Makalipas ang walong buwan
Ira's POV
Halos walong buwan na ang nakalipas simula nang pumasok ako ng trabaho sa mansion ng pamilyang Dawson. Naging paulit paulit ang mga gawain na ginagawa ko sa bahay. Sa umaga ay maaga akong gigising upang makapaghanda ng sarili at maglilinis sa kwarto ni Sir August. Syempre hindi nadin mawawala ang chikahan at chismisan, pagkatapos konamang maglinis ay ihahanda kona ang baon ni Skyker pati narin ang bag nito. Ihahatid sya ng 8:00 sa umaga at susundin ng
Halerrr, syempree yon paba mawawala? hindi ata pwede yon, baka echoserong chikadora at chimosa to... hehe slight
Halos lahat na nga ata ng kaganapan sa buhay ko ay alam na ni Sir August, My goosshh nakakahiya yon baka mamaya bigla nalang gumising iyon at natandaan pala nya lahag ng ikinwento ko.
Nakakahiya beh, sirang sira na ang dignidad ko, kung ano ano panaman ang kinwento kodon.
Flashback
"AY SIRR MAY CHIKA AKO SAYO!!" pagkapasok na pagkapasok kopalang sa silid ay agad akong dumiretso sa higaan kung saan nakaratay si sir August.
"kanina habang namamalengke ako ay nakita ko yung mukhang
palakang si Roberto!!" naiinis na kwemto ko
"my gosh hindi ko alam na nandito narin pala sya sa maynila, napakaliit nga naman ng mundo oo"
"Hindi parin sya nagbabago mangbubudol parin, bwct sya" nangigilaiting sambit ko
"Nako sguro nagtataka kayo kung bakit inis na inis ako sa kutong lupa na Roberto nayon no?"
"Pano banaman kasi akala ko crush nya nako..."
"......palagi syang tumatabi sakin noon sa klase, akala ko may something na"
"Kilig na kilig pako nung mga araw nayon"
"Pinilit kopang ipagsisikan sa sarili ko na gwapo sya kahit mukha syang endangered species"
"yun pala nangongopya lang!, natalbugan pako sa klase at sya pa ang naging top one"
"Hindi lang iyon, ninakawan nya pako ng sengkwenta pesos para lang ipambili nya ng lugaw sa kanto"
"Ang malala pa ay nilibre nya si Jessica!!"
"nilibre nya si Jessica gamit ang perang ninakaw nya sakin huhuhuhu"
"Si Jessica na palaging may liptint at pulbos sa bag"
"Si jessica na hindi na kailangan ng pabango dahil amoy palang ng putok nito'y nakakahilo"
"hmmmpp! magsama sila ni jessica bihan kopa sila ng isang kilong tawas e"
Present
Napakadami kopang ichinichismis kay sir August bukod dyan, kahit ako mismo ay hindi kona maintindihan yung iba
Hay wala talagang preno tong bunganga ko oo, pati banaman si Roberto ay naikwento kona, Pero pramiss naka move on nako don no
Bat ka magmomove on Ira? may naging kayo ba?
So ayon na nga pagkatapos konamang maglinis ng kwarto ni sir August ay ihahanda kona ang baon ni Skyker pati narin ang bag nito. Ihahatid siya ng 8:00 sa umaga at susundin ng 3:00 na hapon, pagkatapos non ay maglalaro kami ng kaunti at papatulugin nasya sa hapon. Pag nakatulog na si Skyler ay bakanteng oras konayon, Since wala naman akong ginagawa ay minsan tumutulong ako kina Aling Tessa at Sita. Pag wala namang masyadong gagawin ay tinatawagan ko sila Lola at Kaleb sa probinsya.
Normal lang naman lahat ng araw hanggang sa ipinatawag ako ni Mr and Mrs Dawson kasama si Sita.
Flashback
"Oh hi there two young ladies" nakangiting bungad ni maam Emily samin
"Hello po Maaam and Sir!" sabay naming sabi
"The two of you look beautiful as always" pagpuri samin ni Maam Emily
"Enebe be meem kenekeleg keme ehehehe" pabebeng sabi ko
"What kind of languange is that? natutunan monanaman bayan kay Mang Jimbo" natatawang sabi nito
"AAHAHAHAHAHAHHA pabebe languange po maam"
"Ohhh interesting huh, i would also want to learned that" natatawang saad ni Maam
"Okey po maam! we will teach you, me and ate Ira is expert in that" medjo nahihirapang pagsasalita ni sita sa lenggwaheng english.
"Owww thankyou sweety, that would be nice!"
"Sorry to inturrupt you ladies, but me and my wife have to tell you
something important"
"I want the two of you finished your studies.."
"po?" nagtatakang sambit ko
"Pagaaralin namin kayo ni Maam Emily nyo, We will give you also your allowance, gusto naming makapagtapos kayo"
Halos hindi ako makapaniwala sa narinig, Ako? pagaaralin nila? wait totoo bato?
Baka mamaya prank to ah huhu
Pero sa totoo lang hindi kona napigilan ang luha ko at kusa nalang itong tumulo. Napakabait ng diyos, maswerte ako at dito ang napasukan kong trabaho
"N--ako, Maraming maram--ing salamat po maam at sir" hindi ko na maayos ang pagsasalita ko dahil umiiyak na pala ko sa sobrang kaligayahan.
Nang tinignan ko si Sita ay humahagulgol napala ito, nasabi nya saakin na pangarap nyang makapasok sa paaralan katulad ng ibang bata.
Agad namang lumapit samin si Maam Emily at pinunasan ang luha namin, kaagad nya kaming niyakap at inalo
"Dont cry, sweetheart dont cry" pagpapaamo niya saamin
"Maam p-asenya nap-o masyado lang po k--aming masaya ni a--te Ira."
Inabutan naman kami ni Sir Zachary ng tissue pampunas sa mga luha namin
Hanggang ngayon ay hindi ko parin matigil ang buhos ng aking luha sa kagalakan, Oh diyos ko salamat po matutupad na ang pangarap ko, Napakabuti nyo.
"Shhhh, tahan na mga bata akala naman namin ay magtatalon kayo sa tuwa, kabaliktaran pala ang nangyari hahaha" natatawang sabi ni Sir Zachary
"Just kidding, please tumahan na kayo pati kami naiiyak oh" saad ni sir Zachary
"Napagdesisyunan namin ng Maam Emily nyo na pagaralin kayo since hindi nanaman kayo ibang tao para saamin..."
"....para na kayong pamilya namin" Sa sinabi iyon ni sir Zachary ay hindi ko napigilan ang sarili kong tumakbo sa kanila at yakapin sina Maam Emily and Sir Zachary.
Ganon din ang ginawa ni Sita kaya apat kaming nagyayakapan habang humahagulgol
"Maram--ing mar-aming S-alamat p-o" sabi ko
Pagkatapos naming kumalma at tumahan ay sinabi nanga nina Maam and Sir ang plano nila para sa pagaaral namin ni Sita
"...Kami na ang magbabayad ng Tuition fee nyo at magbibigay sainyo ng allowance kada buwan" seryosong sabi ni sir
"Wag kayong mahihiyang magsabi samin kapag naubusan kayo ng allowance, agad agad namin kayong bibigyan" dugtong pa nito
"basta ang gusto lang namin ay mag aral kayo ng mabuti at makapagtapos kayo, dahil para narin namin kayong anak" sabi naman ni Sir Zachary
"Pero maam, sobrang nakakahiya napo iyon" nahihiyang sabi ni Sita
"Opo maam, nakakahiya naman po sainyo. Ano pobang gusto nyong gawin ko? ipagluluto kopo kayo, ipaglalaba..."
"...lahat po ng iuutos nyo ay gagawin ko, masuklian kolang po ang kabaitang ginawa nyo--" hindi nako pinatapos ni maam at pinutol ang aking sinasabi
"shhh hindi namin kailangan ng kapalit Ira, ang pinaka magiging magandang kapalit man kung sakali ay ang makapagtapos kayo ng pagaaral..." seryosong sabi ni sir
"At maging matagumpay balang araw" sabi ni maam Emily ng may ngiti sa mga labi
PRESENT
Masko ako ay hindi makapaniwala sa mga pangyayaring naganap noong nakaraang araw, Sa isang iglap ay maipagpapatuloy kona ang pagkokolohiyo
Siguradong matutuwa ang pamilya ko sa balitang ito, hindu nako makapaghintay na sabihin ito
Napakabuti ng kalooban nina Maam Emily at Sir Zachary, Buong buhay ko itong tatanawin na utang na loob sa kanila. Hindi ko sila bibiguin at magtatapos ng pag aaral.
Maaga akomg nagising at nagayos ng sarili. Ngayon na kasi ang araw kung kelan mageenroll ako sa unibersidad na pagaaralan ko
Sobraang exciteeed koo, hindi nanga ko nakatulog at parang maiihi na sa salawal
Maaga akong naligo, syempre teh kailangan nating maligo para fressshh
Matapos kong maligo ay nagbihis na ako, White T-shirt lang namay print sa ginta ang suot ko, sa pangbaba naman ay Pantalon at itim na rubber shoes lang
Sinuklay ko ang hanggang siko kong buhok at inulugay ito. Naglipgloss lang ako at nagpulbos at tadaaaaaah! tapos naa
Nilagay kona sa bag ang mga requirement na kailangan para sa pageenroll ko, magcocommute nalang ako at nakakahiya naman kung magpapahatid pako kay Mang Jimbs, Siya din kasi ang maghahatis kay Skyler mamaya. Nakakahiya naman kung papagudin kopa
Tungkol pala kay syler ang sabi ni maam ay
"Dont worry about Skyler Ira sweety, Si Aling Tessa at ang iba nang kasambahay ang bahala sakanya"
"I want you to focus on your studies only"
Ayan ang mga katagang sinabi ni maam saakin,
Nakakahiya nanga masyado e, hinding hindi ko talaga sila bibiguin!
4:00 pm
Alaskwatro na ng hapon nang makauwi ako sa mansion
Papasok palang ako ng subdivision at napagdesisyunan ko na tawagan sila lola at kaleb upang sabihin ang magandang balita.
Ringg..ringgg...ringgg
"Ate! ateee hi ateeee!" pasigaw na sabi ni Kaleb, bahagya kong inilayo ang telepono sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw nito.
Sa wakas buti naman at hindi na lowbat ang cellphone nila sa probinsya
"Bunso asan si lola? may maganda akong balita!!!" masayang masayang sabi ko
"Wait po ate tatawagin kolang" saglit akong tumigil sa may puno upang umupo.
Maya maya ay narinig kona ang boses ni lola
"Apo, Ira kamusta ka dyaan?"
"Hi lola, okay lang po ako! kayo po? kamusta po kayo ni kaleb?"
"Okay naman kami dito apo, masunuring bata si kaleb
"Ate, pasalubong kopo pag uwi mo ha!" hiyaw nito, palagay koy nasa kusina ito at nagluluto ng ulam
"kamusta ang mga amo mo? hindi kaba nila sinasaktan? minamaltrato? nako kapag sinasaktan kanila humanda sakin yang mga yan ang isusumbong ko kay idol raffy tulfo"
"AHAAHAHHAAH la, hindi pono, sobrang babait po ng mga amo ko sa katunayan nga po ay..."
"...pinagaral nila ko, sagot nadaw nila ang tuition fee at allowance ko la"
"totoo bayan apo? diyos ko! salamat! salamat sa diyos!"
"maraming maraming salamat, maraming maraming salamat" masayang masayang sabi ni lola
"Opo la, totoo po 22o, Legit hindi scam, sa katunayan nga po ay kakauwi kolang galing sa unibersidad na pinagenrollan ko la"
"Oh diyos ko masayang masaya ko para sayo apo ko, matutupad mona ang mga pangarap mo" halata sa boses ni lola na parang umiiyak nasya
"Opo la, maraming maraming salamat po sa suporta la, miss na miss konapo kayo, mas lalo po sigurong sasaya kung andito kayo"
"Hindi naman kami mawawala apo, palagi lang kaming andito sa likod mo, susuportahan ka.."
"...at wag mong kakalimutang pasalamatan ang mga amo ha, pakisabi din sakinila na salamat Pinapsabi ko"
"Opo la sasabhin kopo, salamat po la mahal na mahal kopo kayo ni Kaleb palagi po kayong magiingat"
"Mahal din kita apo, mahal na mahal magiingat ka palagi"
Pagkatapos kong magpaalam kay lola ay ibinababa kona muna ang tawag, sinabi kona mamaya konalang sila tatawagan at tutulong namuna ko sa gawain sa mansion
Papasok nako sa loob ng gate ng mansion
Nang may marinig akong parang nagkakasiyahan
Ha? anong meron? may birthday ba?
Bigla namang lumabas si Sita ng may luha sa mga mata
tumutulo ang luha niya pero hindi sya malungkot, tumutulo ito dahil sa kagalakan
Ano bang meron mga dzai nanalo ba kami ng lotto?
jusq gulong g**o na utak ko huhu
pinunasan muna nito ang mga luha at nagmamadaling lumapit saakin
"ate gising na si kuya August...."