"Ira, dito lang me sa parking lot, dito ko kayo iwi-wait ni skyler" pagpapaalala ni mang jimbs
"Oky pi Mang jimbs, kalurkey ha masyadong malawak itey parking lot nila, sana di me maligaw" pangagaya ko sa tono ng pagsasalita nito
grabe minsan hindi ko rin maintindihan ang mga lenggwahe na ginagamit ni mang jimbs, di ko knows kung beki languange, conyo, o talagang nahawaan na ng pag ka millenial ito si mang jimbs
Dinaig pako e AHAHAAHAHAHAH
Papasok nako ng gate ng harangin ako ng guard mga siguro nasa 50 pataas na ang edad nito
kaloka to si manong guard, kailangan paba nyang makita ang id ko? mukha bakong nagaaral dito?
"Maam bawal po pumasok ang di estudyante dito" sabi ni manong guard
"Ah.... eh.... kuya, susunduin kopo yung alaga ko" pagpapaliwanang konaman
"Ay ganun ba pasensya na at naghihigpit kasi kami ng sekyuridad dito, nanakawan na kasi yung isa sa mga guro na nagtatrabaho dito"
"Manong guard hindi naman po ako magnanakaw--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla itong sumabat
"Sa totoo lang mukha kang budol budol miss" seryosong sabi nito
"nabudol mo kasi ang pUsoOo kUe" nakangising saad nito
Ay taray may pa pick up line pa si manong guard, kaso nga lang ampanget ng pick up line nya, ikumpara banaman ako sa budo budol.
"joke lang maam, eto naman di ka mabiro. Ako nga po pala si Nestor naibilin napo kayo sakin ni maam Emily kaninang umaga na kayo daw po ang magsusundo kay skyler"
"Ay ganon poba, salamat po Mang Nestor. Btw ang ganda po ng pick up line nyo san nyo natutunan yon?, Paturo po akooo!" pabirong sabi ko
"Aba kung hindi mo naitatanong maam, nung araw ako ang may pinaka maraming napasagot na manliligaw dito sa amin. Naririnig ko ang matatamis nilang oo dahil sa mga pick up line ko" pagmamayabang nito.
"sige baaa maam tuturuan kopo kayo sa susunod na sundo niyo kay skyler--" hindi kona ito pinatapos at nagsalita agad oo nga pala si skyler! nawala sa isip ko
"nako mang nestor susunduin konapo pala si skyler anong oras napo alam nyo poba kung saang room ko sya makikita?" natatarantang sabi ko
"Ah yung batang yon palagi lang yung nasa garden ng school nanghuhuli ng gagamba"
"salamat po mang nestor!, sa susunod nalang po uli at baka mapagalitan pako nina Maam and Sir pag di ko nasundo sa tamang oras si Skyler" kinakabahang sabi ko.
Nagmamadali nakong pumunta sa garden ng School at hinanap si Skyler
Si skyler ay maliit pero napakaputing bata, parang labanos sa puti ang kulay ng nito. Magaganda ang mga mata, ilong pati labi.
Hindi nga maipagkakailang anak ito nina Mr and Mrs Dawson, dahil magkamukhang magkamukha silang maganak
Parehas binayayaan ng magaganda at maamong mukha
Sa private school nag aaral si skyler. 8:00 am ang oras ng pasok nito at 3:00 pm naman ang oras ng uwi.
Kamusta na kaya si Kaleb? Hindi ko maiwasang maalala ang kapatid ko. Kamusta kaya ang pagaaral nya? Pangarap din kasi nong makapag aral sa Private School.
Pero kahit na sa Pampublikong Paaralan lang iyon nagaaral ay palagi iyong top 1 sa klase nila.
Super Proud ate hereee~
Actually lahi na talaga namin ang pagiging matalino.
Sino gusto magpalahi? AHAHAHAHAAHAHjk
Matapos ng ilang minutong paglalakad ay sa wakas nakita ko nadin si Skyler.
Nakatayo sya sa may puno ay may pilit na inaabot. Nang palapit ako ng palapit sa may puno ay nakita ko ang bagay na kanina nya pa hinuhuli.
isang gagamba.
Dahil sa bata panga sya at maliit pa, hindi nya maabot ang gagambang nasa may taas ng puno. Kaya ako nalang ang umabot nito.
"Huuulii kaaa!" sigaw ko matapos mahuli ang gagamba
"Woww po ateee ang galing mopo nahuli mo kaagad yung spider!" natutuwang sabi ni Skyler habang nagtatalon sa tuwa
"AHAAHAHAHAHAH yun lang ba? wala yon, your welcome kiddo"
"Ate pano mopo nagagawa yon? can you teach me how you did that?"
"Ah iyon ba? nako wala lang yon, nung nasa probinsya pakoi mas malala pa ang hinuhuli namin dyan, mga butiki, palaka, salagubang, tuko--"
"woaaaah tuko? sounds cool!, i want also to pet tukoo!" masayang masayang sabi nito
"Sige ba! isasama kita sa probinsya namin at manghuhuli tayo non" pagsangayon konaman
"Yeheeey thankyou ate your the beeest ate in the worlddd!"
11:00 pm.
Matapos naming umuwi kanina galing paaralan ni skyler ay pinaghanda kona ito ng meryenda.
Naubos nya panga ang cupcake na bi-nake ko at nagrequest na iyon daw ang babaunin nya bukas. Maagang natulog ang bata dahil narin siguro sa pagod galing eskwelahan
Samantalang ako? ewan ko hindi pa ako inaantok huhuhu
Andito nako ngayon sa kwarto ko nakahiga habang nagmumuni-muni.
Ewan koba? hindi talaga ako makatulog, parang may gusto akong gawin pero hindi ko alam kung ano iyon.
Kamusta kaya sina lola? tulog na kaya sila?
Ah! matawagan kooo nga.
Di-nayal ko na ang numero nina lola, Jusq sana naman sagutin nila ang tawag ko miss na miss kona sila ih hmppp!
"...The number you have dial is either unattended or out of coverage are, Please try again later.......tooot"
Haynako sinasabi kona nga ba e, lowbat nanaman siguro ang cellphone sa bahay at nakalimutan nanamang i-charge.
Sabi sakin ni lola ay uminom daw ako ng gatas sa gabi tuwing hindi ako makatulog.
Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng gatas, nagpasya akong sa kwarto nalang ito inumin.
Nakakatakot kasi dito walang ilaw huhu baka may mumu,
Parang may buhay ang mga paa ko at kusang umakyat sa 3rd floor, hindi ko mapigilan ang sarili na tila bang may nagsasabi saakin na puntahan ang kwarto ni sir August.
Huminto ang mga paa ko sa harap sa ng nagiisang pintuan dito sa 3rd floor. Naririnig konanaman ang mga tunog na nanggagaling sa mga makinarya na nasa loob ng kwarto.
Dahan-dahan ko itong binuksan at pumasok sa loob nito.
Agad akong tumungo sa dulong bahagi ng kwarto at pinagmasdan ang taong nakaratay dito.
Napakagandang tanawin...
Hindi ko mapigilang pagmasdan ang mukha ng kaharap ko ngayon. Maski na't wala itong malay ay batid kong biniyaan ito ng tila anghel na mukha
Gusto kong makita ang kulay ng mga mata nito. Ano kaya ang kulay nito?
"Hi siirrr! kamusta? hehe" masayang bati ko dito
wala itong tugon
"Nagtataka siguro kayo kung bakit andito nanaman ako no?"
"Hindi ako kasi makatulog ih hehe"
"magchikahan nalang tayooo"
"Alam moba sabi sakin ng lola ko, pag hindi ka daw makatulog ay may taong nagiisip sayo"
"hmmmm, sino kayang nagiisip sakin no? baka naman namimiss nako ng lola at kapatid ko"
"Oh baka naman iniisip ako ng taong pinagkautangan ko, hehe last year kopa ata yon di nababayadan"
"Oh hindi kaya, INIISIP MOKO NO? yieeeee ikaw ha crush moko" pabebeng sabi ko
ehkesheenebeperengtengenemenkenekelegeke ehehehehehh
"AAHAHAHAHAH joke lang sir, pinapatawa kolang kayo"
"Siguro nagtataka kayo no kung bakit ko kayo kinakausap e samantalang kakakilala palang natin kanina"
"Alam mo sir, ang sabi kasi ng nanay ko noong nabubuhay pa sya ay kausapin daw namin yung mga taong comatose o nasa coma"
"kasi posibleng naririnig nyo rin kami"
"ikaw ba sir? naririnig mobako? sige nga kung naririnig moko ahmmmm
DUMILAT KAA!!"
"just kidding, wag po muna kayong didilat hindi ako prepared"
"Alam nyo poba sir, na coma din ang papa ko bago siya ma deds"
"Kinakausap korin poyon, kasi umaasa akong gigising siya uli at makakasama namin" nagsisimula nang magtubig ang mga mata ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon
"Pero h--indi na siguro talaga kay--a ni P--apa, dahil sumuko nasya at tuluyan nang naw--alan ng buhay" hindi kona napigilan ang luha ko at tuluyang humagulgol
"Kaya kayo po sir, magpakatatag kayo wag kayong susuko at patuloy na lumaban"
"Kasi marami pakong chismis na ichichika sayo"
"Pero mas magiging masaya ang pamilya nyo kapag gumising nakayo dyan,"
"tulo laway papo kayo matulog oh AAHAHAHAHAH" pabiro kong sabi
"Ahmmm sige napo sir, gabi narin matutulog napo ako"
"matulog nadin po kayo"
Pagkatapos kong makausap si sir august, kahit ako lang naman ang nagsasalita
ay parang biglang gumaan ang loob ko't biglang inantok.
Para ba itong may mahikang dala na nagpapakalma sa pusot isipan ko.