Belle's POV.
Dahil sa nangyari nang nakaraang araw ay wala na kong ginawa sa sarili ko kundi magmukmok at umiyak. Natural reaction lang naman siguro 'yon ng mga heartbroken, 'di ba? Kaya lang ay naunawaan ko na hindi niya deserve ang mga luha ko.
Kaya inayos ko ang aking sarili. Lumipat ako ng bahay na tinitirahan at umalis ako sa dati kong pinapasukan. Habang ginagawa ko kasi ang plano ko ay ayaw ko munang makita ang mga bagay na nakakapag-paalala ng nakaraan ko.
Nagpaikli ako ng buhay at binuhos ko ang buo kong maghapon para maghanap ng malilipatan at makapag-research ng mga gagawin kong hakbang.
Humanda ka sa 'kin, Zaick Nathan Aguillar!
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at bahagya akong napangiti nang makita ang pangalan ni Kylie sa screen ng cellphone ko.
"Hello?"
"Hello, Belle. Tumawag ulit iyong kakilala ko at ang sabi ay kung p'wede kana raw ba magsimula bukas na bukas din?"
Huminga ako ng malalim nang may biglang pumasok sa isipan ko.
"Sige. P'wede na ko bukas."
"Oh, sige. Maraming salamat. Ibaba ko na 'to."
"Sige. Bye."
Binalik ko ang aking cellphone sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan ko lang naman. Si Kylie ang tumulong sa akin para makapaghanap ng bagong trabaho kahit na nag-resign ako sa trabaho kung nasaan siya.
I felt guilty until now, but she's kind enough to forgive me easily.
By the way, ang trabaho ko lang naman ay taga-luto ng isang sikat na banda. Nakalimutan ko na kung anong pangalan ng banda nila, pero alam ko na sila ang pinakasikat na banda rito sa Pilipinas at ang agency kung nasaan sila ay ang agency na kailangan ko para sa plano.
Habang iniisip ko pa lang ang mangyayari sa plano ko ay napapangiti na ko. Ang totoo kasi niyan, ang agency nila ay isang malaking kalaban ng agency na kinabibilangan ng Zaick na 'yon.
Ayaw ko munang ipaliwanag ang lahat ng plano ko, pero tiyak ko na magtatagumpay ako kahit na ano pang mangyari.
Since gabi na naman ay naghanda na lang ako para bukas at makapag-pahinga na muna.
*
Pagkagising ko pa lang ay nagmadali na kong naligo at nag-ayos ng sarili. Sa sobrang excited ko kasi kagabi ay nakalimutan ko ng mag-alarm. Kaya ang resulta ay tinanghali tuloy ako ng gising.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagtungo na ko sa malaking salamin saka nagpulbo at naglagay ng liptint.
Ngayon ko lang napansin na med'yo namumula pa rin pala ang mata ko dahil sa kakaiyak ko nang nakaraang araw pa. Ilang araw na ba ang lumipas bago ko naunawaan ang lahat at natanggap ang sitwasyon ko? Ilang araw na ba ang lumipas mula nang malaman ko ang totoo?
Kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang taong pinagkatiwalaan ko buong buhay ko ay ang taong tingin lang pala sa akin ay alalay.
Lumabas ako ng inuupahan kong bahay dala ang isang bag na kasya lamang ang ilang damit at gamit na dinala ko. Sinabi sa 'kin ng manager na papasukan ko ay kailangan ko raw mag-stay in sa hotel na tinitirahan nila. Tumanggi man ako ay wala na kong magagawa.
Kailangan kong gawin 'to para sa pagsisimula ng paghihiganti ko. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko nang tuluyan na kong makarating sa room number ng hotel na tinutuluyan ng mga amo ko.
Si Kylie ang nag-text sa akin ng room number at ang pangalan ng hotel kagabi kaya hindi na ko mas'yadong namoblema ngayon.
Sa harapan ng room number 401 ay tumawag ako kahit na unti-onting bumangon ang kaba na nararamdaman ko.
"Ahm, may tao po ba rito?" Nasapo ko ang sarili kong noo. Hindi pala dapat ganito ang pananalita ko.
Inilibot ko ang sariling paningin sa aking paligid. Nakita ko ang doorbell sa kaliwang gilid ng pinto. Bumuntong hininga ulit ako ng malalim. Hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa alaala ko ang mga katagang binitiwan sa akin ng Zaick na 'yon.
Sa totoo lang ay hindi pa rin ako sigurado kung anong mapapala ko sa oras na magtagumpay ako sa paghihiganti na binabalak ko. Iniisip ko na lang. . . siguro ay gusto ko rin talagang ipaalam sa lalakeng 'yon na p'wede siyang bumaba sa kinabibilangan niya ngayon ano mang oras at maaari niyang maranasan ulit ang mga paghihirap niya nang nagsisimula pa lamang siya at sa pagkakataon na 'yon ay wala na siyang kasama.
Wala na ko sa tabi niya.
Pinikit ko ang aking dalawang mata. Ipinasok ko sa loob ng box ang lahat ng emosyon na pilit kumakawala sa aking kalooban at pagkatapos ay nilagyan ko ito ng kandado sa aking isipan. Iminulat ko na ang aking mata pagkatapos mapakalma ang aking sarili.
Walang alinlangan kong pinindot ang doorbell. Hindi katulad kanina ay wala na kong maramdamang kaba. Tumayo ako ng tuwid at naghintay na pagbuksan ako ng pinto. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago magkaroon ng ilaw ang tila tablet na nasa taas ng doorbell.
Ano nga ulit 'tong bagay na 'to?
"Sino 'yan?"
Napaatras ako nang makarinig ng boses mula rito, pero nakasagot din ako sa kanya agad nang maunawaan ko ang lahat.
"I am Clarabelle De Guzman. Ako po ang taga-luto ninyo ngayon. Magandang araw!" Masigla akong bumati at pagkatapos ay muling nabaling sa pintuan ang paningin ko nang unti-onti itong bumukas.
Bumungad sa akin ang dalawang lalake na may napakalawak na ngiti sa kanilang labi habang nakatingin sa direksyon ko.
"Ah, good morning. Ako po-"
Hindi ko natapos ang pananalita ko nang bigla nila kong hilahin papasok sa loob ng kanilang apartment.
"Wait! Anong ginagawa ninyo? Huwag ninyo kong kaladkarin!"
Bumilis ang t***k ng puso ko habang hila-hila pa rin nila ko.
Waah! Tama ba ang room number at apartment na napuntahan ko? Mental hospital yata ang lugar na 'to!