Chapter 5

1048 Words
Hindi parin mawaglit sa isipan ko ang nakita ko kanina sa 3rd floor. Bakit may mga kagamitan na pang hospital sa kwarto na iyon? At bakit walang malay si Sir August? Ano kayang nangyari sakanya--? Naputol ang pagiisip konang biglang nagsalita si Aling Tessa, nasa may garahe napala kami ng mansion at ibinibilin nya ang mga dapat naming bilhin ni Sita. Si Sita ay isa ring kasambahay dito, kani kanina kolang din sya nakilala, mabait ito at masipag na bata. Sa palagay ko ay nasa edad na labing apat o labing lima ito. Sa mura nyang edad ay mas pinili nanyang magtrabaho at tumulong sa kanyang ina, sa pagkakatanda ko ay anak sya ng isang kasambahay din dito. Naikwento nyarin sakin na matagal nang nagtatrabaho ang nanay nya dito sa mansion, pinagbubuntis palang sya ay nagsisilbi na ang ina bilang kasambahay dito, kaya dito narin sa mansion lumaki si Sita. "---Wag nyo ring kakalimutan ang mga prutas ha, isa ito sa mga pinapabili ni Maam Emily para pampalakas ng resistenstya" pagpapalala ni Aling Tessa "Opo, Aling Tessa bibilhin po namin, lahat ng nakalista dito at walang kakalimutan" sagot konaman "Kaya wag nakayong mag alala Aling Tessa relax kalang chill, kami na ang bahala sa mga bibilhin " pabirong sabi ni Sita "sige kayo aling Tessa pagnastress kayo, masisira ang beauty nyo!" dagdag kopa "oo nga po aling tessa, baka mapangitan na sainyo si mang jimbs AHAAHAHAAHH--" hindi kona pinatapos ang sinasabi ni Sita at tinakpan ko ang bibig nito pasaway na bata talaga, puro kalokohan ang alam bigla namang sumagot si mang jimbs na kanina pa pala nakikinig samin. "Ewan kodin ba kung bakit ako nainlove dyan kay tessa.." "...siguro kinulam ako nyan" pagkatapos itong sabihin ni mang jimbs ay humagalpak ito sa tawa AAHAHAHAHAHAHAH grabe pala maglaitan mga tao dito Hindi naman nagpatalo si Aling tessa at sumabat uli "Aba nagsalita si jutay--" Hindi pinatapos ni mang jimb ang sinasabi ng asawa at biglang tinakpan ang bibig "Aheheh... tara nanga mga bata anong oras na oh, ito talagang misis ko na maganda, kung ano anong sinasabi pag galit" nahihiya nitong sabi AAHAHAHAAHAH yare, napikon ata si Aling Tessa ah "Haynako kayong mga bata kayo talaga, pati ikaw narin Jimbo bagay kayo magsama parehas magaling sa kalokohan!" naiiritang sabi nito "joke lang honeybabes babylove ng bUh4Y kU3, alam monamang mahal na mahal kita," panlalambing ni mang jimbo sa asawa jusq po, hindi ba sila dinadiabetes sa sobrang katamisan? jk "Ah aling tessa aalis napo kami para po makauwi din ng maaga" sabat konaman "o sya sige magiingat kayo ha, at wag puro kalokohan" pagbabanta nito "YES MAAM!" Nakasakay na kami ni Sita sa sasakyan, si mang jimbs ang nagmamaneho nito. Sa isang supermarket ata kami bibili, oh pak taray! sosyalin talaga sina Mr and Mrs Dawson. Kami nga sa palengke lang kami bumibili noon ni lola. Palagi pakong natatawag na maganda't sexy ng mga tindera't tindero sa palengke noon. 'ganda bili kana nitong galunggong sengkwenta lang' 'sexy bili kana ng paninda kong hipon oh, kasing sexy mo' 'ganda ito tilapia bumili kana' 'ganda ito oh bangus bili kana, parehas kayo maganda..', Noon akala ko totoo talagang maganda't sexy ako, yun pala pinapabili lang ako ng mga paninda nilang tilapia't bangus. Nabudol ako don teh Buset hinalintulad pako sa lamang dagat, bakit mukha bakong isda? Ay oo nga pala may itatanong ako kay Sita, kanina pato bumabagabag sa isipan ko e, di kona keri pigilan. Well may pagka chismosa kasi me, slight. hooi slight lang ha. "Sita, bakit ganon? anong nangyari sa panganay na anak nina Mr and Mrs dawson? bakit wala syang malay?" takang takang tanong ko. "Ah yon ba ate? Si kuya August yon panganay na anak nina maam and sir, Dati nung hindi pasya na co-coma ay palagi kaming naglalaro non" "Sobrang bait non ni kuya August, tinuring nya kong kapatid at pamilya kahit na hindi naman kami magkadugo, palagi nya nga kong binibilhan ng laruang manika noon e" pagmamalaki nya dito. "Pero isang araw naaksidente si kuya, Papasok na ata sya sa trabaho ng mangyari yon. Nawalan daw ng preno ang sasakyang minamaneho nya sabi ni nanay at nahulog ito sa bangin" biglang naging malungkot ang tono ng boses ni sita "Trabaho? nagtatrabaho na si Sir August?" nagtatakang tanong ko "Opo ate, siya ang may ari ng Dawson Inc., sa edad na bente-kwatro ay nakapagpatayo na siya ng sarili nyang kompanya dito sa pilipinas pati narin sa ibat ibang bahagi ng bansa" grabe, halos apat na taon lang ang agwat namin, pero samantalang sya ay may sarili ng pinapatakbong kompanya? ibang level ata ang katalinuhan ng panganay na anak nina Mr and Mrs Dawson. "Halos Dalawang taon nasyang commatose ate, sabi sabi ng iba, wala nadaw pagasang magising si kuya August pero hindi parin sumusuko sina Mr and Mrs Dawson" "Umaasa sila na magigising at makakasama parin nila ang anak" Oh diyos ko, natigil nalang bigla ang buhay nya sa isang iglap, kawawa ang mga taong umaasang magising sya. "Nagpasya sina Mr and Mrs Dawson na sa bahay nalang nila i-confined si kuya August, tutal isang professional na Doktor at Doktara naman sila" Isang doktor at doktora pala sina Mr and Mrs Dawson? Kaya pala andaming mga kagamitan na pangdoctor sa mansion nila "Hanggang ngayon umaasa parin ang magasawa na magigising ang panganay nilang anak, malaking kawalan si kuya August ate. Mahal na mahal siya ni Mr and Mrs Dawson" Maski ako ay nalulungkot, hindi ko alam kung bakit bakit ko ito nararamdaman? samantalang hindi naman kami magkakilala, nabubuang na ata ako "Paano yan Sita? Sino na ang nagpapatakbo ng kompanya habang commatose si Sir August?" tanong ko dito "Sina Mr at Mrs Dawson ang nagpapatakbo nito ate, kaya hindi narin sila magkaundagaga sa dami ng gagawin" "Minsan nalang nila maaaikaso ang bunsong anak na si Skyker kaya kumuha sila ng magbabantay at mag aalaga dito. Kaya kinuha ka nila Ate" "Pati si Skyler ate, naapektuhan kasi sila ang pinakaclose ni kuya August, palagi syang umiiyak gabi gabi naririnig ko iyon" Hindi ko maiwasang malungkot, Naranasan konadin ang mawalan ng mahal sa buhay, Ang papa ko ay matagal din nacoma sa ospital bago sya nawalan ng buhay. Ayoko na uling makitang may tao nanamang maglukluksa... Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapigilan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD