Belle
Pagkatapos kong ihanda ang paagkain ng apat kong amo ay tumalikod na ko agad sa kanila. Ayaw ko kasi na mag-stay pa sa tabi nila dahil nakakaramdam ako ng pagkailang sa hindi ko malaman na dahilan. Tsk.
Sa tingin ko ay kasalan na naman ni Zaick ang nangyayari sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay naging ilag na ko sa mga lalake dahil sa kanya.
"Sandali, Belle. Hindi ka ba kakain ng almusal kasabay namin?"
Napabuntong hininga ako ng malalim dahil nakakailang hakbang pa lang ako ay pinigilan na ko ni Leigh.
Muli akong humarap sa kanila at walang alinlangan na umiling.
"No, thanks. Mamaya na ko kakain kapag nakaalis na kayo." Pinili kong panatilihin ang aking paningin kay Leigh.
Kahit magbago pa siguro ang isipan ko at sumabay
akong kumain sa kanila ay hindi rin ako makakampante sa inuupuan ko. Kahit hindi ako nakatingin sa direksyon ng taong 'yon ay nararamdaman ko pa rin ang masamang titig ng Rex na 'yon.
Tss. It's better to not get involved with these people.
"Belle, good morning. Come and eat with us."
Natigilan ako sa pag-atras at pagtalikod sa mga kausap ko kanina. Tumingala ako at bumungad sa akin ang bagong gising na mukha ni Denver.
Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok habang nakatingin sa akin ang naantok pa niyang mga mata.
Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Pakiramdam ko ay mas'yado akong napapatingin sa mga mata niya.
"Okay."
Naunwaan ko na lang ang sinagot ko sa kanya nang tuluyan na kong nakaupo sa tabi ni Leigh at Keigh. Nasa harapan naman namin nakaupo sina Denver at Rex.
"Ah, I'm sorry. Hindi ako dapat kumakain ngayon dahil para sa inyo lang ang mga pagkain na hinanda ko." Napakamot ako sa aking ulo.
Pakiramdam ko ay kakainin na ko ng lupa sa kinauupuan ko sa sobrang pagkailang. May hawak akong kutsara at tinidor. Nasa harapan ko rin ang plato ko, pero hindi ko magawang kanin at ulam dahil alam ko na wala namang sobra sa niluto ko.
Tsk. Kung sinabi nila kaagad na sasabay ako sa pagkain nila ay dapat sinobrahan ko na ang pagkain. Babawasan kaya nila ang suweldo ko kapag kumain ako ng pagkain na para sa kanila? Tsk.
"Its okay, Belle. Bawal sa amin ang kumain ng marami. You can get some of my share." Nginitian ako ni Leigh bago niya nilagyan ng hatdog at scrumbled egg ang plato ko. Siya na rin ang naglagay ng kanin sa akin habang ang tatlo ay nagpatuloy lang sa kanilang pagkain.
"If you want more, you can have mine too."
Hindi na ko nag-abalang tumingin sa nagsalitang si Denver at tumango na lang sa kanya.
I hate to see his eyes now. Para niya kong kinokontrol. Tss.
"So, sigurado na ba kayo na tatanggapin ninyo ang collaboration work mula sa kabilang network?"
Nanatili akong tahimik nang magsimulang mag-usap ang mga kasama ko tungkol sa trabaho nila, pero s'yempre ay nakikininig ako ng pasimple sa usapan nila lalo nang banggitin ang kabilang network.
Nasisiguro kong network ng playboy na 'yon ang tinutukoy nila.
"Oo naman, Denver. Wala naman kinalaman ang network na 'tin pagdating sa music. Everyone can do collabration when it comes to music." Uminom ng tubig si Leigh pagkatapos niyang sumubo ng hatdog.
"Leigh is right. I don't see any problem so its for me tho we all know that our manager is the one who will decide in the end if we really going to collab with him.I heard Psyche is not bad so there's no reason to say no."
Natigilan ako sa pagkain nang marinig ko ang pangalan na sinabi ni Keigh.
Hindi ko alam, pero parang nahirapan akong huminga ngayon sa kinauupuan ko. Ganito pa rin ba kalaki ang impact sa akin ng playboy na 'yon? Tss. Hindi ko tuloy maiwasan maikuyom ang dalawang kamao ko.
"Tss. Yeah, right. Hindi masama ang boses niya. Mukha lang siyang mayabang at ginagamit ang mukha niya para makahakot ng fans. Well, kung gusto ninyo talaga na makatrabaho siya ay hindi ko na kayo pipigilan. Huwag lang sana siyang maging problema."
Narinig ko ang pagtunog ng kutsara at tinidor pagkatapos magsalita ni Rex.
Naiinis ako sa lalakeng 'to, pero may tama siya sa sinabi tungkol sa sinabi niya kay Zaick. Hindi ko mapigilan mapangiti ng palihim. Kung gano'n ay hindi lang pala ako ang tao sa mundo na nakakalam ng masamang pag-uugali ng Zaick na 'yon.
"Well, may punto rin si Rex sa sinabi niya. Hindi na 'tin sigurado ay baka bigla na lang magkaproblema, pero huwag na lang na 'tin isipin ang tungkol doon. Hindi man niya seryosohin ang trabaho niya ay tayo na lang ang makikisama."
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla kong naikuyom ang dalawang kamao ko sa sinabi ni Denver. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon at para akong sasabog kung hindi ko ito mailalabas agad.
Tumayo ako at binagsak ang mga kubyertos na hawak ko. Pakiramdam ko ay hindi na rin ako sinusunod ng sarili kong katawan. Ang apat na kasama ko ay natigil sa pag-uusap at napatingin silang lahat sa direksyon ko.
"Zaick, I mean- Psyche is not the person like what you think. He is a jerk, but he never put his personal life into his work. Hindi siya ang klase ng tao na maglalaro sa gitna ng trabaho!"
Mabilis akong napatakip sa bibig ko pagkatapos kong sumigaw. Ngayon ko lang naunawaan ang nagawa ko at napakagat na lang ako sa sarili kong labi dahil sa kaba.
Tss. Bakit ba parang pinagtatanggol ko ang lalakeng 'yon sa harapan ng mga 'to? Nakakainis!
"Heh. Fan ka pala ng Psyche na 'yon?"
Lumingon ako sa direksyon ni Rex. Napangiwi ako nang makita ko ang nang-aasar niyang mukha. I can't find myself to answet him. He maybe right, but it was too long ago!
"H-Hindi ako fan ng tao na 'yon!"
"So, bakit mo siya pinagtatanggol sa harapan namin ngayon?"
"H-Hindi ko siya pinagtatanggol." Yumuko ako dahil hindi ko na kayang tagalan ang titig sa akin ni Rex.
Sa tingin ko ay may malalaman siya sa pagkatao ko kapag nagkasalubong pa ng matagal ang paningin namin.
"Then, what is the meaning of your words?"
Bumuntong hininga ako ng malalim at saka muling iniangat ang aking paningin.
"Hindi ko pinagtatanggol ang lalakeng 'yon at lalo nang hindi niya ko fan. Nagsasabi lang ako ng alan kong totoo, pero hindi ko naman na siguro obligado na ipaliwanag pa ang salita ko." Naglakad na ko palabas ng habag-kainan nang hindi tlumilingon.
"Maraming salamat sa pagkain. Babalik na ko sa kuwarto ko. Ako na ang bahala na magligpit ng pinagkainan pagkaalis ninyo."
Pagkatapos ay hindi na ko naghintay ng reply nila.
Habang naglalakad ako pabalik sa kuwarto ko ay tila may kutsilyo na namang tumutusok sa puso ko. Napabuntong hininga na lang ako ulit nang maramdaman ang pagpatak ng luha sa kanang pisngi ko.
Kailan ba ko mabubuhay na hindi inaalala ang tungkol sa lalakeng 'yon?