Chapter 6

1002 Words
Pauwi nakami galing palengke, halos hindi na makagalaw ang mga sasakyan sa sobrang traffic. 7:00 ng umaga kami umalis, nakauwi kami mga 9:00 na. Sobrang dami din kasing tao ang namimili, natagalan kami sa pagpila sa cashier jusq antagal naming tumayo don ni Sita. Bat ba kase kailangang nakatayo pag pumipila? pwede namang magbigay ng upuan diba, kaloka sila Hindi ko narin naihatid si Skyler sa school dahil nga 9:00 na kami nakauwi ng mansion. 8:00 panaman ng umaga ang pasok kaya di na talaga ko nakahabol. Pero sabi naman ni Aling Tessa sila Maam at Sir nalang daw muna ang maghatid sa anak nila, Kami nalang daw ang sumundo ni Mang Jimbs mamayang hapon. Dahil wala nanaman akong gagawin ay dinilagan konalang ang mga halaman sa garden nina Maam. Naalala ko kasi lagi si Lola pag nakakakita ako ng halaman, sabay kasi kami nitong nagtatanim at nagdidilig nung nasa probinsya pa ako noon. "Iraa, tara na, samahan mona kami kumain dito sa hapag" pag aaya ni Aling Tesa "Oo nga po ate, tara na masarap po ang ulam sinigang!" masayang masayang sabi ni Sita "Opo, andyaan napoo!" sagot konaman Salo salo kaming kumain ng iba pang mga kasambahay sa Hapag kainan, nagkwentuhan, at nagtawanan. Sobrang gandang makisama ng mga tao dito, kahit hindi ko sila ka-ano ano ay nagtuturingan kaming parang magpapamilya. Kamusta na kaya sila lola sa probinsya? Masarap din kaya ang ulam nila? Busog kaya sila sa mga oras na ito? Mas masaya siguro kung kasama ko sila dito. Pagkatapos naming lahat kumain ay iniligpit kona ang mga plato sa lamesa. Si sita nadaw at ang nanay nya ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Muntik konang makalimutan hindi ko papala nalilinis ang kwarto ni Sir August "Aling Tessa, pwede kopobang matanong saan nyopo nailagay yung mop at basahan kanina?" pagtatanong ko "Ah yun ba...nasa may cabinet na brown iha, " sagot nito "yoooowwn! salaamat pooo" Pagkatapos kong kuhanin ang mga gamit ay agad nakong pumunta sa kwarto ni sir August. Pagkapasok kodon ay tanging tunog lamang na nanggagaling sa makina ang naririnig ko. Napaka tahimik. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, tila pati puso ko ay nagwawala sa loob ng ribcage ko. Sobrang bilis ng pagtibok nito, sumasakit din ang tiyan ko, parang natatae ata ako. Ano banaman yan, baka mamaya matae pako sa salawal, wrong timing naman tong tae na to oh! Pumunta nako sa dulong bahagi ng kwarto Atsaka ko pinagmasdan ang taong nakaratay dito. "makakapal na kilay..." "...mahahabang pilikmata" .....matangos na ilong" ".....mapupulang labi" "....at mapusyaw na balat" ang gwapo. "Aaccckkkk-- hooy hindi kita tinititigan haaaa!" kinakabahang sambit ko "pramis,peksman,cross my heart! mamatay man yung chismosa naming kapit bahay" sabay taas kopa sa kanan kong kamay na parang nanunumpa. Ira umaayos kanga para kang nasisiraan ng ulo nakakakita kalang ng pogi, nagwawala na buong pagkatao mo. Hindi ako napopogian sakanya ha, nacutan lang ako no. tsaka sinong may sabing pogi yan? hindi siya pogi no! sobrang pogi lang hehe xd. "Pero seryoso nanga, Ako si Ira baby sitter ng kapatid mo," "Hindi mobako kilala?...." "....ako den di kita kilala" "AHAHAAHAHAH joke lang eto naman di mabiro" "bukod pala sa pagbabantay sa kapatid mo ako narin ang maglilinis ng kwarto mo araw araw" "Ang sabi kasi sakin ng mama mo-- I mean ni Maam Emily eh gusto modaw ng palaging malinis ang kwarto mo" "Eheem eheeemm....." bahagyang pagubo ko "pormal kong pinapakilala sa iyo ang aking sarili, Ako si Ira Santos dalawang pu't taong gulang sa english ay 20" "Baka kasi di ka nakakaintindi ng tagalog kaya trinaslate kona para sayo eh," "Pumasok ako sa trabahong to kasi gusto ko makatulong sa lola ko, at para nadin syempre maipagpatuloy ang pagaaral ko sa kolehiyo" "May 1, 2001 ang birthday ko, color white naman ang favorite color ko. 5'5 ang height ko, palagi akong with honors nung elementary at highschool." "Ang mga paborito kong pagkain ay Sinigang, Sisig, Adobong pusit, Lechon, Pritong manok-- ay joke lang wala pala kong pinipili, lahat kinakain ko" "Ako yung palaging most behave sa klase" "Ako den yung naglilista palagi nang noisy at standing sa board" "Ako den yung tumae sa CR ng school namin na hindi lumubog--" Ano ba yang mga pinagsasabi mo Ira, ambaboy mo! "Hoooy secret lang yon ha shhh kalang ha wag ka maingay" "binuhusan konaman talaga yung tae ko e kaso yung inodoro talaga ang may problema, ayaw nyang lumubog, may sira na talaga yung inodoro" "kasalanan talaga yon ng mga treasurer sa room namin e," " imbis na ipanggawa ng inodoro ang mga nakokolekta nilang fund sa mga estudyante ay kinukupit pa nila ito at ipinangbibili ng palamig sa canteen" haist ang daldal ko pati elem days naikwento kona sakanya. wala talagang preno bunganga mo Ira. "Pasensya kana sakin sir August mas inuna kopang makipagchismisan sa inyo kesa maglinis ng kwarto nyo" Aaminin kona medjo chismosa kase talaga ako, pero slight lang naman "Maglilinis napo muna ko sir, dyan lang kayo ha, wag kayo gagalaw" As if naman na gagalaw sya, e nacoma nga yung tao. ang bobo mo talaga Ira kahit kelan. Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kinakausap si sir August kahit in coma sya no? Ako din e nagtataka sa sarili ko AHAHAAHAHAHAHAHjk Ganon kasi ang sabi sakin ni mama, noong mga panahong nabubuhay pa sya. Si papa din kasi bago sya mawala ay nacoma muna sya. Sabi sakin ni mama ay palagi daw nating kausapin ang mga taong commatose, kasi malaki ang chance na naririnig nila tayo. Nang pumasok ako sa silid na ito ay pawang katahimikan at puro tunog lang ng makina lang ang naririnig ko. Atsaka mukhang kailangan din ni sir August ng kausap, magpapaalala sakanya na kaya nya, At wag susukong lumaban. Dahil may mga taong naghihintay magising sya. Pagkatapos kong maglinis ay agad naman akong nagpaalam kay sir August. "Pano bayan boss, bukas nalang po ulit magchichimisan tayo uli nonstop" "Sa ngayon kailangan kopo munang sunduin ang kapatid nyo" "Wag kang susuko haaa, madaming naghihintay sayong magising ka lavaarrrrn!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD