Chapter 4

1333 Words
Ira POV "Im sorry Ira sweety sa ginawa ko kanina Im just too excited to meet you, " paghingi ng pasenya ni maam sa ginawa nya kanina, grabe ha sumakit yung likod kodon pasalamat ka maam maganda ka hehe "nako po okay lang poyon maam! ako din po masayang masayang makilala kayo ni sir!" masayang sambit ko. "So back to what im saying iha, youre going to baby sit my son" sabi ni sir "Ah opo sir! ako napo ang bahala sa anak nyo!" pagmamalaking sambit ko "Actually my son is 8 years old He's name si Skyler and I think kaya monaman syang i handle mabait at masunurin syang bata" dugtong ni sir Zachary "Your Job is to babysit my son bantayan mosya, ikaw ang maghahatid at magsusundo sakanya sa school," sambit ni sir Zachary "Pero dont worry Ira sweety, ipag dadrive naman kayo ni Mang Jimbo papunta at pauwi galing school" dugtong naman ni maam Emily "Since hindi namin ito magawa dahil nga sa trabaho, I hope the two of you can get along well."dagdag pa nito. Nakopo sana ay kasing bait ng kapatid kona si skyler ang i-baby sit ko "Ay aba opo maam and sir, ako napo ang bahala sa anak nyo, sa tingin kodin naman po ay magkakasundo kami agad" "And one more thing Ira...…" mahinang sabi ni maam Emily "...Pwede bang ikaw narin ang maglinis ng kwarto ng Panganay kona si August?, kada umaga linisin mo ito, ayaw kasi non ng madumi " Sa pagkakabanggit ni maam sa panganay nyang anak ay parang may lungkot sa mga mata nito. Hindi ko maintindihan ang emosyon na nakikita ko sa mata nya pero sigurado akong parang naluluha sya. Ano kayang meron sa panganay nyang anak? Yung kaninang masiyahin na maam emily na nakilala ko parang biglang naging malungkot " Ehem excuse me, Ira Iha ihahatid kani Manang Tessa sa kwarto mo, kumain kana at magpahinga, just feel at home bukas ang simula ng trabaho mo" Naputol ang pagiisip isip ko nang muling nagsalita si Sir Zachary at binasag ang katahimikan Imahinasyon kolang bato? bakit parang parehas naging malungkot ang ekspresyon ng mag asawa "And also your salary is 20,000 a month is that okay with you?" sabi ni sir zachary "Po? pero po hindi poba masyadong malaki yon para sa pagbe-baby sit lang" gulat na sabi "no more buts, magpahinga kana iha see you tomorrow lets call it a day" Ay pak! Pak na Pak Sino banamang di tatanggi sa sahod na ito? Sosyalin talaga sina maam and sir ang taas magbigay ng sweldo Diyos ko! Salamat lord! Hindi lang ako makakatulong kila lola, makakapgipon nadin ako para sa pagaaral ko ng kolehiyo, maipagpapatuloy konadin ito. "Thankyou po maam, sir" masayang sambit ko "Ira tara na ihahatid na kita sa kwarto mo" sabi sakin ni Aling Tessa Pumunta kami ni Aling tessa sa isa sa mga kwarto dito sa bahay grabehan naman tong kwarto nila para sa mga katulong ang laki tapos ang ganda. Hindi kopa kasi nararanasan na magkaron ng sariling kwarto simula nung bata pako dahil tabi tabi lang kami nila lola at kaleb sa isang kama non. Grabe yayamanin talaga sina maam and sir. "Ira iha bukas gumising ka ng maaga, samahan mo si Sita mamalengke ng mga pagkain at ulam para dito sa bahay, nauubos nakasi ang mga stock dito" saad ni Aling tessa. "Ay opo Aling Tessa maaga po talaga ko nagigising at tsaka ang sabi din ni maam lilinisin kodaw po yung kwarto nung isa nyang anak" sagot konaman dito "Magiingat ka sa paglilinis ng kwarto ni Sir August ha, wag kang masyadong maingay" pagpapaalala naman nito "ay AHAAHAHAH nako po para namang sinabi nyong napakaingay ko aling Tessa PROMISE PO HINDI NAKO MAGIINGAAAY!" pasigaw na sabi ko "ikaw talagang bata ka oo, sabi mo hindi ka magiingay, e kakasigaw mongalang" natatawang sambit ni Aling tessa agad naman akong napatakip sa bibig ko pagkatapos marinig ang sinabi ni aling tessa Ay! ang bobo mo talaga Ira kahit kailan ka hindi kana natuto, hanggang pagtanda bobo moparen "hehe...pasensya napo Aling tessa masyado lang po akong excited para bukas" "Ay sya ngapala aling tessa matanong kolang sino yung panganay na anak nina maam and sir--" hindi kopa tapos ang sinasabi ko ng pinutol ito ni Aling Tessa. "Wag kanang makulit iha matulog kana at anong oras nadin, maaga pa ang trabaho bukas" sabi nito "Pasensya napo Aling tesa eto nanga pot mahigiga na, Salamat po sa paghatid sakin dito aling Tessa" "Walang anuman, osya sige na at matulog kana, magandang gabi sayo" "Goodnight din poo!" pagkatapos nito ay umalis nasya at isinara ang pinto Hayy kamusta kaya sila lola at kaleb? ito ang unang gabing matutulog ako ng di sila katabi, magisa. KINABUKASAN alasingko y medya Ira's POV Maaga akong gumising kinabukasan, ewan koba hindi ata ako makatulog sa kaba dahil ito rin ang unang araw ko sa trabaho. Ayokong biguin sina maam and sir, kaya lavaarrnnn Pagkabangon ko ay agad akong nag ayos ng sarili, pumunta sa banyo naligo at nagsipilyo syempree dzaai kailangan fresh tayo bago magtrabaho hihi Tulog pa ata sila Aling Teressa at ibang tao sa bahay, ako palang yung gising, haist mga mahihinang nilalang chos. Naglakad lakad muna ko sa veranda since wala panaman akong masyadong gagawin, wuhooooo! ansarap ng simoy ng hangin. Halos may apat na palapag ang mansion nina Mr and Mrs Dawson, nasa 4th floor ata ang rooftop nasa baba ang mga maid rooms, actually hindi lang kami ni Aling Tessa ang kasambahay dito madami pa, hindi kopalang sila nakakausap dahil nga kakarating kopalang kahapon. Pero sana ay magkasundo kaming lahat para happy lang. Malaki din ang sala at kusina nito. Pangmayaman talaga, may sari-sarili ding CR ang bawat kwarto pati narin ang maid rooms. At ito pa bongga, tig isa isa kami ng kwarto. Oh diba! Hindi pako nakakarating sa ikalawa, ikatlo, at ikaapat palapag pero ang alam ko ay sa ikatatlo na palapag doon ang lilinisin kong kwarto. Nakakahiya naman kasi kung pupunta ko agad dito ng walang pahintulot, enebe im shy type kasi AHAHAAHAHAHcharot. Pero bakit naman hindi? hihi wala panaman akong gagawin atsaka gusto kodin malibot ang buong masion, at isa pa ako palang naman ang gising dito. atsaka sisilip lang naman ako diba? Pero masama yun! baka sabihin chismosa ako Eeeeeh-- sisilip lang naman one lang hihi Pero baka nga isipin nila chismosa ako-- "Ah! oo na ito na sisilip lang naman ako e" ay oo nga pala! sabi ni maam Emily kagahapon, lilinisin ko yung kwarto ng panganay nyang anak, ang pagkakaalam ko nasa ,3rd floor yon diba? Tama, dun nalang ako pupunta at maglilinis para naman wala nakong gagawin mamaya, may bonus tour masisilip kopa ang 3rd floor. Hayss ang talino mo talaga Ira, The best ka! Nagdala nako ng mga panlinis, mop, basahan, walis at kung ano ano pa. Umakyat nako sa taas dala dala ang mga panlinis. Wuhooo grabe ang bigat pala nito, Sa wakas nandito narin ako 3rd floor Ha? bakit isa lang ang pintuan dito? ineexpect kopanaman na marami akong makikitang kwarto dito. Haay hayaan mona atleast diba Hindi nako malilito kung ano ba talagang kwarto ang lilinisan ko. Dinala kona ang mga panlinis at binuksan ang nagiisang pintuan dito sa 3rd Floor. Bakit ganto? bakit andaming makina? na pangospital? bakit may mga aparato? Sa dulo ng kwarto may higaan nakahiga ang isang tao, ospital ba ito? bakit may paseyente dito? "Ira, Ira asan ka? halinat mamalengke na tayo" natigil ang pagiisip konang biglang sumulpot si Aling Tessa sa likod ko at isinarado ang pintuan. "mamaya kana maglinis sa kwarto ni sir August, samahan mo muna si Sita mamalengke" sabi ni Aling Tessa August? kung gayon August pala ang pangalan nya. Pero teka, hindi konaman alam na nakaratay at walang malay ang panganay na anak nina Mr and Mrs Dawson. Kaya pala ganon nalang ang lungkot sakanilang mata ng masama sa usapan ang panganay nilang anak. Ano nga ba talagang nangyari kay sir august?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD