawa kong ito. Para sa anak natin."
"Daddy I want hotdog!" singit ni Jr.
"Ok baby." nakangiting sagot nya.
Natutuwa akong makita ang mag ama ko. Habang tinitingnan ko sila nakikita kong masaya ang anak ko sa ginagawang pag aasikaso sa kanya ng Daddy niya. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako nagulat na lang ako ng sabay silang magsalita.
"Mommy!" "Yesha!"
"Bakit ka po umiiyak mommy? May masakit po ba sayo?" Tanong ng anak ko
"Wala Baby napuwing lang si Mommy!"
Napatingin ako kay Blake na nakakunot ang noong nakatingin sakin at base sa expression ng mukha niya alam kong gusto niyang magtanong. Pagkatapos namin kumain nagprisinta si Blake na siya na daw ang magligpit.
Nandito na kami sa kotse niya ihahatid muna daw nya ako sa shop ko. Uuwi muna daw siya saglit para makagpalit ng damit bago magtrabaho. Nagpaalam din siya na doon daw uli siya sa bahay.
Pagdating ng hapon sinundo ako ni Blake nagulat ako may dala itong bulaklak.
"For you!" Sabay abot ng bulaklak.
"Thank you!" sambit ko.
Lumakad na kami papunta ng kotse niya. Pagdating sa bahay may dala din palang pasalubong para sa anak namin. May dala din siyang ilang piraso ng damit niya para daw kapag dito siya matutulog may masusuot siya. Natuwa naman ang anak ko madalas na daw makakasama ang Daddy niya. Sa paglipas ng mga araw palagi ng nasa bahay si Blake araw araw hinahatid niya ako. Sunusundo naman ako pagdating ng hapon. At sa bawat araw palaging may bulaklak na dala at kung ano ano pa, tinotoo niya talaga ang panliligaw niya.
Pagdating sa bahay sila naman ng anak namin ang nag bobonding katulad ngayon naglalaro silang mag ama. Kung minsan ginagawa siyang kabayo. Alam kong kahit pagod siya dahil galing pa siyang opisina. Masaya akong nakikita silang mag ama habang nakatingin ako sa kanila hindi ko namalayan napaluha na pala ako sa saya. Ang sarap pala ng pakiramdam na kumpleto ang pamilya.
At dahil sa pag iisip ko hindi ko namalayan nakatingin pala sila sakin.
"Mommy are you crying again?" Tanong ng anak ko habang pareho silang mag ama na nakatingin sa direksyon ko na may pagtataka.
"Hindi baby napuwing lang si Mommy. Halika na maglinis ka na ng katawan. Kailangan nadin magpahinga ng Daddy mo bukas na lang ulit ok?" aya ko.
"Ok poMommy." sagot ng anak ko.
Kumapit na ito sa kamay ko. Pumasok na kami sa room niya para malinisan. Sumunod naman si Blake, habang nililinisan ko yung anak namin siya na ang kumuha ng pantulog na susuutin ng bata nagboluntaryo na siya na daw ang magbibihis natawa pa kami mali ang pasuot niya. Hindi naman siya nagalit dahil pinagtawanan namin siya dahil pati siya natawa napuno tuloy ng halakhakan ang buong silid.
"Pinagtatawanan ninyo ko ha! Eto sa inyo."
Kiniliti niya ang anak namin pati ako kiniliti din hanganng napagod ang anak namin at nahikab na. Inayos ko na ang bata para matulog na.
"Good night Mommy! Good night Daddy!" bulong ni Jr.
" Good night baby." hinalikan ko ito sa noo ganon din ang ginawa ni Blake.
Lumabas na ako ng kwarto at sumunod naman si Blake sakin. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ah, gusto mo ng kape?" Tumango naman siya kaya pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape niya.
Pagbalik ko nakaupo siya sa sofa kaharap ang laptop niya. Nang mapansin niya ako sinara niya ang laptop niya at tinapik ang bakanteng upuan sa tabi niya. Inabot ko sa kanya ang kape. Umupo ako sa tabi niya. Humigop muna siya sa kape at humarap sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Salamat, napakasaya ko dahil nakasama ko kayo. Ang sarap ngayon ko lang naramdaman ang ganito maging kasaya. Salamat Yesha sa mga nagdaang miga araw na kasama ko kayo ng anak natin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya walang katumbas na salita ang sayang nararanasan ko ngayon kasama ang anak natin. Siguro mas magiging masaya at maligaya ako kung makasama ko kayo sa bahay natin. Sana balang araw mangyari yon." mahabang sabi nya.
"Yun lang ba? Ok sige!" sagot ko.
Lumaki ang mata nito sa gulat.
"Ok sige? As in pumapayag kana na doon tayo titira sa bahay natin?"
Tumango lang ako pero sa sobrang tuwa niya niyakap ako ng mahigpit.
"Ah Blake hindi ako makahinga ang higpit ng yakap mo." angal ko.
Bigla niyang nilayo ang katawan niya sa pagkakayakap sakin
"Sorry! Sorry." bigkas niya.
Tahimik lang ako na nakatingin sa kanya. Tumingin ulit siya sakin habang nakahawak sa dalawang braso ko. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin, pumikit ako naramdaman ko na lang na nagdikit na ang aming mga labi.
Napapikit ako sa sensasyon na sumakop sa buo kong katawan.